Iyak lang ako ng iyak habang nasa gilid ng dagat, malayo sa lahat.
Ayoko ng ganitong pakiramdam.'Sabi ko naman sayo, walang patutunguhan 'yang nararamdaman mo sa kanya.' sita ko sa sarili.Wala e, ganun naman talaga pag nagmahal tayo may kaakibat na sakit. Pero mas masakit siguro mag mahal kung hindi mo alam kung mahal ka din ng mahal mo. Na ikaw lang ang nagmamahal samantalang siya, wala lang sakanya ang lahat.Sobrang sakit.Kung kailan malalim na. Kung kailan sobrang mahal ko na siya.Saka pako masasaktan.Ilang oras akong nandito nakaupo malapit sa tabing dagat, habang lumuluhang mag-isa.Siguro nga sign nato na hindi talaga kami para sa isa't isa. Na pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana. Dahil kailan man hindi naman talaga tamang magmahalan ang parehas na kasarian.'Bakit ba minahal kita ng ganito?''Bakit humantong sa masasaktan lang pala ako?''Mali nga ba na nagmahal akoSummer noon kaya nagbakasyon kami sa tagaytagay. Nakaugalian na ng buong pamilya na mag-outing, swimming or out of town. Pero mas hilig nila magbakasyon sa mga dagat tulad nito. Sa totoo lang ito lagi ang naiisip nila pag gusto nilang magbakasyon. This time tagaytay ang napuntahan namin. May bahay naman si tito Zleo dun na kaibigan ni papa. Asawa niya si tita Almira.Pagkakaalam ko meron silang resort doon kaya nagpatayo sila ng bahay para may matutuluyan sila pag dun nagbakasyon.Pero pagsumasama kami mas gusto ko 'yong nirerentahan na pool kesa sa dagat.Meron din naman swimming pool sila tita pero enjoy kasi pag madami kayo tapos hindi mo pa kilala. Malay mo may maganda dun tapos minsan puwede kapang mantrip ng hindi mo kilala. Pero masaya din naman sa side namin dahil madami talaga kami. At ang isa sa pinupuntahan namin dun iyong videoke. Abalang abala ang lahat dahil malapit ng magtanghalian. Ang dami nilang iniihaw sari-
"KUYA!" Hiyaw niya sakin ng minsang magkasalubong kami palabas ng mansyon.Sa gulat ko ay napalingon ako sakanya habang tinataasan siya ng kamao na may pagbabanta. Loko talaga puwede naman akong tawagin ng hindi humihiyaw.Nang tignan ko siya ay nakangiti lang ang kupal habang ako naman ay patingin-tingin sa mga taong nakapaligid lalo na kila tito at tita.Tumakbo siya papalapit sakin pagkatapos ay yumakap ng mahigpit."Ang tagal mong umuwi kuya, san kaba galing?" Tanong niya pa.Ang gwapo niya ngayon sa suot niya. Ang lakas makaakit.Ginulo ko muna ang buhok niya bago sumagot, "Nagpaalam naman ako sayo ah."Nag-pout pa siya sakin, "Dapat kasi sinama mo nako kuya, ayan tuloy namiss kita."Kinilig naman ako sa sinabi niya sakin. Kahit kelan talaga alam na alam niya paano ako pakiligin.Inaya ko muna siya sa labas na mag-lakad lakad, "Hayaan mona andito naman nako," sambit ko.Ngiting n
Ilang araw ang nagdaan at lagi lang kaming magkasama ni kuya Marvin.Kahit na may gusto siya sakin ay sinabi ko nalang na hindi ko maibabalik ang pagmamahal niya.Dahil mahirap turuan ang puso, kung puwede nga lang na siya nalang ginawa kona.Sa bawat araw na magkasama kami, naging magaan ang loob ko sa kanya.Si kuya Branden, ayun tuluyan ko ng hindi pinansin.Lagi din silang magkasama ni Jane.Pero tuwing nagtatagpo ang landas namin laging nag-iiba ang timpla ng mukha niya.Lagi siyang galit kung makatingin lalo na kay kuya Marvin.Kaya kami nalang ang umiiwas para hindi na lumala ang gulo.Kahit na minsan napapansin ko na gusto akong lapitan ni kuya Branden.Kita ko sa mukha niya na nalulungkot siya.Gusto ko siyang lapitan tulad ng gusto niya.Kaso ayoko ng masaktan. Sawa nakong masaktan.Masaya nadin naman siya kay Jane. Pansin ko 'yon dahil tuwing magkasama sila
9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n
Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.
Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi
Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p