Share

Chapter 4

Author: peterrpopper
last update Last Updated: 2023-09-13 19:30:04

Habang naghihintay ng oras sa alis namin ni Branden. Andito ako sa aking kwarto sa taas habang nanonood ng Thailand Series.

Mahilig talaga akong manood lalo na pag wala akong ginagawa. Pero mas hilig ko ang magbasa sa katunayan nabasa ko na nga halos lahat ng mga story ng mga sikat na author.

Ang gusto ko sa isang libro, yung Tragic. Dama ko kasi 'yung kuwento pag hindi sila nagkatuluyan. Ang sama ko ata sa part na 'yon pero ganon talaga.

Hilig ko din ang fantasy na genre. Pero wala naman pasok sa taste ko. Ewan ba ang taas na kasi ng standard ko pag nagbabasa ako, Iyong tipong pag boring ang isang story hindi kona babasahin. Lalo na pag hindi ko type. Pero kadalasan kasi cliclè na ang bawat story na nakikita ko.

Pero hindi ko naman sila masisi dahil mahirap talagang magsulat. Lalo na kung hindi mo naman talaga gusto ang pagsusulat. Pero ang mas masakit sa lahat nagsusulat ka palang binabash kana.

Ganun ata talaga ang mga tao o talagang dito lang sa bansang kinalakihan ko ganito? Sobra kasi ang isip ng mga tao lumagpas na sila sa totoong limitasyon nila.

Hindi ba puwedeng pag ayaw nila wag nalang nilang basahin.

Iba na talaga ang kabataan ngayon hindi na masyadong nag iisip. Kung anong alam nilang tama 'yon lang ang paniniwalaan nila. Hindi nila bubuksan ang isipan nila sa mga salitang hindi pa nila alam, na siyang magpapa intindi sa kanila kung tama nga ba ang mga desisyon nila sa buhay.

Hindi din naman natin sila masisi dahil sabi nila tao lang tayo.

Tao na pag nagkamali ang dahilan agad ay tao lang kami, hindi kami perpekto.

Tama naman sila tao lang tayo na nagkakamali. Pero bakit nagkamali? Siguro kaya nagkamali dahil hindi pinag isipan, o dahil sinasadya nalang. Kailangan paba magkamali para malaman ang tama? Siguro nga kailangan dahil wala tayong direksyon. Nasa mali tayong daan.

Masyadong kasing big-deal sa lahat ang isang pagkakamali.

Hindi siguro nila alam ang salitang 'One is enough' parang sa relasyon lang hindi sila makontento sa isa, dito pa kaya.

Nahinto lang ako sa pag iisip ng may kumatok sa pintuan.

"Sir Shawn, kain na daw po. Hinihintay na kayo nila mam," saad niya sakin ng hindi ko pinansin ang katok niya. Baka kasi si Branden lang.

"Ahh, sige po manang salamat," tugon ko nalang dito.

Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba.

Pababa palang rinig kona dito ang kuwentuhan nila sa hapag kainan.

"Alam ba ninyo itong daddy ninyo pinagtripan pa naman ang isang Americano," tumatawang kuwento ni tita. Iyan ganyan naman kayo, jan kayo mahilig.

"Ano bang ginawa ni dad?" Natatawang tanong ni Lovely kay tita.

"Ano pa nga ba edi nag Ilocano sa isang Americano," aniya pa sabay aksyon pa ni tita kung ano ang itsura ng kanilang pinag uusapan.

Natatawa man sa kuwento ay nanatili akong tahimik at sumabay sa kanilang pagkain. Nginitian nalang nila ko dahil hindi parin tapos si tita sa kaniyang kuwento.

Pansin kong maya't maya ang tingin sakin ni Branden. Marahil gusto niyang ipaalala ang lakad mamaya.

"Shawn, anak. Totoo bang may pupuntahan kayo mamaya?" Kuwelang pagtatanong sakin ni tita.

Naiilang man sa ngiti at tingin nila sa akin ay minabuti kong sumagot ng maayos.

"Ahh, opo tita may birthday party po kaming pupuntahan ni kuya," nakangiting tugon ko sa kanila sabay baling kay Branden na nagpapahiwatig na tulungan ako.

Pero inungusan lang ako ng loko.

"Ganun ba. Ikaw Branden bantayan mo 'yang kapatid mo," paalala ni tito kay Branden na huminto nalang bigla sa pagkain ng marinig ang sinabi ni tito.

"Hindi ko siya kapatid, pa," ani Branden.

Nasaktan man sa narinig ay nag patay malisya nalang ako.

"Branden," seryosong tawag ni tito.

"Yes dad?" Patay malisyang tanong niya.

Hinawakan nalang ni tita ang kamay ni tito para hindi na humaba ang usapan. Alam naman nilang hindi mag papatalo si Branden sa ganyang usapan.

"Shawn, anak hindi ka sasama dito sa kuya mo. Maliwanag?"

Nabigla man sa pag iiba ng ugali ni tito ay tumango nalang ako.

Nang bigla nalang hinampas ni Branden ang lamesa. Nagulat ang lahat sa biglaang paghampas ni Branden.

"Malaki na siya dad, alam na niya ang tama at mali," pagkatapos sabihin ay tumayo na ito. "Sasama ka sakin kahit anong mangyari," seryosong saad niya pa na sakin nakatingin ng bigla nalang itong umalis.

Magsasalita na sana si tito pero pinigilan nanaman siya ng kanyang asawa, "Hon hayaan mona tama naman siya," malambing na sambit niya dito.

"Ikaw anak gusto mobang sumama? Baka napipilitan kalang?" Malambing na tanong sakin ni tito ng mahimasmasan na siya. Ganyan talaga si tito malalambing sa mga anak niya. Minsan nga nahihiya nako kasi pinapakita din niya 'yon sakin.

Nahihiya man sa pinapakita niya sakin ay sumagot parin ako.

"Wala naman pong problema tito, gusto ko din pong lumabas," naiilang na pahayag ko sa kanilang apat. Dahil nakatingin sila sakin na akala mong may sinabi akong mali.

Tumango tango nalang si tito habang bumalik naman sa pagkain ang dalawang magkapatid habang malapad ang ngiti sa akin. Si tita naman ay nagsimula nanaman ng bago niyang kuwento na kinatawa nilang apat.

Nang natapos na kaming kumain ay dumiretso nako sa taas sa mismong kwarto ko para makaligo na.

Nang makataas ay natanaw ko si Branden na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Naiilang man sa tingin niya sakin na matatalim ay nagpatuloy parin ako na maglakad.

"Ahh, kuya," tanging naiusal ko sakanya.

Tinitigan niya ko na para akong makasalanan habang nakakuyom ang kamao.

"Ang saya mo siguro no?" Prangkang tanong niya sakin habang tiim bagang na nakatingin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo kuya."

"Hayop nayan, ano 'yon? Bat nila nalaman? Nagsumbong ka?" Sunod-sunod na tanong niya pa habang diretsong nakatayo malapit sakin.

"Wala akong alam kuya."

Diko talaga alam ang mga sinasabi niya sakin. Wala akong sinabi kila tita tungkol sa mga gagawin niya.

"Umayos ka, habang nasa pamamahay ka namin. Laruan lang kita at walang magbabago dun, tandaan mo 'yan," galit na pahayag niya sakin habang tinatapik ang pisnge ko.

Akala ko aalis na si kuya pero hindi pala, "nawalan nako ng gana umalis mamaya," saad niya sabay talikod sakin.

"Kuya," malungkot na tawag ko dito.

"Ano? Magpapaawa ka?!" Pahiyaw na tanong niya habang nakatalikod parin.

"Ano, papasok na po kasi ako," nahihiyang tugon ko dito.

Nakaharang parin kasi siya sa pintuan.

Hindi pa kasi siya umaalis. Nakatalikod lang siya sakin pero hindi parin siya gumagalaw na hindi ko alam kung bakit.

Nahihiya man dahil sa sinabi ko ay taas noo akong tumingin sakanya.

Para siyang tuod na nakatayo parin habang nakatalikod. Hindi ko mawari pero natatawa ako sakanya.

Habang tumatawa ay bigla nalang siyang humarap.

Seryoso na siya ngayon habang nakatingin sakin. Pero hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng tenga niya. Pati nadin ang leeg niya.

Tisoy kasi si kuya kaya siguro madaling mamula. Pero diko naman alam bat namumula siya.

"Kuya may sakit poba kayo?" Nahihiyang tanong ko sakanya dahil nakatingin parin siya sakin ng seryoso.

Ewan ko ah, pero ang kyut niyang mamula ngayon ko lang siyang nakita na ganyan. Ang sarap niya yakapin tapos kagatin sa tenga. Ang kyut kasi, akala mong baboy na niluto tapos mamula mula pa habang pinagpapawisan siya.

"P-Pake mo ba!" Namumula parin niyang tugon sakin. Bat nga ba siya namumula? Malamig naman dahil hindi naman ganon kainit dahil pahapon na. Malakas din naman ang aircon dito sa mansyon nila.

Nagtataka man sa nangyayari sakanya ay nagkibit balikat nalang ako.

"Galit ka paba sakin kuya?" Palambing na tanong ko pa dito.

Mas lalo lang siyang namula dahil nag pout pako sakanya.

Shit, ang sarap niyang halikan.

Nang hindi ako nakapag pingil ay umabante ako sa gawi niya.

Para naman siyang nataranta kaya natawa ko sa sarili ko.

Nang nasa harap na mismo ko niya ay tinitigan ko siya sa mata pababa sa ilong niya at sa mamula mulang niyang labi.

Ewan ko ah, pero inaakit talaga ako ng labi niya.

Isama mo pa ang pawisan niya na katawan. Habang nakaboxer na itim na pansin mo ang bukol. Nasa harapan kolang siya kaya kitang kita ko ang kabuuan niya na nagdadala sakin ng init.

Kaya lakas loob na dahan dahan akong tumingkad sa kanyang mukha habang sa labi niya nakatingin.

Habang papalapit ang mukha ko sakanya ay naghuling sulyap pako sakanya bago pumikit.

Kahit na natatakot sa magiging reaksyon niya sa gagawin ko ay ginawa ko parin.

Dama ko ang labi niya ng mahalikan ko na siya. Ramdam ko 'yon dahil para kong nilulunod ng halik namin. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko saya at pagkasabik sakanya.

Hihiwalay na sana ako sakanya ng bigla nalang niyang hinawakan ang batok ko.

Nabigla man ay natuwa parin ako sa ginawa niya. Ibig sabihin gusto din niya.

Mas lalo akong naghina ng maramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dila niya sakin.

Nagpaubaya ako sakanya dahil nadadala ako ng init ng katawan ko. Mas lalo niyang pinalalim ang halikan namin dahil mas diniinan niya ang hawak sa batok ko.

Habol hininga kaming dalawa ng naghiwalay na ang mga labi namin. Ayaw pa nga niya pero tinulak ko na ang dibdib niya dahil nauubusan nako ng hininga.

Namumula akong tumingin sakanya na ganon din naman siya.

Nang hindi kona alam ang gagawin ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko sabay lock dito.

Habang nakasandal sa pintuan ay napahawak ako sa aking labi. Ramdam ko parin ang init ng mga labi niya sakin.

Para akong baliw ngayon, sa mga nararamdaman ko.

'B-Bakit ako kinikilig?' Nakangiting tanong ko sa sarili.

Related chapters

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 5

    Nang dumaan ang hapon ay nandito parin ako sa aking kwarto.Nahihiya ako sa nangyare, ewan ko ba sa sarili ko kung bat ko ginawa ang ginawa ko.Pero nangyari na ang nangyari kaya wala nakong magagawa pa.Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.Dahil siguro nadala lang ako? O baka naman dahil nagustuhan ko?Pero first kiss ko 'yon.Kasalanan kodin naman hinayaan ko ang sarili kong maakit sakanya.Kahit hindi ako sigurado sa desisyon ko ay sumugal parin ako.Ginawa ko parin ang kapangahasan ko.Dala nga marahil ng init ng katawan ko kaya ko nagawa 'yon.Lumipas ang kinagabihan ay nasa kwarto parin ako. Ayokong lumabas.Baka andun si Branden, tapos magkakasalubong kami. Hindi ko siya kayang harapin ngayon.Pano kung tanungin ako kung bakit ko ginawa 'yon? Ano isasagot ko?Na, nadala lang ako ng init ng katawan?Pero may part kasi sakin na ayokong aminin na nadala lang ako. Dahil alam ko sa sarili ko na ginusto ko 'yon.Nang bandang alas otso na ay naligo na muna ako.Habang nagliligo a

    Last Updated : 2023-09-21
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 6

    Maaga palang umalis nako sa mansyon. Ayoko kasing makita si Branden sa bahay kaya naisip kong mag libot muna sa mall. Dahil tandang tanda ko pa ang pangyayari, pagkatapos niya kong halikan. --- "May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman." "Pero kuy--!" "Stop, diba ito naman ang gusto mo? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito kaya ako naman ang magpapatuloy hanggang katapusan. Wala na akong magagawa dahil umabot kana sa limitasyon mo. Pilit kung pinigilan pero ikaw na mismo ang nag-udyok sakin na gawin ito," mahaba niyang paliwanag. Napapalunok nalang ako habang tinitignan siyang nagsasalita, parang nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw. Buti nalang hawak niya ang katawan ko dahil muntikan nakong tumumba ng subukan niya kong bitawan. Naghihina ako dahil sa ginawa niya sakin at pinagsasabi. Anong ibig niyang sabihin doon? --- Nabalik lang ako sa katinuan ng may nagsalita sa harapan ko. "Wazzup! Pogi, bibilin mona ba ko?" Maharot na tanong niya sakin. "

    Last Updated : 2023-09-22
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 7

    Minsan naiinis tayo sa sarili natin dahil tayo mismo ang humahadlang sa ano mang nararamdaman natin, kaya humahantong tayo sa point na nag sisi tayo dahil imbes na sumugal tayo sa nararamdaman natin, kahit na mali ito ay hinahayaan nalang natin. Dahil pakiramdam natin ang damot ng tadhana, dahil ang kaligayahang hinihingi natin ay pinagdadamot pa niya.Marahil takot tayong tanggapin kung anong tunay natin na pagkatao, dahil na din sa lipunan nating mapanghusga at sa pamilya natin na ayaw nating ma-disappoint.Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kelan natin pipigilan na lumigaya?Sa lahat ng tanong na 'yan, tanging sarili lang natin ang makakasagot.Mabuti pa ang iba, nagagawa nilang magmahal na walang pinagbabawal. Walang tinatago at higit sa lahat magagawa nilang ialay ng buo ang kanilang pagmamahal at pagkatao sa isang tao, na nagmamahal sa kanila..Buti pa sila, hindi nila nararanasan kutyain at husgahan ng mga tao dahil sa pagmamahalan nila.Sabi nga nila 'Falling In Lov

    Last Updated : 2023-09-23
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 8

    Naging maganda ang daloy ng umaga ko.Dahil siguro nailabas ko lahat kay kuya ang iyak ko?Minsan kasi kailangan natin ng isang tao na dadamay satin. Dahil kahit anong gawin natin pag iyak hindi natin mailalabas lahat ng hinanakit natin pag walang nakikinig o dumadamay sa atin. Dahil kung mag isa kalang iiyak kulang parin dahil hindi mo mailalabas lahat. Kailangan mo parin ng karamay.Parang kaliti lang 'yan try mong kalitiin ang sarili mo. Diba? Hindi ka man lang nakiliti? Kaya kahit baliktarin man ang mundo kailangan natin ng isang tao na siyang gagawa ng hindi natin kaya.Naging maayos na kami ni kuya.Matapos kong humingi ng tawad ay ganoon din ang ginawa niya sa akin.---"Sorry kuya, sorry talaga," hagulgol na iyak ko."Shhh, ok lang yan. Sorry din sa lahat," pagpapatahan niya sa akin.Nang mahimasmasan ay kinausap ko siya, kailangan ko siyang kausapan sa lahat."K-Kuya... natatakot po ako," malungkot na saad ko sakanya.Tinawanan lang niya ko. Kaya sa inis ko ay hinanap ko ang

    Last Updated : 2023-09-24
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 9

    Lumipas ang bawat araw ay pilit ko siyang iniwasan. Kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa bawat araw na nagdaan.Sa tuwing umiiwas ako ay parang pinapatay ang kaluoban ko. Hindi ko kaya. Habang lumilipas ang bawat araw mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya.Hindi ko na kayang pigilan. Hindi kona kayang itago. Hindi ko na kayang magkunware. Higit sa lahat hindi kona kayang siya ay iwasan.Dahil sa bawat pag iwas ko ay parang dinudurog ang puso ko.Lalo na tuwing kumakain kami sa hapag-kainan.Tuwing nagtatama ang mga mata namin, ibang iba ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit. Gusto kong bawiin na hindi kona siya iiwasan.Gustong gusto ko siyang lapitan lalo na tuwing nakikita ko sa mata niya na, ang lungkot niya, parang ang tamlay niya.Kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin ko. Kahit saan ako pumunta, siya't siya ang naiisip at nakikita ko.Pati sa pagtulog ko gusto ko. Kahit sandali sisilip ako sa kwarto niya na mahimbing na natutulog. Haha

    Last Updated : 2023-09-25
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 10

    "Malapit na tayo," nakangiting pagpaparinig ni tito sa aming lahat."Kuya," tawag ko dine sa katabi ko.Tumingin lang siya sakin habang naka kunot noo."Pengeng kiss," bulong ko dito.Nang tignan ko siya ay nanlaki pa ang kanyang mata habang namumula.Tumawa nalang ako sa isip ko. "Kuya," pangungulit ko dito.Ewan ah, Pero simula ng naging maayos kami hindi na siya nagbibigay ng kiss sakin. Pinagdadamutan na niya ko.Tumingin lang siya sakin na hindi nagsasalita. Ano sinaniban naba si kuya ng masamang spirito?Nang bigla nalang ako nakaisip ng kalokohan. "Tignan lang natin kung hindi kita mahalikan," bulong ko pa habang nakatingin sa kanya.Palipat-lipat lang ang tingin niya, sakin at saka sa bintana."A-Aray," saad ko na alam kong siya lang ang makakarinig."Ang sakit," dugtong kopa.Tinignan ko lang siya sa gilid ng mata ko. Tama nga ako napukaw ko ang atensyon niya. "Bakit? Anong nangyayare sayo? Anong masakit?" Agarang tanong niya, pero hindi ko siya pinansin nakayuko lang ako h

    Last Updated : 2023-09-26
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 11

    Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga habang nag iisip sa sinabi sakin ni Marvin, anong ibig niyang sabihin dun? Matapos niyang sabihin 'yon ay tinawag siya ng magulang niya kaya nagtuloy tuloy na kong umakyat.Nang bigla kung maalala na bakasyon pala ang pinunta namin dito. Kaya dapat mag-enjoy.Maglakad lakad nalang muna siguro ako sa labas.Naligo muna ako bago napagdesisyonan na lumabas.Pagkatapos maligo ay nagsuot nalang ako ng plain na tshirt na kulay white tapos maong na short.Nakalabas naman ako ng mansyon na matiwasay. Siguro pagkatapos nilang kumain nag-si-pasukan muna sila sa mga kwarto nila para magpahinga. Sa kabilang resort ko naisipan maglakad lakad dahil kami kami lang naman ang tao dito. Pansin ko agad ang mga nagtatayuan mga hotel sa tabi ng mansyon nila tita. Di tulad sa gawi samin, dito ay madaming tao. Lakad lang ako ng lakad ini-enjoy ko lang ang bawat minutong lumilipas dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang lakas ng hampas ng alon sa lupa.Nakakaginh

    Last Updated : 2023-09-27
  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 12

    "Ayos ka lang ba?" Usisang tanong sakin ni Marvin.Tumango nalang ako sakanya dahil hindi ko naman alam kung maayos nga ba talaga ko.Matapos ng nangyari, magiging maayos ba ako? Hindi ko alam bakit sinuntok ni kuya Branden itong si Marvin.---Tumingin siya sakin ng matalim sabay sabing, "Akala ko ako lang? Pero anong ibig sabihin nito?"Nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ako nakapag salita dahil natatakot ako sa mga tingin niya."Wala kaming ginawa kuya. Ano bang sinasabi mo?" Nalilitong tanong ko sakanya.Kitang kita sa mata niya na gusto niya kong suntukin.Nang mapansin kong tumayo na si kuya Marvin ay pupuntahan ko na sana ng hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni kuya Branden."At sino may sabing pupuntahan mo siya?" Galit na tanong niya sa akin. Habang madiin na nakahawak sa braso ko.Nasasaktan nako sa ginagawa niya. Parang hindi ko na siya kilala. Hindi ko alam kung an

    Last Updated : 2023-09-28

Latest chapter

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Epilogue

    Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay Jane kundi dahil naalala kona.Naalala ko na ang lahat.Bat kung kelan huli na?Kung kelan alam kong hindi na puwede.Natatakot ako sa puwedeng mangyari. Sa puwedeng gawin samin ni tito Zleo.Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.At 'yon ang tamang gagawin ko.Sa ilang araw na nagdaan kailangan ko ng kausapin si kuya Branden dahil sa mga naalala ko.Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.Nang makasalubong ko si Zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya Branden.Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.-----Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si Shawn.Gustong gusto ko na siyang kausapin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 21

    Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si Shawn at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si Shawn.Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si Shawn.Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si Shawn o hindi.Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay Shawn ng hindi ko alam.Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.Sinisisi nilang lahat si Shawn.Dahil ang p

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 20

    Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya Branden.Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.Naging place ko na 'yon. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto. E, dito kahit saan akong pumunta ay malaya kong puntahan.Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si Jane.Si Jane na laging sunod ng sunod kay kuya.Kahit hindi naman na siya pinapansin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 19

    Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.Naalala ko tuloy 'yong mga araw na lagi kaming magkasama ni Shawn.Lagi kaming nag-lalasing ni Shawn dito parin sa tagaytay. Kung puwede ij,q nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasikreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag andito sila tito at tita. Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni Shawn dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Hi

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 18

    Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.Ala una na pala ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihintong sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.Baka kasi si kuya Branden na.Lumipas pa ang mga oras ay wala paring Branden ang nagpapakita sakin.Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.Paminsan minsan sinasagot ko na naglilibang lang sa labas.Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.Si kuya Marvin bago mag-inuman kinagabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kailangan niyang puntahan.Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 17

    9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, nang iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya Branden na mahimbing na natutulog.'Magkatabi kaming natulog?' Tanong ko sa sarili ko.Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip, hindi ako nilipat ni kuya bagkus hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang mukha niya.Bumibilis ang tibok n

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 16

    Ilang araw ang nagdaan at lagi lang kaming magkasama ni kuya Marvin.Kahit na may gusto siya sakin ay sinabi ko nalang na hindi ko maibabalik ang pagmamahal niya.Dahil mahirap turuan ang puso, kung puwede nga lang na siya nalang ginawa kona.Sa bawat araw na magkasama kami, naging magaan ang loob ko sa kanya.Si kuya Branden, ayun tuluyan ko ng hindi pinansin.Lagi din silang magkasama ni Jane.Pero tuwing nagtatagpo ang landas namin laging nag-iiba ang timpla ng mukha niya.Lagi siyang galit kung makatingin lalo na kay kuya Marvin.Kaya kami nalang ang umiiwas para hindi na lumala ang gulo.Kahit na minsan napapansin ko na gusto akong lapitan ni kuya Branden.Kita ko sa mukha niya na nalulungkot siya.Gusto ko siyang lapitan tulad ng gusto niya.Kaso ayoko ng masaktan. Sawa nakong masaktan.Masaya nadin naman siya kay Jane. Pansin ko 'yon dahil tuwing magkasama sila

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 15

    "KUYA!" Hiyaw niya sakin ng minsang magkasalubong kami palabas ng mansyon.Sa gulat ko ay napalingon ako sakanya habang tinataasan siya ng kamao na may pagbabanta. Loko talaga puwede naman akong tawagin ng hindi humihiyaw.Nang tignan ko siya ay nakangiti lang ang kupal habang ako naman ay patingin-tingin sa mga taong nakapaligid lalo na kila tito at tita.Tumakbo siya papalapit sakin pagkatapos ay yumakap ng mahigpit."Ang tagal mong umuwi kuya, san kaba galing?" Tanong niya pa.Ang gwapo niya ngayon sa suot niya. Ang lakas makaakit.Ginulo ko muna ang buhok niya bago sumagot, "Nagpaalam naman ako sayo ah."Nag-pout pa siya sakin, "Dapat kasi sinama mo nako kuya, ayan tuloy namiss kita."Kinilig naman ako sa sinabi niya sakin. Kahit kelan talaga alam na alam niya paano ako pakiligin.Inaya ko muna siya sa labas na mag-lakad lakad, "Hayaan mona andito naman nako," sambit ko.Ngiting n

  • Love Is Never A Mistake [BXB]   Chapter 14

    Summer noon kaya nagbakasyon kami sa tagaytagay. Nakaugalian na ng buong pamilya na mag-outing, swimming or out of town. Pero mas hilig nila magbakasyon sa mga dagat tulad nito. Sa totoo lang ito lagi ang naiisip nila pag gusto nilang magbakasyon. This time tagaytay ang napuntahan namin. May bahay naman si tito Zleo dun na kaibigan ni papa. Asawa niya si tita Almira.Pagkakaalam ko meron silang resort doon kaya nagpatayo sila ng bahay para may matutuluyan sila pag dun nagbakasyon.Pero pagsumasama kami mas gusto ko 'yong nirerentahan na pool kesa sa dagat.Meron din naman swimming pool sila tita pero enjoy kasi pag madami kayo tapos hindi mo pa kilala. Malay mo may maganda dun tapos minsan puwede kapang mantrip ng hindi mo kilala. Pero masaya din naman sa side namin dahil madami talaga kami. At ang isa sa pinupuntahan namin dun iyong videoke. Abalang abala ang lahat dahil malapit ng magtanghalian. Ang dami nilang iniihaw sari-

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status