Share

Two

Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang inis at galit‚ hindi ko aakalaing sa isang islang malayo sa sebilisasyon ako dadalhin ng bangkang aking kinalulunan ngayon. When dad said province‚ I thought somewhere in the rural areas like mountains or villages kaya hindi ko lubos maisip ang sitwasyon hinaharap ko ngayon.

Just what the hell is this?

Tatlong oras na kaming lulan ng di kalakihang bangka at kanina pa ako mura nang mura sa aking isipan dahil sa sobrang init! Tanging sombrero lamang ang naging panangga ko under this schorching heat of the sun.

“I just can’t endure this! Sana pinili ko na lang ang preposition niya kaysa magpakahirap ako rito.” bulong ko sa sarili.

“Kuya‚ malayo pa ba?” tanong ko rito.

“Ang totoo’y nadaanan na natin ’yong isla pero kasi sabi ng ama mo’y ipasyal ka na muna at nang maaliw ka raw sa unang araw mo sa Isla Lothario.” nakangiting sagot nito sa akin na ikinainis ko ng  todo.

Is dad messing up with me?

“Well‚ I am not having fun here!” This is so fvcking insane! “Dalhin mo na ako sa isla.” utos ko rito’t nginitian niya lamang ako.

I think he’s in the mid’s 30s.

Bumalik ito sa pinanggalingan namin‚ makaraan ng ilang minuto ay dumaong na kami sa dalampasigan. Ang isla ay sakto lamang sa laki‚ kahit sabihing nagagandahan ako rito ay hindi ko maitatanggi ang inis at galit na umaalab sa aking katawan.

Padabog akong tumalon upang bumaba sa naturang bangka pero sa tantiya ko’y mali ang paraan ng aking ginawa dahil mali ang naging bagsak ng paa ko sa buhangin. Pumikit ako’t hinintay na lumapat ang aking katawan sa buhangin ngunit naramdaman kong may nakapulupot na braso sa aking beywang.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang isang lalaking walang ni katiting na ekspresyon sa mukha.

“Clumsy and reckless‚” mahina nitong turan pero rinig ko naman.

Biglang napantig ang tainga ko sa narinig at kusa na lamang umarko ang aking kanang kilay‚ “Excuse me? How dare you say that to me?”

“’Cause it’s true? Besides‚ I have all the dare to say that TO YOU.” ani niya at iniemphasize ang last two words.

“Shut up!” ani ko’t kumawala sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lalaking ito dahil no’ng dumaong naman kami’y walang katao-tao rito sa dalampasigan.

Nalagpasan ako nito habang bitbit ang dala-dala kong maleta papunta rito‚ parang hindi siya nabibigatan. Sumunod na lamang ako sa kaniya ’cause it seems he knows the way. After some minutes ay bumungad sa akin ang two storey concrete house na napapalibutan ng iba’t ibang punong kahoy.

It is so calming and refreshing here‚ away from pollution and noisy city. “There’s a possibility that I might love this place.” mahina kong ani.

Sinamyo ko ang preskong hangin na bumalot sa akin. This island is perfect for meditating and soul-searching. Maybe this is a good choice after all.

“Hey! Are you deaf?” kunot-noong sigaw nito sa akin.

This is the second time na sinigawan ako pero itong lalaking ito ay walang kaabog-abog na gawin iyon. Kapal ng mukha!

“What’s your damage?” galit kong tanong sa kaniya.

“Get inside‚ there’s a heavy rain coming.” kalmang turan nito.

Is he a god to even say that?

Napahaplos ako sa aking braso nang biglang umihip ang malamig na hangin. Biglang dumilim ang kapaligiran‚ there are heavy clouds coming. Tumakbo ako papasok bago ako maabutan ng ulan.

“Told you.” ani nito’t umupo sa couch at sumandal.

“Where’s my room?” pagbabaliwala ko sa sinabi niya.

“Up stairs‚ the one on the left side.” sagot nito habang nakapikit na.

Nihila ko ang aking maleta at nagtungo sa hagdanan. I don’t know if kakayanin kong buhatin ang maletang ito hanggang sa maabot ko ang ika-labintatlong staircase. Dahan-dahan kong ini-angat ang maleta‚ nang nasa ika-pito na ako ay nahihirapan na akong buhatin ito dahil parang pabigat nang pabigat.

“Need some help?” tanong nito na ikinagulat ko’t muntikan nang paatras.

“Pasulpot-sulpot ka muntikan tuloy akong mahulog‚ hindi kita pansin kaninang umakyat.” Inis kong reklamo sa kaniya.

“When you’re too preoccupied by something‚ surely there are things na hindi mo mapapansin.” turan nito. “And besides‚ nasalo kita.” dagdag nito na pinukol ako ng makahulugang tingin.

Madali akong kumala sa kaniya at naunang umakyat. Iniwan ko sa kaniya ang suitcase ko at bigla ko siyang nilingon na nasa naturang kinatatayuan niya pa rin kanina.

“Bring that up.” utos ko sa kaniya.

Ilang segundo ang dumaan ay hindi ito tuminag at nanatili pa ring nakatingin sa akin habang nakasandal sa railings ng hagdanan. Walang maapuhap na ekspresyon sa kaniyang mukha and it’s making uncomfortable.

He has a well-toned body kahit nakasuot siya ng sando ay bakat pa rin ang muscle niya— it’s screaming! His hair na hanggang balikat‚ its so nice.

I’m not gonna lie‚ it suits him well.

“Enjoying the view?” tanong nito na ikinagitla ko. Damn.

“What view are you pertaining to?” may bahid ng panghahamon ang tono.

“The one that you’re eyes is enjoying right now.” nakita kong napasmirk ito.

Busted.

“Assumero!” ani ko.

“It’s visible in your eyes. Don’t me.” bumalik na naman ang kawalang ekspresyon ng mukha niya.

“Okay‚ just cut the crap and bring it up here.” I said pointing my suitcase.

“I will‚ only if you will say... please.”

Unti-unti na akong naiirita sa lalaking ito. Ang daming dada‚ he’s getting into my nerves already. This day is probably cursed! Shit.

“You’re a housekeeper or probably one of the caretakers here. So basically‚ it is your job.” m*****a kong sabi sa kaniya.

“I’m not and it’s not my job to please you. It’s the other way around.” sabi nito at pinukol ako ng makahulugang ngiti. “So you do it yourself.” dagdag nito at mabilis na bumaba.

“Fvck this life!” iritado kong hiyaw and it echoed inside the house.

Bumaba ako kung saan ang maleta at tinitigan ito.

I made it up here so I can go through this fvcking stairs.

Pabagsak akong humiga sa kama‚ sobrang nangangalay ang balikat ko. I never thought  na napakabigat pala no’n pero at least tapos na ang kalbaryo kong iyon. Bigla akong napatayo at inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto. This room is mesmerizing‚ it’s giving me the 90’s vibe... chilling and malaki siya pero mas malaki ang condo ko. Ang ganda ng interior design‚ lalo na ang maliit na chandelier na nakasabit sa pinaka-center ng room. Napansin kong may pintuan malapit sa kama ko‚ oh I bet this is a terrace. Pumunta ako roon at hindi nga ako nagkamali. Bumungad sa akin ang malamig na hangin dahil na rin sa malakas na ulan.

This place is lit!

Napatingin ako sa aking wrist watch nang biglang kumalam ang aking sikmura. It’s already 4:45 pm. I remembered hindi pa pala ako nakapag-lunch since ipinasyal kuno ako nang bangkerong iyon and now my face is soring hot.

Napagdesisyonan ko na bumaba na lamang ’pagkat hindi ko na talaga kaya‚ I’m starving. Pagkababa ko’y napalibot ako sa kabuoan ng sala‚ ang ganda talaga! At ngayon hindi ko alam kung saan ang kusina. Shit! I went to the right side since may naaamoy akong mabango‚ I bet it’s food. Pumasok ako sa isang pinto and hindi nga ako nagkakamali. Sumandal ako sa pintuan nang makita ko kung sino ang nagluluto‚ it was him.

Bigla itong lumingon sa direksyon ko‚ habang bitbit ang frying pan at sandok.

“Hungry?” tanong nito sa akin at muling tumalikod.

“Kinda‚” pagsisinungaling ko kasi ang totoo parang malapit na akong mahimatay sa gutom.

I never skipped a meal kaya siguro iba ang epekto nito sa akin.

“No‚ you are starving.” pagtatama nito sa akin. “Dig in.” dagdag nito ng isa-isa niyang inilapag ang mga pagkaing niluto niya.

I can’t help myself but magpadala sa mabangong amoy ng mga pagkain kaya lumapit ako sa lamesa. I bet masasarap ang mga ito. Inabutan niya ako ng kutsara’t tinidor at umupo.

Nagsimula na itong maglagay ng pagkain sa sariling plato when he looked at me‚ “Sit down and dig in.” utos nito sa akin.

Ayaw ko sa lahat ay inuutusan ako pero gutom na ako’t ayaw kong makipagbangayan. Umupo na ako’t nagsimula ng kumain‚ I can’t help myself but to kumain nang mabilis.

“Eat slowly‚ baka mabilaukan ka.” Biglang sambit nito habang nasa plato niya ang paningin.

I rolled my eyes at ipinagpatuloy ang pagkain.

“You cooked this?” tanong ko sa kaniya.

“Obviously.” tipid nitong sagot na ikinangiwi ko. “This will also serve as our dinner.” dagdag nito.

“I thought there’s a welcome party for me that my dad prepared.” I said while pouting.

Narinig ko itong tumawa ng sarkastiko‚ “You are not as important and special as you think‚ your father isn’t here. Besides‚ hindi ka ipinadala rito para magsosyalan‚ okay? You’ll be treated as a normal person‚ walang social caste rito.” mahabang litanya nito.

How dare him say that to me? This man is absurd‚ can’t wait to laid my hands on his neck and choke him. Screw him!

“You see‚ walang magagawa iyang iniisip mo patungkol sa akin... on how you will choke me?” tumawa ito ng nakaloloko.

What the hell! Paano niya nalaman? Shit!

“Shut up.” iritadong sabi ko sa kaniya.

Bigla itong tumayo at inilagay ang pinagkainan sa sink. “Iligpit mo iyang mga natirang pagkain at hugasan mo pagkatapos ang mga nagamit na kasangkapan.” utos nito at uminom ng tubig.

“What if I don’t?” panghahamon ko sa kaniya.

“Then this is your last meal.” sabi nito’t umalis.

Hindi ko napigilang tusok-tusukin ang karneng nasa plato ko gamit ang tinidor dahil sa gigil. Hintayin mo lang lalaking hindi ko alam ang pangalan‚ I will make you pay at sisiguraduhin ko iyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status