Share

Seven

Kasalukuyan akong nagpapahangin sa labas ng bahay nang makaramdam akong may nakatingin sa akin. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makita.

What if multo iyon? O hindi kaya’y may masamang taong nakapasok sa islang ito?

Kinabahan ako sa aking naisip kaya naglakad ako pabalik nang bigla namang magsalita ang kabute. Putragis talaga ito kahit kailan.

“There’s no such thing as that here.” ani nito habang papalapit sa akin‚ ewan ko kung saan galing ito. “At kung mangyaring magkaroon man‚ walang buhay na papalutang-lutang sila sa malawak na karagatan. And what if it’s ghost? Then they’ll taste its sweet second death.” Hindi ko alam kong nagbibiro ba ito o hindi pero nais ko matawa.

“You’re too serious.” I said while chucking.

Nabigla na lamang ako nang bigla niya ang hinapit. “It is sound so sexy when you do that.” Diretso itong nakatingin sa aking mga mata.

“I hate it when strangers just simply touch me as if we’re close.” pagpaparinig ko sa kaniya at nakipaglabanan ng titig.

“Ngayon ka pa magrereklamo? We’ve kissed already‚ bathed in the same ocean and even sleep on the same bed.” saad nito at sa kasuluksulukan ng kaniyang labi ay may sumilay na nakalolokong ngisi.

“First‚ I— mean we’re drunk when we kissed. Second‚ I was enjoying my day when you just barged in and you‚ ruined it. Third‚ I never gave you the consent to sleep in that bed even if bahay mo ito.” seryosong tugon ko sa kaniya. “It looks like you’re harassing me.” dagdag ko.

Bigla nito akong binitiwan at naglakad papasok. Suits him right. Truth hurts. Hindi kasi sa lahat ng panahon na okay lang kung hahawak-hawakan ka‚ sometimes it’s uncomfortable and disturbing.

Pumasok na lang din ako sa bahay nang biglaang dumilim ang paligad‚ rain is coming and I really love it when it do.

Mag-aalas siete na nang biglang may kumatok‚ kakatapos lang namin kumain at kasalukuyan akong nagpapahangin sa veranda. I sluggishly went to open the door‚ wala naman akong ibang inaasahan na kakatok kundi siya lang.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mga mata niyang matamang nakatitig sa akin na wari nagunguusap.

“What do you want?” tanong ko sa kaniya. 

Hindi naman ako galit sa kaniya‚ naiinis lang dahil sa mga inaakto niya towards me‚ as if I am something that he bought.

“I just want to say sorry for what I’ve cause you earlier. I’m really sorry.” puno ng senseridad na wika nito.

Humalikipkip ako’t tinitigan siya diretso sa mga mata‚ “I don’t easily forgive... especially forget. I’ll accept your apology but that doesn’t mean na pinapatawad na kita sa ginawa mo.” seryoso kong tugon sa paghingi niya ng tawad.

“I understand‚ and I’ll make it up to you.” ani nito at ngumiti.

Nagkibit-balikat na lang ako sa itinuran niya‚ “Ikaw bahala.” ani ko’t tumalikod na sa kaniya.

Narinig ko ang papalayo na yabag niya kaya naglakad ako papunta sa pinto at isinara iyon. Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kesame. At some point‚ I’m glad that he apologized.

Naalimpungatan ako dahil sa mga yabag na akong naririnig na lumalabas-pasok sa kuwarto‚ maagap kong dinukot ang swiss army knife na nasa ilalim ng unan ko. Mabilis akong tumalon sa kama upang sugurin ang tao at sobra akong nagulat at gano’n din siya kaya napahinto ako.

“Woah!” gulat niyang sabi sa akin.

“I thought you’re an intruder.” ani ko at ibinaba ang panangga.

“I’m not. Actually kanina pa ako pabalik-balik dito kasi I want to tour you around the island kaya tinitingnan ko if gising ka na ba ’cause I don’t have the heart to wake you up... ang himbing ng tulog mo.” mahaba-habang paliwanag nito at ngumiti.

Napasilip ako sa wall clock at it’s 3:45 pa in the morning. 

“Ang aga pa naman.” nakangiwi kong sabi.

“Ayaw mo bang umalis ng maaga? Aalis kasi tayo bandang four ’pagkatapos nating mag-agahan and actually‚ nakaluto na ako.” nakangising turan nito.

“Magjojogging muna ako‚ I want to witness the sunrise muna.” ani ko.

“I know a place kung saan magandang tingnan ang sunrise kaya huwag ka na magjogging.” tugon nito.

“Hindi ka halatang prepared sa lagay na iyan.” panunukso ko sa kaniya.

“I told you. I want to make it up to you.” Lumapit ito sa akin and he held my hands. “I want to show you that I’m true with my words.” Hindi ko mabasa ang emosyong lumitaw sa kaniyang mga mata. 

Binawi ko ang aking mga kamay sa kaniya‚ “Okay.” tamad kong ani at lumabas ng kuwarto.

Pagkatapos  naming kumain at maghanda ng mga gagamitin ay nagsimula na kaming maglakad. Nakasunod lamang ako sa kaniya‚ he’s bringing a walking stick him to somehow clear the path.  

I am amazed of what I’ve seen‚ there are hanging foliage‚ lianas‚ wild flowers‚ mushrooms‚ the small damps because of the morning dew‚ and other forest treasures that are too many to mention. We are now walking into this not-so-steep-cleft at nakita ko na ang dahan-dahang paglitaw ng araw. After some minutes‚ nakarating kami sa para siyang cave kasi may opening and we sat here.

Tama siya‚ this is a nice place to watched the sunrise. Nakapanghahalina ang dahan-dahang pagsabog ng araw creating a blast of different hues which is very captivating and mesmerizing. This is a sight to behold! Mabilis kong kinuha ang dala-dala kong camera. I want to capture this moment ’cause this is worth reminiscing.

Nakailang kuha na ako ng sunrise sa iba’t ibang angulo. This view is just so perfect and worth the shot. Kahit ilang beses man niya akong yayain papunta rito o kahit araw-araw pa‚ hindi ako aayaw... kahit ako pa ang magyaya sa kaniya. 

I will really thank him later for bringing me here. 

“Beautiful!” narinig kong sabi ni Sal kaya nakangiti kong nilingon siya.

“Indeed it is.” I can’t agree no more.

“No‚ you!” seryosong saad nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status