Sandra's POVISANG malaking pagngisi ang bumakas sa mga labi ni Lucas. Humalukipkip siya at naghintay ng sagot mula sa akin."L-Levi, kasi," nauutal kong tugon sa anak ko."Huwag kang magsinungaling sa harapan ng bata, Sandy. Sabihin mo sa kanya ang totoo."Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi ni Lucas. Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka muling bumalik ng tingin kay Levi.Hinimas ko ang braso ni Levi at sinuri ang kanyang mukha. Huminga ako nang malalim bago magsimulang magsalita."Oo. Siya ang tunay mong ama, Levi. Pero hindi ibig sabihin noon ay kukunin ka na niya sa 'kin." Bumalik ako ng tingin kay Lucas at tinapunan siya ng masamang tingin. "Hindi ako papayag! Magkaubusan man tayo ng pera, Lucas. Hindi ako papayag na kunin mo ang anak ko."Kung sa tingin mo ay mapipigilan mo ko, nagkakamali ka," mabilis niyang tugon.Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagbitiw ni Levi sa aking kamay. Napasinghap ako nang tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ni L
Lucas's POVPRENTENG nakaupo ako sa isang sofa kung saan pinanonood ko kung paano maglaro ang aking anak sa loob ng isang baseball batting cage. Napapangisi ako habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang tuhod habang iniiwasan ang mga bolang tinatapon ng machine sa kanya."Aah!" muling sigaw ni Levi nang isang mabilis na bola ang muling tumama sa kanya."Hindi sinisigawan ang bolang 'yan, Levi. Hatawin mo!" sigaw ko sa kanya."F-First time kong malaro ito!" sigaw niya pabalik sa akin habang nakalingon at may luha sa mga mata.Napa-smirk na lang ako at tumayo."Lampang bata. Lalaki ka ba talaga?" saad ko.Tinanggal ko ang suot kong coat. Lumapit sa akin ang isang bodyguard at kinuha ito, saka yumuko at umalis. Nagsuot ako ng gloves at helmet, saka kumuha ng baseball bat."I will show you how to play this game, Levi," nakangisi kong wika sa kanya.Mariin namang pinahiran ni Levi ang luha at sipon sa kanyang mukha, dahilan upang impit akong matawa. Nagtungo si Levi sa likod ko at tahimi
Sandra's POVBINUKSAN ko ang pinto ng presinto kung saan ako naroroon. Ni-report ko kasi sa police ang pagkawala ni Levi kahit alam kong si Lucas mismo ang kumuha sa kanya. Nalaman ko ito sa isa sa mga bodyguard ni Levi.Nagkamali ako, masiyado kong minaliit si Lucas at hindi ko napagtantong bihasa sa pakikipaglaban ang mga bodyguard niya, dahilan upang ganoon lang kadaling makuha si Levi."Sasama ako sa 'yo!"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang hawakan ni Gab ang aking kamay at pigilan niya ang paglabas ko sa loob. Napalingon ako sa kanya nang gawin niya ito.Naalala ko ang sinabi ni Lucas sa akin at alam kong seryoso siya sa bagay na iyon. Kung ganoon, kapag sinama ko si Gab, siguradong hindi ko na makikita si Levi.Marahan kong hinawakan ang kamay ni Gab, saka ito tinanggal sa pagkakahawak sa akin."I'm sorry, Gab. Ako lang ang kailangan niya," wika ko sa kanya."P-Pero, Sandy. Paano kung–""Alam kong hindi niya ako sasaktan, Gab. At kung mangyari man 'yon, alam kong ililig
Sandra's POVANG mga bagay sa paligid ay tila bumagal ang paggalaw. Maging ang pag-ikot ng carousel ay tila bigla na lamang huminto.Nang marinig ko ang malambing na tinig na iyon ni Lucas, tila nanumbalik ang lahat sa aking isip, ang mga panahong nasa mansion pa kami at ang araw kung paano niya ako pinahalagahan. Tuluyang natunaw ang puso ko nang marinig ang salitang second chance. Ano nga ba ang dapat kong itugon sa tanong na ito?Dapat ko bang hayaang mabuo ang aming pamilya? O dapat kong tuparin ang mga pangakong binitiwan ko lalong-lalo na kay Gab."Sandy!"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ko ang tinig ni Gab mula sa earpiece na suot ko."Sandy, huwag mong sabihin sa 'kin na naniniwala ka sa lalaking 'yan?" muling wika ni Gab. "We are going there now!" muli niyang wika sa kabilang linya.Narinig ko ang pagputol ng mga salitang iyon, ibigsabihin ay pinutol na ito ni Gab at handa na silang magtungo sa kinaroroonan namin ni Lucas.Marahan kong sinara ang aking pal
Sandra's POVIRITABLENG humurap si Lucas kay Gab. Matalas ang tingin nito na animoy manununtok ano mang oras."G-Gab," nauutal kong wika at mabilis na napatayo."Let go of Levi, Lucas," seryosong wika ni Gab kay Lucas.Lumakad siya patungo kay Lucas at walang ano-anong kinuha si Levi sa kanya at niyakap sa kanyang bisig. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso, saka ako hinatak palapit sa kanyang tabi."Anong gusto mong patunayan, Gab?" inis na wika ni Lucas."Gusto ko lang ipaalala sa 'yo, Lucas, similya lang ang ambag mo sa batang ito. Simula nang pinanganak siya, ako na ang tumayong ama niya. Hindi kita hahayaang bawiin sa akin ang lahat ng iyon," sunod-sunod na saad ni Gab.Mariin akong napalunok nang marinig ang sinabing iyon ni Gab. Ngayon ko lang nakita ang seryoso niyang mukha. Kung iisipin, si Gab ang nagligtas sa 'min ni Levi, kung wala siya, wala rin kami.Ngunit bakit tila nagbabago ang sigaw ng aking puso? Tila nais ko nang bumitiw sa utang na loob kong iyon. Al
Sandra's POVMARIIN akong napalunok nang magsimulang magsalita si Lucas."ALAM kong mahal mo pa rin ako, Sandy." Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. "The way you respond to me says it all," dugtong niyang salita.Marahan akong umupo sa kama at huminga nang malalim. Sa tingin ko wala na akong dapat pang itago. Kung may tama mang panahon upang sabihin sa kanya ang nilalaman ng puso ko, tingin ko ito na ang panahon na iyon."Oo, Lucas. Inaamin kong ikaw pa rin ang mahal ko. Inaamin kong hanggang ngayon, alipin pa rin ako ng nakaraan mo," sunod-sunod kong tugon sa kanya na walang pagpigil sa sarili."Then why don't we give it a try?" malumanay na tinig ni Lucas."L-Lucas, natatakot ako."Mariin kong kinuyom ang aking kamay habang iniisip ang mga taong masasaktan sa pagmamahalan naming ito."Don't be. Nandito ako, Sandy. Ngayong nandito na ako, hindi ko na hahayaang may mangyari pa sa 'yo, sa inyo," aniya. "I will make sure na mabubuo ang pamilya natin.""Paano si Gab? Paano si Trina?"
Sandra's POVMABILIS na tumayo si Gab sa harapan ko upang maputol ang pag-uusap ng mga mata namin ni Lucas."Sandy, focus on me," saad ni Gab na nagpaputol sa mga bagay na aking iniisip.Mariin akong napalunok at napayuko dahil sa ginawa ni Gab."I'm sorry," saad ko.Ngumiti naman siya at tila nawala ang agam-agam na nababakas sa mukha niya kanina."It's okay," aniya saka hinawakan ang aking kamay.Nagsimulang maglakad si Gab patungo sa table na naka-reserve para sa amin. Palihim naman akong sumulyap kung saan naroon si Lucas. Hindi ko akalaing nakatingin pa rin pala sa direksyon ko si Lucas, dahilan upang bawiin ko agad ang pagtama ng tingin ko sa kanya.Nakita ko ang pag-smirk ni Lucas. Matapos iyon ay nagsimula silang lumakad ni Trina habang naka-angkla ang kamay nito sa kanya. Nababakas ang malaking ngiti ni Trina habang kumakaway sa mga bisitang nasa venue. Nagtungo sila sa bagong kasal na sina Mico at kanyang asawa. "Congratulations, Mico. I never thought na dadalo ako sa kasal
Sandra's POVHINDI KO mahanap ang itutugon sa sinabi ni Lucas. Tila umurong ang aking dila dahil sa tanong niya na nais ko sanang sagutin.Maging si Gab ay natulala nang marinig ito. Mariin niyang kinuyom ang kanyang kamay at halatang nais na niyang manakit.Mabilis na lumakad si Trina sa aming kinaroroonan. Hinatak niya ang damit ni Lucas dahilan upang marahas itong mapatayo at tuluyan akong hindi nakatugon."What the hell are you doing?" galit na galit na wika ni Trina.Umikot ang mga mata ni Lucas at bumuntonghininga. Humarap siya kay Trina na may kalmadong hitsura."I'm doing what I know is right at sa pagkakataong ito, isa ka sa mga dapat kong itama," aniya.Bahagyang tinaas ni Lucas ang kamay niya sa ere, saka pinitik ang daliri. Matapos niyang gawin ang bagay na ito, tatlong pulis ang nagmamadaling pumasok sa loob ng venue.Tuluyang nasira ang magarbong party ni Mico dahil sa eksenang ginawa ni Lucas.Sa pagdating ng mga pulis, agad nilang hinawakan si Trina sa magkabila nitong