Juancho, that's very bad. HAHAHAHA
Kinabukasan, agad binungangaan ni Bobby si Pan pagdating nito sa studio. "Saan ka galing kagabi? Bakit bigla kang nawala? Hindi ka pa matawagan sa phone mo." Sunod sunod na tanong ni Bobby sa kaniya. Napakamot si Pan sa ulo niya. "Sorry Bobs, umuwi na ako kasama ni Juancho." Lumalim ang gatla sa noo ni Bobby. "Iniwan niya ang girlfriend niya sa party at ikaw ang inuwi niya?" Hindi makasagot si Pan. Halata kasi sa mukha ng kaibigan na hindi ito natutuwa. "Fubu lang ba kayo? Bakit ganito si Juancho sa'yo?" "Oo. Saka impossible na magustuhan niya ako. Mababang babae ang pagtingin niya sa akin.." Napabuntong hininga si Bobby. "Really? Dahil hindi iyon ang nakikita ko. By the way, hinanap ka ni Logan kagabi." "Ano pala nangyari pagkatapos kong umalis?" "Ayun, nagsiuwian na rin ang mga bisita dahil lasing na si Gidette at ayaw ng magpaawat." Tumango si Pan. "Sinabi ko naman sa kaniya na wala na kami ni Logan pero ayaw niyang maniwala. Siya lang rin ang nagpapahirap sa sar
Naging busy si Pan at Bobby sa bagong studio na nililipatan nila. Hindi na rin siya binibisita ni Logan, hinuha niya ay naging busy na rin ito lalo't balita niya, umuwi na ang dad nito galing abroad. Si Juancho naman ay hindi niya rin nakikita. Hindi rin siya tinatawagan these past few days. Kung anong meron sa kanila, iyon ay fubu lang talaga and nothing more. Balita naman ni Josh sa kanila, settle na ang project ni Juancho sa school. Although on going pa ang construction, hindi na madalas gumagawi doon ang binata. "Pan, anong magandang tawag sa studio natin?" "Gusto mo mag rebranding?" "Yeah. For a good start." "How about B&P Studio?" Napaisip si Bobby doon. "Sige. It's not bad. Iri-register ko lang itong business natin." "Sige. Ako na bahala dito." Magiging abala si Bobby dahil marami pa siyang aasikasuhin para makakuha ng business permit sa kanilang studio. Hindi sila registered no'ng una dahil pucho pucho lang naman sila. Pero ngayon na nasa sentro na
"What?" tanong ni Juancho nang makita niya ang itsura ni Pan na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Chicken mo," aniya sabay abot ng box. "Kumain ka na?" tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa mga documents na niri-review. "Hindi pa." Tumigil si Juancho sa ginagawa niya at nilagay lahat ng documents sa isang maliit na drawer. "Wait here," aniya at lumabas para kumuha ng plato. Kanina pa siya nagtatrabaho, ngunit sa isang hinda pa ni Pan, tinigil niya ang trabaho niya. Pagbalik niya, may bitbit na siyang dalawang plato at umupo sa harapan ni Pan. "Hindi ba sila magtataka na narito ako?" "No." Gustong itanong ni Pan kung paano kung malaman ni Lianne ito. "Where did you buy this chicken?" tanong ni Juancho nang buksan ang box. "Sa tabi-tabi lang." Nalukot ang mukha ni Juancho. "Is it safe?" Napakurap kurap si Pan. Agad siyang kumuha ng chicken leg at kinagatan. "Safe naman ito. Akala mo ba lalasunin kita?" Mahinang natawa si Juancho at kumuha na rin n
"You done, eating?" tanong ni Juancho nang mapansin na naubos na ni Pan ang kanin niya sa plato. "Yeah. B-Busog na ako." "Okay." "Ahm.. Gusto mong lumabas muna tayo?" tanong ni Pan. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Juancho. He's busy but he's curious kung bakit siya inaya ng dalaga ngayon. "Just going out? The weather is nice today. Baka gusto mong maglakad lakad sa park?" Tumaas ang sulok ng labi ni Juancho. He nodded at tinawagan si Dom para papasukin sa office niya. "Pakihugasan itong mga plato Dom." Itinuro ni Dom ang sarili niya. "Me?" "Yeah. You. Aalis kami ni Pan. She asked me for a walk." Nahiya si Pan sa sinabi ni Juancho. "Ano..ako na maghuhugas. Nakakahiya kay Dom." Ano ba naman tong si Juancho. Paano niya nauutusan ang kaibigan niya ng ganto? Kumunot ang noo ni Juancho sa sinabi niya. "Bakit ka mahihiya kay Dom? Do you like him?" "Huh? Hindi. Pero kasi he's an engineer tapos plato natin to. Siya pahuhugasin mo?" "He's my subordinate. Mas mataas a
-Gamesoft Company, founded by Lorciano Seco- "Logan," napatigil si Logan sa pagstamp ng pangalan niya sa mga documents na kailangan niyang permahan ngayong araw ng tawagin siya ng dad niya. "Yes dad?" "I heard may nangyari sa inyo ni Gidette doon sa party." "There's just a misunderstanding." He tried to be compose kahit pakiramdam niya ay may ibang pakay ang dad niya sa kaniya. "What do you think of her?" "She's a friend." Natawa si Lorciano at umupo sa couch. "Well, technically she is lalo't you grew up together. Pero other than that, wala ka na bang ibang pagtingin sa kaniya?" "What do you mean?" "May nakapagreport sa akin that you guys were intimate with each other no'ng birthday mo." Kumuyom ang kamao ni Logan sa ilalim ng mesa. "Pareho kaming lasing. It was a mistake." "Lasing... I see." He's mocking. "So wala kang plano e pursue siya? Hindi ako magagalit if you ended up with her. She's the daughter of your ni no'ng after all." Isa sa rason bakit ayaw ni
Gising si Gidette, at inaasahan niyang makikita niya si Pan na masasaktan at magdurusa oras na makita sila nito ni Logan na hubad sa kama. "Ano na naman ba ito Gidette?" tanong ni Pan. Kahit siya sa sarili niya ay napapatanong. Ayos lang ba ako? Bakit hindi ako nasasaktan? I did love Logan. Pero bakit wala akong galit na maramdaman?Bakit parang nakahinga ako ng maluwag na nagkasala rin siya?Mga naglalarong katanungan sa isipan ni Pan. Bumangon si Gidette. "Kunwari ka pa unbothered. Your man is here. Natutulog sa kamang ako ang kasama imbes na ikaw." "Maluwag na ba ang turnilyo diyan sa utak mo? Ganto ka ba ka insecure sa akin at nagawa mo pang itext ako gamit ang number ni Logan para papuntahin dito at para makita ko ang ginagawa niyo?" Tumalim ang mata ni Gidette. "Gusto kong makita mo na wala kang halaga kay Logan. Na hindi mo siya kailanman magiging pag-aari." Ngumisi si Pan. "Baliw ka na. Hindi ko sinabing pag-aari ko siya. Binibigay ko na nga siya sayo di ba? Ngayon
“Kuya, dito ba?” tanong ni Trisha habang hinahanap sa G00gle map ang lokasyon ng studio ni Pan at Bobby. “Bakit ba kasi hindi mo nalang e deposit yung pera sa bank account niya?” kunot noong tanong ni Ark. Marami siyang bitbit na pasalubong ni Trisha kay Pan. Ginawa siyang alalay ng pinsan niya kaya nagpasama. “Ano ka ba kuya. Hindi mo ba nakita kung gaano ako ka-glow kagabi? Pang main character ang atake ko dahil sa make-up na ginawa sa akin ni ate Pan.” “Maganda ka na, halos walang pinagkaiba ang itsura mo kagabi.” “Mali ka kuya. Maraming nagsabi na sobrang gumanda ako dahil sa make up ni ate. Isa yun sa nagpatulong sa akin para manalo ako.” “Kung anu-anong sinasabi mo. Gusto mo lang akong gawing alila.” Natawa si Trisha sa sinabi ng kuya Ark niya. Nakita na nila ang studio kaya nagmamadali silang pumasok doon. “Welcome—oh? Trisha.. Ark?” gulat na bulalas ni Pan nang makita niya ito. “Hi ate Pan.”“Teka, anong ginagawa niyo dito?”“Itanong mo diyan sa batang yan..” Sabi ni A
Pagkatapos ng meeting ni Logan with his employees para sa bagong character na ila-launch nila next 3 months, ay agad siya nagtungo sa bahay ni Pan. Hinintay niya ito na makauwi. May binili rin siyang pasalubong para kay Zahara. "Tito, bakit hindi na po kayo dumadalaw sa bahay?" "Tito is busy. Kaya hindi nakakadalaw si tito dito. Did you miss me?" "Yes po tito. But it's alright. Naiintindihan ko po tito na busy kayo sa work. Si mama rin po kasi ay busy rin po siya." "Logan, kumain ka na?" tanong ng lola ni Pan. "Yes po la. Hinihintay ko lang po si Pan na makauwi." "Mukhang mamaya pa yun. Kung gusto mong kumain, pumunta ka lang ng kusina. May niluto ako." "Sige po. Salamat po." Tumingin si lola Susana kay Zahara. "Halika na apo. Kailangan mo ng matulog." "Hihintayin ko po si mama, lola." "Mamaya pa uuwi ang mama mo. Gisingin ka nalang namin mamaya kapag nakauwi na siya." Tumango si Zahara at tumayo. "Goodnight tito," paalam niya kay Logan at sumama na sa lola niya papuntang k
Agad sumugod sina Pan sa hospital kasama niya si Leila at dalawang mga anak niya na sina Dahlia at Wil.Kasama rin niya si Marie.Pagdating nila doon, ang umiiyak na si Juancho at Logan ang nakita niya.At sa tabi, naroon si Symon katabi ni Zahara na nakilala niya bilang Zara.Napahinto sandali si Pan bago siya bumaling kay lola Susana.“Ma…” agad lumapit si Leila kay lola Susana at niyakap niya ito agad.Si Pan ang sumunod na agad umiyak habang niyayakap ngayon si lola Susana.Ang dalawang bata sa tabi e agad na yumakap kay Marie dahil wala naman silang kilala doon bukod sa mama at lola nilang nakayakap kay lola Susana.Napansin sila ng mga kalalakihan sa loob.Si Logan, agad nanlaki ang mata niya nang mapatingin siya kay Wil.Si Juancho naman, natuon ang mata niya kay Dahlia.Marahil totoo ang lukso ng dugo dahil kahit wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang mga anak nila sa dalawa ay alam na nila kung sino.Agad na lumapit si Juancho kay Dahlia pero mas mabilis si Wil na humarang a
“Kuya, bakit busy si mama?” ang tanong ni Dahlia kay Wil matapos niyang makita ang mama niya na nakikipag-coordinate sa mga bodyguards ilang araw na ang nakararaan.Halos hindi na rin nila ito lubusang nakakasama dahil lagi itong wala.Mga maid lang ang kasama nila lagi at nagpapakain sa kanila.Wala sila sa condo ngayon, nasa isang bahay sila na pagmamay-ari ni Pan.At mas dumami pa ang bodyguards nila ngayon kumpara noong mga naunang araw na nakauwi sila.“I don’t know Dahlia,” sabi ni Wil.“Kuya, I’m bored here.”“Gusto mo bang magplay tayo sa labas?”“Yes please…”Kinuha ni Wil ang laruan ni Dahlia at laruan niya saka pumuslit sila sa labas.Lumabas sila ng bahay, ligtas pa rin naman dahil halos pinapalibutan ang buong mansion ng security.Habang naglalaro sila, biglang napatingin si Marie sa dalawang bata.Inimbitahan siya ni Pan sa bahay niya dahil gusto nilang malaman ang details ng lugar ni Lorciano sa China.They need Marie para sa impormasyon na kailangan nila.Kanina pa siya
“Louella? My cousin? Hawak ni Lorciano?” tanong ni Pan, tila naningurado.Tumango si Marie. “Opo ate…”Tumingin si Pan kay Juancho. “Paano naman mapupunta ang pinsan ko sa walanghiya mong ama, Marie?”Umiiyak pa rin si Marie. “Ate, hindi ko po alam.. Ang alam ko lang ay kinuha siya ni dad, dinala sa ibang bansa at kinulong. Siya po ang dahilan bakit ako nakatakas. Tinulungan niya ako ate.”Napalayo si Pan kay Marie. Bumaling siya kay Juancho at pagkatapos ay umiling.Hindi niya alam kung ano ang dapat na paniniwalaan niya. Hindi niya alam kung paano niya pagkakatiwalaan si Marie na anak ng hayop na pumatay kay Zahara.“Sabihin mo nga ang totoo, ikaw ba ay inutusan ng ama mo para linlangin ako?”“Pan, hindi sinungaling ang kapatid ko!” Agap ni Juancho.“Hindi ako basta-basta maniniwala Juancho. Anak ni Lorciano yan. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.”“PANASREE!” Juancho shouted.Tumayo si Marie. Walang pagdadalawang isip na hinubad niya ang pang-itaas na damit niya, tanging tube a
“Her name is Zara.” Sabi ni Juancho na hindi man lang kumurap kahit isang beses habang nakatingin sa mukha ni Pan.He wanted to see Pan’s reaction. At nakita niya nga ang sakit at pangungulila nito para sa kanilang anak.Pero si Pan, agad niyang inalis ang anumang emotion na nasa mukha niya at lumapit kay lola Susana.“Is that her real name? Or palayaw niyo lang ni Logan sa kaniya?”“That’s her real name.”Nakagat ni Pan ang labi niya. ‘Bakit magkatunog sa pangalan ng anak ko?’In her heart, namiss na niya sobra ang anak niya. Ang anak na inalagaan niya ng maraming taon.“Bakit ka tumahimik?” tanong ni Juancho ng hindi na sumagot si Pan.“Ano namang sasabihin ko Juancho?”“Na naalala mo si Zahara. Na namiss mo ang anak natin!”Sinamaan siya ni Pan ng tingin. “Ano bang gusto mong mangyari? Alangan namang iiyak ako ngayon.”Huminga ng malalim si Juancho at kinuha ang upuan saka tumabi kay Pan. “You’re so hard to please now. Para bang naging bato ka na lang bigla.”Ngumisi si Pan. “Kaila
Agad nanginig si Zahara nang hawakan siya ng mama niya. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Pan ngayon.Buong akala niya ay papa Juancho lang niya at daddy Logan ang magbabantay kay lola Susana.“SUMAGOT KA!” Pan shouted, nanginginig na rin sa galit. Hindi niya mapapalagpas kung may sino pa mang magpahamak sa mga anak niya. She won’t stay still kahit pa isang dalagita ang nasa harapan niya ngayon at mukhang hindi delikado.Hindi na siya magpapaloko pang muli. Nilagay niya sa isipan niya na kahit inosente ay pwedeng gumawa ng kahindik-hindik na krimen.“PAN!” Logan came at binawi sa kaniya si Zahara. “What are you doing?”Nagulat si Pan sa presensya ni Logan. Agad niyang tinignan si Zahara na hindi makatingin sa kaniya.“That girl! Bakit nandito yan?” turo niya kay Zahara na umiiyak at takot na takot.“Ano naman kung nandito siya?”“Hindi ako nakikipagbiruan Logan. Who the fvck is she?”“Why are you cursing?” kumunot na ang noo ni Logan, hindi na rin siya natutuwa sa mga sinasabi n
Nagmamadali si Pan na umalis ng hospital pero alam niyang nakasunod si Juancho sa kaniya.Huminto siya at huminga ng malalim bago niya ito nilingon. “Kailan mo ba ako titigilan?” kunot noong tanong niya.“Wala ka bang balak tanungin ako kung bakit hindi ko madalaw ang anak natin sa puntod niya?”Agad na nalukot ang mukha ni Pan. “Tinatanong pa ba yan? Noon pa lang, alam ko ng wala ka ng pakialam sa anak ko kaya bakit pa ba ako magtataka sayo ngayon?”Umigting ang panga ni Juancho. Lumapit siya kay Pan. “Nagkamali ako Pan pero hindi ibig sabihin no’n ay wala na akong pakiramdam. Mali ako ng inakala noon, inaamin kong maling mali ako pero tama bang husgahan mo ang buong pagkatao ko? Ni minsan ba hindi mo nakita kung paano ko minahal si Zahara? Kung paano ko pinahalagahan ang anak natin? Nasaktan ako no’ng nalaman ko na hindi siya sa akin. Ang mali ko lang, hindi ko muna inalam ang kwento. Hindi kita pinakinggan.”Namumuo na ang luha sa mata ni Pan. Kapag usapang Zahara, madali siyang bu
Nang maging tahimik na ang lahat, dahan-dahang lumabas si Marie sa kwarto niya para silipin muli ang babae na narinig niyang ang pangalan ay Lou.Nakita niya ito sa sofa na umiiyak kaya dahan-dahan niya itong nilapitan.“Ate,” halos manginig ang labi niya nang tawagin niya ito.Tumingin sa kaniya si Lou at mapait na ngumiti.Lumapit si Marie sa kaniya. “T-Totoo ba yung narinig ko, ate? Na kinidnap ka ni dad at tinago ka niya dito?”Sandaling natigilan si Lou saka niya hinarap ulit si Marie.“Tabi ka,” mahinang sabi niya at pinatabi niya si Marie sa kaniya.“Talaga bang anak ka ni Lorciano?”Tumango si Marie.“Napakabait mo namang bata. Hindi ka bagay maging anak niya. Siya demonyo, ikaw hindi.”Kitang kita ang galit sa mukha ni Lou.“Hindi ka ba galit sa akin ate? A-Anak ako ng demonyo.”Hinawakan ni Lou ang mukha niya. “Pero sinasaktan ka rin niya kahit anak ka niya. Paano ako magagalit sayo?”“Ano pong nangyari ate? B-Bakit ka narito?”“D-Dahil kinuha niya ako. Kinidnap niya ako at
Ngumiti si Pan at bumaling kay Logan. “I’m sorry Logan, mukhang may hindi yata ako naintindihan sa sinabi mo.”Umiling si Logan, hindi siya makapaniwala sa pagmaang-maangan ni Pan.“I’m not here to argue with you. Magkikita pa naman tayo next time.”Sabi ni Logan at umalis. Kumuyom ang kamao ni Pan. Nakatitig lang siya kay Logan habang sumasakay ito sa kaniyang sasakyan.“Paano niya nalaman?” kinakabahan at nagtatakang tanong ni Pan sa sarili niya.Nanatili lang siya sa ganoong position hanggang sa nagpasya na siyang tumalikod para pumasok ng hospital.Pagpasok niya, naabutan niya ang mama niya na pinupunasan si lola Susana.“Ma!” Napatingin si Leila sa kaniya at agad na nanlaki ang mata nito. Lumapit si Pan sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit.“Anak, finally…” mahinang sabi ni Leila.“Ma, kamusta si lola?” tanong ni Pan nang makalayo siya sa yakap. Tumingin siya kay lola Susana at nakita niya itong nakahiga sa kama at walang malay.“She’s not getting better. Nag-aalala na nga
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Logan habang nakatingin sa kawawang si Zahara. Nakatulog ito sa labis na pag-iyak.“I need to see her. I need to see Pan.” Sagot ni Juancho.“Lalapitan ka pa kaya niya? Kakausapin ka pa kaya niya?”“Babawiin ko siya Logan. Wala siyang choice kun’di kausapin ako dahil may anak kami at nasa akin si Zahara.”“Sa galit niya sayo, parang malabo na kausapin ka niya.”“You’ll help me para kausapin niya ako. And besides, hindi lang ako ang may pakay sa kaniya.” Ngumisi si Juancho. “Ikaw rin naman.”Napainom si Logan ng wine. Nasabi nga ni Zahara sa kanila na may dalawang bata kanina, isang babae, isang lalaki.“I only have a child.” Sabi ni Juancho na sinigurado sa doctor na tumingin noon kay Pan kung kambal ba ang anak niya.When the doctor said earlier, isa lang ang fetus ang nakita niya noon sa tiyan ni Pan, alam na agad ni Juancho na hindi kambal ang anak niya at ang isang bata na nakita ni Zahara kanina ay maaaring anak ni Logan.“Zahara said may dalawan