Share

Chapter 7

Minsan naiinis tayo sa sarili natin dahil tayo mismo ang humahadlang sa ano mang nararamdaman natin, kaya humahantong tayo sa point na nag sisi tayo dahil imbes na sumugal tayo sa nararamdaman natin, kahit na mali ito ay hinahayaan nalang natin.

Dahil pakiramdam natin ang damot ng tadhana, dahil ang kaligayahang hinihingi natin ay pinagdadamot pa niya.

Marahil takot tayong tanggapin kung anong tunay natin na pagkatao, dahil na din sa lipunan nating mapanghusga at sa pamilya natin na ayaw nating ma-disappoint.

Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kelan natin pipigilan na lumigaya?

Sa lahat ng tanong na 'yan, tanging sarili lang natin ang makakasagot.

Mabuti pa ang iba, nagagawa nilang magmahal na walang pinagbabawal. Walang tinatago at higit sa lahat magagawa nilang ialay ng buo ang kanilang pagmamahal at pagkatao sa isang tao, na nagmamahal sa kanila..

Buti pa sila, hindi nila nararanasan kutyain at husgahan ng mga tao dahil sa pagmamahalan nila.

Sabi nga nila 'Falling In Love Might Be An Accident But Never Be A Mistake'.

Pero bakit ganun..

Bakit mali na mag mahal? Lalo na kung parehas kayo ng kasarian?

Mali nga siguro.. dahil nagmahal tayo ng hindi naman dapat.

Pero mas mali sigurong mag mahal kung panay panghuhusga lang ang natatanggap.

Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal kahit na sa iba.. ito ay kasalanan?

Pero hindi naman natin kasalanan na sa maling kasarian tayo nagmahal.

Dahil 'Love Is Never A Mistake'.

---

Iyak ako ng iyak hindi dahil nalilito parin ako, umiiyak ako dahil kahit na baliktarin man ang mundo hindi magiging kami, dahil sa mata ng lahat walang magtatagal na magkarelasyon kung parehas kayo ng kasarian.

Masakit man isipin pero kailangan natin tanggapin..

Ilang minuto pa ang nagdaan at nakatulog nadin ako.

Pero bakit nga naman kasi ang daya? Bakit may na-iinlove sa kapwa nila na hindi naman pala tama? Hindi tama na magkaroon ng relasyon ang lalaki sa lalaki?

Pero, bakit nangyayare? Bakit madaming sumusuway? Bakit madaming nakakaramdam? At bakit.. bakit sila lang ang puwedeng mag mahal.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Nag alarm talaga ako dahil hindi pako nakakapag impake ng gamit ko.

Ayoko naman mag pa importante sakanila na hihintayin pa nila ko na mag impake.

Habang inaayos ang mga damit ko ay iniisip ko parin ang nangyari kinagabihan.

Ang daming 'what if' na pumapasok sa kaisipan ko.

What if pwede naman pala magmahal ng katulad mo?

What if tanggap ka ng pamilya mo, nang lipunan na ginagalawan mo?

What if wala naman palang hahadlang sa relasyon ninyo kahit na bawal ito?

Ang daming what if sakin pero hanggang dun nalang 'yon. Hanggang what if nalang tayo. Dahil walang kasiguraduhan ang mundo habang may nakikita ang isang tao na mali huhusgahan niya ito na hindi inaalam kung bakit.

Kung bakit sila nagmamahalan, kahit bawal?

Bakit humantong sila sa puntong mahal na nila ang isa't isa.

Naiinis man sa mga iniisip ko, wala nakong magagawa dahil lahat ng 'yon ay totoo.

Totoo na kahit kailan hindi na mababago.

Kung pwede lang sana kahit minsan pag bigyan naman kami, pagbigyan kami na magmahal kahit bawal.

'Kahapon pako umiiyak hanggang ngayon pa naman, tama na. Ayoko na. Kung makaarte ako akala mo naman may relasyon na kami ni kuya,' saad ko sa sarili.

Natatawa nalang ako sa sarili ko dahil ang advance ko nga naman diba?

Pano kung ako lang pala ang nagmamahal tapos, hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sakin, edi ako lang ang kawawa.

Kaya siguro hanggang maaga iwasan kona siya.

Iwasan kona siya para hindi na lumala pa.

Ayoko ng ganito ayoko ng ganitong pakiramdam na parang pinapatay ka.

Bakit kasi sakanya pa. Bakit? Please somebody answer it.

Natapos at natapos akong mag ayos ay hindi parin ako tapos umiyak.

Hindi na mabuti para sakin to. Hanggang hindi pa sobrang lalim iiwas nako. Hanggang hindi pako nakukulong lalabas nako. Kaya kailangan ko na itong itigil dahil gaya ng sinabi ko walang patutunguan ito.

Nang makapag desisyon ay tumayo nako at naligo.

Tutal maaga din naman kaming aalis ay agahan kona din magbihis.

Nang nasa banyo nako ay kitang kita ko ang mugto sa mga mata ko na ang dahilan ay ang kasawian ko na, wala naman pinanghahawakan.

Dahil maaga pa naman ay naisipan ko nalang magbabad sa shower. Papalipasin ko muna ang oras bago ako lumabas.

Habang lumilipas ang minuto ay nakaupo lang ako habang pumapatak sa mukha ko ang tubig mula sa shower.

'Kailangan ko bang sumugal para maging masaya? Kailangan paba?' Pagtatanong ko sa sarili.

Hindi ko napansin na umiiyak na naman ako. Ito na. Ito na ang huling iyak ko na nasasaktan.

Nang matapos ay lumabas nako ng banyo habang nagbibihis ay tinignan ko ang oras mag aalas otso na pala ng umaga. Ang usapan bago mag alas nyebe ay aalis na.

May meeting place pa kasi silang nalalaman. Kailangan daw kompleto na bago umalis kaya ayun meron pang ganon.

Medjo malayo din kasi samin ang Tagaytay syempre sasakay kapa ng Eroplano kaya kesa dun pa maghintayan ay dun nalang sa place na sinabi nila.

Dala dala ang aking maleta ay bumaba na ako.

Pababa palang ako ay amoy kona ang niluluto sa kusina ang bango, nang bigla ko nalang naalala na hindi pala ko naghapunan.

Kaya pala nagugutom ako.

Nang hindi nakatiis ay iniwan ko muna ang maleta ko sa sala.

Papunta palang ako sa kusina ay dama kona ang gutom ko.

Sigurado akong mapapadami ang kain ko.

"Good morning," nakangiting bati sakin ni Zildjian. Ngumiti nalang din ako at bumati din ng 'Good Morning'.

"Ang aga mo ata ah?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Napaaga lang ng gising," tugon ko.

"Naku excited kalang siguro," bulalas niya sakin.

Tumawa nalang ako.

"Wait lang ah! Ito na luto nato. Kuha ka nalang muna dun ng plato at kutsara," pakiusap niya na agad ko namang pinagbigyan.

Sumunod nalang ako dahil nagugutom na talaga ako.

"Hihintayin mo paba sila ate?" Tanong niya sakin.

Umiling nalang ako tsaka inaya siyang kasabay ko na kumain. Malugod naman niyang tinanggap dahil hindi na din siya iba kila tita. Sila lang din naman ang nahihiya na makisabay kila tita pag kumakain na kami.

Habang kumakain ay madami nanaman kuwento sakin si Zildjian. At higit sa lahat may paalala pa siya sakin na kesyo daw wag ko daw siyang ipagpalit dun. Wag daw ako maghanap ng babae dun kung alam lang niya, na si Branden ang mahal ko ay baka mabigla pa siya.

Pero hindi ko na kailangan pang sabihin dahil gaya ng sabi ko ay iiwasan ko na siya.

Para parehas kaming hindi na masaktan. Dahil kahit sa huling sandali hindi kami papanigan ng tadhana.

Tuloy tuloy lang siya sa kwento niya ako naman ay tawa lang ng tawa.

Hanggang sa natapos kami ay hindi parin siya nauubusan ng i-kukuwento sakin.

Kaya nagpresenta nako na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin dalawa. Hindi naman na siya tumutol dahil mas lalo pa siyang ngumiti at sinabing kay aga aga daw nagpapakilig nako?

Nagtataka man ay tinawanan ko nalang siya. Nababaliw nanaman siya.

Sa pagkakaalam ko ay mahigit isang linggo kami dun. Private resort naman 'yun nila tito Zleo kaya walang problema.

Mayayaman talaga ang mga angkan na ito.

Kaya minsan nakakahiya sa kanila pag kinakausap ako. Pakiramdam ko kasi kumakausap ako ng mga matataas na tayo na hindi dapat, dahil hindi naman ako tulad nila.

Isa lang akong tao na pinaalagaan ng mga magulang ko kila tita kaya wala akong kahit isang kamag anak dito. Sa isang banda ampon lang nila ko.

Nang matapos maghugas ng pinggan ay siyang dating nila. Kompleto na sila habang nakatingin lahat sa akin.

"Ang aga natin kuya ah!" Ani Kobe na kagigising lang.

"Naku excited kuya ah!" Saad ni Lovely na may nakausling ngiti sa mga labi.

Tumawa nalang ako sakanila.

Nang magsimula na silang kumain ay nagpaalam na muna ako sa kanila na sa garden lang ako.

Sinabihan naman nila ko na pagkatapos nilang kumain ay aalis na din kami. Kaya tumango nalang ako at sinabing 'magpapahangin lang ako'.

Habang pinabalagkas ang daan papuntang garden ay dinadama ko ang simoy ng hangin, kay sarap langhap langhapin. Sariwang sariwa lalo na at umaga hindi pa nahahaluan ng mga usok at ibang mga bagay na puwedeng ikasira nila.

Nang makarating ay umupo lang ako sa isang sulok habang nagmumuni muni ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya na hiyawan ka kagabi," seryosong sambit ni Branden.

Hindi ko na sana papansinin pero hindi ko din kaya.

"Sorry din kuya. Pero sana kuya huli na 'yon at kung ano man ang nangyari satin ay wala na lang 'yun," nakangiting tugon ko dito kahit na naiiyak nanaman ako. Ang sakit ang sakit, sakit.

"Wag kang magsalita ng tapos, dahil baka kainin mo din 'yan" sumbat niya sakin.

"Kuya mali kasi.. maling mali hindi tama to parehas tayong lalaki hindi tama na maghalikan tayo," pumiyok na sambit ko habang lumuluha.

"Tama ka naman mali ang ginagawa natin," tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Pero alam mo ba na lahat ng mali ay naging tama simula ng nakilala kita?" Diretsong tanong niya na sa mata ko nakatingin.

Umiiyak man ay lumapit ako sakanya at niyakap siya, "Sorry kuya, sorry talaga," hagulgol na iyak ko.

"Shhh, ok lang yan. Sorry din sa lahat," pagpapatahan niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status