Sandra's POVNAPAKO ang aking mga mata sa harap ng screen ng aking laptop. Kunot at noong binasa ko ang email na natanggap ko mula sa office ni Lucas Montenegro. Ilang maririing lunok na rin ang aking nagawa sabay sa mabilis na tibok ng aking puso.Tila napansin naman ni Gab na nababagabag ang aking hitsura, dahilan upang siya ay mag-alala sa akin."Bakit, Sandy? May problema ba? Kanina ka pa tulala," tanong ni Gab.Marahan siyang tumayo ay lumapit sa aking tabi, saka siya sumilip sa laptop. Nakita ko kung paano manlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang bagay na binabasa ko."Gustong makipag meeting sa 'yo ni Lucas?" gulat na wika ni Gab."Oo. Sigurado kong sinabi na sa kanya ni Mico ang lahat," tugon ko saka huminga nang malalim.Ang totoo, inaasahan ko naman na mangyayari ito. Alam kong sa oras na makita ako ni Mico, agad niya itong ipagbibigay-alam kay Lucas, isang bagay na matagal ko nang pinaghahandaan. Sa ngayon, wala akong ibang dapat gawin kung hindi tatagan ang aking
Sandra's POV"Sir Lucas, sa kabila po ang conference room," diretsong saad ni Gab sa kanya habang ako naman ay prenteng nakaupo sa aking upuan.Kalmado ang aking sarili nang magtama ang tingin namin ni Lucas. Animoy hinuhuli niya ako sa mga tingin niyang iyon. Maya-maya lang, dumapo ang tingin niya kay Gab at muling bumalik sa akin."It is true, you really looked like her," sambit ni Lucas na hindi pinansin ang sinabi ni Gab.Kumunot ang aking noo at nababakas ang pagtataka sa aking mukha."I'm sorry?" wika ko na kunwaring hindi naintindihan ang kanyang sinabi.Tumaas ang gilid ng kanyang labi bago muling nagsalita, "nothing," aniya."By the way, welcome sa office ko, Sir. Lucas. I'm sorry that you saw my messy table. Ano pala ang ginagawa nyo sa opisina ko?" tanong ko habang inaayos ang aking lamesa. Agad naman akong tinulungan ni Gab sa aking ginagawa.Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kamay ni Lucas. Sa pagpitik ng kanyang daliri, lumapit ang mga kasama niyang bodyguard habang hawa
Sandra's POVRAMDAM ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Unti-unti nang nagising ang aking diwa nang maamoy ko ang paligid at amoy ospital ito. Dahan-dahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali, nasa loob nga ako ng ospital."Buti naman at gising ka na," rinig kong saad ng isang lalaki na nasa aking tabi.Sa paglingon ko ng ulo, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Gab na ngayon ay nakatingin sa akin.Marahan kong ginalaw ang aking katawan at dahan-dahang umupo. Inalalayan naman ako ni Gab at inayos ang pagkakasandal ng likod sa headboard ng kama."Gab, anong–""Are you crazy? Bakit mo ginawa 'yon? Alam mong allergy ka sa peanut pero kumain ka pa rin? Mabuti na lang talaga at nagawan pa ng paraan ng doktor," sunod-sunod niyang bulyaw sa 'kin na siyang pumutol sa aking sasabihin.Noon lang bumalik sa aking isip ang kanyang sinabi. Oo nga pala, baka nahimatay ako dahil sa kinain kong mani. Akala ko kasi ay hindi na ako allergy roon ngunit nagkama
Gab's POV'MALAKAS ang ulan at tanging kulog ang naririnig sa paligid ng madilim na gabi. Mabilis akong nagmamaneho ng aking kotse patungo sa tagpuan namin ni Chelsea. Alam kong sa oras na magkita kami, tapos na ang lahat sa amin. Ayoko sana siyang makita ngunit kung hindi ko iyon gagawin, hindi ko na siya makikitang muli at sasama siya sa lalaking walang ginawa kung hindi ang paglaruan siya.Maraming taon na ang lumipas, pareho kami ng pinapasukang eskwelahan ni Lucas. Parehong course ngunit magkaiba kami ng klase. Isang babae ang bumihag sa aking puso at iyon ay si Chelsea, ngunit ang babaeng ito ay patay na patay sa lalaking si Lucas, ang lalaking tagapagmana ng LMGroup of Companies.Kahit alam ni Chelsea na hindi siya tipo ni Lucas, patuloy pa rin siyang nagpapakatanga sa lalaking iyon.Dumating ang araw ng graduation at nagkaroon na kami ng kanikaniyang trabaho. Kinuha ako ng aking ama sa aming kompanya at naging maayos ang lahat. Si Lucas naman ay naging successful na tagapagman
Sandra's POVTUMAAS ang aking kilay nang makita ang matapang na mukha ni Trina. Dirediretso siyang lumakad patungo sa aking kinaroroonan at tumayo sa harapan ko, saka humalukipkip.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala pa ring nagbabago, siya pa rin ang babaeng mapagmataas noon. Akala ko talaga dati ay mabait siya, ngunit nagkamali ako. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin noon."Who are you and what are you doing in my office?" tanong ko sa kanya."Ma'am, hindi po kayo pwede rito. Wala po kayong appointment kay Lady Violet," pilit na pagpapaalis ng aking sekretarya.Ngumisi si Trina nang marinig niya ang aking pangalan."Lady Violet? Ha! You're kidding me," sarkastiko niyang wika sa akin."M-Ma'am–"Bahagya kong tinaas ang aking kamay upang senyasan ang aking sekretarya, dahilan upang huminto ang kanyang pagsasalita."It's okay. Let her," utos ko sa kanya."B-But, ma'am.""Ako na ang bahala rito, Emy. Bumalik ka na sa trabaho " utos ko sa aking sekretarya.Kunot man a
Sandra's POVMABAGAL at romantiko ang musikang maririnig sa paligid. Ang mga tao ay tahimik na nagkukuwentuhan hindi tulad sa ibang restaurant. May mga magkasintahan sa paligid na pinakikita ang pagmamahal sa isa't isa at ngayon, heto kami ni Gab, nakaupo sa harapan ng lalaking si Lucas sa loob ng restaurant upang kausapin tungkol daw sa business meeting niya.Akala ko ay si Gab lang ang nais niyang maka-meeting ngunit inihabol pa niya ang aking pangalan sa usapan nila sa telepono. Ano nga ba ang magagawa ko kung hindi ang pumayag."Mabuti naman at pinaunlakan nyo ang imbitasyon ko na maka-meeting kayo," pagbasag ni Lucas sa katahimikang namamagitan sa aming tatlo."Bakit sa dami ng lugar, dito mo pa napili? Maluwag ang conference room namin, Lucas. Hindi naman kailangang mag-meeting pa tayo sa labas," saad ni Gab.Sandaling tumama ang tingin sa akin ni Lucas. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa kanyang ginawa, saka siya muling bumaling ng tingin kay Gab."I just want this to be a frie
Sandra's POVHUMINGA ako nang malalim at pinakalma ang sarili, saka humalukipkip at diretsong tumingin sa kanya."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.Kumunot ang kanyang noo at pasimpleng sumilip sa loob ng aking bahay. Tumaas naman ang aking kilay nang makita ko ang ginawa niyang ito."Mag-isa ka lang ba diyan?" tanong niya saka umayos nang pagtayo."Oo. Bakit? Dapat ba may kasama ako?" taas kilay kong tugon.Malakas ang loob ko. Kasalukuyan kasi ako ngayong nakatira sa condo. Hindi ko kasama si Levi, at sina nanay, at tatay. Alam namin ni Gab na hahanapin ni Lucas ang address ko kaya agad naming binago ang lahat ng impormasyon tungkol sa 'kin. Maging ang address ko ay binago namin at hindi kami nagkamali, hinanap nga niya ang kinaroroonan ko at ngayon, nandito si Lucas sa condo na binili ko.Tumaas ang gilid ng aking labi at matalas na tumingin sa kanya."Are you stalking me? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong kay Lucas."I have to know everything abou
Sandra's POVNAKAKUNOT ang noo ni Lucas habang ang mga mata ay nakatingin sa aking direksyon. Nababalot ng pagtataka ang kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit.Huminga ako nang malalim at pilit na inayos ang sarili. Mariin kong pinunasan ang aking mata saka nakipaglaban ng tingin sa kanya."Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba alam? Pumunta sa opisina ko ang babaeng iyon. That girl told me na siya raw ang may pakana ng pagkamatay ng sinasabi mong babae, si Sandra," salaysay ko sa sinabi ni Trina. "And she said you know all about it." Tinapunan ko siya nang matalas na tingin."How dare you protect a criminal, Sir Lucas. Hindi ako naniniwalang mahal mo ang babaeng nandito sa puntod, dahil kung ito ay totoo, 'di sana buhay pa siya ngayon," muli kong wika sabay sa panginginig ng aking luha, ngunit pilit ko itong pinipigilang pumatak.Tila pinako si Lucas sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makasagot pabalik sa akin at naiwang nakatulala ang kanyang mga mata.'Wala ba talaga siyan