Maaga akong gumising kinabukasan na may ngiti sa mukha at may kasiyahang nararamdaman, ngayong araw kasi ang punta ko sa bago kung trabaho hindi ko maiwasang ngumiti ng ngumiti kasi finally meron na akong magiging trabaho, hindi ko na kailangang mamroblema ngayon kung saan ako kukuha ng pera. Naligo ako at nagbihis ng maayus na damit. Isa iyong pares ng jeans at isang white t shirt, at least malinis akong tingnan sa suot kong ito. Naglagay din ako ng kaunting polbo at liptint sa aking labi para hindi ako magmukhang maputla.
Sinukbit ko ang maliit kong bag at lumabas ng apartment para maghanap ng taxi pero sa gitna ng paglalakad ko ay bigla kong naalalang wala na nga palang akong pera, paano ako sasakay?Kagat labi tuloy akong napakamot nalang sa ulo.
Maglalakad nalang siguro ako? Hindi ko naman alam kung saan iyon, paano pala kung malayo? Hays bahala na. Tumayo muna ako at pinanood ng ilang sasakyang dumadaan paroon at parito. Maya maya lang tumigil sa harap ko ang isang BMW na sasakyan, mabilis akong umatras para hindi mahagip pero hindi ko maiwasang mamangha habang tinititigan iyong kotse. Kahit naman kasi hindi ako nakapagtapos ng pag aaral ay alam kung mamahalin at hindi basta basta ang ganitong sasakyan.
Mula roon ay lumabas ang lalaking nakasuot ng puting polo, si Lito! Iyong driver kagabi lang. Anong ginagawa niya dito?
"Lito?Anong ginagawa mo dito?" Tumingin pa ako sa likod niya pero siya lang ang lumabas ng sasakyan.
"Pinapasundo ka ni Sir Tyron, Ihahatid kita ngayon sa kanya." Sambit nito dahilan para matango ako. Mabuti nalang naisipan nung ipasundo ako kasi kung hindi, hindi ko alam kung paano ako makakapunta doon.
"Salamat naman, kanina pa nga ako namomroblema kung paano ako makakapunta dun eh, bukod sa hindi ko yun alam ay wala pa akong pera." Ngumiti naman ito. "Kaya nga naisip niyang ipasundo ka nalang." Lumingon ako sa kanya. " Saan nga pala siya ngayon? Sa kanya mo ako dadalhin diba?" Tanong ko
"Nasa opisina siya ngayon , doon din kita dadalhin, iyon ang utos niya." tumango tango ako bago ibaling ang paningin sa labas.
Mahigit kalahating oras lang ang biyahe bago kami nakarating, namangha ako sa taas at laki ng gusaling nasa harap ko ngayon, ni hindi ko nga mabilang kung ilang palapag meron ito.
"Wow! Ang laki naman ng gusaling ito, dito siya nagtatrabaho? Anong trabaho niya dito?" Curious kung tanong habang nakasunod sa kanya papasok.
"He's the CEO," napatigil ako at nagulat. "CEO?" Tumango ito bago nagpatuloy sa paglalakad at paumasok sa elevator.
"Ibig sabihin sa kanya ito ganun ba?" Tumango ulit ito at ngumiti. "Hindi kaba makapaniwala?" Tanong naman nito. "Oo, kasi ang galing diba , parang ang bata pa niya para magkaroon ng pag aaring ganito kalaki," Manghang sagot ko.
"Ipinanganak si sir Tyron na mayaman, nag iisang anak kaya sa kanya lahat ipinamana ang lahat ng pag aari ng pamilya nila." Saad nito bago nagpatuloy sa paglalakad ng makalabas kami sa elevator. Napanguso naman ako. "Sana lahat diba?" Napatawa naman ito.
"Alam mo noon akala ko ang mga CEO ay yung mga matatanda na, yung mga malalaki ang tiyan tapos panot yung buhok," Napatawa pa ako sa sarili kong conclusion.
"Meron din namang ganoon talaga, nagkataon lang na bata pa si sir, hindi pa rin siya panot." Doon ako tuluyang natawa.
Tumigil kami sa harap ng pintuan at dahan dahan ni Litong pinihit ang siradura noon. Tumambad sa akin ang napakalaki at maganda nitong loob. Inilibot ko ang paningin ko dito. Maraming nakadisplay, lahat mamahalin , glass wall din dito kaya kitang kita ang lungsod sa labas.
Sa muling pag ikot ng mga mata ko ay nadako iyon sa isang lamesa kung saan nakaupo ngayon ang lalaking pretenteng nakatitig sa akin, biglang kumabog ang dibdib ko dala ng kaba. Nakayuko akong umayos ng tayo dahil bigla akong tinamaan ng hiya.
"Good morning po, pasensya napo masyado kasi akong namangha, ang ganda po kasi dito." Tumango lamang ito.
"Mauna na po ako Sir," Nagpaalam si Litong lalabas muna kaya lalo akong nakaramdam ng kaba. Kinurot kurot ko ang daliri ko at dahan dahang huminga.
"Have a seat," Itinuro niya ang sofa sa di kalayuan ng mesa niya.
"Ahmm, itatanong kopo kung ano magiging trabaho ko?" Sumanda siya sa kanyang bangko bago humarap sakin. " I want a maid, Your’e going to be my maid in my house, are you okay with that?" Nakangiti at mabilis akong tumango. "Okay po sa akin, kahit ano naman po pwede sakin," Agad kong sagot.
"Good, now gusto kong pag usapan ang magiging salary mo in one month," Tumayo ito at iniaabot sakin ang papel na agad ko namang inabot at binasa.
"Kontrata?" Tanong ko ng mabasa ang nasa unahang salita ng puting papel.
"Yes, I want a contract and you need to sign it if you are going to be my maid. " Sinimulan kong basahin ang mga nakasaad doon. Kung ano ang pwede at hindi pwede habang nagtatrabaho ako sa kanya.
"Una, habang nagtatrabaho ka sakin, I don't want you having a relationship slash boyfriend, Do you have a boyfriend?" Mabilis akong umiling. Mabuti nalang hindi ko priority ang pagboboyfriend.
"Ayaw kong may distraction sa pagtatrabaho mo sakin, Pangalawa , You need to obey me, I am your boss." Tumango ako. " Yes po Sir,"
"Pangatlo, Ang kontratang ito ay tatagal ng anim na buwan at kailangan mong magrenew if gusto mo pang manatili, " Pagpapatuloy nito.
"Your salary is 50k per month," Doon tuluyang nanglaki yung mga mata ko sa gulat. Really? Baka ginogood time lang ako nito.
"Yes, 50k per month, basta sundin mo lang ang kauna unahang rules ko sa kontrata. It is okay with you?"Tanong nito.
"Opo Sir, susundin kopo yun at saka wala po akong balak magboyfriend wala papo sa isip ko yan, at saka grabe po, ang laki ng sahod ko. Totoo poba talaga? Hindi poba kayo nagjojoke lang?" sayang sayang sambit ko.
"I'm not joking Ms. Samaniego," Baritonong boses na ani nito.
"And last , Gusto kong sa Mansyon ka titira sa loob ng panahong nagtatrabaho ka sakin, " Tumango ako , nabasa ko na din naman iyon sa kontrata.
"Kilan po ako mag sisimula?" Tanong ko naman .
"You will start now, " Napatango ako at inisip na magpaalam muna para sana kunin ang mga gamit ko at sabihin sa may ari ng apartment na aalis ako at babayaran ko nalang siya. Pero wala pa akong pera ngayon.
"About your things, ipapakuha ko iyon kay Lito, ako narin ang bahala sa bayad sa apartment mo, ngayon kailangan mo ng pumunta sa Mansyon. Nandoon naman si Manang Rita, She can assist you." Ngumiti ako at nagpasalamat bago niya tawagang muli si Lito upang ihatid ako.
Muli na naman akong namangha habang pinapasadahan ng tingin ang mansyong nasa harap ko. Magtataka pa nga naman ba ako eh , mayaman siya. "Tara na sa loob, naghahantay sa atin si Manang Rita. " Sumunod ako kay Lito papasok sa malaking gate ng Mansyon.
Tumambad sakin ang malawak at malaking loob ng mansyon. Ang nagkikintabang sahig at ang malaking hagdan pataas ang tuluyang nag pa wow sakin.
Sa isang gilid ay lumabas ang babaeng nasa animnapu ang edad, nakangiti ito habang papalapit sa amin.
"Magandang umaga po," Bati ko rito at ngumiti din. "Magandang umaga din iha, ikaw ba ang bagong katulong dito?" Tanong niya.
"Opo, ako po si Aena," Pakilala ko " Ako naman si Rita, Manang Rita nalang ang itawag mo sakin," Ngumiti ito at hinawakan ng kamay ko.
"Kayo na po ang bahala sa kanya Manang, may kailangan pa po akong asikasuhin, pinapakuha ni Sir ang mga gamit niya sa apartment na tinutuluyan niya." Tumango naman ang matanda. "Ay sya sige, mag iingat ka sa iyong pagmamaneho," Paalala ng matanda dito.
Bumaling ito sa akin. " Halika, kumain ka muna, tikman mo iyong niluto kong nilaga at adobo," Hinila ako nito papasok sa loob ng kusina at tulad kanina ay hindi ako nadismaya dahil napakalaki din nito. Pinaupo niya ako sa lamesa at pinahanda ng pagkain. Nahihiya akong nagpasalamat. " Salamat po,"
"Masarap ba?" Tila nagagalak na tanong sakin ni Manang Rita. " Ang sarap po, subra," Nakangiting tummago tango ako.
"Paborito iyan ni Tyron, madalas ko siyang ipagluto niyan," Nakangiting ani nito.
"Mukhang malapit po ang loob niyo kay Sir, ilang taon na po kayong nagtatrababo sa kanya?" Tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan ko at dinala ito sa lababo.
"Mahigit ng tatlumpong taon na, halos sa akin na lumaki iyang si Tyron lalo na at laging wala ang mag asawang Miguel at Leah, palaging nasa trabaho." Kwento nito sa akin.
Naupi ulit ako ng matapos kung hugasan ang pinagkainan ko.
"Ang tagal niyo na po pala dito, bakit hindi papo kayo natigil sa pagtatrabaho? Wala po ba kayong pamilya?" Natatawa naman ang matanda.
"Naku, mayroon akong pamilya iha, may tatlong anak at asawa ako pero napamahal na ako sa trabaho ko at isa pa wala naman akong masiyadong gawa dito, ang mga anak ko ay may kanya kanya naring pamilya, ang mister ko naman ay pumanaw na. ito na ang libangan ko ngayon," Pagkwekwento nito habang nakangiti at kita mong nalilibang talaga siya sa ginagawa niya.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan, naikwento ko rin kay Manang Rita ang tungkol sa aming magkapatid at sa magulang namin , nalulungkot ito para sakin. Napakabata pa daw namin noon para maulila.
"Nasaan ang kapatid mo ngayon? Nag aaral ba siya?" Tumango ako.
"Nasa probinsya po Manang, nag aaral po siya kasi nangako ako kina Mama at Papa na pag aaralin ko ang kapatid ko sa abot ng aking makakaya. Ayaw ko kasing matulad siya sa akin na hindi nakapagtapos. Ayaw kong mahirapan din siya pagdating ng araw." Mahabang lintanya ko na may halong lungkot ang boses.
"Napakaswerte ng kapatid mo sayo iha, napaka responsable mong ate." Ngumiti ako at sumunod sa kanya sa itaas.
Pumasok kami sa isang silid , malaki yun at masasabi ko ring maganda. Plain na kulay puti ang pintura nito. May hindi kalakihang kama sa gitna. May closet, may banyo at mayroon ding TV.
"Kanino po itong kuwarto?" Tanong ko.
"Ito ang magiging silid mo," Nagulat ako. Ganito kalaki at kaganda ang kwarto ng katulong dito? Halos mas malaki pa ito sa tinutuluyan kong apartment.
"Oo iha, dito ang iyong silid. Doon naman sa dulong iyon ay ang silid ko. Maaari mo akong tawagin kapag mag kailangan ka at kung may gusto kang itanong, ayus ba sa iyo itong bago mong silid?" Nakangiti akong tumango. "Ayus na ayus po,"
"Mabuti naman, halika, ipapasyal kita sa loob ng mansyon," Inaya niya akong maglibot libot at ipinakita niya sa akin ang bawat parte niyon .
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang palasyo. " Subrang ganda at ang laki po manang nitong mansyon ano? Mabuti nalang po at hindi kayo naliligaw," Natawa naman si manang at humarap sakin at huminto kami sa tapat ng malaking litrato ng isang pamilya." Tama ka ija, tunay na maganda at malaki ang mansyon na ito na maiisip mong palasyo. Ito ay sa mga magulang pa ni Tyron at pinamana sa kanya bilang nag iisang anak. " Tumango tango ako.Napakaganda at swerte talaga kung ipinanganak kang mayaman, dahil hindi mo kailangang dumanas sa hirap at magbanat ng buto makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Napaisip tuloy ako, kung sakaling tulad nila'y may pera rin kami, hindi sana namatay sina mama at papa sa sakit at hindi ko rin sana kailangan magtrabaho agad ng maaga, nag aaral sana ako ngayon. "Napakaswerte po ni sir, dahil meron siyang buong pamilya at mga bagay na hindi madaling makuha ng iba, tulad namin," Ani ko na hi
Mabilis ang mga galaw ko habang nag aayos ng sarili, sinabihan kasi ako ni manang rita na isasama niya raw ako sa pamimili ng grocery. Nagsuot lang ako ng simpleng damit at humarap sa salamin, naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint bago ko itinali ang aking buhok. "Aena! Tapos kana ba iha magayak?" narinig kong tawag ni manang. "Opo manang, pababa napo ako," Sagot ko at naglakad na palabas ng silid. Hawak ang listahan ay mga dapat naming bilhin ay dire diretso kung tinungo ang lagayan ng mga gulay sa vegetables area, kumuha ako ng mga gulay na nakalagay sa listahan at inilagay iyon sa cart. Nakita ko namna si manang na kumukuha ng mga ingredients, nilapitan ko ito. "Manang, napakarami po nating dapat bilhin ano?" tumango naman ang matanda. "Bilin iyan ni Tyron dahil parating na ang mga magulang niya, kailangan nating bumili ng ihahanda sa pagdating nila," saad ni manang at nagpatuloy sa pagdampot ng mga dapat naming bilhin. Inabot kami ng tanghali sa pamimili, akala ko uuwi na k
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, iniunat ko ang mga braso ko habang ginagawa ko yun ay sumagi sa isip ko kung paano ako nakauw kagabi, nasagotdin agad yun ng maalala kong si sir Tyron pala ang sumundo sakin kaya nakauwi ako. Bumaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok doon, iniluwa nun ang lalaking kanina lamang ay laman ng aking isipan. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso ng tubig at tabletang gamot naman sa kanan. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko na ito. "Take it," Aniya nito at ipinatong ang dadalang inumin at gamot sa bedside table. Nagulat naman ako ng sapuin nito ang noo ko bago nagsalita. "You already don't have a fever, but take this medicine to be sure that you're going to be okay," tumango tango naman ako. "Salamat po sir, hindi nyo naman po kailangang gawin ito, nakakaabala po ata ako," nahihiyang sambit ko. "I insist, Aena," hindi ko alam ngunit mayroong kiliting dulot saakin ng banggitin ng binata ang pangalan ko. "Salam
Tuwang tuwa ang kapatid ko ng tumawag ako kinabukasan, masayang masaya ito habang kausap ko sa telepono, namasyal daw kasi sila ni ate merna kahapon sa bayan at kumain sa Jollibee, marami din daw syang bagong damit at laruan. Ang malamang masaya at kumpleto sa pangamgailangan ang kapatid ko ay masaya narin ako. Pinagpatuloy ko ang pagmomop sa mansyon, pagdidilig sa mga halaman, gayun din ang paglilinis ng pool. Pawisan akong pumasok sa loob ng matapos ako, mataas kasi ang sikat ng araw sa labas kaya ganun na lamang akong pagpawisan.Wala ngayon si boss sa mansyon, pumasok ito sa kompanya niya, si manang naman ay umalis dahil may kailangan daw asikasuhin at mamaya pa siyang hapon babalik, ako lang tuloy ang tao ngayon dito. Naglakad ako papalapit sa malaking refregerator at naghanap ng pwedeng kainin, nahagip naman agad ng mata ko ang adobong tira namin kagabi kaya mabilis ko itong kinuha, nagsaing din sako sa rice cooker at matapos iyon ay masaya na siyang kumain.Tinapos ko lahat ng
Masakit ang aking ulo ng magising ako kinabukasan, Masakit rin ang mga paa ko dahil isang buong araw ako kahapon naghanap ng trabaho. napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko na wala parin akong nahahanap na trabaho sa loob ng isang linggo, nagsara na kasi ang karenderyang pinapasukan ko lahat naman ng pinag applyan ko ay hinahanap ako ng diploma subalit hindi naman ako nakapagtapos, Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos, doon ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin at hinawi ang iilang hibla ng buhok kung nakalaylay dahil hindi pa ako nakakapanuklay, ngumiti ako at huminga ng malalim, kailangan kong maging matatag hindi lang para sakin kundi narin para kay Andy , napakabata pa niya at nag aaral pa siya kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.Tatlong malalakas na katok ang narinig ko mula sa labas ng tinutuluyan kong apartment, tumambad sakin si Madam lolita ang may ari ng paupahang apartment na tinutuluyan ko , nakataas ang k