Share

Looking for a perfect man
Looking for a perfect man
Author: Rich

Chapter 1

Tok.. tok.. tokk malalakas na katok ang gumising kay Rica.

Anak, kanina pa nag aalarm ang iyong cellphone hindi kapa ba babangon? Tinig nang ina na gumising sa diwa nya.

Tuloy ay napabalikwas ng bangon si Rica, tumutunong na pala ang alarm nya ngunit sa kasarapan ng tulog ay hindi niya namalayang nag iingay na iyon.

Babangon na po nay! "Sagot ko"

Nagpray lamang siya, at pagkaraan ay inayot ang kanyang higaan at lumabas na ng kwarto.

Unang araw niya sa kanyang papasukang unibersidad, biyernes iyon at nagpapasalamat sya sa panginoon na maipagpapatuloy nya ang kanyang pag aaral dahil nakakuha siya ng full Scholarship sa naturang paaralan. Third year college na sya at sa edad na bente siyete ay nasa ikatlong baitang palang siya sa kolehiyo. Nahinto kasi siya sa pag aaral sa kadahilanang mula ng pumanaw ng kanyang ama ay sila na lamang nang dalawang kapatid at ina niya ang namuhay. Wala naman kasing trabaho ang ina kung kaya simula nang yumao ang ama ay kasabay na parang biglang naglaho ang mga pangarap niya. Kinakailangan niyang tumigil sa pag aaral dahil wala nang pambayad sa pang matrikula nilang magkapatid, kaya kinailangan niyang magtrabaho upang mabuhay silang mag iina. At ngayon nga ay napagtapos na niyang mapag aral ang kanyang bunsong kapatid na si Regie. Isa na itong ganap na CPA at nagtatrabaho sa isang malaking CPA company na naka base sa Makati. Mabuti na lamang at mabait at masipag ang kanyang kapatid, hindi nito sinayang ang paghinto nya sa pag aaral, upsng ito muna ang makatapos, at ngayon nga ay isa na itong ganap na CPA dahil pagka graduate ay nag take agad ito ng board exam at sapul, nakapasa ito at certified public accountant na. Natupad na nito ang kanyang pangarap.

Nangako naman ang kapatid na siya naman ang pagtatapusin sa pag aaral ngunit ayaw ko naman samantalahin iyon, kaya sinikap kong makakuha ng full Scholarship sa kursong business administration upang maging libre sa pag aaral. At ang sasagutin na lamang ng kapatid niya ay ang iba kong pangangailangan. Ngunit hindi naman lahat ay iniaasa niya sa kapatid ayaw din naman niyang isipin nito kung paano masusuklian ang ginawa kong sakripisyo dito, ang mahalaga ay meron nag po provide ng pang araw araw na gastusin sa bahay. Hindi nmn nya kailangan magbigay sa akin shil mayroon akong part time job sa gabi.

Oo bukod sa pag aaral ay nagpa part time job din ako, isa akong waitress sa isang pinakamalaking bar sa Makati kaya kahit papaano ay natutugunan ko ang mga kailangan ko sa unibersidad.

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Kapagdaka ay humalik sa ina at nagpaalam na papasok na sa unibersidad.

Hindi ka ba mag aalmusal muna anak? Tanong ng kanyang ina.

Hindi napo nay, malelate na po ako sa first class ko, babaunin ko nalang po itong tinapay, sagot niya.

O sige anak mag iingat ka. Goodluck sa first day mo!

Opo nay salamat po! Una napo ako, ingat po kayo dito. Kapagdakay nagmamadali na syang lumabas nang bahay at pumara na ng jeep.

Pagdating nya sa school ay hinanap nya ang room para sa una niyang klase. At nagkaroon agad siya ng kaibigan doon na si Crisel. Si Crisel ay isa ring scholar sa unibersidad na iyon, at tulad nito siya ay nagpa part time job din upang matustusan ang kanyang pag aaral.

Pagkatapos ng ng dalawang subject ay parehas silang pumunta ng canteen at kumain na muna. Gutom na kasi siya dahil hindi siya nakapag almusal dahil baka malate siya sa first class niya. Nag order lang siya ng Kape dahil may baon soyang tinapay at yun ang kinain nya. Si Crisel naman ay nagkape rin at umorder ng sandwich.

Kung ano ano lamang ang pinagkwentuhan nila ni Crisel, tungkol sa kani kanilang buhay at sa kani kanilang part time job. Nagkagaanan agad sila ng loob ni Crisel at masasabi nyang masaya ang pagbabalik eskwela nya dahil nakatagpo siya ng kaibigan sa naturang paaralan.

Pagkatapos ay agad kaming bumalik sa susunod naming klase. Naging mahaba ang araw na iyon para sa kanila.

Pasado alas kwatro ng hapon ay wala na siyang naka schedule na klase. Kaya naman nagmamadali siyang umuwi upang makapag handa para sa kanyang part time Job mamayang gabi sa bar.

Mahaba habang gabi iyon para sa kanya mamaya, dahil weekend ay siguradong dudumugin na naman ang bar nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status