Share

Chapter 2

"Woah! Happy birthday, Cloud. Tanda muna," masayang bati ko dito. Habang pabiro ko pang sinuntok sa braso.

"Loko, akala ko di kana pupunta? Anong oras na e, regalo ko?" Tumatawang tanong pa niya sakin. "Tanda mona, hahanapan mo pa ko ng regalo!" Asar kopa sakanya. Pero wala talaga akong hinandang regalo.

"Bahala ka nga jan," tampong tugon pa niya. Haha, seryoso ka jan boy ah. "Pangit, di bagay umayos kanga," tinapik ko pa't sinuntok dahil nag pout pa si loko, kala mo naman bagay.

"Sa susunod na, diko nabalot 'yung brief na extra ko don," pagbibiro ko pa dito. Pero bahala na pag napunta nalang ako sa mall. Doon madami akong pagpipilian para sa kanya, di naman maarte tong si Cloud e, kahit nga brief talaga kukunin niyan.

"Siguraduhin mo lang boy," seryoso pang saad niya. "Tara na nga sa loob kumain ka muna," anyaya niya pa sakin.

Habang papasok pansin mo agad ang dami ng tao. Sabagay mayaman naman 'tong kupal na Cloud nato, private resort din 'to, kaya hindi na nakapagtataka.

"Hoy Cloud, happy birthday pare," bati ng lalaking naglalakad sa harapan namin, na sobra kung makangiti habang nakatingin sakin? Pagtatanong ko pa sa sarili. "Marvin? Woah! Pare ikaw naba 'yan? Laki ng pinagbago ah," balik na bati naman ni Cloud sa tumawag sa kanyang si Marvin.

Aalis na sana ako. Para bigyan sila ng oras dahil para silang ilang taon na di nagkita. Kulang nalang humiga sila at magkilitian dito.

Ngunit, naudlot lahat ng 'yon ng naglahad ng kamay sakin si Marvin. Habang malawak na nakangiti.

"Pare, Marvin pala," sabay lahad ng kamay sakin. "Shawn pare," sambit ko sabay abot sa kamay niyang nakalahad sakin.

"Lambot ng kamay natin pare ah?" Pilyong tanong niya pa, habang sinusulit ang pakikipagkamay sakin.

"Alagang Myra 'yan, Pare," tumatawang singit naman ni Cloud sa usapan namin.

"Ulol," pikon na sambit ko kay Cloud na tinawanan lang ako.

"Sabay ka na samin, kukunan ko lang si Shawn ng pagkain, alam mo naman 'yan daig pa ang babae," pang iinis niya sakin, pero hindi ko nalang pinansin dahil di naman totoo 'yon.

"Ganon ba pare, ako din kuhanan mo na lang din ako," pilyo nanaman niyang saad habang nakatingin sakin. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Aba, kayong dalawa nalang kumuha, sige na aalis muna ako," diretso alis na saad niya nga talaga.

"Pano ba 'yan pare, tayo nalang dalawa?" Mapag larong tanong niya pa sakin.

"Huh?" Wala sa loob na, nausal ko.

"Wala tara na nga, pakakainin kita ng masarap na di mo pa nalalasap," tumatawang anyaya niya sakin. Sabay akbay pa ng sobrang higpit na akala mo hihiwalay ako sakanya.

Naiilang man dahil sa kakaibang kilos niya, ay di ko nalang pinansin. Balewala lang naman sakin 'yon, siguro masyado lang siyang pala kaibigan.

"Ito pa pare," sabay abot nanaman sakin ni Marvin ng isang bote ng alak. Kanina lang kami nagsimula pagkatapos kumain, pero ramdam ko na ang tama ng alak sakin.

Nagtuloy tuloy pa ang inuman. Hanggang sa alam kong diko na kaya, kaya nagpaalam nako kay Cloud at sa kainuman namin.

Habang nag uusap kaming dalawa ay bigla nalang sumingit si Marvin.

"Pare uuwi kana?" Seryosong tanong niya na sakin nakatingin, "Oo pare, masyado na kasing gabi, nahihilo nadin ako di ako sanay sa alak e," natatawang paliwanag ko rito, pero seryoso parin siyang nakatingin sakin na akala mong may mali sa mga sinabi ko.

"Sige pare, ingat sa pag uwi," nakangiting tingin niya sakin sabay baling kay Marvin na sa akin parin nakatingin. "Ipapahatid nalang kita kay kuya Anton," dugtong pa niya matapos nun ay aalis na sana siya ng mag salita si Marvin.

"Wag na pare, ako na ang bahala sakanya," sabay baling kay Cloud na seryoso parin. Si Cloud naman ay abot tenga ang ngiti, napapano to? Abnormal.

"Sige-sige pare, ingat kayong dalawa ah, baka kung saan pa kayo pumunta," pagbibiro pa niya samin sabay baling sakin na nakangiti nanaman.

"Ano?" Pikon na tanong ko.

"Ingat pare," baling niya kay Marvin at binulungan pa ito ng kung ano. Hindi ko na lamang pinansin.

"Tara na," seryosong tingin niya sakin pero kalaunay ngumiti narin.

"Magkalapit lang pala tayo e, dito lang ako sa kabilang village," pagkuwento pa niya sakin. "Ahh, oo pero nakikitira lang ako jan kila tita 'yan," agarang tugon ko.

"So pano, ulitin natin to ah?" Nakangiting pagtatanong niya sakin. Tumango nalang ako kahit di ako sigurado kung makakalabas paba ko.

"Saglit pala Shawn, kunin ko sana number mo para may contact ako sayo," nabigla man ay pumayag nalang ako. Tumango nalang ulit ako at ibinigay ang phone ko.

Akala ko aalis na siya, pero binaba pa niya ang side mirror niya para makita ako, "Sige na pumasok kana," ngiting sambit pa niya sakin. "Ha? Hindi ikaw ang umalis na," tugon ko rin sa kanya.

Pero masyadong makulit ang taong 'to. Hindi pumayag habang hindi ako nakakapasok ng gate. Buntong hiningang sinunod ko nalang, hating gabi nadin naman kaya dire-diretso nakong pumasok sa loob ng gate.

Saktong pagkapasok ko ang pag andar ng makina ng sasakyan ni Marvin. "Goodnight pare," hiyaw pa niya sabay busina ng sasakyan.

Diko nalang pinansin dahil dumiretso alis nadin naman siya.

"Manang Divie!" Katamtamang hiyaw ko na alam kong maririnig nila sa loob ng bahay.

Ang sakit sa ulo, Hindi ako sanay mag inom lalo na at sakin lagi ang tagay, wala naman akong choice kaya tanggap lang ako ng tanggap.

Wala pa ata akong limang oras sa party pero ito kulang nalang mahiga ako dahil sa kalasingan at hilo. Pero kaya ko naman. Nakaya ko nga na walang magulang e.

"Manang Divie, manang hello may nakakarinig ba?" Medjo malakas na tanong ko, dahil kanina pako dito pero hindi parin lumalabas si manang.

Katok parin ako ng katok sa pintuan dahil wala naman akong extrang susi sa bahay. Hindi naman kasi ko pala labas kaya hindi ko kailangan ng susi, pero hindi ko din alam na ganito pala matulog si manang, tulog mantika.

Ilang sandali pa. May naririnig akong pababa sa hagdanan. Kaya mas nilakasan ko pa ang katok sa pintuan, "Manang ikaw na ba yan? Pasuyo naman po pabukas ng pinto, kanina pa po ako dito eh," sambit ko dahil sa lakas ng epekto ng alak sa akin. Kaya marahil tuloy tuloy na ang sinasabi ko.

Nang mabuksan na ang pinto.

Nahihilo man ay alam kong di si manang ito, kailan pa naging si manang si Branden? Tawa kopa sa isip ko. Habang nakikita ang masasamang tingin sakin ng nasa harap ko.

"Ang lakas din ng loob mong tarantado ka," tiim bagang na aniya pa sakin. "Ano, ganyan kaba pinalaki ng magulang ko? Uuwi ka pag gusto mo!" Galit na hiyaw niya sakin, hindi pa nakontento at hinala't kinuwelyuhan pako.

Akala ko tapos na, pero hindi pa pala dahil matapos niya kong hilahin pakaladkad sa hagdan. Sinuntok na niya ko sa mukha.

"Ano tarantado! Tumayo ka nga jan, mag suntukan tayo," sabay sipa pa sakin, nang hindi ako tumayo.

Kailan nga bako lumaban sakanya? Wala pa, hindi ko siya pinapatulan dahil may respeto ko kila tita. Dahil sila ang bumuhay sakin, kaya parang sa kanila nadin ang buhay ko.

Nang hindi ako sumagot nakatanggap nanaman ako ng suntok.

Ilang suntok pa ang natanggap ko bago niya ko talikuran. Pero bago niya gawin 'yon. Sumagot ako sa sakanya, dahil kating kati na ang dila ko na magsalita.

"Nagsasawa kadin pala? Akala ko papatayin mo nako," hiyaw ko pa habang umiiyak na nakatingin sa kanya. "Wala naman akong ginawa saiyo ah, kulang nalang lumpuhin moko!" Garalgal na hiyaw ko dito dahil nilalamon nako ng kalasingan ko.

"Ano nagsawa kana? Kung hindi pa osige gawin mo nalang akong laruan mo! Para masaya kana!" Galit na hiyaw ko pa habang patuloy na umiiyak. Marahil dahil sa alak kaya nadadala ko sa emosyon ng pangyayari.

"Ano gawin mo nalang akong laruan mo! Total lagi mo nalang ako ginaganito diba? Edi ngayon may rason na bat gagawin moto!" Galit na tinitigan ko siya habang nakatingin din siya sakin. Tiim bagang at naglilisik na ang mga tingin niya na ilang salita pa at siguradong titilapon ako sa harapan niya.

Nakatingin lang siya sakin. Kalaunay bigla nalang itong tumawa na nagpakilabot sa akin. Habang tumatawa ay bigla nalang siyang lumapit saakin, "That fucking nice. Let's have a deal. Akin nayang katawan mo, akin lang dapat! Dahil ipararanas ko sayo ang kalupitan ng mundo," sabay lapit sa tenga ko habang dahan dahang sinasabi ang salitang 'kalupitan ng mundo' ng magtama ang aming mga mata pilyo siyang ngumiti habang matalim parin na nakatingin sa akin.

Nanginginig ang mga tuhod ko gusto ko ng bumigay. Naiilang ako sa kanya lalo na at ang lapit lapit namin sa isa't isa. Hindi ako mapakali gusto ko siyang itulak palayo sakin dahil ibang kilabot ang dating sakin ng mga ngiti niya.

Natatakot man ay lakas loob parin akong sumagot sakanya, "K-Kung 'yan ang ikatatahimik ng mundo mo. Papayag ako," saad ko habang nanginginig, wala na hindi kona mababawi pa.

Ano bang nangyayari sakin? Para akong hindi lalaki pag malapit na siya sakin. Umuurong ang mga laman ko pag nakikita ko siya. Marahil masyado akong nadala sa mga panakot niya sakin simula sa paglaki panay panunumbat na ang natatanggap ko sa kaniya.

Pero sisiguraduhin ko, sa larong ito...

Alin man sa aming dalawa ang mananalo. Siya o mabibigo ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status