Masakit ang aking ulo ng magising ako kinabukasan, Masakit rin ang mga paa ko dahil isang buong araw ako kahapon naghanap ng trabaho. napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko na wala parin akong nahahanap na trabaho sa loob ng isang linggo, nagsara na kasi ang karenderyang pinapasukan ko lahat naman ng pinag applyan ko ay hinahanap ako ng diploma subalit hindi naman ako nakapagtapos,
Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos, doon ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin at hinawi ang iilang hibla ng buhok kung nakalaylay dahil hindi pa ako nakakapanuklay, ngumiti ako at huminga ng malalim, kailangan kong maging matatag hindi lang para sakin kundi narin para kay Andy , napakabata pa niya at nag aaral pa siya kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.
Tatlong malalakas na katok ang narinig ko mula sa labas ng tinutuluyan kong apartment, tumambad sakin si Madam lolita ang may ari ng paupahang apartment na tinutuluyan ko , nakataas ang kilay nito habang hawak hawak sa kanang kamay niya ang hindi kalakihan nitong pamaypay.
Napakamot ako sa ulo. " Madam lolita, Magandang umaga po," Sambit ko at ngumiti dito ngunit umirap lamang ang matanda.
" Hay naku! Walang maganda sa umaga ko Aena, magbayad ka at baka sakaling gumanda pa ang umaga ko, tatlong buwan ka ng hindi nakakabayad ng renta, baka nakakalimutan mong negosyo ko ito at kailangan ko ring kumita." Masungit na ani nito kaya nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan mg mga daliri ko.
" Pasensya napo talaga wala pa lang po akong nahahanap na trabaho ngayon pero pangako po pag nakahanap ako babayaran ko kayo kaagad," Pagsusumamo ko, hindi ako pwedeng mapaalis kasi wala naman akong mapupuntahan.
"At kailan naman yan? Pag puti ng uwak?" pagak itong tumawa . " Sa isang linggo at pagbalik ko at wala kapang maibabayad sa akin ay mag impake kana dahil hindi iyon pupwede sakin, hanggang isang linggo lang ang ibinibigay kong palugit sa iyo, naiintindihan mo?" Marahan akong tumango. " Salamat po," Umismid na lamang ito bago umalis.
Isa pa yun sa problema ko, hindi ako pwedeng mapaalis dito dahil wala akong tutuluyan , kung babalik naman ako sa probinsya ay lalo lang akong walang makikitang trabaho doon.
Napahilot ako sa sentido ng makita kong bente pesos nalang ang natitirang pera ko sa aking walet, paano ako maghahanap ng trabaho gamit ang bente pesos? ayus naman sa akin kung maglakad ako ngunit paano ako kakain? Siguro ay kailangan ko munang magtiis ngayong araw, iisipin ko nalang na nagdadiet ako kaya hindi ako kakain.
Nagsimula na akong mag ayus at binitbit ang may kalumaan kong shoulder bag at lumabas ng apartment.
Pinunasan ko ang pawis ko bago bumuga ng hangin, pang apat na itong restaurant na pinuntahan ko, may nakapaskil na wanted dishwasher kaya nilapitan ko si kuyang guard para magtanong.
"Magandang tanghali po , Nasa loob poba ang manager nitong resto manong? Mag aapply po sana ako," Tumango ito bago buksan ang bubog na pintuan. " Nandyan ija, puntahan mo diyan , magtanongtanong karin sa mga crew." Tumango ako bago nagpasalamat.
"Mag aapply po sana akong dishwasher," Magalang kung sambit sa sopistikadang babae sa harap ko na manager daw dito.
"May nakuha na kami nung isang araw pa, nakalimutan lang tagkalin ang paskil sa labas," Nanlulumong naglakad ako palabas at nawawalan ng pag asa. Bakit ba napakasama sakit ng tadhana, ni hindi man lang ako pagbigyan ng trabaho. Inis kong binalingan ang restong huli kong pinasukan, " Bakit kasi nakapaskil pa yun doon, mayron na pala naman, ang sungit pa nung manager," Nakita kong tinatagkal na ang paskil ng isang crew. Busangot akong naglakad paalis doon at susubok ulit sa iba.
Sa ilalim ang mainit na araw ay naglalakad ako habang hawak ang tiyan ko na kumakalam na kanina pa. Naliliyo narin ako dahil siguro sa gutom pero wala naman akong pambili kasi ginamit ko yung bente pesos pampaprint ng resume ko kanina. Hinawakan ko ang limang pisong natira sakin. Siguro bibili nalang muna ako ng palamig sa kabilang kanto.
Ganun nga ang ginawa ko pero dahil siguro kakambal ko yung kamalasan nabitawan ko si limangpiso at nahulog ito sa siwang ng kanal. Jusko naman! Pati limang piso iniwan ako. Naiiyak tuloy akong nagmasid nalang sa kabila ng sakit ng tiyan ko.
Pakiramdam ko umiikot yung paningin ko habang naglalakad sa tabi ng kalsada, sa harap ng nagtataasang mga gusali.
Nagpasya akong tumawid at maupo doon sa kabilang kanto na mayroong upuan, doon muna ako magpapalipas ng gutom.
Hindi pa man ako nakakatawid ay narinig ko na ang malakas na busina ng sasakyan palapit sakin , gusto kong tumakbo at iwasan iyon pero huli na ang lahat dahil unti unti na akong kinakain ng dilim.
Nagising ako sa loob ng puting kwarto, noong una akala ko nasa langit na ako pero napagtanto kong nasa ospital ako. Sinuri kong mabuti ang aking katawan ngunit wala namang ibang masakit maliban sa balakang ko. Hindi ako nasagasaan? Wala kasi akong sugat, kaunting gasgas lang sa may siko ko at braso.
Pumasok ang doktor kasunod ang hindi pamilyar na lalaki, nasa tabi nito ang lalaking hindi ko rin kilala.
Matikas, matipuno at hindi maipagkakailang gwapo ang lalaking nasa kanan na katabi ng doktor na mariing nakatitig saakin ngayon. Hindi ko alam pero kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"Okay naman siya, walang problema sa katawan niya, masyado lang siyang stress at pagod ang kanyang katawan kaya siya nawalan ng malay, base rin sa sinagawa naming test ay nalipasan siya ng gutom. kailan ka huling kumain?" Bumaling sakin ang doktor.
Napakagat labi ako bago sumagot. " Kahapon pong hapon,"
Tumango tango ito bago nagsalita
" Huwag munang uulitin iyon, mas importante parin ang kalusugan kaya sana ay alagaan mo ang iyong sarili. Mauna na ako, magpahinga ka at maya maya lang ay pwede ka ng lumabas." Sambit ng doktor at nagpaalam na.
Napabaling ako sa dalawa pang kasama ko sa loob , tumingin ako doon sa lalaki na nakahalukipkip ang mga braso at seryusong nakatingin sakin.
" You don't need to worry about the bills, I'll handle it kahit na hindi naman dapat, tulong ko nalang sayo. Maya maya pwede ka ng lumabas, We need to go, " Bumaling ito sa kaniyang katabi.
"Ahmm, bakit po pala ako napunta dito?" Tanong ko.
"As you can see nahimatay ka sa gitna ng kalsada, mabuti nalang at hindi mabilis ang takbo ng sasakyan dahil baka nasagasaan kapa. " ang kasama nitong lalaki ang sumagot.
"Salamat po pala sa inyo," Saad ko.
Hindi na sumagot ang isang lalaki at lumabas na ng silid , ngumiti naman ang kasama niya. " Walang anuman, mag ingat ka nalang sa susunod," Ani nito at lumabas na din.
Gabi ng lumabas ako sa ospital, naupo muna ako sa tabi malapit dito at tiningala ang madilim na kalangitan mula roon. Kita ko ang libo libong mga bituin sa langit na nagniningning. Hindi ko na napigilan ang patak ng luhang umalpas mula sa mga mata ko. Masakit parin pala, na sa lumipas na panahon akala ko kaya ko ng mag isa, na kaya ko kahit wala sila dahil kailangan, Ma,Pa, kung nasan man kayo ngayon sana po gabayan niyo ako. Pagod napo kasi ako eh pero alam kong hindi ako pwedeng sumuko dahil umaasa sakin si Andy, hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa pastlife ko para maranasan lahat ng ito. Noon hindi ko maiwasang maiinggit sa mga batang kumpleto ang pamilya, masaya at nakakapag aral.
Ang kapirasong luha na pumatak kanina lamang ay nasundan ng nasundan hanggang sa hindi ko na napigilan pa. Kahit ngayon lang gusto kong ilabas yung sakit. Sakit na mawalan ng mahal sa buhay sa murang edad, at hanggang ngayon lumalaban parin ako, lumalaban parin kami ng kapatid ko.
"Miss ito oh," Nag angat ako ng tingin sa nagsalita. Siya yung lalaki kanina iyong nakangiti at hindi seryuso. Nahihiya kong tinanggap ang panyo at pinunasan ang mukha ko.
"Pinapaabot yan ni Sir, Andun siya oh," tinuro niya ang kotse sa labas. Hindi ko naman ito kita subalit alam kong nasa loob ito ng kotse.
"Bakit nandito kapa? Gabi na ah, umiiyak ka pati, may problema kaba," Bahagya lang akong ngumiti.
" Hindi naman masyadong malaki," Sagot ko dito.
" Ang mabuti pa ay ihatid ka na namin, saan ba ang sa inyo?" Mabilis akong umiling.
"Naku! huwag na , nakakahiya sa boss mo." Tanggi ko kasi nakakahiya naman talaga isa pa kaya ko namang maglakad pauwi.
Bumaba ang bintana ng kotse.
"Get in," Baritonong boses nito habang nakatingin samin.
Nakatungo akong lumapit at pumasok sa loob ng sasakyan, sa front seat ako sumakay kasi nakakahiya kung sisikbay pa ako dun sa lalaki.
Nagsalita yung lalaking driver.
"Ako si Lito, siya naman ang boss kong si Tyron De Vega, mapagkakatiwalaan mo kami, saan yung sa inyo?" tanong niya.
"Dyan lang ako sa Street 6, sa kabilang kanto." Tumango ako.
"Bakit parang problemado ka? Umiiyak kapa kanina." Tanong pa nito. Wala naman sigurong masama kung sabibin ko hindi ba?
"Naghahanap kasi ako ng trabaho, isang araw akong nagpauli uli pero wala akong nakita, lahat sila naghahanap ng diploma. Wala naman ako nun kasi hindi ako nakapagtapos." May bahid ng lungkot ang boses ko.
"Sayang wala akong alam na pwede mong pasukan eh," Ngumiti naman ako.
"Okay lang, Salamat po pala sa paghatid." Bumaling ako sa lalaking nagngangalang Tyron .
Seryuso lang ako nitong tiningnan.
"Tomorrow morning in Forbes Village, 6am, I want you there," Ani nito ngunit hindi ko naintindihan.
"Po?Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.
"I'll give you job," Nakatingin ito sakin kaya naman hindi agad nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. Bibigyan niya ko ng trabaho? Totoo ba ito.
"Talaga po?" Tuwang tuwang nilapitan ko ito at niyakap. Tumikhim naman ito kaya nahihiya akong umalis, Jusko! Ano ba yung ginagawa ko. Nakakahiya.
" Pasensya napo, natuwa lang talaga ako. Kailangang kailangan kopo kasi talaga ng trababo. Salamat po ulit." Masayang sambit ko. Tumango lamang ito bago sinensyasan si Lito na umalis na. Pinanood ko pa silang lumayo bago nagpasyang pumasok na sa aking tinutuluyang apartment.
Maaga akong gumising kinabukasan na may ngiti sa mukha at may kasiyahang nararamdaman, ngayong araw kasi ang punta ko sa bago kung trabaho hindi ko maiwasang ngumiti ng ngumiti kasi finally meron na akong magiging trabaho, hindi ko na kailangang mamroblema ngayon kung saan ako kukuha ng pera. Naligo ako at nagbihis ng maayus na damit. Isa iyong pares ng jeans at isang white t shirt, at least malinis akong tingnan sa suot kong ito. Naglagay din ako ng kaunting polbo at liptint sa aking labi para hindi ako magmukhang maputla.Sinukbit ko ang maliit kong bag at lumabas ng apartment para maghanap ng taxi pero sa gitna ng paglalakad ko ay bigla kong naalalang wala na nga palang akong pera, paano ako sasakay?Kagat labi tuloy akong napakamot nalang sa ulo.Maglalakad nalang siguro ako? Hindi ko naman alam kung saan iyon, paano pala kung malayo? Hays bahala na. Tumayo muna ako at pinanood ng ilang sasakyang dumadaan paroon at parito. Maya maya lang tumigil sa harap ko ang isang BMW na sasakya
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang palasyo. " Subrang ganda at ang laki po manang nitong mansyon ano? Mabuti nalang po at hindi kayo naliligaw," Natawa naman si manang at humarap sakin at huminto kami sa tapat ng malaking litrato ng isang pamilya." Tama ka ija, tunay na maganda at malaki ang mansyon na ito na maiisip mong palasyo. Ito ay sa mga magulang pa ni Tyron at pinamana sa kanya bilang nag iisang anak. " Tumango tango ako.Napakaganda at swerte talaga kung ipinanganak kang mayaman, dahil hindi mo kailangang dumanas sa hirap at magbanat ng buto makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Napaisip tuloy ako, kung sakaling tulad nila'y may pera rin kami, hindi sana namatay sina mama at papa sa sakit at hindi ko rin sana kailangan magtrabaho agad ng maaga, nag aaral sana ako ngayon. "Napakaswerte po ni sir, dahil meron siyang buong pamilya at mga bagay na hindi madaling makuha ng iba, tulad namin," Ani ko na hi
Mabilis ang mga galaw ko habang nag aayos ng sarili, sinabihan kasi ako ni manang rita na isasama niya raw ako sa pamimili ng grocery. Nagsuot lang ako ng simpleng damit at humarap sa salamin, naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint bago ko itinali ang aking buhok. "Aena! Tapos kana ba iha magayak?" narinig kong tawag ni manang. "Opo manang, pababa napo ako," Sagot ko at naglakad na palabas ng silid. Hawak ang listahan ay mga dapat naming bilhin ay dire diretso kung tinungo ang lagayan ng mga gulay sa vegetables area, kumuha ako ng mga gulay na nakalagay sa listahan at inilagay iyon sa cart. Nakita ko namna si manang na kumukuha ng mga ingredients, nilapitan ko ito. "Manang, napakarami po nating dapat bilhin ano?" tumango naman ang matanda. "Bilin iyan ni Tyron dahil parating na ang mga magulang niya, kailangan nating bumili ng ihahanda sa pagdating nila," saad ni manang at nagpatuloy sa pagdampot ng mga dapat naming bilhin. Inabot kami ng tanghali sa pamimili, akala ko uuwi na k
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, iniunat ko ang mga braso ko habang ginagawa ko yun ay sumagi sa isip ko kung paano ako nakauw kagabi, nasagotdin agad yun ng maalala kong si sir Tyron pala ang sumundo sakin kaya nakauwi ako. Bumaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok doon, iniluwa nun ang lalaking kanina lamang ay laman ng aking isipan. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso ng tubig at tabletang gamot naman sa kanan. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko na ito. "Take it," Aniya nito at ipinatong ang dadalang inumin at gamot sa bedside table. Nagulat naman ako ng sapuin nito ang noo ko bago nagsalita. "You already don't have a fever, but take this medicine to be sure that you're going to be okay," tumango tango naman ako. "Salamat po sir, hindi nyo naman po kailangang gawin ito, nakakaabala po ata ako," nahihiyang sambit ko. "I insist, Aena," hindi ko alam ngunit mayroong kiliting dulot saakin ng banggitin ng binata ang pangalan ko. "Salam
Tuwang tuwa ang kapatid ko ng tumawag ako kinabukasan, masayang masaya ito habang kausap ko sa telepono, namasyal daw kasi sila ni ate merna kahapon sa bayan at kumain sa Jollibee, marami din daw syang bagong damit at laruan. Ang malamang masaya at kumpleto sa pangamgailangan ang kapatid ko ay masaya narin ako. Pinagpatuloy ko ang pagmomop sa mansyon, pagdidilig sa mga halaman, gayun din ang paglilinis ng pool. Pawisan akong pumasok sa loob ng matapos ako, mataas kasi ang sikat ng araw sa labas kaya ganun na lamang akong pagpawisan.Wala ngayon si boss sa mansyon, pumasok ito sa kompanya niya, si manang naman ay umalis dahil may kailangan daw asikasuhin at mamaya pa siyang hapon babalik, ako lang tuloy ang tao ngayon dito. Naglakad ako papalapit sa malaking refregerator at naghanap ng pwedeng kainin, nahagip naman agad ng mata ko ang adobong tira namin kagabi kaya mabilis ko itong kinuha, nagsaing din sako sa rice cooker at matapos iyon ay masaya na siyang kumain.Tinapos ko lahat ng