Tingin niyo ba mabait si Lianne?
"Masakit," iyon ang sabi ni Pan. "Anong masakit? Bakit ka nasasaktan?" seryosong tanong ni Juancho, may partikular na sagot na gustong marinig. Gusto niyang malaman kung anong masakit. Kanina, alam niyang hindi makatingin si Pan sa kaniya habang katabi niya si Lianne. Alam niya kung anong emotion ang nakita niya kanina. Hindi siya maaaring magkamali dahil kilalang kilala niya si Pan. "Juancho, masakit." Tumalim ang mga mata niya. 'Saang masakit? Yung nangyari sa'yo? O yung nakita mo sa condo.' Ang gusto niyang itanong. Pero kahit na anong gawin niya, alam niyang hindi aamin si Pan. Kaya pinakawalan na lang niya ito. Pan is hard to read. "Bakit ka nandito? Yung girlfriend mo?" Kumunot ang noo niya. "Why do you care?" "Nagalit ba siya kasi nakita niya ako? Pwede akong mag explain sa kaniya." "No need." Puno ng tabang na sabi ni Juancho. "She knows you're my childhood friend." Nanlaki ang mata ni Pan. "Huh?" "Hindi mo naman inaasahan di ba na sabihin kong fubu kita?" "H-Hind
Pumasok si Pan sa studio pagkaalis ni Logan. "Umalis na ba si Logan?" tanong ni Bobby. "Yes." "Paano ito Pan? Tanggapin ba natin? Hindi naman masama ang offer niya saka hindi rin libre." Patukoy sa space na maaari nilang lipatan. "Ikaw? Anong desisyon mo?" "Gusto kong tanggapin Pan dahil sayang ang offer. Pero syempre, kung ayaw mo naman, hindi ko e pupush." Napatingin si Bobby sa kwintas na suot niya. "Oh. He gave you that?" "Oo. Hindi ko sana tanggapin, pero sinuot niya. Hindi rin naman siya papayag na ibabalik ko kaya hinayaan ko na." "Iisipin no'n may nararamdaman ka pa sa kaniya kaya tinanggap mo ang regalo niya. Mas lalo mo lang siyang binigyan dahilan na kayo pa." "Bahala siya. Binalaan ko na siya. Kesa itapon niya ito, ibenta ko na lang. Pandagdag na rin ito sa gastusin ng anak ko." Natawa si Bobby. "Kung ganoon ang pasya mo, edi tanggapin nalang natin ang offer niya. Lumipat tayo sa rental space na tinutukoy niya. Mas maganda doon kasi hindi tago." Tuma
Ngunit ang saya na naramdaman ni Pan ay biglang nawala nang makita si Lianne na dumikit kay Juancho at humawak pa sa kamay nito. "Punta tayo sa kanila Bobs," sabi ni Pan. Lumapit silang dalawa. "Hi Juancho, hi Ms. Architect." "Oh. What are you doing here?" nakangiting tanong ni Lianne. "Kinuha kami ni Logan bilang photographers ngayon." "Oh, kilala mo rin si Logan?" hindi makapaniwalang tanong ni Lianne. "Oo. He's a friend." Sagot niya lalo't hindi pwedeng malaman ng lahat na dati silang may relasyon. "Friend. I see." Makahulugang sabi ni Lianne. "By the way, this is my friend. Bobby." Kumaway si Bobby sa kanila at ngumiti. Nang tumingin si Pan kay Juancho, nakita niya itong mariing nakatitig sa kaniya. Hindi niya tuloy maialis ang paningin niya sa binata. "Ahm... Pwede mo ba kaming kunan ng litrato ng boyfriend ko Pan?" tanong ni Lianne. Pan smiled and said, "sure. No problem." Juancho is helping her, kaya ang maibabalik nalang niya ay mag-ingat para hindi ma
"Girlfriend?" "Yeah. The girl I'm talking about." Nakangiting sabi ni Logan, na tila ba proud pa kay Pan. "Oh. The girl na pinagmamalaki mo sa amin. Yung girlfriend mong mahilig sa photography." Pinagmamalaki? Takang tanong ni Pan sa sarili niya. She's not comfortable sa kinatatayuan niya. Ayaw niyang malaman na ng iba na may sila ni Logan dahil baka malaman pa ng dad niya. Isa pa, ayaw niya ng gulo. It's a hassle to her part kung saka pa malaman ng daddy ni Logan kung saan e hindi na sila committed sa isa't-isa. "Hi Ms. Pan, alam mo ba, Logan is bragging you to us. Akala namin he's just overreacting but I guess, tama ang lahat ng sinabi niya. Maganda ka nga talaga." Sumulyap si Pan kay Logan. "Yeah. He's right. You're pretty Ms. Pan. At matagal ka na naming gustong makilala." Napipilitang ngumiti si Pan sa kanila. "By the way babe, they are my friends. Si Leon, Bard, Thomas at Phello." "Hello sa inyo," tipid na sabi niya. "Ito must be hard to be his girlfriend
Nang makaalis sila sa party, pumunta sila ni Juancho sa nagtitinda ng bulalo. Nakangiti si Pan habang hinihintay ang bulalo na e serve sa kanila. Hindi kasi siya nakakain kanina dahil kay Gidette. Si Juancho naman ay nakasandal sa upuan at pinapanood si Pan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa party?" tanong ni Juancho. Napatingin si Pan sa kaniya. "Trabaho kasi ang pinunta namin doon ni Bobby." "Trabaho o dahil request ng boyfriend mo?" Napakurap kurap si Pan at napatitig kay Juancho. 'Isa rin pala ito sa hindi makaintindi na wala na kami ni Logan.' Sabi ni Pan sa isipan niya at napabuntong hininga. Lumabi siya. "Are you jealous, baby?" Nanigas bigla si Juancho sa kinauupuan niya. Hindi niya inaasahan ang baby mula sa mapupula at makikipot na labi ni Pan. Biglang dumagundong ng malakas ang puso niya. At bigla niyang naramdam ang pag-init ng tenga niya. Kumunot ang noo niya at pasimpleng nagtakip ng labi. Si Pan naman ay ngumuso pagka't akala niya ay w
Kinabukasan, agad binungangaan ni Bobby si Pan pagdating nito sa studio. "Saan ka galing kagabi? Bakit bigla kang nawala? Hindi ka pa matawagan sa phone mo." Sunod sunod na tanong ni Bobby sa kaniya. Napakamot si Pan sa ulo niya. "Sorry Bobs, umuwi na ako kasama ni Juancho." Lumalim ang gatla sa noo ni Bobby. "Iniwan niya ang girlfriend niya sa party at ikaw ang inuwi niya?" Hindi makasagot si Pan. Halata kasi sa mukha ng kaibigan na hindi ito natutuwa. "Fubu lang ba kayo? Bakit ganito si Juancho sa'yo?" "Oo. Saka impossible na magustuhan niya ako. Mababang babae ang pagtingin niya sa akin.." Napabuntong hininga si Bobby. "Really? Dahil hindi iyon ang nakikita ko. By the way, hinanap ka ni Logan kagabi." "Ano pala nangyari pagkatapos kong umalis?" "Ayun, nagsiuwian na rin ang mga bisita dahil lasing na si Gidette at ayaw ng magpaawat." Tumango si Pan. "Sinabi ko naman sa kaniya na wala na kami ni Logan pero ayaw niyang maniwala. Siya lang rin ang nagpapahirap sa sar
Naging busy si Pan at Bobby sa bagong studio na nililipatan nila. Hindi na rin siya binibisita ni Logan, hinuha niya ay naging busy na rin ito lalo't balita niya, umuwi na ang dad nito galing abroad. Si Juancho naman ay hindi niya rin nakikita. Hindi rin siya tinatawagan these past few days. Kung anong meron sa kanila, iyon ay fubu lang talaga and nothing more. Balita naman ni Josh sa kanila, settle na ang project ni Juancho sa school. Although on going pa ang construction, hindi na madalas gumagawi doon ang binata. "Pan, anong magandang tawag sa studio natin?" "Gusto mo mag rebranding?" "Yeah. For a good start." "How about B&P Studio?" Napaisip si Bobby doon. "Sige. It's not bad. Iri-register ko lang itong business natin." "Sige. Ako na bahala dito." Magiging abala si Bobby dahil marami pa siyang aasikasuhin para makakuha ng business permit sa kanilang studio. Hindi sila registered no'ng una dahil pucho pucho lang naman sila. Pero ngayon na nasa sentro na
"What?" tanong ni Juancho nang makita niya ang itsura ni Pan na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Chicken mo," aniya sabay abot ng box. "Kumain ka na?" tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa mga documents na niri-review. "Hindi pa." Tumigil si Juancho sa ginagawa niya at nilagay lahat ng documents sa isang maliit na drawer. "Wait here," aniya at lumabas para kumuha ng plato. Kanina pa siya nagtatrabaho, ngunit sa isang hinda pa ni Pan, tinigil niya ang trabaho niya. Pagbalik niya, may bitbit na siyang dalawang plato at umupo sa harapan ni Pan. "Hindi ba sila magtataka na narito ako?" "No." Gustong itanong ni Pan kung paano kung malaman ni Lianne ito. "Where did you buy this chicken?" tanong ni Juancho nang buksan ang box. "Sa tabi-tabi lang." Nalukot ang mukha ni Juancho. "Is it safe?" Napakurap kurap si Pan. Agad siyang kumuha ng chicken leg at kinagatan. "Safe naman ito. Akala mo ba lalasunin kita?" Mahinang natawa si Juancho at kumuha na rin n
Agad nanginig si Zahara nang hawakan siya ng mama niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Pan ngayon.Buong akala niya ay papa Juancho lang niya at daddy Logan ang magbabantay kay lola Susana.“SUMAGOT KA!” Pan shouted, nanginginig na rin sa galit. Hindi niya mapapalagpas kung may sino pa mang magpahamak sa mga anak niya. She won’t stay still kahit pa isang dalagita ang nasa harapan niya ngayon at mukhang hindi delikado.Hindi na siya magpapaloko pang muli. Nilagay niya sa isipan niya na kahit inosente ay pwedeng gumawa ng kahindik-hindik na krimen.“PAN!” Logan came at binawi sa kaniya si Zahara. “What are you doing?”Nagulat si Pan sa presensya ni Logan. Agad niyang tinignan si Zahara na hindi makatingin sa kaniya.“That girl! Bakit nandito yan?” turo niya kay Zahara na umiiyak at takot na takot.“Ano naman kung nandito siya?”“Hindi ako nakikipagbiruan Logan. Who the fvck is she?”“Why are you cursing?” kumunot na ang noo ni Logan, hindi na rin siya natutuwa sa mga sinasabi
Nagmamadali si Pan na umalis ng hospital pero alam niyang nakasunod si Juancho sa kaniya.Huminto siya at huminga ng malalim bago niya ito nilingon. “Kailan mo ba ako titigilan?” kunot noong tanong niya.“Wala ka bang balak tanungin ako kung bakit hindi ko madalaw ang anak natin sa puntod niya?”Agad na nalukot ang mukha ni Pan. “Tinatanong pa ba yan? Noon pa lang, alam ko ng wala ka ng pakialam sa anak ko kaya bakit pa ba ako magtataka sayo ngayon?”Umigting ang panga ni Juancho. Lumapit siya kay Pan. “Nagkamali ako Pan pero hindi ibig sabihin no’n ay wala na akong pakiramdam. Mali ako ng inakala noon, inaamin kong maling mali ako pero tama bang husgahan mo ang buong pagkatao ko? Ni minsan ba hindi mo nakita kung paano ko minahal si Zahara? Kung paano ko pinahalagahan ang anak natin? Nasaktan ako no’ng nalaman ko na hindi siya sa akin. Ang mali ko lang, hindi ko muna inalam ang kwento. Hindi kita pinakinggan.”Namumuo na ang luha sa mata ni Pan. Kapag usapang Zahara, madali siyang bu
Nang maging tahimik na ang lahat, dahan-dahang lumabas si Marie sa kwarto niya para silipin muli ang babae na narinig niyang ang pangalan ay Lou.Nakita niya ito sa sofa na umiiyak kaya dahan-dahan niya itong nilapitan.“Ate,” halos manginig ang labi niya nang tawagin niya ito.Tumingin sa kaniya si Lou at mapait na ngumiti.Lumapit si Marie sa kaniya. “T-Totoo ba yung narinig ko, ate? Na kinidnap ka ni dad at tinago ka niya dito?”Sandaling natigilan si Lou saka niya hinarap ulit si Marie.“Tabi ka,” mahinang sabi niya at pinatabi niya si Marie sa kaniya.“Talaga bang anak ka ni Lorciano?”Tumango si Marie.“Napakabait mo namang bata. Hindi ka bagay maging anak niya. Siya demonyo, ikaw hindi.”Kitang kita ang galit sa mukha ni Lou.“Hindi ka ba galit sa akin ate? A-Anak ako ng demonyo.”Hinawakan ni Lou ang mukha niya. “Pero sinasaktan ka rin niya kahit anak ka niya. Paano ako magagalit sayo?”“Ano pong nangyari ate? B-Bakit ka narito?”“D-Dahil kinuha niya ako. Kinidnap niya ako at
Ngumiti si Pan at bumaling kay Logan. “I’m sorry Logan, mukhang may hindi yata ako naintindihan sa sinabi mo.”Umiling si Logan, hindi siya makapaniwala sa pagmaang-maangan ni Pan.“I’m not here to argue with you. Magkikita pa naman tayo next time.”Sabi ni Logan at umalis. Kumuyom ang kamao ni Pan. Nakatitig lang siya kay Logan habang sumasakay ito sa kaniyang sasakyan.“Paano niya nalaman?” kinakabahan at nagtatakang tanong ni Pan sa sarili niya.Nanatili lang siya sa ganoong position hanggang sa nagpasya na siyang tumalikod para pumasok ng hospital.Pagpasok niya, naabutan niya ang mama niya na pinupunasan si lola Susana.“Ma!” Napatingin si Leila sa kaniya at agad na nanlaki ang mata nito. Lumapit si Pan sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit.“Anak, finally…” mahinang sabi ni Leila.“Ma, kamusta si lola?” tanong ni Pan nang makalayo siya sa yakap. Tumingin siya kay lola Susana at nakita niya itong nakahiga sa kama at walang malay.“She’s not getting better. Nag-aalala na nga
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Logan habang nakatingin sa kawawang si Zahara. Nakatulog ito sa labis na pag-iyak.“I need to see her. I need to see Pan.” Sagot ni Juancho.“Lalapitan ka pa kaya niya? Kakausapin ka pa kaya niya?”“Babawiin ko siya Logan. Wala siyang choice kun’di kausapin ako dahil may anak kami at nasa akin si Zahara.”“Sa galit niya sayo, parang malabo na kausapin ka niya.”“You’ll help me para kausapin niya ako. And besides, hindi lang ako ang may pakay sa kaniya.” Ngumisi si Juancho. “Ikaw rin naman.”Napainom si Logan ng wine. Nasabi nga ni Zahara sa kanila na may dalawang bata kanina, isang babae, isang lalaki.“I only have a child.” Sabi ni Juancho na sinigurado sa doctor na tumingin noon kay Pan kung kambal ba ang anak niya.When the doctor said earlier, isa lang ang fetus ang nakita niya noon sa tiyan ni Pan, alam na agad ni Juancho na hindi kambal ang anak niya at ang isang bata na nakita ni Zahara kanina ay maaaring anak ni Logan.“Zahara said may dalawan
Agad naibaba ni Logan ang eyeglasses niya nang biglang pumasok si Zahara sa pinto, tumatakbo papuntang kwarto at umiiyak.Agad niya itong sinundan ng may pag-aalala sa mukha. Nakita niya ito, particularly sa kama, nakadapa at umiiyak.His heart aches upon seeing his daughter crying like that. “What happened to you?”Hindi siya sinagot ni Zahara kaya nagkusa siyang lumapit dito, lumuhod sa tabi nito at dahan-dahang hinaplos ang ulo ng anak.“What happened? Bakit ka umiiyak, anak?”Tumingin si Zahara sa kaniya, humihikbi habang nagsusumbong. “D-Dad, n-nakita ko po si mama.”Nagulat si Logan, nanlalaki ang mata niya. Pan is home?“Pero nagalit po siya sa akin.”“Why?”“She didn’t recognize me, dad. Tapos yung anak niya, natakot sa akin, akala niya halimaw ako.” Parang nadurog ang puso ni Logan sa kaniyang narinig.“Akala siguro ni mama inaway ko ang kapatid ko. Pero hindi po dad.”Agad na niyakap ni Logan si Zahara.“I hate my face, dad. Halimaw po ba ako? Hindi na po ba ako makikilala n
“Mama, malayo po ba ang bahay ni lola?” tanong ni Dahlia habang nakatingin sa labas ng bintana.“Medyo malayo.”“Ah… Let’s stop for awhile mama. I’m really starving. Can we eat first bago tayo umuwi?”Napailing nalang si Pan sa kakulitan ng kaniyang anak.“Alright.” Napipilitang sabi niya. Agad siyang tumingin sa driver.“Kuya, pababa kami sa Shantara.”“Okay ma’am.” Magalang na sabi ng driver sa kaniya. Kahit na nasa abroad si Pan, hindi niya pinabayaan ang Shantara dahil ito ang huling ala-ala ni Aaron para kay Zahara.She wanted to preserve it hanggang sa muli silang magkita ng anak niya sa kabilang mundo.Pagdating nila doon, hindi na nagulat si Pan nang makita niya na maraming customers sa Shantara. After all, sikat ito at masarap magluto ang mga chef niya.Pumasok sila ng mga anak niya kasama ng mga bodyguards.“Mama, faster!! I am really hungry.”Natatawang nagpatianod si Pan kay Dahlia habang si Wil naman ay inosenteng nakasunod sa mama niya.Nang umupo na sila, agad silang bi
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu