Share

Chapter 4

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, iniunat ko ang mga braso ko habang ginagawa ko yun ay sumagi sa isip ko kung paano ako nakauw kagabi, nasagotdin agad yun ng maalala kong si sir Tyron pala ang sumundo sakin kaya nakauwi ako. 

Bumaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok doon, iniluwa nun ang lalaking kanina lamang ay laman ng aking isipan. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso ng tubig at tabletang gamot naman sa kanan. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko na ito. 

"Take it," Aniya nito at ipinatong ang dadalang inumin at gamot sa bedside table. 

Nagulat naman ako ng sapuin nito ang noo ko bago nagsalita. "You already don't have a fever, but take this medicine to be sure that you're going to be okay," tumango tango naman ako.

"Salamat po sir, hindi nyo naman po kailangang gawin ito, nakakaabala po ata ako," nahihiyang sambit ko.

"I insist, Aena," hindi ko alam ngunit mayroong kiliting dulot saakin ng banggitin ng binata ang pangalan ko.

"Salamat po ulit," 

"I will go to manang to give your breakfast, wait here," saad nito bago tumalikod at naglakad palabas ng silid.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon si manang dala dala ang pagkaing tinutukoy ni sir Tyron kanina. Inilapag iyon ni manang sa aking harapan.

"Mabuti at magaling kana iha, alalang alala sayo si Tyron kagabi ng malamang hind kapa nakakauwi, ako ma'y subra ding nag alala. Tapos ay ng makauwi ka ay wala kang malay at mainit, basang basa ka kagabi," kwento ng matanda. Iyon ay dahil naulanan siya sa paghihintay, yun din siguro ang dahilan kaya dinapuaan siya ng lagnat.

"Hindi ka nasundo ni Lito kasi may emergency sa kanila, kinailangan niyang umuwi," dagdag pa nito.

"Salamat po sa pag aasikaso at pagdala ng pagkain manang, nakakahiya po kasi imbis na gumagawa ako ngayon ay heto at nasa kama pa ako," aniya ko.

"Ano ka ba naman, magpagaling kana muna at huwag na yun ang isipin mo. Kainin mo ito," kinuha ko ang platong iniaabot nito at nagsimulang kumain.

"Salamat po ulit," ani ko kay manang ng matapos akong kumain. 

"Sige iha, magpahinga kana, dadalhin ko muna ito sa ibaba," tumango ako at pinanood muna itong lumabas bago muling magpahinga.

Alas dos ng hapon ng magpasiya akong bumangon at mag ayos ng sarili, nagpalit din ako ng damit dahil pinagpawisan ako kanina matapos kung uminom ng gamot. Naglakad ako palabas ng silid hanggang marating ko ang dulo ng pasilyo kung saan naroon ang veranda. Nakaupo doon si sir Tyron. 

Naramdaman ata ng lalaki ang presensya ko dahil ang kaninang seryusong tingin nito sa laptop ay ngayo'y malamlam na nakatingin sakin. Hinagod nito ang aking buong kabuuan bago ibalik sakin ang tingin.

"Come here," naglakad ako at tumigil ng may ilang dangkal na layo mula sa kanya. "Sit," itinuro ng binata ng upuan sa harap nito. 

Dahan dahan naman akong naupo at hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. "I'm glad you're okay, I just want to say sorry, Lito did not picked you up because something happen to his family, isinugod kasi ang tatay niya sa hospital," paliwanag nito.

Ngumiti naman ako. "Okay lang po yun sir, ang mahalaga po ay dumating kayo," nakangiti parin ako. "Kamusta napo ang lagay ng tatay ni kuya Lito?" may pagaalalang tanong ko dito.

"He's father is now okay, mabuti at naagapan," ani nito.

"Hindi po pala kayo pumasok ngayon sa opisina," napatakip naman ako ng bibig, luh! Sabihin pakialamera ako.

"I prepared to work here today," nasaakin nakatingin ang mga mata nito. Tumango tango nalang ako at ibinaling ang tingin sa labas kung saan naroroon ang magandang harapan ng mansyon.

Naagaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ni sir. Mabilis naman itong sinagot ng binata. 

"Hello, yes hon," mabilis naman akong nagbawi ng tingin ng mahuli ako nitong nakatitig sa kanya. Kailangan ko na atang umalis para bigyan ng privacy ang pag uusap nila.

Tumayo ako kaya naagaw ko ang atensyon ng binata. Sumenyas namab ako dito na aalis na ako at pupunta sa ibaba. 

Naabutan ko si manang na may bitbit na bulaklak at kasunod nito ang hardinero, marami din itong dalang pananim. Lumapit ako sa kanila. "Ano po ang pwede kung itulong manang?" ani ko ng makalapit ako sa kanila.

"Nilalagnat ka kagabi iha, baka makasama sayo, sumunod ka nalang samin, ikaw nalang ang magdilig ng mga halaman," nakangiti naman akong tumango at sumunod sa kanila papunta sa likod ng masyon.

Kinuha ni manang rita ang hose at iniabot sakin. "Salamat po," 

Diniligan ko ang mga halaman, inuna ko ang matataas bago ang maliliit pang iba. 

"Iha, mauna muna ako sa loob, pagmemeryendahin ko lang itong si Haime, sumunod ka nalang ha," sambit ni manang.

"Opo," sagot ko naman bago muling nagpatuloy sa pagdidilig.

"What are you doing?" nagulat ako sa baritonong boses na iyon kaya madali akong humarap dito, dahil doon ay hindi ko namalayang nakatutok napala dito ang hose kaya basang basa ang binata. Dali dali kung pinatay ang hose. "Naku sir pasensya napo, nagulat po kasi ako sa inyo," kinakabahan kung saad dito.

"It's okay, magpapalit lang ako. Pumasok kana sa loob," sambit nito at naglakad na papasok. 

Mahina ko namang pinitik ang sarili kung ulo. Juskoo, nakakahiya sa amo ko.

"Oh iha, bakit basang basa si Tyron pagpasok? Naulan ba?" tanong pa ni manang ng makapasok ako. Doon ay ikwenento ko sa kanya ang nangyari.

Natawa naman ito. "Alam mobang nung bata pa iyang si Tyron ay mahilig yang makipagbasaan gamit ang hose sa daddy niya," natatawa parin ito. "Buti at hindi kayo naglaro sa labas," tumawa naman ako. 

"Malaki napo siya manang ," 

Katatapos ko lang kumain ng meryenda ng pumasok si manang sa kusina. "Tawag ka ni Tyron iha, may ibibigay ata sayo, nandun siya sa sala," Pahayag ng matanda kaya agad akong nagtungo sa sala. 

"Pinapatawag nyo daw po ako, " nag angat ito ng kamay at iniabot sakin ang white na sobre. 

"This is your half payment for this month, take it ," hindi ko alam kung dapat kobang tanggapin o hindi. Kasi wala pa nga akong kalahating buwan eh.

"Take it Aena," sa huli ay kinuha ko rin ito. Makakapagpadala na ako sa kapatid kong si Adie.

"Salamat po sir, makakapagpadala napo ako sa kapatid ko, Salamat po," masayang sambit ko dito.

"Kung ganun sumabay kana sakin kung magpapadala ka, idadaan kita sa palawan," tumango ako.

"Sige po, magbibihis lang po ako, mabilis lang po," mabilis akong pumunta sa silid ko at naghanap ng maisusuot, bumaba rin ako pagkatapos.

"Tara napo?" tumango naman ito at naunang lumabas papunta sa garahe. 

Binuksan nito ang upuan sa passenger seat upang makapasok ako. Ikinabit kona ang seatbelt koat maya maya lang ay nag umpisa na itong magmaneho.

"How old your sibling?" biglang tanong nito sa akin.

"8 years old napo si Adie," sagot ko dito.

"How about your parents? How are them?" doon ako natahimik at hindi nakasagot, naramdaman naman iyon ni sir. "Uhm, sorry," ngumiti lang ako.

"Ulila napo kaming lubos ng kapatid ko sir, wala napo kaming mga magulang, kapitbahay lamang po ang pinagiiwanan ko ngayon sa kapatid ko," nakangiti man ako ay ramdam ko ang sariling lungkot sa boses ko.

Kita ko ang awa sa mga mata ng binata ng muli itong humarap sa akin.

"How can you handle those situations? Namamanghang ani nito.

"Alam nyo, mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya naman lahat gagawin ko para sa kanya, kaya ako nagpunta dito sa maynila para makapagtrabaho para sa kanya," Kwento ko

"He's lucky to have you as his sister," ngumiti ako. 

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Palawan padala, baba na ako ngunit hindi ko matagkal ang pagkakakabit ng seatbelt sa akin. 

"I will," aniya ng binata at ito na ang nagtagkal ng seatbelt sa akin. Ngunit hindi ko inaasahang pang angat ng mukha ko ay ang pagtatagpo ng labi naming dalawa. Hindi agad ako nakapagreact sa gulat. Nasapo ko ang sariling labi at ang binata naman ay mabilis ding umayos ng upo.

"Sorry," sinserong saad ng binata.

"Okay lang po, hindi naman po natin sinadya. Labas napo tayo?" dali sa awkwardness lang pagitan namin ay hindi kona ito hinintay sumagot at nauna na akong bumaba ng sasakyan. 

Bumaba narin ang binata at sumunod sa akin. Tinawagan ko muna sina ate Merna, maya maya lang ay sumagot na ito.

"Hello Aena, kamusta ka?" tanong mula sa kabilang linya.

"Okay naman po ako, kayo po kamusta kayo dyan?" balik kung tanong habang nakatuon ang atensyon sa binatang nakatingin din ngayon sa kanya.

"Okay naman kami, nasa school ngayon si Adie," 

"Mabuti naman po, magpapadala po ako ngayon ate, pasabi po kay Adie na tumawag ako," saad ko.

"Salamat Aena, pagdating ni Adie ay ipapasyal ko siya sa bayan, dadalhin ko sa jollibee ang bata," natuwa naman ako.

" Oo nga po ate, pakibantayan nalang po ulit si Adie, Salamat po," pinatay ko ang tawag at nakita kung unti unting paglakad ni sir palapit sa akin.

"Here, for your brother," abot nito sa lilibohing pera," umiling iling naman ako.

"Naku, wag na po sir, subra na nga po yung bigay nyo kanina," tanggi ko 

"I'm will be mad if you don't accept it, kunin mo parabsa kapatid mo, bigay ko ito Aena," wala akong nagawa kundi kunin ito at isama sa padala, bali 15k ang ipinadala ko kay ate Merna. 

Muling pumasok sa isip ko ang paglalapat ng labi namin sa isa't isa kahit pa napakabilis lang niyon. Tila nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na init sa aking katawan. Pakiramdam na ngayon kopa lang naramdaman. 

Sandara

Hello guys, Thank you so much for reading LOVE AFFAIR sana po patuloy niyo itong suportahan hanggang wakas. ❤❤ Vote and follow me on GoodNovel

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status