Tok.. tok.. tokk malalakas na katok ang gumising kay Rica.Anak, kanina pa nag aalarm ang iyong cellphone hindi kapa ba babangon? Tinig nang ina na gumising sa diwa nya.Tuloy ay napabalikwas ng bangon si Rica, tumutunong na pala ang alarm nya ngunit sa kasarapan ng tulog ay hindi niya namalayang nag iingay na iyon.Babangon na po nay! "Sagot ko" Nagpray lamang siya, at pagkaraan ay inayot ang kanyang higaan at lumabas na ng kwarto.Unang araw niya sa kanyang papasukang unibersidad, biyernes iyon at nagpapasalamat sya sa panginoon na maipagpapatuloy nya ang kanyang pag aaral dahil nakakuha siya ng full Scholarship sa naturang paaralan. Third year college na sya at sa edad na bente siyete ay nasa ikatlong baitang palang siya sa kolehiyo. Nahinto kasi siya sa pag aaral sa kadahilanang mula ng pumanaw ng kanyang ama ay sila na lamang nang dalawang kapatid at ina niya ang namuhay. Wala naman kasing trabaho ang ina kung kaya simula nang yumao ang ama ay kasabay na parang biglang naglaho a
What? Dumagundong ang boses ni Rom sa kanyang opisina nang marinig ang balita. Talagang kinakalaban ako ng mga Tan sa negosyo. Migs ikaw na ang bahala, alam mo na ang gagawin sa mga katulad nilang kumakalaban sa akin. Nagngingitngit na sabi ni Rom!Yes sir ako na ang bahala! Agad na tumalima ang kanyang sekretary.Naiistress siya dahil pilit siyang kinakalaban ni Mr. Tan sa negosyo kahit kinausap na niya ito. Wala pang kumakalaban sa kanya, kung ipagpapatuloy nito ang pagkalaban sa negosyo nila ay makikita nito ang hinahanap nya.Kailangan ngang magpalamig nang ulo, kaya pilit niyang kinalma ang sarili. Naglagay ng alak sa basonat tinungga iyon. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang likidong nilagok. Umupo sa swivel chair at marahang ipinilit ang mata.Tunog ng cellphone ang pumukaw sa nagpapahinga nyang isip. Si Gael ang tumatawag, pinsan niya at tulad nya ay isa ring kilalang personalidad dahil sa taglay nitong kagwapuhan at katayuan nito sa industriya. Isa sya sa may ari nang malalakin
Nagpahinga muna saglit si Rica upang makapaligo muli at makapag handa para sa kanyang part time job mamayang gabi. 6 pm ay kailangan naka inn na siya sa trabaho. Hindi siya pasok sa opening nang bar na ipinagpapasalamat niya. Dahil kung nagkataon ay di niya makukuha ang part time job na iyon dahil magkakaroon ng conflict sa kanyang class sa school. Mabuti na nga lang at malapit lang ang bar na kanyang pinagtatrabahuhan kay umaabot pa rin siya sa takdang oras.Quarter to 6 ay nakarating na siya sa bar, nag inn lang siya at nagpalit na ng damit pang waitress. Hapit sa katawan ang kanilang uniporme at kitang kita ang maganda at balingkinitang katawan ni Rica, idagdag pa ang mga binti niyang makikinis at mabibilog kaya naman madaming costumer ng bar na iyon ang nagkaka interes sa kanya, ngunit hindi naman niya ito pinapansin.Hi, kuya jake, bati niya sa bartender ng bar na iyon, dalawa ito at si Philip na nakatoka sa counter ng bar na iyon. Magagaling ito pagdating sa paghahalo ng alak.
Pasado alas otso nang marating ni Rom and Bar. May dinaanan pa kasi siyang mahalagang bagay. Kinakailangan niyang makipag meeting sa isa sa mga investor ng kumpanya.Pagpasok niya nang bar ay isang waitress ang nabangga ng isang customer na hataw na sumasayaw kahit wala na sa gitna ng dance floor. Maagap naman siya sa pag alalay sa waitress upang hindi ito tumumba o malaglag ang dala nito dahil may hawak itong tray na naglalaman ng mga inumin.Sa ginawa niyang iyon ay nasamyo niya ang bango nang dalaga, parang may kung anong kumiliti sa kanyang kaibuturan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumalot sa kanya na parang gusto na lamang niya yakapin at angkinin ang dalagang ito. Napakalambot nang katawan nito na animoy parang bulak sa lambot, balingkinitang katawan na halos walang katiyan tiyan sa suot nitong uniporme na hapit na hapit dito, para itong papel sa gaan kaya hindi manlang siya natinag kahit halos pabuwal na ito.Shit ano ba? pahara hara ka kasi. Singhal nito na namukhaan
Nagulat siya sa nagngangalang Eross nang sabihin nito na huwag nang tawaging Sir. Bagkus ay tawagin ito sa pangalan nito. Hindi naman siya komportable kaya naman nagappasalamat siya at sumabat si Rom este yung lalaking naka salo sa kanya kanina. Sa totoo lang ay nanginginig siya sa kaba tuwing mapapatingin sa tila nang uuri nitong mga titig, Oo nga at masarap makulong sa mga bisig nito ngunit hindi niya gusto ang pagsasalita nang lalaki. Mukha itong arogante, masungit at nakakatakot sa ipinapakita nito. Kung magsalita ito ay para bang lahat ng sinasabi niya ay tama. Naipilig niya ang ulo at sumunod na lamang kay Sir Eross na salinan ng alak ang baso nito. Lumakad siya papunta sa harapan nang lalaking nagngangalang Rom. Nakatingin pa rin ito sa kanya ngunit hindi sa mukha niya kundi sa mga hita niya. Bakit ba kasi pagka ikli ikli nang palda nang uniporme para sa mga waitress, bigla tuloy siyang naging conscious at hinila pababa ang kanya palda. Kakatwa lang na akala mo naman ay
Naiwang natitigilan si Rom sa comfort room. Hindi aksidente na nagkabanggaan sila ng waitress na iyon. Sinadya niya ang pagkakabangga sa babae. Matapos nitong lumabas ay nagpunta ito sa counter at sa tingin nya ay sinabi nito ang order. Nakita niyang binagtas nito ang daan papunta sa comfort room. Kaya naman lumabas siya at sinundan ito. Paglabas nito sa naturang pinto ay hindi ito nakatingin sa daraanan, kaya humarang siya sa daraanan nito. Saktong pagkabangga nito sa kanya ay agad nyang hinapit at sinalo sa baywang ang dalaga. Nandoon ang pamilyar na pakiramdam kanina, iba ang epekto nang babaeng ito sa katawan niya, kaya I swear ay makukuha niya ito ngayong gabi. Sa pagkakahapit niya rito ay may kung anong nag udyok sa kanya upang halikan ito, mukhang katakam takam ang mga labing iyon na bahagyang nakaawang dahil sa pagkagulat nito. Unti unting bumaba ang kanyang ulo at pagigil na hinalikan ito. Shit! It tastes so sweet na para bang siya ang unang lalaking nakahalik dito, an