Share

Chapter 5

Nang dumaan ang hapon ay nandito parin ako sa aking kwarto.

Nahihiya ako sa nangyare, ewan ko ba sa sarili ko kung bat ko ginawa ang ginawa ko.

Pero nangyari na ang nangyari kaya wala nakong magagawa pa.

Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.

Dahil siguro nadala lang ako? O baka naman dahil nagustuhan ko?

Pero first kiss ko 'yon.

Kasalanan kodin naman hinayaan ko ang sarili kong maakit sakanya.

Kahit hindi ako sigurado sa desisyon ko ay sumugal parin ako.

Ginawa ko parin ang kapangahasan ko.

Dala nga marahil ng init ng katawan ko kaya ko nagawa 'yon.

Lumipas ang kinagabihan ay nasa kwarto parin ako. Ayokong lumabas.

Baka andun si Branden, tapos magkakasalubong kami.

Hindi ko siya kayang harapin ngayon.

Pano kung tanungin ako kung bakit ko ginawa 'yon? Ano isasagot ko?

Na, nadala lang ako ng init ng katawan?

Pero may part kasi sakin na ayokong aminin na nadala lang ako. Dahil alam ko sa sarili ko na ginusto ko 'yon.

Nang bandang alas otso na ay naligo na muna ako.

Habang nagliligo ay bumabalik nanaman ako sa nangyari kanina samin.

Pano ko siya haharapin? Anong gagawin ko pag nagkita kami?

Andaming katanungan sakin na hindi ko masagot.

Sigurado akong nakahanda na ang lamay ko. Dahil sa kagaguhan ko parang hinatid ko na din ang sarili ko sa libingan ko mismo.

Ang kailangan ko nalang gawin ay magdasal.

Na sana tumagal pako sa mundong ito. Pero nagustuhan din naman niya diba? Oo tama nagustuhan din naman niya kaya patas lang kami.

Nang malapit na akong matapos ay may narinig akong katok sa pintuan ko. Kaya dali dali ko ng tinapos ang pagkakaligo ko.

Nang nakalabas nako ay wala naman ng kumakatok.

"Ang boring," biglang sabi ng nasa gilid ko. Kaya gulat akong napalingon.

"K-Kuya," nanghihinang sambit ko.

"Bakit?" Mayabang na tanong niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Natatakot na tanong ko sabay kapit sa tuwalyang nakatapis sa baba ko. Pakiramdam ko nahuhubaran ako sa mga tingin niya sa akin.

"Kung anong nasa isip mo," mapang asar na ngiti niya pa sakin.

Patuloy lang siyang nakatingin sakin kaya naiilang ako. Pero ng naintindihan ko na ang sinabi niya sakin ay parang binagsakan ako ng ataul sa katawan ko. Marahil ito na ang kanina ko pang iniisip.

Wala sa sariling napaluhod ako sa harapan niya.

"Kuya," naluluhang tawag ko dito. "H-Hindi kopo sinasadya," umiiyak na sambit ko dito.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Habang nakaluhod ako sa harapan niya na umiiyak.

Hindi ko alam pero natatakot talaga ako sa ginawa ko sakanya. Dahil hindi naman talaga normal na halikan ko siya diba?

Para nakong tanga sa posisyon ko dahil hindi naman niya ko pinapansin. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso pero hindi nagsasalita.

Hindi ko naman magawang tumayo dahil mas magmumukha akong tanga.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla nalang niya kong hinawakan sa balikat.

"Tumayo ka jan," seryosong sambit niya sakin.

Naguguluhan man dahil sa sagot niya ay tumayo nalang ako.

"K-Kuya," tawag ko sakanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Bat ba kuya ka ng kuya, e! Mukhang napipilitan kalang naman!" Singhal niya sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya sakin. Oo nga pala ayaw niya akong maging kapatid. Kaya siguro nagalit siya sakin kanina dahil pinagsabihan siya ni tito na 'alagaan ang kapatid niya' which is ako na ayaw naman niya talaga, dahil ayaw niyang maging kapatid ako.

May part sakin na nasasaktan at the same time natutuwa na hindi ko mapaliwanag?

This past few day hindi ko na kilala ang sarili ko para bang may sumanib sa aking mapanganib na spirito.

Lumala pa lalo ng nakakausap kona si Branden. Ewan siya yata ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Makita kolang siya hindi nako mapakali para kong natatae na ewan.

Pero kahit ganon ay thankfull parin ako dahil kahit papano ay hindi na siya tulad ng dati.

Parang unti unti ng nasisira ang harang na tinayo niya mismo para harangan ako?

Pansin ko unti unti na siyang bumabait sakin na siyang inaabuso ko.

Dahil sa katangahan ko ay ito ako ngayon sa harapan niya hindi makatingin sakanya.

Gustohin ko man na umalis na siya ay hindi ko naman masabi. Dahil wala naman akong karapatan na sabihin 'yon! Unang una sakanila itong bahay nato.

Nakahawak parin ang kamay niya sa balikat ko.

"Sa susunod na uulitin mo 'yon, malilintikan kana sakin, maliwanag ba?" Paalala niya sakin habang dinidiinan ang pagkakahawak sa balikat ko.

Nasasaktan man sa pagdiin niya ay nagsawalang kibo nalang ako. Habang tumatango sa mga sinabi niya sakin.

Mas mainam nato kesa sa inaakala ko.

Akala ko katapusan kona. Buti nalang wala lang sakanya 'yon.

Bigla nalang niyang binitawan ang balikat ko sabay talikod habang naglalakad.

"Bumaba ka na hinahanap kana nila mama," nakatalikod parin siya sakin ng nagsalita siya.

Akala ko ay aalis na siya pero may sinabi pa siya sakin na siyang nagpalito sa sistema ko.

"Dahil pag inulit mopa 'yon, baka hindi nako makapag pigil at baka.. bumigay ako," sabay lakad niya pagkasabi noon.

Nang masarado na niya ang pintuan ay doon ko palang naramdaman ang pagbigay ng tuhod ko. Hindi ko alam pero naghihina ako sa mga pinag sasabi niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin don? Nalilito nako hindi ko na alam ang gagawin.

Nang bumalik nako sa katinuan ko ay bumalik ako sa banyo at naligo nalang ulit dahil pawis pawisan ako dahil sa nangyari.

Nang matapos ay nagbihis nako at nag ayos ng sarili bago bumaba dahil si kuya na mismo ang nagsabi ay malugod kong susundin.

Pagkababa ko ay nasa sala pa naman sila. Akala ko ay kumakain sila dahil alas nuwebe na ng gabi.

Nang mapansin ako ni tita ay sinabihan niya ko na kumain na.

"Katatapos lang namin kumain, hindi ka na namin nahintay at sabi ni Branden naliligo ka paraw?"

"Naku, pasensya napo tita," nahihiyang saad ko dito.

"Sige na kumain na kayo dun, kanina kapa hinihintay ng kuya mo doon."

Nabigla man ay tumango nalang ako kay tita. Hinihintay ako ni kuya Branden? Bakit naman niya ko hihintayin na kumain? Naku sign na ata 'to na mamatay nanga ako.

Nang malapit nako sa kusina ay parang gusto ko nang bumalik dahil parang nawala ang gutom ko ng malaman kung naghihintay sakin si kuya Branden.

Nang makapagdisesyon ay babalik na sana ako kaso ay may nagsalita bigla.

"So aalis kana lang bigla? Ganyan moba itrato ang master mo?" Pagtatanong niya habang nakakunot ang noo.

Nakatayo lang ako malapit sa kusina kaya narinig ko ang sinabi sakin ni kuya Branden na nakatingin na sakin habang nakasandal sa lamesa ng kusina na tanaw pala ako dito sa puwesto ko.

"Sorry po kuya sa paghihintay."

Kunot noo ako nitong tinignan habang nakasandal parin sa lamesa habang nasa mga bewang niya ang mga kamay niya.

"Anong hinihintay?" Pag uusisa niya.

"Diba po hinihintay ninyo ko? Sabi kasi ni tita hindi kapa kumakain kasi hinihintay mo daw ako kuya?" Nakangiting pagtatanong ko dito.

Habang tumatagal kumakapal din pala mukha ko lalo na pagdating kay kuya.

Pansin kolang tumatapang hiya ko pagkausap kona siya.

Kaya siguro ang lakas ng loob ko na sabihin sa harap niya ito, habang siya ay seryoso.

Dahil siguro malapit na ang loob ko sakanya? O baka hindi nako natatakot sakanya na parang normal na tao lang siya para sakin na hindi kailangan katakutan.

"Wag kang naniniwala kung wala naman patunay, at hindi porket nahuli akong kumain ay hinintay na kita," paliwanag niya.

Kahit na ganon ang sagot niya sakin ay hindi nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Ewan kahit na magpaliwanag siya na mali ang sinabi ni tita ay para sakin tama 'yon.

Ewan pero kinikilig nanaman ako sakanya.

"Ano pang tinatanga mo jan? Kumain kana ng mahugasan muna tong pinggan," seryosong hayag niya sakin sabay turo ng mga hugasin.

Kaya lumapit nako sa lamesa at nag umpisang kumain. Magana akong kumain, kain kong kain ang ginawa ko dahil para kong nagutom sa pinaggagawa ko ngayon araw.

"Patay gutom, hoy maghinay hinay ka nga para kang baboy kung kumain. Tignan mo 'yang bibig mo panay kanin," naiiritang pahayag niya sakin.

Nahihiya naman akong napatingin sakanya. Bat kasi andito pa siya? Tapos naman na siyang kumain ah! Bat kailangan pa akong panoorin?

Akala ko umalis na siya kanina. Hindi ko na kasi siya tinignan ng mag umpisa akong kumain.

Nahihiya akong umayos ng pagkain at pinunasan ang bibig ko na panay kanin.

Nakatayo lang siya habang nakatingin sakin ng diretso na parang sinusuri ako.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at hindi na siya pinag abalahang bigyan ng pansin kahit ramdam ko parin ang mata niya na nakatutok sakin.

Nang natapos ako ay busog na busog ako.

"May kailangan kaba sakin kuya? Sana sinabi muna ng hindi mo na sana ako hinintay matapos kumain," nakangiting pahayag ko dito.

Nabigla siya sa sinabi ko kaya kitang kita ko ang pababago niya. Namumula na siya ngayon na hindi ko mawari kung bakit?

"Kuya ang gwapo mo po pag namumula ka," pahayag kopa dito.

Tumalikod nalang siya sakin na walang sinasabi.

Hinayaan ko nalang siya.

Nang bigla nalang may humila ng braso ko paharap.

"K-Kuya?"

"Yes baby?" Sambit niya ng bigla nalang niya kong hinalikan.

Natuod nalang ako sa kinatatayuan ko habang malaya niyang hinahalugad ang labi ko.

"May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status