Share

Chapter 2

Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang palasyo. " Subrang ganda at ang laki po manang nitong mansyon ano? Mabuti nalang po at hindi kayo naliligaw," Natawa naman si manang at humarap sakin at huminto kami sa tapat ng malaking litrato ng isang pamilya.

" Tama ka ija, tunay na maganda at malaki ang mansyon na ito na maiisip mong palasyo. Ito ay sa mga magulang pa ni Tyron at pinamana sa kanya bilang nag iisang anak. " Tumango tango ako.

Napakaganda at swerte talaga kung ipinanganak kang mayaman, dahil hindi mo kailangang dumanas sa hirap at magbanat ng buto makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Napaisip tuloy ako, kung sakaling tulad nila'y may pera rin kami, hindi sana namatay sina mama at papa sa sakit at hindi ko rin sana kailangan magtrabaho agad ng maaga, nag aaral sana ako ngayon. 

"Napakaswerte po ni sir, dahil meron siyang buong pamilya at mga bagay na hindi madaling makuha ng iba, tulad namin," Ani ko na hindi inaalis ang paningin sa family picture nila.

"Kung tutuusin talaga iha ay napakaswerte na nila, pero may mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera, iyon ay ang kaligayahan, kahit gaano karami ang pera ng isang tao, hindi siya pupwedeng bumili ng kaligayahan kahit saang tindahan o kaya malalaking mall pa siya magpunta," Napatingin ako kay manang dahil may punto siya. 

Naglakad kami patungo sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang daan papunta sa likod ng mansyon. Naroon ang malawak at malaking garden na tila dati ay napapanood ko lamang sa telenovela sa tv, malawak at malinis na pool sa gilid nito. Dahan dahan akong naglakad at lumapit malapit sa pool, doon pinagmasdan ko ang aking sarili na nakikita sa repleksyon ng malinis na tubig. Nakaputi akong loose shirt, at nakamaong na pantalon, nakatali ang buhok ko. Sa itsura ko pa lamang ay matitiyak na ng kung ano  ang aking estado. Napailing iling ako sa naisip, bakit ba namomroblema ako sa aking itsura, trabaho naman talaga ang ipinunta ko dito.

Nang matapos akong ilibot sa buong mansyon ni manang ay tinulungan niya akong mag akyat sa taas ng mga gamit ko. "Salamat po manang, ako na po ang bahala dito, susunod po ako sa baba mamaya," Saad ko at ngumiti. 

"Sige, nasa baba lang ako," Lumabas na ito ng silid at naiwan akong mag isa.

Isa isa kong inilabas ang mga damit ko at inilagay sa malaking kabinet, grabe kahit ata ako ay pupwedeng isilid sa loob ng kabinet na ito. Subrang laki, Sa huling tiklop ko ng mga damit ko ay nahagip ng mata ko ang litrato namin ng aming pamilya. Dahan dahan ko itong kinuha at hinaplos, nalulungkot kung hinaplos ang picture nila mama. Masayang masaya kami sa litrato na ito kasi ito ang unang beses na nagkaroon kami ng family pictures, pero hindi ko alam na ito rin pala ang huli. Ilang taon na pero masakit parin sakin ang pagkawala nila, hindi na mawawala ang sakit ang pangungulila ko.

Nalulungkot man ay pinili kong ngumiti. "Ma,Pa, Huwag po kayong mag alala dyan, aalagaan kopo ang kapatid ko tulad ng palagi niyong bilin sakin noon, hindi kopo siya pababayaan, pangako po yan," Hinalikan ko ang litrato at muling inilagay sa bag ko. Kapag may pera na ako ay ipapalagay ko ito sa maayos na picture frame, ng makita kong ayos na ang mga gamit ko ay nagtungo na ako sa baba para magsimula sa trabaho ko.

Nakita ko si manang rita na nagwawalis ng sala kaya mabilis akong lumapit dito. " Manang, ako napo nito," Nakangiti naman nitong inabot sakin ang walis tambo. " O sya, at ako ay kukuha ng mga kurtinang pangpalit natin," Tumango naman ako rito.

Maingat kong iniangat ang mga bagay habang nagwawalis ako, ingat na ingat akong may masagi dahil unang araw ko ng trabaho at ayaw kong pumalpak, siniguro ko ding malinis at walang natirang dumi ang bawat sulok ng bahay halos mag aalas dose na ako ng matapos sa pagwawalis palang, hindi ko akalaing pagpapawisan ako roon.

Pagod akong naupo sa sofa at nag inat, nakakangalay. 

"Aena iha!" narinig kong tawag ni manang rita sa akin. 

"Po? Narito po ako sa sala," Tumayo at naglakad papunta sa dining area. 

"Halika na at kumain, tanghali na , mamaya mo na ulit ipagpatuloy iyan," Tumango ako at tinulungan itong maghanda ng pinggan para saming dalawa. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang magtanong. " Hindi poba umuuwi si sir dito?" Uminom naman ito ng tubig. " Palagi iyong nandito, lalo na kapag wala siyang pasok sa opisina, mamayang hapon ay narito na yun, bakit may kailangan kaba sa kanya?" umiling ako. " Wala naman po, naitanong ko lang po," tumango tango itobat nagpatuloy kami sa pagkain. 

Ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin habang si manang rita ang nagpupunas ng mga ito at tinatabi sa lagayan. "Sa isang buwan ang balik nina ma'am leah dito sa mansyon, galing bussiness trip nila, mababait ang mga yun, tiyak kong hindi ka maiilang," Kwento ni manang sa akin. 

Naglilinis ako ng pool ng makarinig ako ng busina mula sa labas, patakbo naman akong sumilip para makita ito. Nakita kong binuksan ni manang ang gate at doon pumasok ang itim na sasakyan, tila tinambol ng kaba ang dibdib ko kahit hindi naman dapat. Kinakabahan akong makaharap ulit siya. Hays, bakit naman kasi nakakaintimidate ang aura ng boss ko. Itinabi ko muna ang panlinis na hawak ko at nakayukong sinalubong ito. "Good afternoon po sir," ngunit wala akong narinig na sagot mula rito. Napansin ko naman ang hawak nitong attache case kaya ng akmang kukunin ko ito sa para sa kanya ay nagsalita si manang rita. "Ipaghanda muna ng makakain si Tyron, iha. Ako na ang bahala sa gamit niya at dadalhin ko na sa kanyang silid," Nahihiyang tumango naman ako at pumunta na sa kusina. Naglagay ako ng baso at pinggan sa mahabag lamesa. Inilabas ko ang ulam na niluto ni manang para sa kanya kanina. Naglagay rin ako ng tubig at tumayo sa isang tabi. 

Nakapolo nalang si sir ng pumasok siya sa dining area, nakatingin ito sakin kaya hindi ko maiwasang kabahan, napahawak ako sa mukha ko, may dumi ba ako sa mukha? Naku nakakahiya naman kung sakaling meron nga. Hindi ko tuloy namalayan na nakaupo na ito. Mas nagulat ako ng magsalita ito. " Let's eat," nakatingin ito sa akin. "Salamat po sir pero kumain napo ako," tumango naman ito bago muling nagsalita. "I will call you if i'm done here," doon ko napagtantong hindi ito komportableng may nanonood sa kanya habang kumakain. "Sige po, pasensya na," Nakayuko kong saad at naglakad palabas. 

Halos nabilang kona lahat ng nakasabit sa dingding ng matanawan ko si sir na lumalabas na ng dining area. Dali dali akong naglakad papunta rito at bahagya pa akong yumuko ng makasalubong ko ito. 

"You can rest , i already washed the dishes," Nagulat ako. "Huh?" Hinugasan niya na? Eh trabaho ko yun eh. Naku lagot natagalan ata ako at nainip siya siya na ang naghugas. Nakakahiya ka Aena.

"Yeah, kakaunti lang naman, you don't need to worry about you being fired, it's not gonna happen," naiwan akong nakatayo at sinusundan siya ng tingin paakyat ng hagdan. Naglibot libot lang ako ng tingin at nagpasyang silipin ang kusina. Hindi ito nagbibiro ng sinabi niyang tapos niya na itong hugasan, malinis at halatang marunong siyang maghugas, naghuhugas pala siya kahit mayaman. Akala ko hindi na sila marunong nun. 

Paglabas ko ay nakasalubong ko si manang rita. "O iha, matutulog kana ba?" Tumango ako. 

"Manang, nakakahiya po kay sir kasi siya yung naghugas ng pinagkainan niya. Hindi kopo kasi naabutan, tinapos na niya," tumawa lang ag matanda. 

"Ganun talaga si Tyron, gawain na niya yun na linisin ang pinagkainan niya, hindi mo kailangang mangamba, matulog kana at magpahinga, matutulog narin ako," tumango tango ako dito.

Mahihiga na sana ako ng maalala ko ang kapatid ko kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang numero ng pinag iwanan ko sa kanya sa probinsya. Nakailang ring ito bago tuluyang nasagot. "Hello? Aena iha, kamusta? Buti napatawag ka, hinahanap ka ni Adie, kailan ka daw ba uuwi?" ani nito sa kabilang linya, nakaramdam naman ako ng awa para sa kapatid ko. "Gising papo ba siya? Pwede kopo bang makausap?" Tanong ko rito. "Oo, teka at narito siya sa sala, Adie! Gusto kang makausap ng ate mo, narito siya sa kabilang linya," Tawag ni ate Merna dito. Narinig ko naman ang patakbong hakbang nito sa kabilang linya. 

"Ate! Namiss kita ate, kailan kapo ba uuwi dito? Nalulungkot po ako kasi wala ka rito, marami po akong star sa papel ko, ginagalingan kopo sa school, uuwi kana poba?" malungkot ang dulo ng boses nito. Namalayan ko nalang ang mainit na likidong pumatak mula sa mga mata ko. "Hindi pa ako makakauwi Adie eh, nagtatrabo pa si ate para sayo, alam mo namang ginagawa ko ito para sayo diba? Hayaan mo kapag may bakasyon ako. Pupuntahan agad kita, ipapasyal kita, promise ni ate yan ha," narinig ko ang hikbi nito sa kabilang linya. "Hihintayin po kita ah, mahal po kita," lalo akong naiyak. "Mahal ka din ni ate,"  Napakabata pa niya para maunawaan ang lahat. Walong taon palang si Adie. "Huwag kang mag alala Aena, dahil hindi ko pababayaan itong si Adie, alam mo namang parang anak na ang turing ko sa inyong dalawa," Napangiti ako. Si ate Merna ay kapitbahay namin noon. Maaga siyang nabiyuda at hindi nagkaroon ng anak kaya malapit ang loob niya sa amin lalo na kay Adie. 

"Salamat po, magpapadala po ako ng pera para sa inyo kapag nakasweldo napo ako, salamat po ulit," pinatay ko ang tawag matapos naming mag usap ni ate merna at ng kapatid ko. Inilagay ko sa bed side table ang phone ko at ipinikit ang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status