SPECIAL CHAPTER Kaleb Oliver Villaruz Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa sala. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at napansin kong bukas ang pintuan ng kuwarto. Lumingon ako sa tabi ko at wala na roon ang asawa at anak ko kaya agad akong napabangon mula sa kama at nagmamadaling lumabas ng silid. Diretso akong nagtungo sa living room dahil doon nanggagaling ang ingay. Nang makababa ay doon ko lamang napansin na may ibang kasama si Kyline. “I miss you so much.” Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses sa akin. Dahan-dahan akong lumapit dahil nakatalikod ito sa akin habang kayakap si Kyline. “Nagtatampo pa rin ako. Ang tagal mong nawala at hindi nagparamdam,” sambit ng asawa ko. Mahina akong tumikhim upang makuha ang kanilang atensiyon at hindi nagtagal ay sabay silang napalingon sa akin. “Hi, honey,” si Kyline na ngumiti sa akin. I smiled back at her as I walked toward her. Nang nakalapit ay agad ko siyang h******n sa ulo pababa sa pisngi. “Hoy mahiya
Simula"Hi, Kyline..."Mabilis akong napaismid sa kawalan nang narinig ang boses na iyon. Imbis na harapin siya ay naglakad ako papasok sa loob ng kitchen."Teka-"Napahinto ako at nakabusangot na lumingon sa kaniya."Pwede ba Darryl! Tigilan mo ako!" inis kong sinabi pagkuwa'y tumalikod na ulit.I then heard him sighed. "Gusto ko lang naman kumustahin ka kung okay ka lang-""Okay lang ako. Okay na okay. Kaya pwede ba? Huwag mo na akong lapitan?" umismid ako dahil sa inis.
UlanDays had passed and I am still doing my work well. Hindi na ako nababastos pa dahil na rin sa bagong empleyado sa restaurant. Pero hindi ko na ulit nakita si Darryl.Lagi akong nakangiti sa tuwing nag se-serve ng mga order pero napapawi iyon kapag nahuhuli kong nakatingin sa akin si Kaleb ang bagong delivery boy.Akala ko talaga mayaman siya. Pero nang pinakilala siya ni Sir Vincent sa amin, doon lang ako naniwala na mahirap lang talaga siya.Siguro nga pinagpala lang siya sa pisikal na anyo."Siguro nang nagpaulan si God ng kakisigan at magandang lahi sinalo niya," mahinang usal ko sa sarili.Nakaka-insecure lang, ang gwapo niyang mahirap. Kahit na titigan mo siya sa pisikal parang walang bakas ng sugat o peklat sa katawan.Kung pagmamasdan naman siya ay talagang makaagaw ng atensyon.Matangkad, maganda ang hubog ng katawan at kahit nakasuot ng employee uniform mahahalata pa rin na ma
AroganteKinaumagahan late na akong nagising dahil sa lamig ng panahon. Tsaka, after lunch pa naman ang shift ko sa resto dahil binago ang schedule namin at mas mabuti na rin dahil hindi ko na kailangan magmadali.Dumukwang ako sa labas ng bintana ng maliit na apartment na kinuha ko.Isang taon na ako rito sa Manila at nagtatrabaho sa sikat na restaurant upang buhayin ang sarili.Kailangan kong mag-ipon para sa pasukan ay may panggastos ako.Isang taon mula nang natigil ako sa pag-aaral. Pagka-graduate ko ng Grade-12 hindi agad ako nakapag kolehiyo dahil kailangan ko muna mag-ipon.
EstrangheroNakasimangot ako pagkatapos mabasa ang updated announcement sa page ng Estevez University dahil sa gulong nangyari kamakailan lang. Pero okay na rin siguro iyon para makapag review pa ako sa darating na exam.Sinarado ko na ang pintuan ng apartment at saktong bumukas ang katabi kong kuwarto.Napalingon ako roon dahil sa pamilyar na pabangong nanunuot sa aking ilong. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang taong iyon.“Good morning, Kyline…” he greeted nicely.But instead of responding I just rolled my eyes on him feeling irritated.
FriendsNapayakap ako sa sariling katawan at patakbong nagtungo sa kusina ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang hablutin niya ang kamay ko.“Ang choosy mo naman, Miss…”Tumalim ang tingin ko sa lalaki at pilit binabawi ang kamay sa kaniya ngunit mabilis niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sofa.“K-Kuya, m-magkano po ba ang kailangan n’yo?” halos takasan na ako ng sariling boses dahil kabang lumulukso sa kalooban ko.Ngumisi ito lalo. “Ikaw ang kailangan ko, Miss…”Umiling-iling ako sa kaniya at
Beat“Kumusta ka naman? Nahuli na ba ang bad guy?” bungad ni Kendra pagpasok ko ng resto.“Oo,” tugon ko.Ngumiti ako sa kaniya at dire-diretsong naglalakad patungo sa kusina dahil nakikita ko pa rin ang bulto ni Kaleb sa sulok ng mata ko.I sighed heavily as I glanced back at Kendra. “Okay lang ako…” sabi ko at pumasok sa locker room. Sinundan ako ni Kendra.“Bakit kayo mag kasama ni Kaleb? Tsaka, himala yatang umangkas ka sa kaniya?” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapanukso niyang tono.Pinasok ko ang bag sa loob ng locker ko bago siya nilingon.
HinahanapTumayo kaming lahat ng maayos nang pumasok si Sir Vincent sa loob ng kitchen. Halos lahat kami ay nandito dahil may mahalaga sigurong anunsyo.Umikot ang mga mata ko sa malapad na kusina at hindi inaasahan na napadako iyon sa pwesto nina Kaleb at Tope na nakatingin sa akin. Kaswal lang ang tingin niyang iyon ngunit hindi nakawala ang kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.Pinilig ko at ulo at kibit balikat na binalik ko ang atensyon kay Sir Vincent. May hawak itong makapal na sobre. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.Tahimik niyang inumpisahan ang pag-abot sa amin bawat isa na may kaniya-kaniya naming pangalan hanggang sa natapos.“Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagbigay ng sobre sa bawat empleyado ay dahil pang bunos namin yan para sa lahat dahil sa magagandang performance na ginagawa ninyo sa inyong trabaho. We were glad that you were have a professional behavior not to apply your personal problem during your job,” paliwanag nito kaya ang karamihan ay n