Walang naniniwala sa'yo na wala ka ng jowa Pan haha
"What?" tanong ni Juancho nang makita niya ang itsura ni Pan na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "Chicken mo," aniya sabay abot ng box. "Kumain ka na?" tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa mga documents na niri-review. "Hindi pa." Tumigil si Juancho sa ginagawa niya at nilagay lahat ng documents sa isang maliit na drawer. "Wait here," aniya at lumabas para kumuha ng plato. Kanina pa siya nagtatrabaho, ngunit sa isang hinda pa ni Pan, tinigil niya ang trabaho niya. Pagbalik niya, may bitbit na siyang dalawang plato at umupo sa harapan ni Pan. "Hindi ba sila magtataka na narito ako?" "No." Gustong itanong ni Pan kung paano kung malaman ni Lianne ito. "Where did you buy this chicken?" tanong ni Juancho nang buksan ang box. "Sa tabi-tabi lang." Nalukot ang mukha ni Juancho. "Is it safe?" Napakurap kurap si Pan. Agad siyang kumuha ng chicken leg at kinagatan. "Safe naman ito. Akala mo ba lalasunin kita?" Mahinang natawa si Juancho at kumuha na rin n
"You done, eating?" tanong ni Juancho nang mapansin na naubos na ni Pan ang kanin niya sa plato. "Yeah. B-Busog na ako." "Okay." "Ahm.. Gusto mong lumabas muna tayo?" tanong ni Pan. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Juancho. He's busy but he's curious kung bakit siya inaya ng dalaga ngayon. "Just going out? The weather is nice today. Baka gusto mong maglakad lakad sa park?" Tumaas ang sulok ng labi ni Juancho. He nodded at tinawagan si Dom para papasukin sa office niya. "Pakihugasan itong mga plato Dom." Itinuro ni Dom ang sarili niya. "Me?" "Yeah. You. Aalis kami ni Pan. She asked me for a walk." Nahiya si Pan sa sinabi ni Juancho. "Ano..ako na maghuhugas. Nakakahiya kay Dom." Ano ba naman tong si Juancho. Paano niya nauutusan ang kaibigan niya ng ganto? Kumunot ang noo ni Juancho sa sinabi niya. "Bakit ka mahihiya kay Dom? Do you like him?" "Huh? Hindi. Pero kasi he's an engineer tapos plato natin to. Siya pahuhugasin mo?" "He's my subordinate. Mas mataas a
-Gamesoft Company, founded by Lorciano Seco- "Logan," napatigil si Logan sa pagstamp ng pangalan niya sa mga documents na kailangan niyang permahan ngayong araw ng tawagin siya ng dad niya. "Yes dad?" "I heard may nangyari sa inyo ni Gidette doon sa party." "There's just a misunderstanding." He tried to be compose kahit pakiramdam niya ay may ibang pakay ang dad niya sa kaniya. "What do you think of her?" "She's a friend." Natawa si Lorciano at umupo sa couch. "Well, technically she is lalo't you grew up together. Pero other than that, wala ka na bang ibang pagtingin sa kaniya?" "What do you mean?" "May nakapagreport sa akin that you guys were intimate with each other no'ng birthday mo." Kumuyom ang kamao ni Logan sa ilalim ng mesa. "Pareho kaming lasing. It was a mistake." "Lasing... I see." He's mocking. "So wala kang plano e pursue siya? Hindi ako magagalit if you ended up with her. She's the daughter of your ni no'ng after all." Isa sa rason bakit ayaw ni
Gising si Gidette, at inaasahan niyang makikita niya si Pan na masasaktan at magdurusa oras na makita sila nito ni Logan na hubad sa kama. "Ano na naman ba ito Gidette?" tanong ni Pan. Kahit siya sa sarili niya ay napapatanong. Ayos lang ba ako? Bakit hindi ako nasasaktan? I did love Logan. Pero bakit wala akong galit na maramdaman?Bakit parang nakahinga ako ng maluwag na nagkasala rin siya?Mga naglalarong katanungan sa isipan ni Pan. Bumangon si Gidette. "Kunwari ka pa unbothered. Your man is here. Natutulog sa kamang ako ang kasama imbes na ikaw." "Maluwag na ba ang turnilyo diyan sa utak mo? Ganto ka ba ka insecure sa akin at nagawa mo pang itext ako gamit ang number ni Logan para papuntahin dito at para makita ko ang ginagawa niyo?" Tumalim ang mata ni Gidette. "Gusto kong makita mo na wala kang halaga kay Logan. Na hindi mo siya kailanman magiging pag-aari." Ngumisi si Pan. "Baliw ka na. Hindi ko sinabing pag-aari ko siya. Binibigay ko na nga siya sayo di ba? Ngayon
“Kuya, dito ba?” tanong ni Trisha habang hinahanap sa G00gle map ang lokasyon ng studio ni Pan at Bobby. “Bakit ba kasi hindi mo nalang e deposit yung pera sa bank account niya?” kunot noong tanong ni Ark. Marami siyang bitbit na pasalubong ni Trisha kay Pan. Ginawa siyang alalay ng pinsan niya kaya nagpasama. “Ano ka ba kuya. Hindi mo ba nakita kung gaano ako ka-glow kagabi? Pang main character ang atake ko dahil sa make-up na ginawa sa akin ni ate Pan.” “Maganda ka na, halos walang pinagkaiba ang itsura mo kagabi.” “Mali ka kuya. Maraming nagsabi na sobrang gumanda ako dahil sa make up ni ate. Isa yun sa nagpatulong sa akin para manalo ako.” “Kung anu-anong sinasabi mo. Gusto mo lang akong gawing alila.” Natawa si Trisha sa sinabi ng kuya Ark niya. Nakita na nila ang studio kaya nagmamadali silang pumasok doon. “Welcome—oh? Trisha.. Ark?” gulat na bulalas ni Pan nang makita niya ito. “Hi ate Pan.”“Teka, anong ginagawa niyo dito?”“Itanong mo diyan sa batang yan..” Sabi ni A
Pagkatapos ng meeting ni Logan with his employees para sa bagong character na ila-launch nila next 3 months, ay agad siya nagtungo sa bahay ni Pan. Hinintay niya ito na makauwi. May binili rin siyang pasalubong para kay Zahara. "Tito, bakit hindi na po kayo dumadalaw sa bahay?" "Tito is busy. Kaya hindi nakakadalaw si tito dito. Did you miss me?" "Yes po tito. But it's alright. Naiintindihan ko po tito na busy kayo sa work. Si mama rin po kasi ay busy rin po siya." "Logan, kumain ka na?" tanong ng lola ni Pan. "Yes po la. Hinihintay ko lang po si Pan na makauwi." "Mukhang mamaya pa yun. Kung gusto mong kumain, pumunta ka lang ng kusina. May niluto ako." "Sige po. Salamat po." Tumingin si lola Susana kay Zahara. "Halika na apo. Kailangan mo ng matulog." "Hihintayin ko po si mama, lola." "Mamaya pa uuwi ang mama mo. Gisingin ka nalang namin mamaya kapag nakauwi na siya." Tumango si Zahara at tumayo. "Goodnight tito," paalam niya kay Logan at sumama na sa lola niya papuntang k
Galit na galit si Juancho. Pinatay niya agad ang tawag kahit hindi pa tapos si Logan sa sinasabi niya. Pinatay niya rin ang phone niya at bumalik sa mga documents na binabasa niya. Nawalan siya ng gana, nawala ang mood niya sa nalaman niya. “Kung ayaw mong magparamdam then huwag.” Buong araw na wala siya sa mood. Kahit si Dom na kakabalik lang galing labas e ramdam ang itim na awra na nakapalibot kay Juancho. ‘Ano kayang problema nito?’ tanong niya sa sarili niya. Kahit no’ng kumain sila, hindi niya matawag si Juancho dahil nagmumura nalang ito bigla na para bang may kalaban. Napapatalon pa si Dom sa kinauupuan niya at napapa-sign of the cross minsan. Pakiramdam niya, kung magkamali siya ay katapusan na niya. "Shit! Dom!" Napatalon siya mula sa couch. "Y-Yes bro?" hindi niya alam bakit pati siya ay kabado. "Maling document ang ipinasa nila. Call them to send it now. Ang tatanga!" "Oh okay.." nagmamadali si Dom na umalis sa tabi ni Juancho nang bigla siyang tumigil.
Bawat suntok ni Juancho sa mga kamay ni Dom ay katumbas ng isang baldeng pawis ni Dom. Gusto niyang sabihin, bro sparring lang to. Dahan dahan lang. Pero di niya mabuka ang labi niya sa takot na baka bugahan siya ni Juancho ng apoy. Napapaatras na siya dahil lumalakas at tumitindi na ang bawat suntok ni Juancho sa kaniya. 'Sparring lang naman to diba?' tanong ni Dom sa utak niya. Ang bilis ng mata at galaw niya, masabayan lang niya niya ang galaw ni Juancho. Takot siyang isang maling galaw niya ay baka madala siya agad sa ER. 'Katapusan ko na ba Lord?' tanong pa niya. Kagabi, muntik ng masira ang phone niya. Hindi niya alam kung anong sinabi ni Ark para mas lalong magalit si Juancho ng ganito. Basta alam niya sa sarili niyang delikado ang buhay niya. Dahil siya ang kasama ni Juancho ngayon, siya ang napagdidiskitahan. "Bro tama na." Sabi niya pero parang walang narinig si Juancho. Sige pa rin ito sa pagsuntok sa kaniya. Nasa dulo na sila ng ring. "A-Ayoko na