Lucas's POVNAGSIMULANG magbago ang kulay ng mukha ni Trina. Halata sa kanya na hirap na siyang huminga."Sir Lucas!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa aking likuran. Kumaripas ng takbo ang aking mayordomo at agad na hinawakan ang aking kamay."S-Sir, huminahon ka. Papatayin mo ba siya?" sunod-sunod niyang wika. "Alalahanin mo ang dahilan, Sir, kung bakit kailangan mo pa siya," muli niyang wika saka muling hinawakan nang mahigpit ang aking braso.Mariin kong kinuyom ang aking kamay at nang maalala ko ang bagay na iyon, agad kong binitiwan ang leeg ni Trina, dahilan upang bumagsak siya sa sahig.Sunod-sunod ang kanyang pag-ubo habang nakahawak sa kanyang leeg. Habol hininga siya habang lumuluha ang mga mata.Tiningnan ko siya nang pailalim at tinapunan nang matalas na tingin."Kapag nagawa ko na ang pinangako ko sa inyong pamilya, sisiguraduhin kong mawawala ka sa landas ko, Trina, kaya siguraduhin mong hindi ko malalaman ang totoo," sunod-sunod kong wika sa kanya.Tumaliko
Sandra's POVUNTI-UNTING gumagaan ang loob ko habang tinitingnan ang mukha ni Gab. Ang puso ko ay napapalagay kapag kasama ko siya. Ngunit hindi ibig sabihin nito, iniibig ko na siya."Gab, alam kong malaki ang utang na loob ko sa 'yo at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano matutumbasan ang bagay na iyon. Ngunit kung mayroon man akong magagawa upang masuklian ang kabutihan mo, gagawin ko. Handa akong gawin at ibigay sa 'yo ang nais mo." Marahan kong binaba ang aking ulo upang magpantay ang tingin namin sa isa't isa, saka sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking labi. "Ngunit sa ngayon, hindi ko pa kayang ibigay ang puso ko," muli kong sambit.Maingat at marahan kong nilapat ang aking palad sa kanyang pisngi at hinaplos nang kaunti ang kanyang mukha gamit ang hinlalaking daliri."Ang totoo, nais kong subukang umibig muli, ngunit sa tingin ko. Hindi pa tumitibok ulit ang puso kong tila namatay na," saad ko sa kanya."Sandy, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal."Hi
Sandra's POVNAGMAMADALI akong lumakad papasok sa isang restaurant kung saan sinabi ni Trina na kami ay magkita. Sa pagpasok ko palang sa loob, nakita ko na ang matalas niyang tingin sa aking direksyon.Tinapunan ko siya nang matalas na tingin habang humahakbang patungo sa kanyang kinaroroonan.Sa pagdating ko roon ay tumayo ako sa kanyang harapan, sumilay ang ngiti sa kanyang labi na animoy nang-aasar."I knew it! You came," aniya."Masaya ka na?" saad ko saka umupo."Yes. I am super happy because I finally found out who you are." Mariin kong kinuyom ang aking kamay dahil sa kanyang sinabi. "Dahil sa pagdating mo rito, mas napatunayan kong ikaw nga si Sandra," wika niya sa akin.Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili, saka diretsong tumingin sa kanyang mata."Busy akong tao. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad," saad ko sa kanya. "Kung nais mo akong makausap, hindi mo na kailangang gumamit pa ng inosenteng bata," pagtukoy ko sa anak kong si Levi."Don't be in
Trina's POVMALAKAS ang ulan at wala kong ibang masilungan. Ginabi na ako sa daan dahil halos late na natapos ang klase ko. Galing ako sa school at tumakbo sa kalsada kahit kapalit nito ay mabasa ang aking damit, dahilan upang mabakas ang katawan ko.Kahit trese anyos palang ako nang panahon na iyon, tila fully developed na ang hubog ng maganda kong katawan. Dalagang-dalaga na ang dating nito, dahilan upang pagpantasyahan ako ng mga kalalakihan. Ngunit hindi ko nakuhang magnobyo dahil abala ako sa pag-aaral. Nais kong makapagtapos upang makatulong sa aking mga magulang pagdating ng panahon.Ang aking pamilya ay hindi mayaman, ngunit may kaya. Naninilbihan si nanay bilang head ng mga kasambahay at ang aking ama naman ay isang mayormodo sa pamilya ng mga Montenegro. Dahil sa sahod na nagmumula sa pamilyang ito, nakaipon sina nanay at nakapagpatayo ng sariling negosyo.Tuwing pagkatapos ng klase ko at sa tuwing ginagabi na ako nang uwi, sa mansion ng Montenegro ako dumidiretso dahil nand
Trina's POVKINUHA ko ang aking cellphone sa loob ng bulsa, saka nag-dial ng numero.Narinig kong mag-ring ang kabilang linya at nang may sumagot dito, tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko."Hello, Mico," wika ko sa taong sumagot.***Sandra's POVHALOS hindi ako makapagsalita habang nakikinig sa mga bagay na sinasabi sa 'kin ni Gab. Sinalaysay niya sa 'kin ang mga bagay na nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Trina. Dahil humingi ako ng tulong kay Gab, nagkaroon siya ng ideya na alamin ang tungkol sa babaeng iyon at labis akong nagulat sa nalaman ko.'K-Kung ganoon, hindi talaga ako ang pakay ni Trina kung hindi si Lucas. At dahil dinadala ko ang anak ni Lucas noon, nadamay na ako sa selos at puot niya.'Mariin akong napasuklay ng buhok at yumuko sa lamesa. Kahit ako ang makaranas ng nakaraan na iyon, hindi ko alam ang gagawin ko."Ito pala ang sinasabing utang ng pamilya ni Lucas sa pamilya ni Trina. Ang totoo, hindi ko rin alam ang bagay na ito. Ngayon ko lang ito narinig dahil s
Sandra's POVHALOS lakad takbo ako nang lumabas sa aking opisina. Kasama si Gab, nagtungo kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Agad akong tumawag sa bodyguard na nagbabantay kay Levi."Anong nangyari? 'Di ba sinabi ko nang bantayan nyong mabuti si Levi? Saan siya nawala?" galit na galit kong wika na halos sigawan ko na ang lalaking nasa kabilang linya."Lady Violet, mahigpit po ang pagbabantay namin sa kanya. Nasa labas lang kami ng school niya at ang isa naman ay nasa tapat ng kanilang classroom. Ang sabi raw po ay pinatawag siya ng isang teacher at matapos iyon ay hindi na lumabas ng faculty room," salaysay ng bodyguard sa akin."What? Paano nangyari 'yon? Nakausap nyo ba ang teacher?" saad ko.Napasabunot ako sa aking buhok at hindi malaman kung ano ang gagawin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso."M-Ma'am, kasi po. Hindi raw po guro rito ang teacher na iyon at ang sabi rito, baka nagpanggap lang daw," nauutal na paliwanag niya."W-What?!"Mariin akong lumunok nang ma
Sandra's POVISANG bagong umaga, sinisigurado ko na kada oras ay tumatawag ako sa bahay upang kumustahin si Levi. Kung maaari nga lang na ipasok ko na lang siya sa online class ay gagawin ko, ngunit nais ko rin kasing magkaroon siya ng interaksyon sa ibang bata na kasing edad niya.Huminga ako nang malalim nang maalala ang nangyari sa anak ko noong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang intensyon ng taong gumawa noon sa anak ko."Sandra, nakita mo na ba ang balita sa internet?"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang biglang pumasok si Gab sa loob ng aking opisina."Anong balita?" kunot-noo kong tanong nang marinig ang sinabi ni Gab.Nakasunod ang aking tingin nang lumakad si Gab palapit sa aking office table, saka pinakita sa akin ang article na nabasa niya gamit ang hawak niyang iPad.Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang balita na nakasulat dito.'Lady Violet is threatening Lucas Montenegro's fiancé'Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung s
Sandra's POVSA PAGKAKATAONG ito, sinamahan ako ni Gab na makipagkita kay Trina. Mas mabuti na ang ganito, may kasama ako kung sakali at kung ano man ang mangyari. Sana, ito na rin ang huling pagkakataon na haharapin ko ang babaeng ito.Hinayaan ko si Trina na siya ang mag-set ng lugar kung saan kami magkikita at napakunot ang aking noo nang malaman kung saan ang lugar na napili niya. Ngunit kahit ganoon, pumayag pa rin ako dahil kasama ko naman si Gab.Pinagmaneho ako ni Gab at nagtungo kami sa isang tabing-dagat kung saan sinabi ni Trina.Sa pagdating namin doon, agad ko siyang nakita na nakatayo sa dalampasigan habang nakatingin sa malayo."I'll come with you," saad ni Gab sa akin.Ngumiti ako sa kanya at umiling."Stay here, Gab," utos ko sa kanya.Tumango naman siya. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa sa puting buhangin ng dagat. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking buhok at sumasabay sa pagsayaw nito.Tuloy-tuloy ang aking paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Trina. N
Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c
Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na
Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h
Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i