Sandra's POVSA PAGLALIM ng gabi, nanatili akong tahimik habang nakasakay sa kotse ni Lucas. Nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay at pumayag naman ako roon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa aking puso ang sakit. Tila nawalan ako ng isang kaibigan, isang kaibigan na nakasama ko noon sa hirap at tinapon ko lang iyon nang gano'n-gano'n.Bakit nga ba napakahirap maging masaya? Bakit nga ba napakahirap ngumiti sa tuwing naaalala mong mayroon kang taong nasasaktan?"Sandy, time will heal all pain. Alam kong makakayanan ni Gab ang lahat ng ito."Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang tinig ni Lucas. Napatingin ako sa kanya at diretso lang siyang nakatingin sa kalsada habang seryosong nagmamaneho."Pero, Lucas. Alam ko kung gaano kasakit ang ginawa ko sa kanya. Isa pa, malaki ang utang na loob ko kay Gab at tinuring ko na rin siya na isa sa aking pamilya, kaya ganito na lang ang panghihinayang ko," sunod-sunod kong paliwanag kay Lucas.Napatingin ako sa aking kamay nang
Sandra's POVNATIGILAN ako at hindi makatugon nang marinig ang sinabing iyon ni Lucas."Seryoso ka ba sa sinabi mo, Sir. Lucas? Babalik kayo ni Sandy sa mansion?" tanong ni nanay na ngayon ay lumabas mula sa kusina habang hawak ang inumin at miryenda para kay Lucas."Tayo, tita. Hindi lang si Sandy ang babalik sa mansion. Maging kayo at ang inyong asawa ay inaanyayahan kong manirahan sa bahay ko," sunod-sunod niyang wika na nagpatibok nang mabilis sa aking puso.Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Nagulat naman sina nanay at tatay dahil sa kanilang narinig at hindi makapaniwala.Muling bumalik sa akin ang nakaraan. 'Yong panahon kung kailan sinabi kong nais kong isama ang aking mga magulang sa mansion at sinabihan ako ni Lucas na hindi charity ang kanyang bahay.Impit akong natawa at napansin ito ni Lucas, dahilan upang kumunot ang kanyang noo."May nakakatawa ba, Sandy?" aniya na animoy may pagtataka sa mukha."Wala naman. May naalala lang ako," saad ko saka muling natawa.Na
Sandra's POVPAKIRAMDAM ko ay nanibago ang aking katawan sa kinaroroonan ko. Ito pa rin naman ang silid kung saan ako dati natutulog sa mansion na ito, ngunit tila iba ang pakiramdam ko ngayon. Dahil siguro sa tagal na ng panahon na hindi ako napunta sa lugar na ito. Hindi rin biro ang anim na taon.Kahit ilang beses na akong umikot sa higaan, hindi ko pa rin makuha ang tulog na hinahanap ko. Dahil dito, marahan akong umupo at bumuntonghininga.Sinuot ko ang indoor slippers na nasa tabi ng aking kama saka tumayo. Lumakad ako patungo sa pinto at pinihit ang doorknob. Magpapahangin sana ako sa labas upang makatulog ngunit sa pagbukas ko ng pinto, kumunot ang aking noo nang makita ko si Lucas na nakatayo sa harap ng aking pintuan."L-Lucas, anong ginagawa mo rito? Bakit gising ka pa?" kunot-noo kong tanong sa kanya."I can't sleep. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na kayo sa bahay ko," malumanay niyang saad habang nakangiti ang mga labi. "Sandy, can I stay with you for a
Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo nang matamaan ng sinag ng araw ang aking mga mata, dahilan upang magising ako.Marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata at nakita si Cathy na ngayon ay nag-aayos ng silid ko. Napangiti ako nang makita ang magandang sikat ng araw hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang nangyari kagabi.'S-Si Lucas?'Agad akong napaupo at napalingon sa aking tabi. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na si Lucas sa tabi ko. Mabuti na lang at maaga siyang umalis kung hindi makikita kami ni Cathy na magkasamang natulog."Ms. Sandy, sorry. Nagising ko po ba kayo?" tanong sa 'kin ni Cathy."Hindi naman, gising na rin ako, eh.""Mabuti naman po. Kaaalis lang din ni Sir Lucas kanina, Ms. Sandy. Ang sabi niya kasi ay huwag kitang gisingin kaya kinabahan ako nang makita kong gising ka na," aniya na may pag-aalinlangan sa mukha.Napangiwi ako nang malamang nakita pa rin pala niya kami ni Lucas."K-Kung ganoon, naabutan mo pa ri
Sandra's POVSA PAGTAKIP ng dilim nang gabing iyon, naisipan kong magtungo sa deck ng ship. Napadaan pa ako sa party hall ng barko at nakita kong nagkakasiyahan ang mga tauhan ni Lucas. Magandang oportunidad na rin para sa kanila ang araw na ito upang makapagpahinga at makapag-relax mula sa mabibigat na trabaho.Nang makarating ako sa deck, wala akong ibang nakita kung hindi ang liwanag na nagmumula sa cruise ship na sinasakyan namin. Kapag tumingin ako sa malayo at malawak na karagatan, wala akong nakikita kung hindi ang madilim na paligid. Kahit ganoon, naramdaman ko pa rin na unti-unting nare-relax ang aking katawan. Ang tumatamang hangin sa aking mukha ay napakalamig."Hindi ka ba makatulog?"Naputol ang mga bagay na iniisip ko nang marinig ko ang tinig ni Lucas mula sa likuran, dahilan upang mapatingin ako."Lucas?"Ngumiti lang siya sa akin at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ko. Humawak siya nilapat niya ang kamay sa veranda ng cruise ship na aming kinaroroonan. Hum
Sandra's POVNANLAKI ang aking mga mata dahil sa halo-halong bagay na aking naiisip. Nagsimulang mabalot ng kaba ang aking puso dahil alam kong mas lalong mababalot ng galit si Trina ngayong hindi ako sumunod sa nais niya."Sandy, don't worry. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo ni Levi."Naramdaman ko ang kamay ni Lucas nang ihawak niya ito sa aking balikat. Kahit paano ay naibsan ang kaba sa aking puso. Tumango ako at pilit na ningiti ang aking labi.Muli siyang tumingin sa matandang lalaki na nakaupo sa kama. Nagsimulang maglakad si Lucas na lumuhod sa harapan ng kanyang ama na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama. Hinawakan ni Lucas ang kamay ng kanyang ama at diretsong tumingin sa mata nito."Dad, it's me. How are you?" tanong ni Lucas.Lumakad naman ako at sumunod sa kanya."Good day po," pagbati ko sa daddy niya."L-Lucas, my son?" wika ng kanyang ama habang kunot ang noo. Tila nagtataka ito at pilit na kinikilala si Lucas.Sa pagkakaalam ko, may dementia ang daddy ni Luc
Sandra's POVSUMILAY ang ngiti sa aking labi habang nakatingin ako sa mga empleyado na nasa aking harapan. Kasalukuyan akong nasa loob ng isang silid na magiging opisina ko rito sa loob ng kompanya ng mga Montenegro."Nice to meet you, everyone," wika ko sa mga ito."Welcome po sa kompanya, Ms. Sandy," pagbati naman ng mga ito sa 'kin."Kumusta? Everything's good?"Lahat kami ay napalingon sa pinto nang marinig namin ang tinig ni Lucas na ngayon ay kapapasok lang sa loob ng aking opisina."Yes, Lucas. Maayos naman ang lahat. Nagpapakilala lang ako sa magiging katrabaho ko," tugon ko.Nagpatuloy sa paglalakad si Lucas hanggang sa makarating siya sa aking kinaroroonan. Lumapit siya sa aking tabi at hinawakan ang aking baywang, saka ako hinapit palapit sa kanya."Be good to this woman. Tratuhin nyo siya tulad ng trato nyo sa 'kin," utos niya sa tatlong tao na nasa aming harapan."Yes, Sir Lucas," tugon naman ng mga ito."Let's have a dinner later?" saad ni Lucas nang muli siyang tumingin
Sandra's POVPILIT kong pinakalma ang sarili at inayos ang picture frame na nalaglag. Huminga ako nang malalim saka bumalik sa aking upuan at hinawakan ang frame na iyon."Ano ka ba, Sandy. Aksidente lang ang nangyari. Natabig ko ang frame at iyon lang 'yun, wala namang ibig sabihin 'yun," pilit kong pagpapaliwanag sa sarili.Maya-maya lang, unti-unti rin akong kumalma at napanatag. Naisip ko, papalitan ko na lang ang frame, wala naman itong kaso sa akin.Ngumiti ako at tumango sa sarili.Kinabukasan, tulad ng nais ni Lucas, naging abala kami sa pag-aayos ng kasal. Maraming designer ang nagtungo sa aking opisina at nag-offer ng kanilang wedding gown. Maraming maganda at marami rin akong nagustuhan, ngunit iyong pinakasimple lang ang napili ko. Para sa 'kin, isa lang akong simpleng tao at hindi ko kailangan ng magarbong wedding dress.Nais ni Lucas na magkaroon ng garden wedding ngunit sa desisyong iyon kami nagkatalo. Mas nais kong ikasal sa loob ng simbahan, para sa 'kin, mas ramdam
Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a
Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c
Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na
Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h
Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i