Ulan
Days had passed and I am still doing my work well. Hindi na ako nababastos pa dahil na rin sa bagong empleyado sa restaurant. Pero hindi ko na ulit nakita si Darryl.Lagi akong nakangiti sa tuwing nag se-serve ng mga order pero napapawi iyon kapag nahuhuli kong nakatingin sa akin si Kaleb ang bagong delivery boy.
Akala ko talaga mayaman siya. Pero nang pinakilala siya ni Sir Vincent sa amin, doon lang ako naniwala na mahirap lang talaga siya.
Siguro nga pinagpala lang siya sa pisikal na anyo.
"Siguro nang nagpaulan si God ng kakisigan at magandang lahi sinalo niya," mahinang usal ko sa sarili.
Nakaka-insecure lang, ang gwapo niyang mahirap. Kahit na titigan mo siya sa pisikal parang walang bakas ng sugat o peklat sa katawan.
Kung pagmamasdan naman siya ay talagang makaagaw ng atensyon.
Matangkad, maganda ang hubog ng katawan at kahit nakasuot ng employee uniform mahahalata pa rin na may abs siya dahil sa malaki niyang braso na… maugat pa.
Napalabi ako at hindi inalis ang tingin sa kaniya habang nakangiti siya at kausap ang isang katrabaho.
His natural tan skin, thick eyelashes, short fade haircut na talagang bumagay sa kaniya, at ang lalo pang nakakaakit sa kaniya ay ang tsokolateng mga mata.
Napalunok ako at hindi maalis sa kaniya ang tingin nang makaramdam ng kamay na kumakalabit sa akin.
"Gwapo 'no?"
Lihim akong napaigtad nang narinig ang boses ni Kendra. Hindi maikakaila na gwapo nga siya pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan at mukhang, babaero.
Mabilis akong lumingon kay Kendra at umiling-iling.
"Hindi naman. Mukhang gago…" sabi ko.
Tumalikod na ako ngunit bigla niya akong pinigilan.
"Ano ka ba Kyline! Kailangan mo na yata magsuot ng salamin sa mata," anito na kinasimangot ko.
Bumaling siya sa pwesto nina Kaleb kaya lumingon din ako pabalik doon at saktong nakatingin na sa amin ang binata na may ngisi sa labi.
Lumapad lalo ang ngiti niya nang magtagpo ang mga mata namin. Umangat ang kamay at kinakamot-kamot ang gilid ng labi. Mahinang tumili si Kendra kaya napaismid ako.
"Kyline, ang gwapo ni Kaleb!" mahinang tili niya na akala mo'y nakakita ng artista.
Napadiretso ako ng tayo at akmang maglalakad na ako pabalik sa kitchen nang muli kong tingnan ang pwesto ni Kaleb na may kausap na ngayon na babae.
Napangisi ako, nilingon ko sa gilid si Kendra at tinapik ang kaniyang balikat. Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti sa labi.
"Sabi sa'yo, babaero 'yan…"
Naglakad na ako palayo pero narinig ko pa ang pagmamaktol ni Kendra kaya pailing-iling na lang ako.
Isa-isa kaming napaayos ng tayo nang pumasok si Sir Vincent sa loob ng kitchen kung nasaan kami. Siniko-siko pa ako ni Kendra sa gilid ko kaya binalingan ko siya.
Kinakagat-kagat niya ang kanyang labi habang nakatitig ng maigi kay Sir Vincent. Pumungay ang mata ko at ibinalik ang atensyon kay Sir.
Hindi ko rin masisisi ang mga kasamahan ko sa trabaho na pinagpapantasyahan si Sir Vincent.
Gwapo naman kasi talaga siya, at kung pagmamasdan ay mas may ibubuga pa siya sa ibang mga artista.
May pagka-singkit ang kaniyang abong mga mata na mas lalong nakakakuha ng atensyon. Matangkad din siya kagaya ni Kaleb— Teka! Ba't ko siya naiisip!
Iniling ko ang ulo upang iwaksi ang mga nasa isip. Basta kahit sino pa iyan, kahit gaano pa ka gwapo hindi ako attracted sa mga mayayaman.
"Kyline, are you listening?"
Napakurap-kurap ako at napabalik sa reyalidad nang narinig ang boses ni Sir Vincent na ngayon ay nakatitig na sa akin. Hindi lang siya kundi pati na ang lahat ng kasamahan ko sa trabaho.
"S—Sir?"
Nagtawanan ang iba kaya napayuko ako. 'Ano ba kasing sinabi niya? Ganoon na ba kalalim ang pagsusuri ko sa kanya?' Lihim long kinastigo ang sarili dahil sa kalutangan.
Malakas na tumikhim si Sir kaya umangat ang ulo ko pabalik sa kinaroroonan niya. He was looking at me intently as if he was memorizing my appearance.
Gumalaw ang labi niya at dahan-dahan itong napangisi na wari'y may napagtanto sa sarili. Bumuntong hininga siya kaya napaayos ako ng tayo at inalis ang tingin sa kaniya.
"Kyline?" he suddenly called my name.
"Sir?"
Sa sobrang taranta ko ay napuno na naman nang tawanan sa loob ng kitchen kaya napaismid ako sa kawalan.
"Did you heard me a while ago?" kalmado niyang tanong.
Kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumingon sa gawi ni Sir Vincent na ngayon ay inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na faded jeans.
I swallowed hard. "P—Pardon me, Sir…"
Yumuko ako dahil sa kahihiyan at kalutangan ngunit wala akong narinig ni kahit isang tawanan mula sa ibang kasamahan.
"Okay lang iyan, gwapo naman talaga si in— what I mean the new employee. Kaya hindi kita masisisi kung bakit ka nagkagan’yan," anito.
Napakurap-kurap ako at binalik ang tingin sa kanya.
"Hindi naman, Sir Vincent. Hindi lang ako ready na napadalaw kayo rito. Tsaka kadalasan kasi si Sir Liam ang nandito o kaya si Ma'am Fiona…" sabi ko.Tumawa lang siya at umiling-iling. "Well, for now I'm the one who'll manage the restaurant so expect me to be here often…"
Lahat ay nagbigay ng reaksyon dahil sa mga sinabi ni Sir. Hindi ko rin maiwasan ang mapangiti dahil siguradong wala na talagang mambabastos sa akin lalo na kapag naka night duty kami.
"Hindi naman kayo excited sa akin 'no?" natatawang aniya.
Lumingon ako kay Kendra nang mahina niya akong siniko. "Parang may gusto sa'yo si Sir Vincent…" bulong niya na ikinamilog ng mga mata ko.
"Baliw! Tumahimik ka nga baka may makarinig sa'yo!" mahina ngunit mariin kong sinabi.
Ngumuso siya. "Totoo naman. Kanina pa ako nakatingin sa kaniya at kanina pa siya tingin ng tingin sa'yo. Kung hindi talaga kita kaibigan itinakwil na kita ngayon mismo…" nakasimangot ang mukha niya.
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Sa'yo lang si Sir Vincent, okay? Like what I said… ayoko sa mayaman…" bulong ko.
Mabilis na lumapad ang ngiti niya sa labi at biglang nangamatis ang dalawang pisngi. "Aakitin ko talaga si sir," bulong pa niya.
Hinayaan ko na lang siya at binalik ang tingin sa pwesto ni sir Vincent na nakatingin na naman sa akin.
"Sir ano po ulit iyong sinabi n'yo?" tanong ko upang maibsan ang kabang nararamdaman.
Ngumisi siya at nagkakamot ng kilay, at sa simpleng galaw niya ay napatili ang gagang Kendra sa tabi ko.
"Okay, okay. Like I said. Kailangan ko ng pwedeng mag a-assist kay Kaleb na bagong empleyado."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka pero ang iba ay nagtilian na halatang kinikilig at na e-excite.
"Sir ako pwedeng pwede!""Sir ako na lang!"
"Sir, Libre na kapag ako."
Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga sinasabi nila. Nilingon ko si Kendra na ngayon ay malapad na nakangiti."Bakit?" bulong ko.
"Gusto ko sana mag volunteer, kaso madalas pala si Sir dito, kaya huwag na lang..."
"Tss," mariin akong napapikit dahil sa mahinang komisyong nangyayari.
Napatikhim ako nang malakas at hindi na nakapagpigil.
"Sir, bakit po kailangan pang i-assist? Pare-pareho lang naman kaming empleyado," kaswal na sinabi ko at unti-unting tumahimik ang paligid.
Malakas na tumawa si Vincent kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"You seemed to disagree, Miss Gamboa. Well he's just new with this work. He's from the province, so basically he needs someone to assist him," he explained.
Tumango-tango na lang ako kahit hindi kumbinsido. Lahat naman ng empleyado nag-uumpisa sa walang alam, pero bakit— hays.
"Ano po bang position niya, Sir?"
Nakahinga ako ng maayos ng may naglakas loob na magtanong sa mga kasamahan ko.
Binigay ko ang buong atensyon kay sir Vincent habang hinihintay ang sagot niya. Humakbang siya patungo sa pintuan palabas at mukhang tatapusin na ang biglaang usapan.
"Well, he's just a delivery boy," kaswal niyang sinabi. "And… Miss Gamboa will be the one who'll assist Kaleb," dagdag niya bago naglakad palabas ng kitchen.
Napatulala ako sa narinig ngunit hindi nakawala sa pandinig ko ang iba't-ibang reaksyon. Napailing na lang ako sa kawalan.
Delivery worker na kailangan pang i-assist. Wow lang ha! Ang special!
Nakabusangot ang mukha ko habang inayos ang pagkain na in-order online. Nagulat din ako ng biglang anunsyo ni Sir Vincent na ako ang matotoka sa mga online order.
Well, wala naman problema sa akin. Nakakapanibago lang dahil biglaan.
Na-print ko na ang bill ng order at nilagay sa loob ng box na naglalaman ng pagkain. Ready na ang order na naka paper bag.
Lumabas ako ng counter at nilapitan si Kaleb na prenteng nakaupo sa gilid sa bakanteng upuan.
"Ito na ang order. Nandiyan na rin ang address," sabi ko at ipinatong ang paper bag sa harapan niya.
Lumingon ako sa kaniya ng hindi siya sumagot at napansin kong nakatitig siya sa akin.
"Hoy!" sita ko.
Napakurap-kurap siya at nagkakamot ng ulo. Ngumingiti rin ang labi niya at mabilis na tumayo. Pagkuwa'y tumango siya.
"Good morning…"
Kumunot ang noo ko dahil ang layo ng sagot niya. Tumango na lang din ako at dahan-dahang tumalikod mula sa kanya.
Bumalik na ako sa kitchen dahil pakiramdam ko sasabog ang d****b ko. Shit! Ang presko niya!
Napatampal ako sa sariling bibig dahil sa biglang naisip.
"Hi, Kyline…"
Nakahinga ako ng maayos dahil sa sumulpot na si Kendra. Kaya kumalma ang sistema ko.
The whole day went well but I'm so feel exhausted. Hindi ko alam na ganoon pala karami ang nag o-order online. Kailangan talaga maging flexible ka dahil oras ang kalaban.
Dumaan ang buong araw na pagmumukha ni Kaleb ang bumubungad sa akin kapag nilalabas ang order. Hindi ko alam kung nagkataon lang na siya lagi ang naabutan ko ng mga order.
At isa pa! I felt so irritated with him.
Para siyang tanga na nakangisi buong araw. Ewan ko pero naiirita ako lalo na't puro tilian ang naririnig ko sa mga katrabaho ko na hindi naman madalas mangyari noon.
Shit. Napamura ako at mabilis na nilabas ang payong mula sa bag dahil sa biglang bagsak ng ulan.
"Teka, huwag mo ako basain!" parang tanga na kausap ko sa ulan.
Nabuksan ko na ang payong at tuloy-tuloy na bumuhos ang ulan kaya medyo nababasa ako. Patakbo akong naglalakad patungo sa paradahan ng jeep ngunit ang haba ng nila.
Tumawid ako sa kabilang kalsada upang mag-abang ng taxi dahil natatakot ako sa kulog.
"Taxi please..."
Palinga-linga ako sa paligid ngunit walang dumadaan. Napapapikit na lang ako sa kaba sa tuwing lumiliwanag ang kalangitan dahil sa kidlat.
Nababasa na rin ako ng malakas na ulan at hindi kinakaya ng payong. Naman oh! Ang malas!
Naglakad-lakad ako at nagbabakasakali na may dumaang taxi ngunit mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko alam kung saan patutungo. Konti na lang din ang mga sasakyang dumadaan.
Nakagat ko ang labi at sinubukan dukutin ang lumang cellphone sa loob ng bag upang tawagan si Manong Lito na tricycle driver ngunit malakas na kumawala ang kulog sa madilim na kalangitan kaya halos mapatalon ako sa sobrang gulat.
Hindi rin nakawala ang mahina kong pagsigaw.
Nilabanan ko ang takot sa d****b kahit na nangangatog na ako sa kaba. Kaya kong harapin ang lahat pero sa kulog… takot ako.
Napayuko ako, napapikit at nakatakip ng tainga kaya nabitawan ko ang payong dahil sa malakas na kulog ng kalangitan.
Tuluyan na akong nabasa ng ulan at para akong na estatwa sa kinatatayuan ko, ngunit makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong hindi na pumapatak ang ulan sa ulo at katawan ko.
Dahan-dahan akong dumilat at nabungaran ko ang itim na pares ng sapatos. Umangat ang ulo ko hanggang sa tuluyang masilayan ang taong nasa harapan.
"Hindi ka naman siguro nag sho-shooting para damhin ang buhos ng ulan," kalmadong aniya.
Napalunok ako at pilit inaaning ang mukha niya ngunit hindi ko masyadong masilayan dahil madilim sa kinaroroonan namin.
Pero pamilyar ang kaniyang mabangong amoy. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila.
"Ihahatid na kita, baka magkasakit ka…" mahinahon niyang sinabi.
Napalunok ako at hinayaan siyang hilain ako patungo sa harap ng kanyang motor.
"Kyline, hawakan mo ang payong pupunasan ko ang upuan ng motor ko," sabi niya.
"Kaleb…" tanging nasambit ko at kumurap-kurap.
Mahina siyang humalakhak malapit sa aking tainga kaya napasinghap ako dahil sa nakakakiliti niyang epekto na gumapang sa kaibuturan ko.
"It's good to hear that you finally uttered my name, Kyline Deion…" napapaos niyang bulong.
AroganteKinaumagahan late na akong nagising dahil sa lamig ng panahon. Tsaka, after lunch pa naman ang shift ko sa resto dahil binago ang schedule namin at mas mabuti na rin dahil hindi ko na kailangan magmadali.Dumukwang ako sa labas ng bintana ng maliit na apartment na kinuha ko.Isang taon na ako rito sa Manila at nagtatrabaho sa sikat na restaurant upang buhayin ang sarili.Kailangan kong mag-ipon para sa pasukan ay may panggastos ako.Isang taon mula nang natigil ako sa pag-aaral. Pagka-graduate ko ng Grade-12 hindi agad ako nakapag kolehiyo dahil kailangan ko muna mag-ipon.
EstrangheroNakasimangot ako pagkatapos mabasa ang updated announcement sa page ng Estevez University dahil sa gulong nangyari kamakailan lang. Pero okay na rin siguro iyon para makapag review pa ako sa darating na exam.Sinarado ko na ang pintuan ng apartment at saktong bumukas ang katabi kong kuwarto.Napalingon ako roon dahil sa pamilyar na pabangong nanunuot sa aking ilong. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang taong iyon.“Good morning, Kyline…” he greeted nicely.But instead of responding I just rolled my eyes on him feeling irritated.
FriendsNapayakap ako sa sariling katawan at patakbong nagtungo sa kusina ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang hablutin niya ang kamay ko.“Ang choosy mo naman, Miss…”Tumalim ang tingin ko sa lalaki at pilit binabawi ang kamay sa kaniya ngunit mabilis niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sofa.“K-Kuya, m-magkano po ba ang kailangan n’yo?” halos takasan na ako ng sariling boses dahil kabang lumulukso sa kalooban ko.Ngumisi ito lalo. “Ikaw ang kailangan ko, Miss…”Umiling-iling ako sa kaniya at
Beat“Kumusta ka naman? Nahuli na ba ang bad guy?” bungad ni Kendra pagpasok ko ng resto.“Oo,” tugon ko.Ngumiti ako sa kaniya at dire-diretsong naglalakad patungo sa kusina dahil nakikita ko pa rin ang bulto ni Kaleb sa sulok ng mata ko.I sighed heavily as I glanced back at Kendra. “Okay lang ako…” sabi ko at pumasok sa locker room. Sinundan ako ni Kendra.“Bakit kayo mag kasama ni Kaleb? Tsaka, himala yatang umangkas ka sa kaniya?” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapanukso niyang tono.Pinasok ko ang bag sa loob ng locker ko bago siya nilingon.
HinahanapTumayo kaming lahat ng maayos nang pumasok si Sir Vincent sa loob ng kitchen. Halos lahat kami ay nandito dahil may mahalaga sigurong anunsyo.Umikot ang mga mata ko sa malapad na kusina at hindi inaasahan na napadako iyon sa pwesto nina Kaleb at Tope na nakatingin sa akin. Kaswal lang ang tingin niyang iyon ngunit hindi nakawala ang kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.Pinilig ko at ulo at kibit balikat na binalik ko ang atensyon kay Sir Vincent. May hawak itong makapal na sobre. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.Tahimik niyang inumpisahan ang pag-abot sa amin bawat isa na may kaniya-kaniya naming pangalan hanggang sa natapos.“Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagbigay ng sobre sa bawat empleyado ay dahil pang bunos namin yan para sa lahat dahil sa magagandang performance na ginagawa ninyo sa inyong trabaho. We were glad that you were have a professional behavior not to apply your personal problem during your job,” paliwanag nito kaya ang karamihan ay n
Init"Attention everyone!”Lahat kami ay parang mga robot na nakuha ng atensiyon dahil sa boses na iyon ni sir Vincent.Nakahelera kaming lahat sa loob ng kitchen habang nakatingin sa kaniya at nagtataka.“So today is our anniversary. And we decided to throw a small party tonight. We are temporarily closed and we will enjoy for the rest of the day,” anunsyo nito habang nakangiti.Agad namang naghiyawan kaming mga empleyeado."Oh my gosh! This will be exciting!""Gosh, kailangan ko bumili ng dress!"Nangingiti lang ako habang nakatingin sa mga co-workers ko na masayang-masaya dahil sa binalita ni Sir Vincent."And Vixon will join us here tonight," pahabol na sinabi ni Vincent bago ito dire-diretsonglumabas ng kusina.Mas lalong lumakas ang ingay sa paligid dahil sa pasabog na surpresa. Pero sa kaalamang nandito si Vixon parang ayoko na lang dumalo.Minsan kong naging manliligaw si Vixon na kapatid ni Vincent. Mas seryoso iyon at strikto pagdating sa trabaho kumpara kay Vincent. Magalin
Init "Attention everyone!” Lahat kami ay parang mga robot na nakuha ng atensiyon dahil sa boses na iyon ni sir Vincent. Nakahelera kaming lahat sa loob ng kitchen habang nakatingin sa kaniya at nagtataka. “So today is our anniversary. And we decided to throw a small party tonight. We are temporarily closed and we will enjoy for the rest of the day,” anunsyo nito habang nakangiti. Agad namang naghiyawan kaming mga empleyeado. "Oh my gosh! This will be exciting!" "Gosh, kailangan ko bumili ng dress!" Nangingiti lang ako habang nakatingin sa mga co-workers ko na masayang-masaya dahil sa binalita ni Sir Vincent. "And Vixon will join us here tonight," pahabol na sinabi ni Vincent bago ito dire-diretsonglumabas ng kusina. Mas lalong lumakas ang ingay sa paligid dahil sa pasabog na surpresa. Pero sa kaalamang nandito si Vixon parang ayoko na lang dumalo. Minsan kong naging manliligaw si Vixon na kapatid ni Vincent. Mas seryoso iyon at strikto pagdating sa trabaho kumpara kay Vince
LikeNapapikit ako nang maglakad siya palayo. Ngunit bigla kong naalala si Kendra kaya nilingon ko siya sa kinaroroonan niya subalit hindi ko na siya nakita roon."T-Teka si Kendra..."Sinubukan kong bumaba mula sa bisig ni Kaleb pero hindi siya natinag. At mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa akin."Don't worry she's safe," malamig niyang sinabi.Napabuntong hininga ako at sumubsob ang ulo ko sa matigas niyang dibdib dahil sa pag-ikot ng paningin. Wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo ako sa kaniya.Napapikit ako at dinama ang kanyang amoy na nanunuot sa aking ilong.Unti-unting humina ang malakas na tugtugin kaya napaangat ang ulo at namalamayan ko na lang na nakalabas na pala kami ng resto."Kaleb..."Hindi siya nagsalita at patuloy lang sa paghakdbang hanggang sa huminto siya kaya lumingon ako at nakitang may binuksan itong sasakyan at pinasok ako roon.Dahan-dahan at puno nang pag-iingat kahit na parang nahihirapan."Kanino 'to?" usisa ko pero wala akong natan