Share

Chapter 3

Mabilis ang mga galaw ko habang nag aayos ng sarili, sinabihan kasi ako ni manang rita na isasama niya raw ako sa pamimili ng grocery. Nagsuot lang ako ng simpleng damit at humarap sa salamin, naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint bago ko itinali ang aking buhok. "Aena! Tapos kana ba iha magayak?" narinig kong tawag ni manang. "Opo manang, pababa napo ako," Sagot ko at naglakad na palabas ng silid. 

Hawak ang listahan ay mga dapat naming bilhin ay dire diretso kung tinungo ang lagayan ng mga gulay sa vegetables area, kumuha ako ng mga gulay na nakalagay sa listahan at inilagay iyon sa cart. Nakita ko namna si manang na kumukuha ng mga ingredients, nilapitan ko ito. "Manang, napakarami po nating dapat bilhin ano?" tumango naman ang matanda. "Bilin iyan ni Tyron dahil parating na ang mga magulang niya, kailangan nating bumili ng ihahanda sa pagdating nila," saad ni manang at nagpatuloy sa pagdampot ng mga dapat naming bilhin. 

Inabot kami ng tanghali sa pamimili, akala ko uuwi na kami pero sabi ni manang ay dumaan daw muna kami sa jollibee, may iniwan din si sir na pera na pangkain daw namin. Pinasama din niya si kuya Lito samin para maging driver namin. 

Nakangiti ako ng makapasok kami sa jollibee, dati pinapangarap lang naming magkapatid na kumain sa ganitong klaseng kainan, para kasi sa tulad naming mga bata pa noon ay kasiyahan na sa amin ang makakain dito. Wala kasing ganito sa probinsya.

Kapag nakuha ko ang sweldo ko, ipapadala ko kaagad yun kay ate Merna para dalhin si Adie sa bayan at pakainin sa Jollibee doon. 

"Bait po ni sir ano? Binigyan pa tayo ng pangkain," nakangit kong saad ng matapos kung maubos ang pagkain ko. "Mabait talaga iyon si sir Tyron, ewan koba kung bakit napunta iyon kay ma'am Cayleigh, di bagay," ani ni kiya Lito,medyo pabulong pa ang sambit nito sa huling linya. Sinamaan naman ito ng tingin ni manang.

Si kuya Lito ang nagpasok ng mga pinamili namin sa loob, nag aayos ako ng mga pinamili namin ng tumunog ang telepono sa mansyon, senyales na may tumatawag. "Sasagutin ko lang iha," paalam ni manang kaya tumango ako at ipinagpatuloy ko ang ginawagawa ko. Inilagay ko ag mga chocolates at fresh milk sa ref.

Bumalik si manang "Iha, pinapasuyo ni sir na dalhin sa opisina niya iyong naiwan niyang mga papeles kanina, puwede bang ikaw ang magdala?" saad ni manang, tumango naman ako. "Oo naman po, nasaan poba ang mga papeles?" sandali naman itong nagpunas ng kamay, "Sandali iha at kukunin ko sa silid niya," tumango ako.

Bumaba si manang na bitbit ang itim na attache case ni sir, iniabot niya iyon sa akin. "Ipagdadrive ka ni Lito papunta sa opisina niya," pumasok si kuya Lito. "Halika na Aena," nagpaalam ako kay manang at sumunod na kay kuya Lito sa labas.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng mataas na gusali, namamanghang inilibot ko ang tingin sa kabuuan nito. Binuksan ko ang pinto at lumabas bitbit ang attache case ni sir bago humarap kay kuya Lito. "Hindi kapo sasama sa loob?" umiling naman ito. "May iniuutos pa kasi si sir Tyron sa akin, susunduin nalang kita mamaya,  ihahatid lang kita sa loob para ituro nila sa iyo ang opisina ni sir," tumango ako at sumunod sa kanya papasok sa loob.

"Hi ma'am, saan po dito ang opisina ni sir Tyron?" tanong ko sa babae sa front area. "Ikaw si Aena? Ipinagbilin sakin ni sir na papasukin ka," tumango ako. "Ako nga po," sinamahan ako nito papasok sa elevator, nang makalabas kami ay itinuro niya ang pinto sa dulo ng hallway. "Iyon ang opisina ni sir, kumatok ka nalang," nakangiti nitong saad sa akin. "Sige po, salamat," ani ko at tinungo ang tinuro ng babae.

Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses, "Come in!" ani ng pamilyar na boses mula sa loob ng opisina, nakayuko kung itinulak ang pinto ng opisina at tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko si sir na nakaupo sa harap ng kanyang lamesa habang matamang nakatingin sa akin. 

Yumuko ako. "Good afternoon po sir, na rito po iyong pinapadala niyo," dahan dahan akong naglakad papunta dito at ipinatong ang dala dala ko sa ibabaw ng kaniyang mesa. 

"Are you nervous? you're shaking," doon ko lang napansin na nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam ng tensyon. 

"You don't need to be nervous, hindi naman ako nangangain ng tao," nagulat ako ng ngumiti ito at lumabas ang malalim nitong dimple, ngayon ko lang iyon nakita. Naramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. 

"Kumain kana?," Lumingon pako sa likodan ko nagbabakasakaling may iba itong kausap pero naalala kong kami nga lang pala ang narito.

"Opo sir, kumain po kami nina manang kanina pagkatapos naming mamili, salamat po pala," tumango lang ito bago itinuro sa akin ang sofa sa kabilang gilid.  "You can stay there for a while, tatapusin ko lang ito, sabay na tayong uuwi," tumango tango lang ako at naupo sa tinuro niyang sofa.

Nakita kung tumayo ito at inayos ang sarili, papunta na sana ito sa akin ng bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa noon ang magandang babae, parang model ang dating niya dahil sa gandang taglay nito. Humalik ito sa labi ng binata na ikinagulat ko, hindi lang kasi ako sanay makakita ng ganun. "Hon, i miss you," Saad ng babae, ngayon ay natukoy ko ng ito ang kasintahan ni sir Tyron. Ngumiti naman si sir Tyron dito, "I miss you too hon," tila kinilig naman ang babae. Hindi ko namalayan na napabuntong hininga ako ng malakas, naagaw ko ang atensyon nila lalo na nung girlfriend ni sir, si sir naman ay tila nagulat pa, nakalimutan na atang narito ako. 

"Who is she?" tanong nung babae pero nasa akin ang atensyon. "She's my maid, may pinadala akong papeles sa kanya kaya siya narito," hindi ko alam pero bakit parang nakaramdam ako ng kakaibang kirot ng marinig kong sambitin niya ang salitang 'she's my maid', ngumiti na lamang ako sa girlfriend ni sir. "Magandang hapon po," ani ko at bahagyang yumuko. Wala naman akong narinig na sagot mula rito. 

"Hon, let's date hmmm, katatapos lang ng shoot ko at ikaw agad ang gusto kung makasama," naglalambing ang babae kay sir, ngumiti naman si sir at hinaplos ang mukha nito, napaiwas ako ng tingin. "Sure, pero kailangan muna natin siyang ihatid," tinuro ako ni sir na ikinagulat ko, nakita ko naman ang bahagyang pag irap ng babae. "Naku! Okay lang po ako sir, iintayin ko nalang po si kuya Lito, gora na po kayo, enjoy po," ani ko at tumayo. "Wa-" pinutol naman ng babae ang sasabihin nito, dire diretso nakong lumabas at sumakay sa elevator pababa ng ground floor. 

Naupo ako sa bench at nagpasyang intayin si kuya Lito, napansin ko ang paglabas nina sir at nung girlfriend niya. Lumapit pa ito sakin, "Are you sure, na hindi kana magpapahatid muna?" tumango tango naman ako. 

"Opo sir," sambit ko, ngumiti pa.

"Let's go hon," hinila na ito ng babae patungo sa sasakyan. Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayo nilang sasakyan at muling isinandal sa upua ang sarili. Isa lang ang masasabi ko sa girlfriend ni sir Tyron, napakaganda niya pero halatang sopistikada, hindi rin ata maganda ang timpla sakin. Kanina habang tinitingnan ko pamilyar  siya, iyon pala ay dahil isa  siyang sikat na model dito. Nakita ko iyong billboard niya dati nang una akong tumuntong dito sa Maynila. 

Magdidilim na ngunit wala parin si kuya Lito, wala naman akong dalang cellphone kaya hindi ako makatawag sa mansyon, wala din akong dalang pera kahit piso. Napatingin ako sa langit ng biglang bumuhos ang ulan, kapag minamalas ka nga naman. Mag aalasais narin kaya naglalabasan na ang mga empleyado, maiiwan ata akong magisa dito.

"Iha? Hindi kapaba uuwi, kanina kopa napansin na parang may hinihintay ka? Darating pa kaya yun? Gabi na at delikado para sayo ang mag isa dito," saad ng security guard.

"Okay lang po ako, darating po yun baka may ginawa lang," tumango nalang ito bago pumasok sa loob.

Nilalamig kung niyakap ang sarili, alas syete na pero mukhang hindi na dadating si kuya Lito, paano ako uuwi ngayon? Mukhang kailangan kung magpalipas ng gabi dito. Yumuko ako at ipinatong ang mga paa ko sa upuan, ipinatong ko din ang mga braso ko at doon yumuko, nilalamig na talaga ako. Wala parin atang balak tumigil ang ulan. 

Mas lumakas pa ang ulan kaya tuluyan na akong nabasa, yumuko ako at niyakap ang sariling nanginginig na sa lamig. 

Bumalik ako sa ulirat ng maramdam kung may presensya sa harap ko, unti unti akong nagtaas ng tingin at doon sumalubong sakin ang may pag aalalang mukha ni sir Tyron. Bumalik siya, binalikan niya ako, hindi ko maiwasang mapangiti.

"S-sir" nanginginig na sambit ko. 

Yumuko naman ito at hinaplos ang noo ko. "Mainit ka, dapat kasi hinayaan mo nalang akong ihatid ka kanina," naramdaman ko nalang na binuhat ako nito, masama na ang talaga pakiramdam ko. "Pinag alala mo ako subra," yun ang katagang huling narinig ko, naramdaman kopa ang kamay na humawak sa mga kamay ko, bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gemmalyn Bucud Santos
Chapter 4 please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status