Trina's POVMALAKAS ang ulan at wala kong ibang masilungan. Ginabi na ako sa daan dahil halos late na natapos ang klase ko. Galing ako sa school at tumakbo sa kalsada kahit kapalit nito ay mabasa ang aking damit, dahilan upang mabakas ang katawan ko.Kahit trese anyos palang ako nang panahon na iyon, tila fully developed na ang hubog ng maganda kong katawan. Dalagang-dalaga na ang dating nito, dahilan upang pagpantasyahan ako ng mga kalalakihan. Ngunit hindi ko nakuhang magnobyo dahil abala ako sa pag-aaral. Nais kong makapagtapos upang makatulong sa aking mga magulang pagdating ng panahon.Ang aking pamilya ay hindi mayaman, ngunit may kaya. Naninilbihan si nanay bilang head ng mga kasambahay at ang aking ama naman ay isang mayormodo sa pamilya ng mga Montenegro. Dahil sa sahod na nagmumula sa pamilyang ito, nakaipon sina nanay at nakapagpatayo ng sariling negosyo.Tuwing pagkatapos ng klase ko at sa tuwing ginagabi na ako nang uwi, sa mansion ng Montenegro ako dumidiretso dahil nand
Trina's POVKINUHA ko ang aking cellphone sa loob ng bulsa, saka nag-dial ng numero.Narinig kong mag-ring ang kabilang linya at nang may sumagot dito, tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko."Hello, Mico," wika ko sa taong sumagot.***Sandra's POVHALOS hindi ako makapagsalita habang nakikinig sa mga bagay na sinasabi sa 'kin ni Gab. Sinalaysay niya sa 'kin ang mga bagay na nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Trina. Dahil humingi ako ng tulong kay Gab, nagkaroon siya ng ideya na alamin ang tungkol sa babaeng iyon at labis akong nagulat sa nalaman ko.'K-Kung ganoon, hindi talaga ako ang pakay ni Trina kung hindi si Lucas. At dahil dinadala ko ang anak ni Lucas noon, nadamay na ako sa selos at puot niya.'Mariin akong napasuklay ng buhok at yumuko sa lamesa. Kahit ako ang makaranas ng nakaraan na iyon, hindi ko alam ang gagawin ko."Ito pala ang sinasabing utang ng pamilya ni Lucas sa pamilya ni Trina. Ang totoo, hindi ko rin alam ang bagay na ito. Ngayon ko lang ito narinig dahil s
Sandra's POVHALOS lakad takbo ako nang lumabas sa aking opisina. Kasama si Gab, nagtungo kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Agad akong tumawag sa bodyguard na nagbabantay kay Levi."Anong nangyari? 'Di ba sinabi ko nang bantayan nyong mabuti si Levi? Saan siya nawala?" galit na galit kong wika na halos sigawan ko na ang lalaking nasa kabilang linya."Lady Violet, mahigpit po ang pagbabantay namin sa kanya. Nasa labas lang kami ng school niya at ang isa naman ay nasa tapat ng kanilang classroom. Ang sabi raw po ay pinatawag siya ng isang teacher at matapos iyon ay hindi na lumabas ng faculty room," salaysay ng bodyguard sa akin."What? Paano nangyari 'yon? Nakausap nyo ba ang teacher?" saad ko.Napasabunot ako sa aking buhok at hindi malaman kung ano ang gagawin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso."M-Ma'am, kasi po. Hindi raw po guro rito ang teacher na iyon at ang sabi rito, baka nagpanggap lang daw," nauutal na paliwanag niya."W-What?!"Mariin akong lumunok nang ma
Sandra's POVISANG bagong umaga, sinisigurado ko na kada oras ay tumatawag ako sa bahay upang kumustahin si Levi. Kung maaari nga lang na ipasok ko na lang siya sa online class ay gagawin ko, ngunit nais ko rin kasing magkaroon siya ng interaksyon sa ibang bata na kasing edad niya.Huminga ako nang malalim nang maalala ang nangyari sa anak ko noong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang intensyon ng taong gumawa noon sa anak ko."Sandra, nakita mo na ba ang balita sa internet?"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang biglang pumasok si Gab sa loob ng aking opisina."Anong balita?" kunot-noo kong tanong nang marinig ang sinabi ni Gab.Nakasunod ang aking tingin nang lumakad si Gab palapit sa aking office table, saka pinakita sa akin ang article na nabasa niya gamit ang hawak niyang iPad.Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang balita na nakasulat dito.'Lady Violet is threatening Lucas Montenegro's fiancé'Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung s
Sandra's POVSA PAGKAKATAONG ito, sinamahan ako ni Gab na makipagkita kay Trina. Mas mabuti na ang ganito, may kasama ako kung sakali at kung ano man ang mangyari. Sana, ito na rin ang huling pagkakataon na haharapin ko ang babaeng ito.Hinayaan ko si Trina na siya ang mag-set ng lugar kung saan kami magkikita at napakunot ang aking noo nang malaman kung saan ang lugar na napili niya. Ngunit kahit ganoon, pumayag pa rin ako dahil kasama ko naman si Gab.Pinagmaneho ako ni Gab at nagtungo kami sa isang tabing-dagat kung saan sinabi ni Trina.Sa pagdating namin doon, agad ko siyang nakita na nakatayo sa dalampasigan habang nakatingin sa malayo."I'll come with you," saad ni Gab sa akin.Ngumiti ako sa kanya at umiling."Stay here, Gab," utos ko sa kanya.Tumango naman siya. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa sa puting buhangin ng dagat. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking buhok at sumasabay sa pagsayaw nito.Tuloy-tuloy ang aking paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Trina. N
Sandra's POVNAGSIMULANG bumagsak ang aking balikat nang makita ko si Levi habang kaharap ang lalaking si Lucas. Animoy nananalamin ang aking anak sa lalaking kuhang-kuha ang kanyang mukha.Pinilit kong ihakbang ang nanginginig kong paa palapit sa kanilang kinaroroonan at tinatagan ang loob upang harapin ang lalaking si Lucas."A-Anong ginagawa mo rito?" mariin kong wika upang makuha ang atensyon ni Lucas.Nang marinig ni Lucas ang tinig ko, dahan-dahan siyang tumayo at lumingon sa akin, saka nagpamulsa at ngumiti."Mabuti naman at nandito ka na, marami tayong dapat pag-usapan," wika ni Lucas habang diretsong nakatingin sa aking mga mata."Wala tayong dapat pag-usapan, Sir," pagbibigay diin ko sa salitang sir.Muli akong lumakad at lumapit kay Levi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinalapit sa aking tabi habang nakatayo sa harapan ni Lucas."Ang batang 'yan, siya ba ang anak ko?" diretsong tanong ni Lucas.Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan nang marinig ang salitan
Sandra's POVISANG malaking pagngisi ang bumakas sa mga labi ni Lucas. Humalukipkip siya at naghintay ng sagot mula sa akin."L-Levi, kasi," nauutal kong tugon sa anak ko."Huwag kang magsinungaling sa harapan ng bata, Sandy. Sabihin mo sa kanya ang totoo."Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi ni Lucas. Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka muling bumalik ng tingin kay Levi.Hinimas ko ang braso ni Levi at sinuri ang kanyang mukha. Huminga ako nang malalim bago magsimulang magsalita."Oo. Siya ang tunay mong ama, Levi. Pero hindi ibig sabihin noon ay kukunin ka na niya sa 'kin." Bumalik ako ng tingin kay Lucas at tinapunan siya ng masamang tingin. "Hindi ako papayag! Magkaubusan man tayo ng pera, Lucas. Hindi ako papayag na kunin mo ang anak ko."Kung sa tingin mo ay mapipigilan mo ko, nagkakamali ka," mabilis niyang tugon.Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagbitiw ni Levi sa aking kamay. Napasinghap ako nang tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ni L
Lucas's POVPRENTENG nakaupo ako sa isang sofa kung saan pinanonood ko kung paano maglaro ang aking anak sa loob ng isang baseball batting cage. Napapangisi ako habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang tuhod habang iniiwasan ang mga bolang tinatapon ng machine sa kanya."Aah!" muling sigaw ni Levi nang isang mabilis na bola ang muling tumama sa kanya."Hindi sinisigawan ang bolang 'yan, Levi. Hatawin mo!" sigaw ko sa kanya."F-First time kong malaro ito!" sigaw niya pabalik sa akin habang nakalingon at may luha sa mga mata.Napa-smirk na lang ako at tumayo."Lampang bata. Lalaki ka ba talaga?" saad ko.Tinanggal ko ang suot kong coat. Lumapit sa akin ang isang bodyguard at kinuha ito, saka yumuko at umalis. Nagsuot ako ng gloves at helmet, saka kumuha ng baseball bat."I will show you how to play this game, Levi," nakangisi kong wika sa kanya.Mariin namang pinahiran ni Levi ang luha at sipon sa kanyang mukha, dahilan upang impit akong matawa. Nagtungo si Levi sa likod ko at tahimi