Share

Chapter 5

Nagulat siya sa nagngangalang Eross nang sabihin nito na huwag nang tawaging Sir. Bagkus ay tawagin ito sa pangalan nito. Hindi naman siya komportable kaya naman nagappasalamat siya at sumabat si Rom este yung lalaking naka salo sa kanya kanina.

Sa totoo lang ay nanginginig siya sa kaba tuwing mapapatingin sa tila nang uuri nitong mga titig, Oo nga at masarap makulong sa mga bisig nito ngunit hindi niya gusto ang pagsasalita nang lalaki. Mukha itong arogante, masungit at nakakatakot sa ipinapakita nito.

Kung magsalita ito ay para bang lahat ng sinasabi niya ay tama. Naipilig niya ang ulo at sumunod na lamang kay Sir Eross na salinan ng alak ang baso nito.

Lumakad siya papunta sa harapan nang lalaking nagngangalang Rom. Nakatingin pa rin ito sa kanya ngunit hindi sa mukha niya kundi sa mga hita niya. Bakit ba kasi pagka ikli ikli nang palda nang uniporme para sa mga waitress, bigla tuloy siyang naging conscious at hinila pababa ang kanya palda. Kakatwa lang na akala mo naman ay hahaba ang suot suot niya.

Agad niyang sinalinan nang alak ang baso nito, at nginitian ang lalaki. Iyon ang turo sa kanila ng manager ng bar na iyon, na kahit anong mangyari ay huwag tatanggalin ang ngitinsa mga labi kapag nag seserve sa mga customers. Kaya naman binabalik balikan at dinudumog ng mga kabataan at matataas na tao ang kanilang bar.

Muling nagtama ang tingin nila ng lalaking nagngangalang Rom. Nandoon na naman ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit ba kapag sinasalubong niya ang mga titig ng binata ay ganoon na lamang ang kanyang kabang nararamdaman niya. Hindi na niya gusto ang epektong iyon sa kaniya ng binata. Ayaw niya dito at hindi niya gustong magkaroon nang ugnayan dito.

Napatawa siya sa naisip " akala mo naman gusto ka niya?" wika niya sa sarili. Sino ba ako at papansinin nang mayamang lalaking ito. Kakatwa ang kaniyang mga naiisip. Hinamig niya ang sarili, kailangan na mag focus siya sa kanyang pag aaral at trabaho.

Waiter! tawag nang costumer na babaeng halos lintankung makapulupot sa lalaki. Hindi niya masisisi ito dahil sobra nga naman ang kagwapuhang taglay nito, akala moy isang greek god na bumaba sa lupanat ang tanging misyon ay magpaligaya ng mga kababaihan. Halos lahat ng mga ito ay pawang nagsisipag gwapuhan at parang mga modelo.

Yes ma'am? sagot niya.

Dalhan mo pa kami nang maiinom, ubos na yung dinala mo oh, maarteng wika nito.

Ah sige po ma'am, kapagdaka ay nagmamadali siyang lumabas ng VIP room.

At bago pa siya makalabas ay muli siyang napalingon dahilan upang magtama muli ang paningin nila ng binata. Kinabahan na naman ang kaniyang pakiramdam, may pahabol kasi nagng maarteng babae ito, hoy! magdala ka din ng pulitan ha! maarte na namang wika nito.

Opo ma'am. at nagmamadali na siyang lumabas nang silid na iyon.

Nakahinga siya nang maluwag nang makalabas na sa VIP room.

Hays, ngayon lang ako na tense nang ganoon habang nagseserve nang inumin sa mga customers. Sobrang kaba ang kaniyang nararamdaman ngunit ipinilig nya ang kanyang ulo at kinalma ang sarili.

Bumalik siya sa counter at humingi nang alak na iseserve muli sa VIP room. Habang inihahanda ang iseserve niya ay tumungo siya sa comfort room upang ayusin nag sarili.

Pagkalabas niya ay di sinasadyang may mabangga na naman siyang customer. Sa sobrang tigas at laki nito na animoy pader ay kulang na lamang ay tumilapon siya sa sahig.

Ay! tili niya nang pakiramdam na babagsak siya.

Ngunit mabilis ang kilos ng lalaki, agad siyang nasalo nito upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig, nandoon ang pamilyar na pakiramdam na nadama niya, hindi siya pwedeng magkamali dahil ito ang lalaking sumalo sa kanya kanina.

Napapitlag siya at sinabing pasensya na sir! Hindi ko po kayo napansin, nagtitigan sila ng lalaking nagngangalang Rom hindi ito tumitinag maya maya ay bumaba ang ulo nito. Hahalikan ba siya nito? tanong nya sa sarili. At hindi nga siya nagkamali kinuyumos siya ng halik nang lalaki na animo'y pag aari siya nito.

Shit! Kakaiba nag hatid na halik ng lalaki, sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong kasarap na halik, kahit may pagkadiin ang pagkakahalik nito ay naghatid iyon nang napakasarap na pakiramdam sa kanya. Animo'y may binuhay na init sa loob ng kanyang kaibuturan.

Pero nagising siya sa katotohanan na estranghero ang lalaki, bakit siya nagpapahalik rito? Ninakaw nito ang kanyang unang halik. Sa naisip ay bigla siyang nakaramdam ng inis sa lalaki, buong lakas niyang kinagat ang labi nito at sinampal niya ng ubod lakas ang pisngi ng lalaki.

Nalasahan niya ang dugong tumagas sa mga labi nito.

Shit! Why did you do that? galit na asik nito.

At tatanungin mo talaga ako bakit ko ginawa iyon? ganting asik niya sa lalaki. Alam mo bang first kiss ko yon ha? tapos kinuha mo lang, basta basta ka nalang nanghahalik? Naiiyak kong sabi sa kanya.

Because, I want to! nakangising sagot nito. What? ganun lang? dahil lang sa gusto mo kaya ka biglang nanghahalik? Ganyan ba kayong mayayaman? Kapag ginusto ninyong gawin ay gagawin na lamang ninyo ha? galit na galit niyang sabi rito.

Yes! simpleng sabi nito. Lahat nang gusto ko ay nakukuha ko, hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko? Lahat ng babae ay nagkakandarapa, mapansin ko lamang, "mayabang na saad nito"

Ang kapal pala ng mukha mo Sir! at ang yabang mo din, kung inaakala mong isa ako sa mga babaeng iyon ay nagkakamali ka. Hindi ko gusto ang katulad mong mayabang at antipatiko. Gigil na gigil na litanya ko sabay talikod at iniwan ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status