Maaga palang umalis nako sa mansyon. Ayoko kasing makita si Branden sa bahay kaya naisip kong mag libot muna sa mall.
Dahil tandang tanda ko pa ang pangyayari, pagkatapos niya kong halikan.---"May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman.""Pero kuy--!""Stop, diba ito naman ang gusto mo? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito kaya ako naman ang magpapatuloy hanggang katapusan. Wala na akong magagawa dahil umabot kana sa limitasyon mo. Pilit kung pinigilan pero ikaw na mismo ang nag-udyok sakin na gawin ito," mahaba niyang paliwanag.Napapalunok nalang ako habang tinitignan siyang nagsasalita, parang nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw.Buti nalang hawak niya ang katawan ko dahil muntikan nakong tumumba ng subukan niya kong bitawan.Naghihina ako dahil sa ginawa niya sakin at pinagsasabi.Anong ibig niyang sabihin doon?---Nabalik lang ako sa katinuan ng may nagsalita sa harapan ko."Wazzup! Pogi, bibilin mona ba ko?" Maharot na tanong niya sakin."Ay hindi pala 'yong damit sir?" Agarang bawi niya sa tanong ng makitang seryoso ko lang siyang tinignan.Kunot noo lang ako habang nakatingin sakanya habang may pasayaw sayaw pa siyang nalalaman."Baliw ata to e!" Bulalas ko habang nakaturo sakanya.Akala naman nitong ni ate bagay sakanya maging sales lady.Bagay sakanya sa bar, tapos dun siya sumayaw sayaw."Ay wow kuya, ang rude mo naman sakin. Sa ganda kong to sasabihan moko ng ganyan?" Pagtatanong niya sabay lugay ng buhok pagkatapos inirapan ako."Sales lady right?" Pagtatanong ko."Hala! Mukha bakong sales lady kuya? Amp balakajan kuya," pairap nanaman niya sakin.Akala ko aalis na pero inirapan lang pala ko."Akala ko aalis kana?" Pagtataboy na tanong ko dito."Akala ko aalis kana?" Panggagaya niya. "Bakit sayo pa itong mall, kuya?" Tanong niya pa.Naiinis man sa ugali niyang pinapakita sakin ay hinayaan ko nalang, diko na sana to papatulan kaso pinipikon pako."Ano ba! ginagago mo ba ko babae?" Mariing tanong ko dito.Nakakapikon siya ah, kahit nakakuha na kami ng mga pansin dito ay wala nakong pake."Uy, joke lang kuya, pinapasaya lang kita e," nakangiting sambit niya sakin habang pinagpapawisan."Umayos ka kasi, para kang hindi babae.""Oo na po kuya manong," aniya pa habang nakangiti."Kita mo? Ayan ka nanaman.""Sige na bibilin kona 'yan ng matahimik kana.""Salamat kuyang manong na pogi," pakaway kaway pa niyang sabi sakin.Pailing iling nalang ako habang papalayo sakanya. Abnormal ata ang babae nayon, dapat kona bang siyang idala sa mental?"Eight hundrend pesos, sir," nakangiting pahayag niya sakin.Nagbigay nalang ako ng isang libo para maka alis na agad."Thank you sir," tumango nalang ako sakanya sabay labas.'San kaya ako kakain? Nakakagutom na,' pagkausap ko sa sarili.Habang naghahanap ay parang may pamilyar na tao akong nakita, hindi malayo sa pwesto ko."Tita!" Naka ngiting tawag ko dito."Shawn anak ikaw naba yan? Ang gwapo't ang laki mo na," sabay beso nito sakin."Naku, hindi naman po tita," nahihiyang sabi ko dito."Parehas na parehas kayo ng anak ko, dibale magkikita din naman kayo bukas pag nandon na tayo sa resort.""Resort po tita?" Nagtatakang tanong ko dito.Kunot noo naman ako nitong tinignan bago nagsalita, "Oo anak may bakasyon tayong lahat. Remember taon taon naman 'yon, dahil malapit na ang pasukan kaya pinaaga nalang namin para mag-enjoy naman kayo," mahabang litanya niya sakin."Naku ganoon poba tita, hindi po kasi nabanggit sakin ni tita Liza," kamot ulong tugon ko sakanya.Tinawanan lang ako nito."San ka nga pala pupunta tita?" Pagtatanong ko dito."Naghahanap ako ng puwedeng kainin," sagot niya."Ako man po tita, naghahanap din po ako kung saan ako kakain.""Tamang tama dahil namiss ko ang pagkaing pinoy 'don nalang tayo kumain," aniya."Sige po tita."Habang naglalakad ay kuwento lang ng kuwento sakin si tita tungkol sa anak niya. Matanda lang daw sakin ng isang taon 'yon. Doon sa ibang bansa kasi nag aral ang panganay ni tita. Tuwang tuwa nga daw siya ng nalaman niyang dito na titira kasama sila. Dito na din daw mag-aaral 4th year college na daw anak niya.Ewan lang ah pero pansin ko parang nirereto ako ni tita sa anak niya?Kulang nalang sabihin niya sakin na 'anak arrange marriage na kayo ng panganay ko'.Nahiya pa ata si tita sakin kaya di muna sinabi.Ganoon paman ay nakisabayan nalang ako sa kuwento niya sakin, kung ano ano din ang pinagkukuwento ko kay tita, hanggang sa nahanap na nga namin ang pinoy restaurant na aming kakainan."Sige anak pakabusog ka ah, don't worry my treat," matamis pa na ngiti niya sa akin.Tumango tango nalang ako at nagpasalamat kay tita, "Naku salamat tita.""Hay nako anak, I'm sure talaga na magkakasundo kayo ng anak ko na 'yon," hirit pa niya."Naku ganun poba tita, malay po natin magkasundo po kami," pag alaska ko sakanya."Oo naman anak mabait naman 'yon kuya mo nayun, kaya talagang magkakasundo kayo.""HA HA HA.. excited nadin tuloy ako tita," naiilang na tawa ko nalang dahil sa pangungulit sakin ni tita."Sige kain muna tayo anak," ngiting tugon niya.Ngumiti nalang ako kay tita sabay tango sakanya.Nang natapos na kami ay busog na busog ako, ang sarap talaga ng pagkaing pinoy. Hinding hindi ako magsasawa dito."Anak may pupuntahan ka paba pagkatapos natin dito?" Pagtatanong niya pa."Naku, wala napo tita baka umuwi napo ako. Nag libot lang naman po ako kaya napunta ako dito."Ganun ba anak, osige ingat sa pag-uwi sabihan mo nalang sila Liza na nakauwi nako. Naku sure ako na mas lalong gumanda 'yun bruha nayun," tumatawang pahayag niya sakin."Sige tita, ikaw din ingat po sa biyahe sabihin ko kay tita na nakauwi napo kayo.""So pano bukas nalang?" Tanong pa niya."Opo tita, ingat," tugon ko dito.Nauna nakong tumayo kay tita dahil nagbayad pa siya ng kinain namin. Habang palabas ay napaisip ako sa mga sinabi ni tita sakin. Dalawang linggo pa bago mag simula ang klase? Pero mas mainam nadin para maenjoy nga namin ang huling sandali.Nang makalabas ay pumara nako ng taxi at sinabi ang address namin. Ala una na pala ng hapon? Hayst kahit ayaw ko man ay magkikita at magkikita kami ni Branden.Nang nasa gate nako ng mansyon ay nagbayad at bumaba nako.Papasok palang ako sa pintuan ay tanay ko na sila tito sa swimming pool habang naliligo silang mag-anak. Ang saya saya nilang tignan. Kung buhay pa siguro sila mama, ganyan din siguro kami kasaya."Kuya Shawn Lackey," kaway na tawag sakin ni Lovely.Kumaway nalang din ako habang papalapit sakanila."Kuya ligo tayo," Anyaya sakin ni Kobe habang umaahon."Naku, sige kayo nalang," tugon ko sa pang aaya nila."Halika na kuya," hila na sakin ni Kobe."Pero kas--!""Wag mo pilitin ang ayaw," bitter na singit ni Branden samin.Kaya napalingon kami sakanya na naka kunot noo nanaman. Habang nakatingin ay naalala ko nanaman ang ginawa namin kagabi, kung paano niya ko hinalikan. Pero sa nakikita ko sakanya parang... wala lang sakanya?Namumula akong napayuko dahil hindi ko kaya ang matatalim niyang tingin."Bat kuya, maliligo lang naman kami," ani Kobe."Anong nangyayari dito? Ikaw Branden ano nanaman 'yang ginagawa mo sa mga kapatid mo?" Pagtatanong ng kararating lang na si tita.Umirap nalang si Branden pagkatapos ay umalis na."Hey kuya, ligo na tayo?" Pangungulit na tanong parin sakin ni Kobe.Sasagot na sana ako ng sumingit si tita sa usapan, "Kobe, wag mo ng kulitin 'yang kuya mo. Maliwanag? Ikaw naman anak ihanda mo na ang gamit mo at magbabakasyon tayo sa tagaytay bukas."Tumango nalang ako sabay ngiti dito."So paano akyat nako, Kobe?" Pang aasar ko dito dahil hindi niya ko napapayag na maligo.Nasa hagdan palang ay natatanaw ko nanaman si Branden sa gilid ng pintuan ko.Bumabalik sakin ang mga alala sa mga kaganapang ganito.Hindi puwede maulit ulit 'yon!.Lakas loob akong nagtuloy tuloy na umakyat sa hagdan.Nang malapit na ako sa gawi niya ay napatingin na ito sa akin."Aalis ako at sasama ka sakin," tatalikod na sana siya ng hindi ako pumayag."Ayoko," sabi ko dito."Anong ayoko? Ang sabi ko aalis ako at sasama ka," sagot niya sakin."Ang sabi ko din, ayoko," tugon ko.Kunot noo niya kung tinitigan, na nagtataka sa mga sinasabi ko."Wala kang magagawa, sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo," tiim bagang na pagbabanta niya sakin."Ano ba kuya, ayoko ika e!" Hiyaw ko rito ng hablutin niya ang braso ko at madiin na hinawakan."May mali ba sa sinabi ko? Sasama ka lang sakin pero bat ang arte mo?" Aniya pa sakin na may pagtatanong.Kitang kita ko kung paano magdilim ang paningin niya sa akin. Pero dahil nadala na din ako ng galit ko ay hindi ako nagpatalo."Ayoko nga diba? Ayoko! Ayoko! Kung gusto mo umalis ka mag-isa!" Tumaas na ang boses ko."Potangina!" Galit na hiyaw niya sabay suntok sa pader malapit sa pintuan ko.Nanginginig na ako habang nakatayo malapit sakanya.Galit siya ramdam ko 'yon. Galit ba siya dahil hindi ko siya sinusunod? O galit siya dahil ayaw ko na siyang sundin?Hindi pa siya makaintindi? Pagod ako, pagod ako kakaiwas sakanya tapos sakanya naman pala wala lang ito."Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka sakin," aniya pa."Ano ba ang hindi mo na-iintindihan? Ang linaw ng sinabi ko diba? Ayoko pagod ako, nakikita mo? Pagod ako na kakaiwas sayo tapos ikaw naman parang... wala lang sayo ang nangyare, hindi kita maintindihan? Mali ang ginawa natin!" Naiiyak na sabi ko dito."Sa tingin moba ikaw lang ang nalilito sa nangyayare? Tingin moba ikaw lang ang nakakaramdam niyan ngayon? Mas malala ang nararamdaman ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" Pahiyaw niyang sabi sakin."P-Pero... kuya," umiiyak na sabi ko dito.Anong gagawin ko? Alam kung mali 'to pero... mali nga bang mahalin siya?Minsan naiinis tayo sa sarili natin dahil tayo mismo ang humahadlang sa ano mang nararamdaman natin, kaya humahantong tayo sa point na nag sisi tayo dahil imbes na sumugal tayo sa nararamdaman natin, kahit na mali ito ay hinahayaan nalang natin. Dahil pakiramdam natin ang damot ng tadhana, dahil ang kaligayahang hinihingi natin ay pinagdadamot pa niya.Marahil takot tayong tanggapin kung anong tunay natin na pagkatao, dahil na din sa lipunan nating mapanghusga at sa pamilya natin na ayaw nating ma-disappoint.Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kelan natin pipigilan na lumigaya?Sa lahat ng tanong na 'yan, tanging sarili lang natin ang makakasagot.Mabuti pa ang iba, nagagawa nilang magmahal na walang pinagbabawal. Walang tinatago at higit sa lahat magagawa nilang ialay ng buo ang kanilang pagmamahal at pagkatao sa isang tao, na nagmamahal sa kanila..Buti pa sila, hindi nila nararanasan kutyain at husgahan ng mga tao dahil sa pagmamahalan nila.Sabi nga nila 'Falling In Lov
Naging maganda ang daloy ng umaga ko.Dahil siguro nailabas ko lahat kay kuya ang iyak ko?Minsan kasi kailangan natin ng isang tao na dadamay satin. Dahil kahit anong gawin natin pag iyak hindi natin mailalabas lahat ng hinanakit natin pag walang nakikinig o dumadamay sa atin. Dahil kung mag isa kalang iiyak kulang parin dahil hindi mo mailalabas lahat. Kailangan mo parin ng karamay.Parang kaliti lang 'yan try mong kalitiin ang sarili mo. Diba? Hindi ka man lang nakiliti? Kaya kahit baliktarin man ang mundo kailangan natin ng isang tao na siyang gagawa ng hindi natin kaya.Naging maayos na kami ni kuya.Matapos kong humingi ng tawad ay ganoon din ang ginawa niya sa akin.---"Sorry kuya, sorry talaga," hagulgol na iyak ko."Shhh, ok lang yan. Sorry din sa lahat," pagpapatahan niya sa akin.Nang mahimasmasan ay kinausap ko siya, kailangan ko siyang kausapan sa lahat."K-Kuya... natatakot po ako," malungkot na saad ko sakanya.Tinawanan lang niya ko. Kaya sa inis ko ay hinanap ko ang
Lumipas ang bawat araw ay pilit ko siyang iniwasan. Kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa bawat araw na nagdaan.Sa tuwing umiiwas ako ay parang pinapatay ang kaluoban ko. Hindi ko kaya. Habang lumilipas ang bawat araw mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya.Hindi ko na kayang pigilan. Hindi kona kayang itago. Hindi ko na kayang magkunware. Higit sa lahat hindi kona kayang siya ay iwasan.Dahil sa bawat pag iwas ko ay parang dinudurog ang puso ko.Lalo na tuwing kumakain kami sa hapag-kainan.Tuwing nagtatama ang mga mata namin, ibang iba ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit. Gusto kong bawiin na hindi kona siya iiwasan.Gustong gusto ko siyang lapitan lalo na tuwing nakikita ko sa mata niya na, ang lungkot niya, parang ang tamlay niya.Kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin ko. Kahit saan ako pumunta, siya't siya ang naiisip at nakikita ko.Pati sa pagtulog ko gusto ko. Kahit sandali sisilip ako sa kwarto niya na mahimbing na natutulog. Haha
"Malapit na tayo," nakangiting pagpaparinig ni tito sa aming lahat."Kuya," tawag ko dine sa katabi ko.Tumingin lang siya sakin habang naka kunot noo."Pengeng kiss," bulong ko dito.Nang tignan ko siya ay nanlaki pa ang kanyang mata habang namumula.Tumawa nalang ako sa isip ko. "Kuya," pangungulit ko dito.Ewan ah, Pero simula ng naging maayos kami hindi na siya nagbibigay ng kiss sakin. Pinagdadamutan na niya ko.Tumingin lang siya sakin na hindi nagsasalita. Ano sinaniban naba si kuya ng masamang spirito?Nang bigla nalang ako nakaisip ng kalokohan. "Tignan lang natin kung hindi kita mahalikan," bulong ko pa habang nakatingin sa kanya.Palipat-lipat lang ang tingin niya, sakin at saka sa bintana."A-Aray," saad ko na alam kong siya lang ang makakarinig."Ang sakit," dugtong kopa.Tinignan ko lang siya sa gilid ng mata ko. Tama nga ako napukaw ko ang atensyon niya. "Bakit? Anong nangyayare sayo? Anong masakit?" Agarang tanong niya, pero hindi ko siya pinansin nakayuko lang ako h
Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga habang nag iisip sa sinabi sakin ni Marvin, anong ibig niyang sabihin dun? Matapos niyang sabihin 'yon ay tinawag siya ng magulang niya kaya nagtuloy tuloy na kong umakyat.Nang bigla kung maalala na bakasyon pala ang pinunta namin dito. Kaya dapat mag-enjoy.Maglakad lakad nalang muna siguro ako sa labas.Naligo muna ako bago napagdesisyonan na lumabas.Pagkatapos maligo ay nagsuot nalang ako ng plain na tshirt na kulay white tapos maong na short.Nakalabas naman ako ng mansyon na matiwasay. Siguro pagkatapos nilang kumain nag-si-pasukan muna sila sa mga kwarto nila para magpahinga. Sa kabilang resort ko naisipan maglakad lakad dahil kami kami lang naman ang tao dito. Pansin ko agad ang mga nagtatayuan mga hotel sa tabi ng mansyon nila tita. Di tulad sa gawi samin, dito ay madaming tao. Lakad lang ako ng lakad ini-enjoy ko lang ang bawat minutong lumilipas dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang lakas ng hampas ng alon sa lupa.Nakakaginh
"Ayos ka lang ba?" Usisang tanong sakin ni Marvin.Tumango nalang ako sakanya dahil hindi ko naman alam kung maayos nga ba talaga ko.Matapos ng nangyari, magiging maayos ba ako? Hindi ko alam bakit sinuntok ni kuya Branden itong si Marvin.---Tumingin siya sakin ng matalim sabay sabing, "Akala ko ako lang? Pero anong ibig sabihin nito?"Nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ako nakapag salita dahil natatakot ako sa mga tingin niya."Wala kaming ginawa kuya. Ano bang sinasabi mo?" Nalilitong tanong ko sakanya.Kitang kita sa mata niya na gusto niya kong suntukin.Nang mapansin kong tumayo na si kuya Marvin ay pupuntahan ko na sana ng hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni kuya Branden."At sino may sabing pupuntahan mo siya?" Galit na tanong niya sa akin. Habang madiin na nakahawak sa braso ko.Nasasaktan nako sa ginagawa niya. Parang hindi ko na siya kilala. Hindi ko alam kung an
Iyak lang ako ng iyak habang nasa gilid ng dagat, malayo sa lahat.Ayoko ng ganitong pakiramdam.'Sabi ko naman sayo, walang patutunguhan 'yang nararamdaman mo sa kanya.' sita ko sa sarili.Wala e, ganun naman talaga pag nagmahal tayo may kaakibat na sakit. Pero mas masakit siguro mag mahal kung hindi mo alam kung mahal ka din ng mahal mo. Na ikaw lang ang nagmamahal samantalang siya, wala lang sakanya ang lahat.Sobrang sakit.Kung kailan malalim na. Kung kailan sobrang mahal ko na siya.Saka pako masasaktan.Ilang oras akong nandito nakaupo malapit sa tabing dagat, habang lumuluhang mag-isa.Siguro nga sign nato na hindi talaga kami para sa isa't isa. Na pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana. Dahil kailan man hindi naman talaga tamang magmahalan ang parehas na kasarian.'Bakit ba minahal kita ng ganito?''Bakit humantong sa masasaktan lang pala ako?''Mali nga ba na nagmahal ako
Summer noon kaya nagbakasyon kami sa tagaytagay. Nakaugalian na ng buong pamilya na mag-outing, swimming or out of town. Pero mas hilig nila magbakasyon sa mga dagat tulad nito. Sa totoo lang ito lagi ang naiisip nila pag gusto nilang magbakasyon. This time tagaytay ang napuntahan namin. May bahay naman si tito Zleo dun na kaibigan ni papa. Asawa niya si tita Almira.Pagkakaalam ko meron silang resort doon kaya nagpatayo sila ng bahay para may matutuluyan sila pag dun nagbakasyon.Pero pagsumasama kami mas gusto ko 'yong nirerentahan na pool kesa sa dagat.Meron din naman swimming pool sila tita pero enjoy kasi pag madami kayo tapos hindi mo pa kilala. Malay mo may maganda dun tapos minsan puwede kapang mantrip ng hindi mo kilala. Pero masaya din naman sa side namin dahil madami talaga kami. At ang isa sa pinupuntahan namin dun iyong videoke. Abalang abala ang lahat dahil malapit ng magtanghalian. Ang dami nilang iniihaw sari-