Kung kayo si Pan, sasama ba kayo kay Juancho? Haha
Nang makaalis sila sa party, pumunta sila ni Juancho sa nagtitinda ng bulalo. Nakangiti si Pan habang hinihintay ang bulalo na e serve sa kanila. Hindi kasi siya nakakain kanina dahil kay Gidette. Si Juancho naman ay nakasandal sa upuan at pinapanood si Pan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa party?" tanong ni Juancho. Napatingin si Pan sa kaniya. "Trabaho kasi ang pinunta namin doon ni Bobby." "Trabaho o dahil request ng boyfriend mo?" Napakurap kurap si Pan at napatitig kay Juancho. 'Isa rin pala ito sa hindi makaintindi na wala na kami ni Logan.' Sabi ni Pan sa isipan niya at napabuntong hininga. Lumabi siya. "Are you jealous, baby?" Nanigas bigla si Juancho sa kinauupuan niya. Hindi niya inaasahan ang baby mula sa mapupula at makikipot na labi ni Pan. Biglang dumagundong ng malakas ang puso niya. At bigla niyang naramdam ang pag-init ng tenga niya. Kumunot ang noo niya at pasimpleng nagtakip ng labi. Si Pan naman ay ngumuso pagka't akala niya ay w
Kinabukasan, agad binungangaan ni Bobby si Pan pagdating nito sa studio. "Saan ka galing kagabi? Bakit bigla kang nawala? Hindi ka pa matawagan sa phone mo." Sunod sunod na tanong ni Bobby sa kaniya. Napakamot si Pan sa ulo niya. "Sorry Bobs, umuwi na ako kasama ni Juancho." Lumalim ang gatla sa noo ni Bobby. "Iniwan niya ang girlfriend niya sa party at ikaw ang inuwi niya?" Hindi makasagot si Pan. Halata kasi sa mukha ng kaibigan na hindi ito natutuwa. "Fubu lang ba kayo? Bakit ganito si Juancho sa'yo?" "Oo. Saka impossible na magustuhan niya ako. Mababang babae ang pagtingin niya sa akin.." Napabuntong hininga si Bobby. "Really? Dahil hindi iyon ang nakikita ko. By the way, hinanap ka ni Logan kagabi." "Ano pala nangyari pagkatapos kong umalis?" "Ayun, nagsiuwian na rin ang mga bisita dahil lasing na si Gidette at ayaw ng magpaawat." Tumango si Pan. "Sinabi ko naman sa kaniya na wala na kami ni Logan pero ayaw niyang maniwala. Siya lang rin ang nagpapahirap sa sar
Naging busy si Pan at Bobby sa bagong studio na nililipatan nila. Hindi na rin siya binibisita ni Logan, hinuha niya ay naging busy na rin ito lalo't balita niya, umuwi na ang dad nito galing abroad. Si Juancho naman ay hindi niya rin nakikita. Hindi rin siya tinatawagan these past few days. Kung anong meron sa kanila, iyon ay fubu lang talaga and nothing more. Balita naman ni Josh sa kanila, settle na ang project ni Juancho sa school. Although on going pa ang construction, hindi na madalas gumagawi doon ang binata. "Pan, anong magandang tawag sa studio natin?" "Gusto mo mag rebranding?" "Yeah. For a good start." "How about B&P Studio?" Napaisip si Bobby doon. "Sige. It's not bad. Iri-register ko lang itong business natin." "Sige. Ako na bahala dito." Magiging abala si Bobby dahil marami pa siyang aasikasuhin para makakuha ng business permit sa kanilang studio. Hindi sila registered no'ng una dahil pucho pucho lang naman sila. Pero ngayon na nasa sentro na
"What?" tanong ni Juancho nang makita niya ang itsura ni Pan na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Chicken mo," aniya sabay abot ng box. "Kumain ka na?" tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa mga documents na niri-review. "Hindi pa." Tumigil si Juancho sa ginagawa niya at nilagay lahat ng documents sa isang maliit na drawer. "Wait here," aniya at lumabas para kumuha ng plato. Kanina pa siya nagtatrabaho, ngunit sa isang hinda pa ni Pan, tinigil niya ang trabaho niya. Pagbalik niya, may bitbit na siyang dalawang plato at umupo sa harapan ni Pan. "Hindi ba sila magtataka na narito ako?" "No." Gustong itanong ni Pan kung paano kung malaman ni Lianne ito. "Where did you buy this chicken?" tanong ni Juancho nang buksan ang box. "Sa tabi-tabi lang." Nalukot ang mukha ni Juancho. "Is it safe?" Napakurap kurap si Pan. Agad siyang kumuha ng chicken leg at kinagatan. "Safe naman ito. Akala mo ba lalasunin kita?" Mahinang natawa si Juancho at kumuha na rin n
"You done, eating?" tanong ni Juancho nang mapansin na naubos na ni Pan ang kanin niya sa plato. "Yeah. B-Busog na ako." "Okay." "Ahm.. Gusto mong lumabas muna tayo?" tanong ni Pan. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Juancho. He's busy but he's curious kung bakit siya inaya ng dalaga ngayon. "Just going out? The weather is nice today. Baka gusto mong maglakad lakad sa park?" Tumaas ang sulok ng labi ni Juancho. He nodded at tinawagan si Dom para papasukin sa office niya. "Pakihugasan itong mga plato Dom." Itinuro ni Dom ang sarili niya. "Me?" "Yeah. You. Aalis kami ni Pan. She asked me for a walk." Nahiya si Pan sa sinabi ni Juancho. "Ano..ako na maghuhugas. Nakakahiya kay Dom." Ano ba naman tong si Juancho. Paano niya nauutusan ang kaibigan niya ng ganto? Kumunot ang noo ni Juancho sa sinabi niya. "Bakit ka mahihiya kay Dom? Do you like him?" "Huh? Hindi. Pero kasi he's an engineer tapos plato natin to. Siya pahuhugasin mo?" "He's my subordinate. Mas mataas a
-Gamesoft Company, founded by Lorciano Seco- "Logan," napatigil si Logan sa pagstamp ng pangalan niya sa mga documents na kailangan niyang permahan ngayong araw ng tawagin siya ng dad niya. "Yes dad?" "I heard may nangyari sa inyo ni Gidette doon sa party." "There's just a misunderstanding." He tried to be compose kahit pakiramdam niya ay may ibang pakay ang dad niya sa kaniya. "What do you think of her?" "She's a friend." Natawa si Lorciano at umupo sa couch. "Well, technically she is lalo't you grew up together. Pero other than that, wala ka na bang ibang pagtingin sa kaniya?" "What do you mean?" "May nakapagreport sa akin that you guys were intimate with each other no'ng birthday mo." Kumuyom ang kamao ni Logan sa ilalim ng mesa. "Pareho kaming lasing. It was a mistake." "Lasing... I see." He's mocking. "So wala kang plano e pursue siya? Hindi ako magagalit if you ended up with her. She's the daughter of your ni no'ng after all." Isa sa rason bakit ayaw ni
Gising si Gidette, at inaasahan niyang makikita niya si Pan na masasaktan at magdurusa oras na makita sila nito ni Logan na hubad sa kama. "Ano na naman ba ito Gidette?" tanong ni Pan. Kahit siya sa sarili niya ay napapatanong. Ayos lang ba ako? Bakit hindi ako nasasaktan? I did love Logan. Pero bakit wala akong galit na maramdaman?Bakit parang nakahinga ako ng maluwag na nagkasala rin siya?Mga naglalarong katanungan sa isipan ni Pan. Bumangon si Gidette. "Kunwari ka pa unbothered. Your man is here. Natutulog sa kamang ako ang kasama imbes na ikaw." "Maluwag na ba ang turnilyo diyan sa utak mo? Ganto ka ba ka insecure sa akin at nagawa mo pang itext ako gamit ang number ni Logan para papuntahin dito at para makita ko ang ginagawa niyo?" Tumalim ang mata ni Gidette. "Gusto kong makita mo na wala kang halaga kay Logan. Na hindi mo siya kailanman magiging pag-aari." Ngumisi si Pan. "Baliw ka na. Hindi ko sinabing pag-aari ko siya. Binibigay ko na nga siya sayo di ba? Ngayon
“Kuya, dito ba?” tanong ni Trisha habang hinahanap sa G00gle map ang lokasyon ng studio ni Pan at Bobby. “Bakit ba kasi hindi mo nalang e deposit yung pera sa bank account niya?” kunot noong tanong ni Ark. Marami siyang bitbit na pasalubong ni Trisha kay Pan. Ginawa siyang alalay ng pinsan niya kaya nagpasama. “Ano ka ba kuya. Hindi mo ba nakita kung gaano ako ka-glow kagabi? Pang main character ang atake ko dahil sa make-up na ginawa sa akin ni ate Pan.” “Maganda ka na, halos walang pinagkaiba ang itsura mo kagabi.” “Mali ka kuya. Maraming nagsabi na sobrang gumanda ako dahil sa make up ni ate. Isa yun sa nagpatulong sa akin para manalo ako.” “Kung anu-anong sinasabi mo. Gusto mo lang akong gawing alila.” Natawa si Trisha sa sinabi ng kuya Ark niya. Nakita na nila ang studio kaya nagmamadali silang pumasok doon. “Welcome—oh? Trisha.. Ark?” gulat na bulalas ni Pan nang makita niya ito. “Hi ate Pan.”“Teka, anong ginagawa niyo dito?”“Itanong mo diyan sa batang yan..” Sabi ni A
(8 months ago)Matapos malaman ni Gidette na buntis siya, sobrang saya niya no’ng araw na yun. Wala siyang ibang ginusto kun’di ang mapasakaniya si Logan.She’s rejoicing at halos tumalon pa siya sa tuwa dahil positive ang resulta ng pregnancy test. “Ano ka ngayon, Pan! Akin na si Logan!” Aniya.Pero ang kasiyahang iyon ay agad na napawi nang marinig niya na gustong ipakasal ni Lorciano si Logan kay Lara—ang kapatid ni Ark.“No. Hindi pwede. Magkaka-baby na kami ni Logan. Dapat ako ang maging asawa niya.” Ang sabi niya sa sarili niya.Agad siyang umalis sa bahay nila para puntahan si Lorciano sa kumpanya nito. She’s desperate para maikasal siya kay Logan.Kaya gagamitin niya ang anak niya para mapapayag si Lorciano sa gusto niya.Pagdating niya sa Gamesoft, tuloy tuloy siyang nagtungo sa office ni Lorciano at nagulat siya nang pagpasok niya doon ay naabutan niyang may ginagalaw itong babae sa table nito.Iyong babae ay umiiyak habang may takip ang bibig na panyo, nakatingin ito sa kani
Matapos ang ilang araw, nakauwi si Leila ng bansa at agad na dumiretso kay Pan.Pagpasok niya sa bahay ni lola Susana, nakita niyang karga karga ni Pan si Zahara.“Anong nangyari sa apo ko?” “B-Bakit nandito kayo?” gulat na tanong ni Pan.“May pinagdadaanan ang anak ko. Ayoko ng maulit yung nangyari noon na wala ako no'ng kailangan mo.”Nagulat si Pan sa narinig. Tumingin siya kay Zahara na may lagnat.Mula ng pumunta si Symon sa kanila, nagkakasakit na muli si Zahara.Alam niyang dahil iyon sa labis na kalungkutan na ang papa at lolo na kinilala nito ay pinagtatabuyan na siya.“L-Lolo…” Ang paulit-ulit na pagbanggit ni Zahara.Nag-alala si Pan. Ilang araw ng hinahanap ng anak niya si Symon at Juancho, at wala siyang maisagot dito.Mula doon sa bar, hindi na sila nagkita pa ni Juancho muli.“Anak, hinahanap ni Zahara si Symon. Papuntahin natin siya dito. Kawawa ang bata.”“Papuntahin?” si lola Susana ang sumagot. “Alam mo ba kung paano pinagtabuyan ng asawa mo si Zahara?”Nagulat si L
“Anong nangyari?” kunot noong tanong ni Symon matapos dalhin ni Dom at Ark si Juancho sa bahay niya.“N-Nag-away po sila ni Pan, t-tito.”“I-Is it because of me?” medyo kinakabahan na sabi ni Symon. Hindi pa niya alam ang lahat.Umiling si Dom. “N-Nalaman po ni Juancho na iba p-pala ang ama ni Zahara.”Kumunot ang noo ni Symon. “What do you mean?” Agad na ipinaliwanag ni Ark ang lahat ng nangyari doon sa bar. At halos hindi mailarawan ang itsura ni Symon pagkatapos.Mahal niya si Zahara and knowing na wala siyang bakas ng dugo sa bata, parang nablanko ang utak niya.Bigla niyang naalala ang pangalan ni Pan sa waiting list na gustong magpa-appoint sa kaniya.Biglang nag-align lahat at ngayon, pati siya ay galit na galit na.Dahil nauunawaan na niya lahat….“Kung ganoon, niloko niya ang anak ko. Pinaako niya kay Juancho si Zahara para mapalapit sa akin. Grabe, hindi ako makapaniwala na napaikot kami ng babaeng yun!” Nanggigil na sabi ni Symon.Agad na nagring ang phone niya at nakita ni
YAKAP YAKAP NI PAN si Zahara habang nakatingin sila sa katawan ni Aaron na ngayon ay tinatabunan na ng tela.Nawalan si Aaron ng hininga habang yakap-yakap si Zahara.“Ms. Pan,” napatingin si Pan sa tumawag sa kaniya.“Ako si Gael, ang assistant ni sir Aaron.”Gaya niya, namamaga rin ang mata ni Gael. “Maraming hinabilin sa akin si sir Aaron tungkol sa inyo. Sabi niya huwag ko raw pabayaan ang anak niya at ikaw.”Ngumiti si Pan. “Bakit pati ako? Si Zahara lang naman ang kailangan niyang alalahanin.”“Maniwala po kayo Ms. Pan, pinapahalagahan po kayo ni sir dahil tumatanaw siya sa inyo ng utang na loob.”“Hindi pa rin ako makapaniwala na may taong kagaya niya. Hindi ko alam kung tanga ba siya o mabait lang talaga.” “Ganoon nga po talaga si sir, Ms. Pan. Kalahating mabait, kalahating tanga. Pero kahit na ganoon siya, malaki ang respeto ko sa kaniya.”Pinunasan ni Pan ang luha sa mata niya at tumingin kay Zahara na nakatulog na dahil sa walang humpay na pag-iyak.“Ms. Pan, marami pong a
Nanatili si Logan sa condo ni Juancho, habang siya ay binalikan si Pan sa bahay nito.Inalis na niya sa isipan niya na si Zahara ay hindi niya anak. Kung hindi niya nakausap si Marie ay baka nga naniwala na siya agad at baka maging isa pa yun sa mitya para mag-away sila ni Pan.Pagdating ni Juancho sa bahay ni lola Susana, nagulat siya nang makita niya ito kasama ni Zahara na pasakay ng taxi.Mugto pa rin ang mata ni Pan pero nagmamadali itong umalis.“Saan sila pupunta?”Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam bakit pero kinabahan siya.Nagmamadali siyang bumalik ng sasakyan niya para sundan ang dalawa.Habang nagmamaneho siya, tumawag ang dad niya na agad niyang sinagot.“Juancho? Nasaan ka? Nalaman na ni Pan ang lahat.” Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Symon. “Tumawag si Leila at sinabi na alam ni Pan ang katotohanan. W-Wala sila sa bahay, dinala niya ang apo ko. Galit ba siya sa akin? Can I go there to explain?”“Huwag na… I’ll handle this. Oras makita ka niya pa, baka e mas lalo
Ang ina ni Logan na si Arielle Marquis Seco ay nag-iwan ng isang diary na nasa pangangalaga ng kaniyang kapatid na si Aaron.Arielle was the diseased wife of Lorciano. Aaron found her diary and kept for life. Akala niya ay iyon ang tamang gawin para sa ikabubuti ni Logan.Malayo si Logan sa pamilyang Marquis, dahil iyon sa ayaw ng ama niya na atupagin niya ang ibang bagay maliban sa pagiging tagapagmana ng Gamesoft.And Aaron thought na gusto ni Logan ang buhay niya ngayon kung saan si Lorciano ang kinikilala niyang ama.Pero matapos niyang marinig na sinusuway na ni Logan si Lorciano, doon niya napagtanto na maaaring nasasakal na si Logan sa buhay niya.Kaya niya napagdesisyunan na sasabihin na niya ang totoo. Na ipagtatapat niya kung ano ang nabasa niya sa diary ng kapatid. Matapos niyang ibigay kay Logan ang diary, the satisfaction on his face was evident na nagawa na niya ang mga bagay na dapat niyang gawin bago pa matapos ang oras niya.He smiled habang patuloy na umaagos ang dug
Pagdating ni Juancho sa bahay ni Lorciano, si Marie ang nakasalubong niya. Palabas ito ng gate at mukhang may lakad.“Kuya!” Bulalas ni Marie na tuwang tuwa at hindi makapaniwala na nasa bahay niya ang kuya Juancho niya.“Bakit ka nandito kuya?”“May lakad ka ba? Where’s your father?”“W-Wala po dito kuya. B-Bakit po?”“Kailangan ko siyang makausap, Marie. May sinasabi kasi siya tungkol sa anak ko.”Naging seryoso ang mukha ni Marie. “Ano pong sinabi ni dad tungkol kay Zahara, kuya? May ginawa na naman po ba ulit si dad kay ate Pan? Siniraan ba ni dad si ate Pan?”“Ulit?” kunot noong tanong ni Juancho.“Hindi niya po ba nasabi sayo kuya? Matapos ng operation ni Zahara, nong nakakalabas na sila ng bahay, nakasalubong namin si ate Pan sa simbahan. Pinagbantaan po siya ni dad kaya galit na galit na sumugod si papa Symon sa kaniya at sinira ang sasakyan niya.”Kumunot ang noo ni Juancho dahil hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun.Wala siyang narinig na may ganoong nangyari.“I haven
Pagdating ni Juancho sa bahay nila, hindi niya naabutan si Pan at Zahara. Nagulat siya nang makita si Felicity na umiiyak.“Anong nangyari?” kunot noong tanong niya.“Juancho, sorry…” Umiiyak na saad ni Fel. “Hindi ko sinasadya.”Nagtaka si Juancho pero agad na pumasok sa isipan niya si Pan.Agad siyang tumakbo papunta sa itaas ng kwarto at hindi na niya naabutan si Pan at Zahara doon.Bigla siyang kinabahan. Nagmamadali siyang bumaba ulit at mabilis niyang hinablot ang kamay ni Felicity.“What did you do? Nasaan si Pan at Zahara?”“N-Nalaman na niyang si ma’am Leila ang asawa ni sir Symon.”Agad na humigpit ang paghawak ni Juancho sa braso niya. “What? Sinabi mo sa kaniya?”Umiling si Felicity. “Narinig niya kaming nag-uusap ni ma’am Leila. Hindi ko naman alam na naiwan siya sa bahay. Akala ko ay kasama mo siyang lumabas.”Tinulak ni Juancho si Felicity kaya napaupo ito sa sahig. “Binalaan na kita na huwag kang manggulo. Tignan mo ang ginawa mo!”Agad na umalis si Juancho para puntah
Bago nangyari ang lahat….Pagkaalis ni Juancho ng bahay, si Felicity ang sunod na dumating.Inaakala niya iingay ang bahay dahil dumating si Juancho kahapon, pero nagtataka siya na walang kaingay-ingay ang bahay.“Bakit parang walang tao? Umalis ba sila?”May isang maid na lumabas. Agad iyong tinawag ni Felicity. “Si Juancho po ate?”“Umalis ma’am. Kanina pa.”Napatango siya. “Oh. Okay.”/ Saan kaya sila nagpunta?Hindi na lang sana siya tutuloy sa loob dahil akala niya wala rin si Pan at Zahara, lalakad na sana siya paalis nang biglang nagring ang phone niya.Tumatawag si Leila at wala sa sarili niya itong sinagot.“Hello po ma’am Leila…”“Hello, hija… Nandiyan ka ba sa bahay ngayon?”“Opo ma’am. Pero wala po sila ngayon sa bahay. Mukhang umalis po silang tatlo.”“Nag-aalala ako.” Saad ni Leila. “Balita ko ay nakauwi na si Juancho. Baka mamaya e may hindi magandang nangyayari ngayon. Nalaman ba niya ang tungkol kay Aaron?”“Huwag po kayong mag-alala ma’am. Nangako po akong hindi ko pa