Share

Five

Buong araw akong hindi lumabas ng kuwarto‚ I am so ashamed of what had happened last night. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya at gutom na gutom na ako. Hindi ko nga nagawa ang morning routine ko that’s why my body is unenergized. 

Pasado alas nuwebe na and I think tulog na ang loko. This is may chance para kumain sa baba. Maingat akong lumabas sa kuwarto at sa pagbaba ng hagdanan. I’m trying not to make any sounds at baka makarinig siya‚ at kapag nagkataon... I’m doomed! Pero sa lagay kong ito‚ parang magnanakaw ako. Shit.

Masaya ako nang makapasok sa kusina and I’m even more happier nang may bagong luto na adobong manok. Maybe he cooked for me dahil alam niyang wala akong kain buong araw. Inaya naman niya ako kanina pero tumanggi ako dahil sa hiya.

Nagsimula na akong kumain.

He’s thoughtful‚ I guess.

“Of course I am‚ wife that’s why you should be grateful.” 

Muntik na akong nabilaukan dahil sa gulat. Bakit ba palagi na lang sumusulpot ang lalaking ito? Kabute ba siya? 

“Can you just please stop doing that.” Iritadong sabi ko sa kaniya at nagmamadaling nginunguya ang kinain ko. 

Nahihiya ako pero nilalabanan ko. 

“Doing what?” tanong nito.

“Iyang pasulpot-sulpot mo. Kung may sakit lang ako sa puso‚ maybe inatake na ako.” reklamo ko sa kaniya.

“Chill‚ wife.” ani nito’t umupo sa kabilang silya.

Hindi ako tumingin sa kaniya at itinuloy lang ang pagkain. Right now ninanais ko na lang lamunin ng lupa‚ I can’t stand this. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon. 

“Akala ko talaga tulog ka na.” wala sa sariling sabi. Shit!

“Yet you sneak like a thief.” ani nito sa mapang-asar na tono.

“What?” bigla akong napatingin sa kaniya and there‚ our eyes meet again pero ako na ang unang nagbawi ng tingin.

“Nakita kita‚ sa pagbaba mo pa lang sa hagdanan until you entered here. I was watching at the sala.” saad nito. “Hinintay talaga kitang bumaba.”

“And why is that?” tanong ko at mabilisang tinapos ang pagkain. Nais ko pa sanang magdagdag pero epal ang lalaking ito. 

“’Cause I want to know the reason why you didn’t came out from your room the whole day.” I can sense seriousness in his voice.

“That is none of your business.” sabi ko’t tumayo para hugasan ang pinagkainan ko.

“Is it because of the amazing kiss we shared last night?” tanong nito at ngumiti ng nakaloloko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang iyon. 

“Of course not.” Pagtatanggi ko sa kaniya.

“Really?” mapanudyo nitong panghahamon sa akin.

“Yes really.” ani ko at sinimulang hugasan ang pinagkainan.

“Then why you can’t look me in the eyes?” tanong nito naikinakaba ko. This man is driving me crazy.

Pero what’s the point of being ashamed about it‚ right? Like we did it together and it’s just normal for people to do that stuff... like no hard feelings.

“Exactly my point.” bulong nito na ikinatayo ng mga balahibo ko sa batok.

Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya sa akin. “Except for the last phrase.” bulong ulit nito at niyakap ako mula sa likod.

Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa‚ I freeze. I need to get back to my composure and senses‚ this is really disturbing. I took a deep breath. 

“Tumabi ka nga.” mataray kong pagtataboy sa kaniya.

Mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin‚ “besides‚ we both enjoyed it.” he said and licked my neck.

“Excuse me?” What just he did sends shivers through my spine.

“If you didn’t probably‚ you didn’t respond to me aggressively.” Alam kong may halong panunukso ang tono nito.

“Don’t me! Baka sipain ko iyang bayag mo.” pagbabanta ko sa kaniya at tumawa naman ito.

“Fiesty.” ani nito’t kumalas sa pagkakayakap sa akin. “Good night‚ wife!” 

That man is full of shit! Screw him! But why  does I can’t resist with his touch and gaze. Ghad!

It’s been a week since nakarating ako sa isla na ito and so far‚ it was good despite of the annoyance that I got from Sal. Buti na nga lang at bumalik ito sa Maynila‚ three days ago. 

Gusto ko sanang libutin ang isla pero natatakot ako na baka ako’y maligaw o mahulog sa bangin‚ then it will be the death of me. Of course ayaw kung mangyari iyon‚ sayang ang kagandahan kong ito. 

Hindi na rin naman ako gaanong naboboryo since Nica and I‚ we got along now and she’s fun to be with. Minsan tumutulong ako sa kanila sa pagtanim at paghaharvest ng mga punong-bunga and there’s this one time that I felt so human.

•••

Nagpapahangin ako sa labas ng bahay nang marinig ko si Mang Kadyo na tinatawag ako.

“Yes po?” tanong ko sa kaniya.

“Manghaharvest kami ngayon ng mangga‚ gusto mo bang sumama?” nakangiti nitong tanong sa akin.

Simula no’ng magstay ako rito‚ they treated me nicely and it really warms my heart. Something that I didn’t felt when I’m in Manila. I guess it’s right na‚ it’ll only take few people to make you feel belong and special.

“Sure po.” sagot ko at sumunod sa kaniya.

While I’m here‚ I’m trying to take every opportunity to grow and learn. Maybe this is the valuable lesson which Dad is pertaining to‚ that I need to learn. 

Nakarating kami sa taniman ng mga mangga  at nalula ako dahil hitik na hitik ito ng mga bunga. 

“Marunong ka bang umakyat?” tanong ni Nica sa akin.

“Hindi.” Pag-amin ko sa kaniya.

“Nais mo bang matuto?” nakangiti nitong tanong. 

Kanina pa kasi nakaakyat si Mang Kadyo at ang anak nitong si Samuel habang si Manang Lucing naman ang pumupulot sa mga nahuhulog na bunga.

“Oo‚” nahihiyang saad ko‚ “at baka kako mahirap.”

“Nako! Ano ka ba? Sa isip mo lang iyan mahirap pero ang totoo’y madali lang.” pang-aalo nito sa akin. “Kita mo sina tsong kanina‚ ’di ba mabilis lang nakaakyat? Natatakot ka ba?” tanong nito.

“Oo‚ pero baka kasi mahulog ako.” Pag-aalala ko sa maaaring mangyari.

“Alam mo‚ parte iyan sa pagkatuto. Hindi ka matututo kung hindi mo mararanasan ang paghihirap‚ hindi ka matututo if you hadn’t experienced to fail‚ at mas lalong hindi ka matututo if palagi kang uurong dahil sa takot.” litanya niya sa akin. 

“Alam kong alam mo ito that when you want to learn‚ you are aware of the failures that you might have upon learning‚ and while learning‚ dapat hindi mo iniisip na magfifail ka kasi what you think is what you portray. But the most important is‚ you’re still trying to learn it and since you’ve experienced to fail ay maiaaply mo na sa susunod na pagtry mo ang natutunan sa iyong previous failures like it will stand as a lesson for you‚ like alam mo na kung ano na ang dapat mong gawin.” nakangiti nito sabi sa akin “pero sana naintindihan mo kasi wari ko’y masyadong magulo ang pagkakasabi ko.” dagdag nito at napakamot sa kaniyang batok.

At some point‚ it hit hard as fvck. Parang nabunutan ng tinik ang buhay ko from being blinded by my earthly desires‚ that I do things with just a snap... without trying kasi I know that I'm afraid of failing— that failure represents weakness so I only use money to work things out. I never felt this stupid before‚ but at least I’ve learned something valuable.

“Naintindihan ko and thank you so much!” masayang sabi ko at niyakap siya.

“Ako na magtuturo sa iyo.” Boluntaryo niyang sabi. 

•••

Yes‚ she taught me how to climbed up on the trees. It was stressing at first kasi panay ako nadudulas and I even gained a wound on my left leg and some rashes since I was wearing shorts that time‚ but it was worth the try. That day we able to harvest 12 sacks of mangoes and I am so happy... I felt so productive‚ thanks to them especially‚ Nica and to myself— for trying.

Pumunta ako sa may dalampasigan kasi may hahanapin ako. I’ve noticed kasi that I lost one of my airpods and the last time I used it ay no’ng una kong pag-jogging sa rito. Hindi naman siguro mahirap hanapin iyon since it’s in the shade of black. 

Kanina pa ako pabalik-balik sa pinagtatakbuhan ko no’n but hindi ko talaga mahanap. Shit.

What if it was washed away by the waves? Since the other day ay malakas ang alon? Damn! This is so hopeless.

Wala akong nagawa kaya bumalik na lamang ako sa bahay. It’s already 3:50 pm kaya naisipan ko na lamang na magluto ng hapunan. Everytime na bumabalik si Sal sa Manila ay nagkukusa na akong magluto kahit hindi ako marunong‚ but I’m trying and it’s fun kahit napapaso ako pero ayos lang. 

Nang makapagluto ay kumain na rin ako since gutom na rin naman. Pagkatapos magligpit ay naglakad-lakad ako sa loob ng sala. Pagkaraan ay pumunta ako sa itaas para maligo‚ preparing myself before going to bed.

“This house is so quite.” ani ko sa sarili habang binoblower ang aking basang buhok.

“Not anymore.” Napaigtad ako dahil sa biglang pagsalita nitong kabute.

“I told you already to stop doing that.” inis kong sabi sa kaniya.

“Okay‚” sabi niya habang nakataas ang dalawang braso at tuluyang pumasok sa kuwarto ko.

“How long have you been there?” kunot-noong tanong ko sa kaniya.

“Ngayon lang.” sagot nito at pabagsak na humiga sa kama ko. The nerve of this man!

“Kakarating mo lang?” Nag-aalinlangan kong tanong sa kaniya at pumasok sa cr para ehanger ang ginamit kong tuwalya. 

“Kaninang hapon pa but I slept‚ kakagising ko lang.” narinig kong sagot niya. 

Lumabas ako sa cr‚ nakaupo na ito at ngumiti ng nakaloloko‚ “Why? Did you miss me?”

“Okay‚ maybe the why is more interesting.” seryoso kong sabi sa kaniya. 

Biglang nawala ang ekspresyon sa mukha nito at unti-unting lumapit sa akin. Todo urong naman ako hanggang sa nalapat na ako sa pader. This is not good. He cornered me.

“But you’re more interesting.” ani nito at tiningnan ako nang maigi.

“Tumabi ka nga kasi matutulog na ako.” iritado kong tulak sa kaniya pero gaya lang din sa dati‚ hindi ito natinag.

“Well‚ I’m still sleepy too.” saad nito at nakipagsukatan sa titig ko. 

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal and I am only wearing my nighties. This is so fvcking insane. Maingat niya akong inihiga sa kama‚ I freeze... it seems my entire system just went off. Tanging paghinga ko lang ang aking nagawa. Kinumutan niya ako at huminga sa aking tabi. Ano bang sira mayroon ang lalaking ito?

“Sleep now‚ wife.” ani nito.

Nilingon ko siya at nakapikit na ito. Hindi ko na lang siya kinibo. Tangina‚ paano ako nito makatutulog? 

Naalimpungatan ako dahil sa bigat na nakadagan sa may bandang hita ko. I slowly open my eyes just to see his legs on mine and his arms around my waist. Hindi ako makakilos sa lagay na ito. Marahan kong tinaggal ang braso niya but lalo lang itong humigpit at mas hinila ako palapit sa kaniya. This man is unbelievable‚ who give him the right though? 

Napansin kong medyo nakalilis ang aking suot na nighties at umabot na ito sa bandang puwetan ko and I am not wearing an underwear. Para akong pinipiga sa sitwasyon kong ito. Dahan-dahan kong ibinababa ang suot ko pero hindi ko inaasahan ang paghigpit ulit nito ng yakap sa akin kaya mas lalong tumaas at lantad na ang pwetan ko and aking hinaharap buti na lang at nakatalikod ako sa kaniya‚ but still not good since ’yong hinaharap niya ay nasa pwetan ko and worst nahulog ang comforter sa sahig. Kamalas-malas ko nga naman.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit nitong palad sa may bandang hip bone ko.

“Damn!” bigla kong rinig na mura rito.

And for a moment‚ I freeze. This is so embarrassing. Naka-on pa naman ang ilaw so kitang-kita ang hindi nararapat na makita. 

Ibinaba niya ang suot ko at nagmamadaling pinulot ang comforter‚ he covered it up to me at lumabas. Para tuloy akong lumpia sa ginawa niya.

Ngunit bigla itong bumalik at sumandal sa pintuan‚ “I really want to hug you while sleeping but‚ I didn’t expect that... that it would happen. I’m so sorry.” ani nito at lumabas ulit.

That was close.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status