Share

Chapter 2

What? Dumagundong ang boses ni Rom sa kanyang opisina nang marinig ang balita.

Talagang kinakalaban ako ng mga Tan sa negosyo. Migs ikaw na ang bahala, alam mo na ang gagawin sa mga katulad nilang kumakalaban sa akin. Nagngingitngit na sabi ni Rom!

Yes sir ako na ang bahala! Agad na tumalima ang kanyang sekretary.

Naiistress siya dahil pilit siyang kinakalaban ni Mr. Tan sa negosyo kahit kinausap na niya ito. Wala pang kumakalaban sa kanya, kung ipagpapatuloy nito ang pagkalaban sa negosyo nila ay makikita nito ang hinahanap nya.

Kailangan ngang magpalamig nang ulo, kaya pilit niyang kinalma ang sarili. Naglagay ng alak sa basonat tinungga iyon. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang likidong nilagok. Umupo sa swivel chair at marahang ipinilit ang mata.

Tunog ng cellphone ang pumukaw sa nagpapahinga nyang isip. Si Gael ang tumatawag, pinsan niya at tulad nya ay isa ring kilalang personalidad dahil sa taglay nitong kagwapuhan at katayuan nito sa industriya. Isa sya sa may ari nang malalaking construction firm sa pilipinas.

Yes bro! What is it? Tanong niya sa kabilang linya.

Hey! Sobrang pormal mo naman yata ngayon, nakangiting sagot ni Gael. Mukhang stress ka, bungad nito.

Well business problem lang, alam mo naman diba, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, lahat ng ayaw ko ay dapat mawala sa landas ko, sagot niya.

Okay okay bro, relax kalang, you need to relax and chill. Lets go out tonight! Nagyaya sila Craig and Eross. Sa bar tayo, dun sa dati. Nakangiting paliwanag nito.

Okay Ill be there. Sagot nya upang maputol na ang pag uusap nila.

"Okay see you later bro" at agad na itong ibinaba nang nasa kabilang linya.

Well wala naman siyang gagawin mamaya. Mabuti pa nga siguro na mag relax muna siya kasama ang mga pinsan nya. After all matagal tagal na din akong hindi nakaka hangout kasama nila. Baka kulang na din ako sa latest news. Napatawa sya sa naisip, kelan pa ba siya naging tsismoso.

Dahil nga sa pagiging busy sa pagpapatakbo ng negosyo ay hindi na niya nagagawang makalabas at mapag bigyan ang mga pinsan niya. Sa edad na trenta ay siya na ang buong namamahala sa lahat ng kanilang negosyong naiwan nang papa niya. Matanda na rin ito at nagpasiya nang tumigil na sa pagpapatakbo nang negosyo at ipasa sa kanya ang mga ito. Pinili nitong manirahan sa mansiyon nila sa Zambales at libangin ang sarili sa pagpapatakbo ng rancho nila kasama ang ina.

Tama lamang na magpahinga na ito sa pagtatrabaho upang maalagaan nito ang katawan, maiwasan ang stress at mag relax na lamang sila ng kanyang ina sa Rancho. Sa ngayon ay nakikita nyang masigla ang ama at ina sa ginagawa nang mga ito sa farm nila. At kainaman pa ay nag sariwang hangin at masusustansyang pagkain na nanggagaling mismo sa farm nila, kaya hinayaan na nya ang ma ito.

Minsan ay dumadalaw siya sa farm kapag walang masyadong ginagawa sa opisina. Tulad na rin ng pangako niya sa ama at ina na dadalawin ang mga ito.

Sa edad nga nya na iyon ay kahanga hanga na isa na siyang CEO ng kanilang kumpanyang pag aari ng pamilya niya. Isa siyang pinakamagaling na business tycoon sa bansa. At dahil sa taglay na kagwapuhan ay habulin din siya ng mga babae. Kabi kabilanang pang aakit sa kanya ng mga anak ng kasosyo nila sa negosyo, ngunit ang lahat nang iyon ay panandalian lamang sa kanya.

Pagkatapos na may mangyari ay hindi na nauulit pa ang mga iyon, hindi nya kailangan magbayad nang babae upang mailabas ang init sa katawan niya, siya ang hinahabol ng mga ito. Puro mga one night stand lang ang relasyon nya sa mga babaeng nagpapakita sa kanya ng motibo.

Mamaya sa bar alam nyang marami na namang mga babae ang magpapakita ng interes sa kanya, hindi lang sa kanya kundi maging sa mga pinsan at kaibigan niya.

Pasado alas sais ng gabi, naghanda na sya at dederetso na siya sa bar kung saan sila madalas mag hang out ng mga pinsan niya.

Bumaba na siya ng building at sumakay sa kanyang Porsche at pinaharurot iyon. May dadaanan muna siya at pagkatapos ay dederetso na sa bar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status