Share

Kabanata 3

Estranghero

Nakasimangot ako pagkatapos mabasa ang updated announcement sa page ng Estevez University dahil sa gulong nangyari kamakailan lang. Pero okay na rin siguro iyon para makapag review pa ako sa darating na exam.

Sinarado ko na ang pintuan ng apartment at saktong bumukas ang katabi kong kuwarto. 

Napalingon ako roon dahil sa pamilyar na pabangong nanunuot sa aking ilong. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang taong iyon.

“Good morning, Kyline…” he greeted nicely. 

But instead of responding I just rolled my eyes on him feeling irritated.

“Walang maganda sa umaga ko kung ikaw ang makikita ko!” inis kong sambit at mabilis na tumalikod.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkayamot sa kaniya.

“Pero ikaw ang umagang kay ganda sa paningin ko,” anito.

Napatiim-bagang ako at gusto siyang bulyawan ngunit mas pinili kong pinigilan ang sarili. Relax self.

Hindi ko na siya pinansin at nag-umpisa nang mai-lock ang pinto at sunod nang naglakad palayo upang makapag-abang pa nang dadaan na tricycle. 

Binuksan ko ang bulsa ng bag ko upang dukutin ang wallet ngunit sa kasamaang palad mukhang nakalimutan ko pa ito.

Napatayo ako ng diretso at bumuga nang marahas na hangin bago tumalikod ngunit napatalon ako sa gulat nang nakita siyang nasa harapan ko.

“Anong ginagawa mo?!” sikmat ko. 

Nagkamot siya ng ulo at hilaw na ngumisi. “Lagi ka na lang sumisigaw. Hindi ba sumasakit iyang lalamunan mo?” 

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. “Wala kang pake!” sabi ko at tumalikod na.

Bumalik ako sa loob ng apartment ko. Buti na lang pala maaga akong nag-ayos kaya hindi ko kailangan magmadali. 

Nagtungo ako sa aking silid at agad kong hinagilap ang wallet ko ngunit hindi ko makita. Hanggang sa marinig ko ang pag-alis ng motor ni Kaleb.

“Nasaan na ‘yon?” bulong ko sa sarili.

Halos mahalughog ko na ang ilalim ng kama ko. Nagtungo naman ako sa sala baka naiwan ko roon pero hindi ko rin nakita.

Shit. Napatayo ako at muling hinanap sa loob ng bag ngunit wala talaga.

Namaywang ako at napatampal sa sariling noo. “Saan ko naiwan iyon? Nandoon pa naman lahat ng ID’s ko…” 

Napabuga ako ng hangin at inulit-ulit ang paghahanap sa bawat apt na sulok ng bahay pero wala.

Nag-init ang bawat sulok ng aking mata dahil halos lagpas treinta minutos na akong naghahanap pero hindi ko pa rin makita-kita.

Naglakad ako patungo sa bag kong nakapatong sa sofa at dinukot ang cellphone. Hindi rin ako makakapasok sa trabaho kapag wala iyon. 

Mabilis kong tinawagan si Kendra upang ipaalam sana na baka mali-late akong pumasok. Nakakahiya dahil paniguradong nandoon si Vincent.

Napahilamos ang kaliwang kamay ko sa sariling mukha dahil sa frustration. Lahat pa naman ng sahod ko last month nandoon. 

Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata habang pilit inaalala kung saan ko ba nailapag iyon.

After a few rings, hindi pa rin sinasagot ni Kendra ang tawag ko. Sinubukan ko muling i-dial ang number niya nang may biglang kumatok sa pintuan ng apartment.

I quickly closed my eyes as I was feeling resentful. Baka ang landlady na iyon at maniningil ng bayad. Wala pa naman akong extrang pera na naitago.

Lumalakas ang katok sa labas ng pintuan kaya wala na akong nagawa kundi ang maglakad patungo roon at pagbuksan ang kumakatok.

Handa na sana akong magpaliwanag sa landlady tungkol sa aking rental payment ngunit ibang tao ang bumungad sa akin. 

I sighed lightly, feeling relieved. 

“Ano po ang atin?” tanong ko. Hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa tinig ko.

Bahagyang tumaas ang kilay ko nang ngumisi ang lalaki. Pero agad ding nanlaki ang mata ko sa gulat nang iangat niya ang kanang kamay at pinakita niya ang wallet sa harapan ko at binuklat iyon.

“Ikaw ba si Kyline Deion-”

“Opo, ako po! Ako po may-ari niyan!” agap ko.

Nakahinga ako ng maayos. Ngumiti ako sa lalaking kaharap ko nang iabot niya sa akin ang wallet ko. 

“Nakita ko lang iyan sa kalsada habang naglalakad ako. Nakita ko ang mga ID sa loob kaya sabi ko baka importante,” saad nito.

Parang may mainit na humaplos sa kalooban ko dahil sa pagmamagandang loob ng estrangherong kaharap.

Yumuko ako at binuksan ang wallet. Mabilis akong dumukot ng pera sa loob upang ibigay sana sa kaniya ngunit pinigilan niya ang kamay ko. 

Napalunok ako dahil sa magaspang niyang kamay na humaplos sa kamay ko. Binaba ko ang wallet at tumingin sa kaniya ng diretso.

“M-Maraming maraming salamat po,” walang humpay na sambit ko.

Ngumiti ang lalaki sa akin na kung pagmamasdan ay mukhang binata pa. 

Tumango lang ito at tipid na ngumiti pero para akong biglang kinabahan sa kakaibang kislap ng kaniyang mga itim na mata.

 “Miss, baka puwede makiinom ng tubig? Nakakahiya baka may kasama ka…” anito. 

Umiling-iling ako at nilakihan ang bukas ng pinto.

“Pasok po kayo. Kukuha lang ako ng tubig sa kusina. Huwag po kayong mahiya ako lang mag-isa rito.”

Ngumiti ang lalaki sa akin at tinalikuran na siya. Dali-dali akong nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. 

“Naku, mali-late na talaga ako sa trabaho…” usal ko.

Bumalik na ako sa estranghero dala-dala ang isang tubig na baso at laking gulat ko nang nakita ang nakasaradong pintuan ng apartment. Nakaupo na rin ang lalaki sa sofa.

Malakas na tumambol ang d****b ko sa kakaibang pakiramdam pero nilakasan ko pa rin ang loob kong inabot ang tubig sa lalaki.

“Tubig p-po…” sinubukan kong huwag pumiyok pero nabigo ako. 

“Salamat, Miss…” anito sa makapanindig balahibong tono.

Inisang lagok niya ang tubig na nasa baso kaya naglakad ako patungo sa pintuan upang buksan ito ngunit mabilis niyang kinabig ang kamay ko kaya napabalik ako sa pwesto.

“Kuya!” gulat kong sinabi at magkasalubong ang kilay na lumingon sa kaniya.

Napaatras ako nang bigla siyang ngumisi at tumayo. Dumila pa ito sa kaniyang bibig habang tinitigan ang buong katawan ko. 

Sabi ko na eh!

Napatras pa ako lalo at bumangga na ako sa pader.

“K-Kuya… puwede na ho kayong umalis. Papasok na ho ako sa trabaho…” nanginig ang mga tuhod ko sa takot.

Lalong lumapad ang ngisi ng lalaki na mas lalo pang humakbang palapit sa akin. Lumingon ako sa pintuan na nakasara, bumaling ako sa kabilang sulok at kusina ang mapupuntahan ko. 

Nangingilid ang luha sa mga mata ko dahil sa pangamba.

“Puwede bang ako muna trabahuin mo, Miss?” anito sa makapanindig balahibong tinig na ikinasinghap ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status