Share

Four

Matapos kong malaman ang status naming dalawa ay hindi ko na siya muling nakita. It’s been two days since then. Hindi ko alam kung saan nagliliwaliw ang lalaking ’yon o baka nagkakasalisihan lang kaming dalawa.

Ang dami kong katanungan na nais kong sagutin niya. How did we ended up married using that blank oath? And how he know about it? These are crucial questions that I want to know. Gulong-gulo ng isipan ko ngayon‚ hindi ko alam ang aking gagawin.

Is dad hiding something from me?

I took a cold shower para maibsan ang iniisip ko‚ trying to relax myself. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako. It’s 10 in the morning at ang tahimik dito‚ it’s driving me crazy. I planned to take stroll around para naman maaliw ko ang aking sarili and later on‚ I’m going for a swim.

Binagtas ko ang daan na papunta sa likuran ng bahay. I am walking slowly kasi minamasdan ko ang paligid. This is the first time na napunta ako sa bahaging ito and I can say na ang ganda. There were wildflowers growing around and some native ones‚ this is so fascinating. There were also fruit trees like mangoes‚ star apple‚ duhat‚ and rambutan to mention some at may marami ring niyog.

“Ineng!” Narinig kong biglang pagtawag sa akin‚ and I know it is Manang Lucing.

“Magandang araw po!” bati ko sa kaniya.

Nakangiti itong lumapit sa akin habang may dalang basket.

“Mag-haharvest kami ngayon ng mga gulay‚ nais mo bang sumama?” magiliw nitong tanong.

“S-Sige po.” pag-aalinlangan ko pero since wala akong magawa‚ why not try it?

“Buti na lamang at nakapants ikaw‚ para hindi ka mangati.” ani nito “Tara na.”

Nakangiti akong tumango sa kaniya. Sinusundan ko lamang si Manang Lucing. Hindi pa naman malayo ang nilakad namin nang magsabi siyang nakarating na kami. Hindi ko ikakailang namangha ako sa mga gulat na nandito‚ they’re fresh and really healthy base na rin sa laki nito.

“Ang ganda po ng tubo nitong mga gulay n’yo.” Nasisiyahan kong sabi habang tinitingnan ang mga naturang tanim.

“Salamat‚ Ineng.” nakangiting sabi nito.

“Ano po ang ginagamit n’yong fertilizer?” tanong ko.

“Animal manure lang‚ Ineng mas maganda kasi kong organic ’yong ginagamit para talaga masasabing healthy.” ani nito.

“Kunsabagay po masama sa katawan ng tao  at hayop ang chemical sa mga pesticides at inorganic fertilizer.” pag-sasang-ayon ko sa kaniya.

Hindi kalauna’y tumulong na rin ako sa kaniya sa paghaharvest ng mga gulay. Tinatanong ko lamang siya if kung puwede na ba harvesin o hindi.

“Nga pala‚ Ineng ngayon ang uwi ni Sir mula Maynila.” sabi nito ng lumapit ako sa kaniyang upang ilagay sa basket ang mga nakuha ko.

“Umalis po pala siya?” tanong ko.

Kaya pala hindi ko nakikita ang gago.

“Ay hindi ba siya nagsabi sa iyo?” nagtataka nitong tanong.

“Hindi po at hindi naman kailangan.” nakangiti kong tugon.

“Alam mo‚ Ineng nagagandahan ako sa paraan ng pag-ngiti mo‚ ang buo.” puri nito sa akin na ikinangiti ko.

“Salamat po.” Yes‚ I take that compliment. I should be grateful kasi minsan na lang ako nakatatanggap ng compliment.

“Tama na siguro ito hano? Marami-rami na rin naman.” tanong nito sa akin.

“Yes po.” sagot ko.

“Mamayang mga alas kuwatro ng hapon‚ punta ka sa bahay namin.” itinuro nito  ang bahay sa hindi kalayuan‚ “Iniimbitahan kita ng hapunan.”

“Ah‚ sige-sige po... salamat.”

“Mauna na ako sa iyo‚ Ineng at mamayang gabi na kita padadalhan nitong mga gulay.” Pagpapaalam nito sa akin at tumango lang ako sa kaniya.

Mag-isa kong tinahak ang daan pauwi at kahit gano’y naeenjoy ko naman. Mabilis akong pumunta sa kusina upang uminom ng tubig‚ nakakauhaw ang ginawa namin kanina especially me na hindi sanay. Pabagsak akong umupo sa sofa at nakiramdam sa paligid‚ the deafening-silence in this house is making me crazy.

After some minutes of resting‚ mabilis akong pumunta kuwarto para magpalit ng swimsuit buti na lang at hindi ko nakalimutang magdala kahit no’ng una ay hindi ko naman talaga alam na rito ako ipapadala ni dad. Pagkatapos kong makapalit ay pinailaliman ko ito ng isang see-through na t-shirt.

When I got to the beach‚ I can smell the salty wind that driven my eagerness to swim. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaligo sa dagat kaya I will gladly grab this opportunity. I apply some sunblock.

“Sea‚ here I come!” masayang ani ko at patakbong tumungo sa dagat.

Ninamnam ko nang sobra ang unang pagdive ko‚ this is so good. I couldn’t ask for more.

“Maybe it is much better if nadala ko ’yong surfing board ko‚ pero hindi ko rin naman inakalang dine ako mapupunta.” sabi ko sa sarili.

Hindi na ako masyadong lumayo sa dalampasigan ’cause maybe there’s a sudden change of the sea current‚ it’ll be a disaster kapag nagkataon at ako pa naman lang ang nandito.

After doing some lapses ay hinayaan ko ang aking sarili na lumutang-lutang‚ I can see the birds flying in the blue sky— freely.

“I envy those birds.” ani ko’t napabuntong-hininga.

“And why is that?” Bigla akong nawalan ng balanse dahil sa gulat.

I freaked out and forgot to swim buti na lang someone grab me. Pagkatunga ko’y nandilim ang paningin ko sa inis. Tangina talaga ng lalaking ito‚ pasulpot-sulpot.

“Bitawan mo nga ako.” sabi ko at nagpupumiglas pero mas lalo lang nito hinigpitan ang paghawak sa beywang ko and he pulled me closer into his body.

This is craaaazy! I can feel his skin into mine‚ his warmth! Damn.

“I asked you why you envy those birds?” seryoso nitong tanong habang ang mukha niya ay dalawang inches lang layo mula sa akin.

“It is none of your fvcking business!” madiinang sabi ko sa kaniya.

Pero nabigla ako sa ginawa niya‚ again‚ he put his thumb finger into my lips‚ tracing it as if he wants to familiarize its shape.

“Foul words shouldn’t come out from this beautiful lips of yours.” seryosong  saad nito’t tumitig sa aking mata. “Just like what I’ve thought‚ you have a hazel brown eyes— fascinating.”

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. I was supposed to be enjoying this swimming but damn this man‚ he ruined it already.

I don’t know but unti-unti akong nahahalina sa dark brown eyes niya‚ this is my first time to see such eyes and up to this close. It seems that there’s a magnetic force that keeps on pulling me to match his gaze. Damn. Beneath my chest‚ there’s a racing heartbeats. What did he do?

“You know‚ you shouldn’t envy those birds‚” he said while caressing my cheeks habang ang kaliwa niyang braso ay nakapulot pa rin sa beywang ko. “’cause you are more privilege than them‚ they may seems free— flying above‚ but you don’t know that they’re searching for worms and insects or fruits to feed their rumbling stomachs.” ani nito at inipit ang ilang gahibla ng buhok ko sa tainga.

“So you should be grateful.” saad nito at inihiwalay ako sa kaniya.

I stiffened in front of him‚ I don’t know what to react. It must be his words but no‚ maybe his gestures? I don’t know. This is crazy!

“How are you‚ wife? You miss me?” tanong nito na may nakalolokong ngiti.

Napangiwi ako sa itinuran niya‚ “as if.” mataray kong sabi.

Maybe nawala ako sa huwestyo kanina ay magpapadala ako sa kaniya.

“Oh you didn’t miss me‚ that’s sad.” ani nito na wala na namang ekspresyon na mababanaag sa kaniyang mga mata.

Hindi ko na siya pinansin and I swim going back to the shore.

“You look great in that two-piece‚ wife!” sigaw nito sa akin.

I just raised my middle finger to him.

Masaya kaming naghahapunan sa tahanan nina Mang Lucing nang biglang dumating si Sal‚ ani nito’y makikikain daw siya.

“Ineng‚ kailan naman ang balik mo sa Maynila?”  tanong ni Mang Kadyo na napakadaldal din.

“Hindi ko pa po alam.” tanging sagot ko sa kaniya.

“Ano ka ba naman‚ tsong. Kakarating nga lang niyan nitong mga nakaraang araw pinapabalik mo na.” sarkastikong saad ni Nica at ningitian ako ng peke.

Wari ko’y hindi ito nasisiyahan sa pagdating ko. Unang tagpo pa lamang namin ngayon pero kung makapukol ng tingin ay masama.

“Hindi naman iyon ang ipinupunto ko‚ Nica. Ang akin ay kung gaano siya katagal mamamalagi rito sa isla.” pagtatama ni Mang Kadyo sa pamangkin.

She rolled her eyes‚ nakita ko ’yon.

“Kung nais mo naman‚ Ineng ay ipapasyal ka namin dine.” Masayang suhestiyon nito.

“Ako na po ang bahalang magpasyal sa kaniya‚ Manang.” nakangiti namang saad ni Sal.

Ewan pero naaawkwardan ako kapag binabanggit o iniisip ang kaniyang pangalan.

“Mas mabuti na rin kung gano’n‚ Sir para mas mapapasyal mo siya sa lahat ng magagandang spot dine sa isla.” pag-aagree ni Mang Kadyo kay Sal.

Tumango lang ang gago at tinapos ang kaniyang pagkain.

Kasalukuyan kaming nagpapahangin pagkatapos naming kumain sa labas ng bahay nina Manang Lucing. Maganda ang simoy ng hangin‚ malamig... it is chillin’.

“Sir‚ may lambanog ako‚ nais n’yo? Pampa-init sa gabing malamig.” ani nito at kumindat kay Manang Lucing‚ kinurot naman ito ng huli kaya nagtawanan kami.

“Sige po.” tango ni Sal.

Pagkaraan ng ilang segundo ay lumabas si Mang Kadyo na dala-dala ang sinasabi nito at limang baso. Inilapag nito ang mga iyon sa lantay.

“Ano po iyan?” tanong ko at tinuro ang sinasabi nilang lambanog.

“Lambanog iyan‚ Ineng. Isang klase ng alak na mula sa niyog.” sagot naman ni Manang Lucing.

“Kunsabagay mamahaling alak lang ang alam niyan.” Pagpaparinig ni Nica sa akin.

Isang dada pa ng babaeng iyan sasakalin ko na talaga siya!

“Kalma.” biglang bulong ni Sal sa akin na ikinagitla ko.

“Can you read other’s mind?” curious kong bulong sa kaniya.

Ngunit ngumiti lang ang loko at nagkibit-balikat.

Halos maubos na namin ang alak and I feel a little bit dizzy. Nagpaalam na rin ang mag-asawa na mauna kaya kaming tatlo na lamang ang naiwan. Namumungay na ang mga mata ni Nica kaya alam kong lasing na ito‚ obviously.

“Wala na tayong pulutan.” saad ni Sal pertaining to the peanuts.

“Puwede mo akong gawing pulutan.” malanding sabi ni Nica kay Sal at hinawakan ang pisngi.

Ikinangiwi ko ang naging aksyon niya.

“What if katayin kita tapos gilingin and then gagawin kitang sisig‚ you want?” seryoso kong sabi kay Nica.

I don’t know if tama ang nakita ko‚ but I saw amusement in Sal’s eyes at ngumiti ito. Habang si Nica ay tiningnan ako ng masama.

“As if you can.” panghahamon nito sa akin.

“Try me.” ani ko’t nakipagsukatan ng titig sa kaniya.

I lean towards her and whispered‚ “Back off‚ he’s my husband and don’t you ever try to lay your hands on him.” tiim-bagang kong sabi sa kaniya.

Nginitian ko siya pagkatapos at kita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mata.

“I guess we should go home. Nica is drunk and it’s getting late already.” sabi ko at tiningnan si Sal na natatawa‚ tinaasan ko siya ng kilay.

“I guess we should get going.” ani ni Sal at nagpaalam kay Nica na tumango lang.

Habang binabagtas namin ang daan papauwi ay panay naman kalabit sa akin si Sal. Nauna ako sa kaniyang maglakad‚ he’s a little bit tipsy kaya may pasuray-suray na ito kung maglakad.

“Hey‚ stop it!” iritado kong saway sa kaniya.

“What did you tell her?” tanong nito.

“It is none of your business.” sabi ko sa kaniya at patuloy pa rin sa paglakad.

Ngunit bigla niya akong hinila kaya napalapit ako sa kaniya nang sobra. I can hear his breathing.

Mataman niya akong tinitigan‚ “anong sinabi mo sa kaniya?” ulit nitong tanong.

“Something that can shut her fvcking mouth off.” sagot ko sa kaniya at napatiim-bagang.

Sumilay ang isang nakalolokong ngiti sa kaniyang labi‚ “I told you already‚ foul words shouldn’t come out from this beautiful lips of yours.” sabi nito at siniil ako ng halik.

I want to push him away pero ayaw makipag-cooperate ng katawan ko instead I slowly wrapped my arms around his neck. Banayad at maingat ang paraan ng halik niya‚ nakapanghahalina. Tinutugunan ko ang halik niya‚ hanggang sa dahan-dahang pumasok na ang kaniyang dila sa aking bibig. Our tongues are fighting and so does our lips. Little by little nagiging mapusok na siya‚ I responded his kiss at the same force‚ mas lalo niya akong niyakap at isinandal sa puno. He lift me up‚ my legs are wrapping into his waist. This is getting better and better. He suddenly sucked my lower lips and bite it.

Pareho kaming hinihingal when our lips parted. Out of the blue‚ he licked my lips and put me down.

He look at my eyes and parang biglang nagsilabasan ang lahat ng hiya ko sa katawan‚ I can’t even look at him. This is crazy.

Hinawakan niya ang baba ko to look at him‚ “You look amazing under a summer moon.” ani nito at kinintilan ng halik ang aking noo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status