Masakit ang aking ulo ng magising ako kinabukasan, Masakit rin ang mga paa ko dahil isang buong araw ako kahapon naghanap ng trabaho. napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko na wala parin akong nahahanap na trabaho sa loob ng isang linggo, nagsara na kasi ang karenderyang pinapasukan ko lahat naman ng pinag applyan ko ay hinahanap ako ng diploma subalit hindi naman ako nakapagtapos, Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos, doon ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin at hinawi ang iilang hibla ng buhok kung nakalaylay dahil hindi pa ako nakakapanuklay, ngumiti ako at huminga ng malalim, kailangan kong maging matatag hindi lang para sakin kundi narin para kay Andy , napakabata pa niya at nag aaral pa siya kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.Tatlong malalakas na katok ang narinig ko mula sa labas ng tinutuluyan kong apartment, tumambad sakin si Madam lolita ang may ari ng paupahang apartment na tinutuluyan ko , nakataas ang k
Maaga akong gumising kinabukasan na may ngiti sa mukha at may kasiyahang nararamdaman, ngayong araw kasi ang punta ko sa bago kung trabaho hindi ko maiwasang ngumiti ng ngumiti kasi finally meron na akong magiging trabaho, hindi ko na kailangang mamroblema ngayon kung saan ako kukuha ng pera. Naligo ako at nagbihis ng maayus na damit. Isa iyong pares ng jeans at isang white t shirt, at least malinis akong tingnan sa suot kong ito. Naglagay din ako ng kaunting polbo at liptint sa aking labi para hindi ako magmukhang maputla.Sinukbit ko ang maliit kong bag at lumabas ng apartment para maghanap ng taxi pero sa gitna ng paglalakad ko ay bigla kong naalalang wala na nga palang akong pera, paano ako sasakay?Kagat labi tuloy akong napakamot nalang sa ulo.Maglalakad nalang siguro ako? Hindi ko naman alam kung saan iyon, paano pala kung malayo? Hays bahala na. Tumayo muna ako at pinanood ng ilang sasakyang dumadaan paroon at parito. Maya maya lang tumigil sa harap ko ang isang BMW na sasakya
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang palasyo. " Subrang ganda at ang laki po manang nitong mansyon ano? Mabuti nalang po at hindi kayo naliligaw," Natawa naman si manang at humarap sakin at huminto kami sa tapat ng malaking litrato ng isang pamilya." Tama ka ija, tunay na maganda at malaki ang mansyon na ito na maiisip mong palasyo. Ito ay sa mga magulang pa ni Tyron at pinamana sa kanya bilang nag iisang anak. " Tumango tango ako.Napakaganda at swerte talaga kung ipinanganak kang mayaman, dahil hindi mo kailangang dumanas sa hirap at magbanat ng buto makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Napaisip tuloy ako, kung sakaling tulad nila'y may pera rin kami, hindi sana namatay sina mama at papa sa sakit at hindi ko rin sana kailangan magtrabaho agad ng maaga, nag aaral sana ako ngayon. "Napakaswerte po ni sir, dahil meron siyang buong pamilya at mga bagay na hindi madaling makuha ng iba, tulad namin," Ani ko na hi
Mabilis ang mga galaw ko habang nag aayos ng sarili, sinabihan kasi ako ni manang rita na isasama niya raw ako sa pamimili ng grocery. Nagsuot lang ako ng simpleng damit at humarap sa salamin, naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint bago ko itinali ang aking buhok. "Aena! Tapos kana ba iha magayak?" narinig kong tawag ni manang. "Opo manang, pababa napo ako," Sagot ko at naglakad na palabas ng silid. Hawak ang listahan ay mga dapat naming bilhin ay dire diretso kung tinungo ang lagayan ng mga gulay sa vegetables area, kumuha ako ng mga gulay na nakalagay sa listahan at inilagay iyon sa cart. Nakita ko namna si manang na kumukuha ng mga ingredients, nilapitan ko ito. "Manang, napakarami po nating dapat bilhin ano?" tumango naman ang matanda. "Bilin iyan ni Tyron dahil parating na ang mga magulang niya, kailangan nating bumili ng ihahanda sa pagdating nila," saad ni manang at nagpatuloy sa pagdampot ng mga dapat naming bilhin. Inabot kami ng tanghali sa pamimili, akala ko uuwi na k
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, iniunat ko ang mga braso ko habang ginagawa ko yun ay sumagi sa isip ko kung paano ako nakauw kagabi, nasagotdin agad yun ng maalala kong si sir Tyron pala ang sumundo sakin kaya nakauwi ako. Bumaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok doon, iniluwa nun ang lalaking kanina lamang ay laman ng aking isipan. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso ng tubig at tabletang gamot naman sa kanan. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko na ito. "Take it," Aniya nito at ipinatong ang dadalang inumin at gamot sa bedside table. Nagulat naman ako ng sapuin nito ang noo ko bago nagsalita. "You already don't have a fever, but take this medicine to be sure that you're going to be okay," tumango tango naman ako. "Salamat po sir, hindi nyo naman po kailangang gawin ito, nakakaabala po ata ako," nahihiyang sambit ko. "I insist, Aena," hindi ko alam ngunit mayroong kiliting dulot saakin ng banggitin ng binata ang pangalan ko. "Salam