Share

Kabanata 5

Beat

“Kumusta ka naman? Nahuli na ba ang bad guy?” bungad ni Kendra pagpasok ko ng resto. 

“Oo,” tugon ko.

Ngumiti ako sa kaniya at dire-diretsong naglalakad patungo sa kusina dahil nakikita ko pa rin ang bulto ni Kaleb sa sulok ng mata ko.

I sighed heavily as I glanced back at Kendra. “Okay lang ako…” sabi ko at pumasok sa locker room. Sinundan ako ni Kendra.

“Bakit kayo mag kasama ni Kaleb? Tsaka, himala yatang umangkas ka sa kaniya?” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapanukso niyang tono.

Pinasok ko ang bag sa loob ng locker ko bago siya nilingon.

“Nagkataon lang na wala akong masakyan,” walang gana kong sagot. 

Pero ang totoo… napilitan lang ako dahil naubos ang pera ko nang pinaayos ang pintuan ng apartment.

Si Kaleb ang nag-ayos pero nagbayad pa rin ako sa kanya dahil nakakahiya.

Noong una ay ayaw niyang tanggapin pero wala na rin siyang nagawa dahil nag galit-galitan ako. 

Installment niya lang pala iyong Iphone na cellphone niya kaya pala todo kayod siya. 

Humagikgik si Kendra kaya nagkasalubong ang kilay kong tiningnan siyang maigi. 

Nakakagat labi siya at may mapanuksong ngiti habang nakatitig sa akin. “Kumusta naman ang ano…” namula ito bigla. 

Napailing ako.

“Tigilan mo ako, Kendra. Umangkas lang ako. That’s all! Tigilan mo iyang pagka malisyosa mo,” angil ko at tinalikuran na siya.

“Ito naman, parang nagtatanong lang eh,” aniya.

Nilingon ko siya na ngayon ay nakanguso. Natatawa na lang ako at hindi na nagsalita pa. Minsan talaga childish ‘tong si Kendra. Buti na lang nagiging matino siya kapag kaharap si Vincent.

Nag-umpisa na kami magtrabaho. And as usual naka-assign pa rin ako sa online orders. Nami-miss ko pa naman mag-serve ng food dahil may natatanggap kaming tip na nakakatulong din sa amin.

Okay lang naman daw tumanggap kung maayos naman ang trabaho. 

Nakaharap na ako sa screen ng mga online orders. Kaka open ko lang at natambakan na agad ako. Kadalasan sa mga order ay lunch meal. 

Inasikaso ko na ‘yon pinagsabay-sabay ko na iprint out ang resibo bago nagtungo sa kusina upang ihanda ang mga pagkain.

Pwede ko naman iutos ang order pero dahil halos karamihan ay busy tumulong na rin ako sa kusina since may experience na rin ako roon.

Nagkaroon kasi ng job rotation dahil marami ang umalis. Napunta ako sa dishwasher, food server, at ngayon naman sa online orders. Isa na lang ang hindi ko pa nasusubukan ang maging manager.

Napailing ako at natawa na lang dahil sa mga naiisip. Imposibleng maging manager ako, eh, hindi pa ako nakapag-aral sa college at halos huli na ako ng isang taon.

“Bakit ka nakangiti?”

Napawi ang ngiti sa labi ko bago nilapag ang order sa harapan niya. “Wala. Iyan na ang order. Tatlo iyan magkakaibang address. Kasya ba sa delivery box mo?”

Nagsalubong ang kilay ko ng hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Napalunok ako nang napansin ang titig niya sa akin at may naglalarong ngiti sa kaniyang labi. 

“Uy, Kaleb!”

He smirked widetr. “Ang ganda-ganda mo, Line…” he mumbled out of nowhere. 

Umismid ako sa kaniya at tinalikuran na siya dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ang mukha ko. 

Mula pa kahapon hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Madalas ko rin siyang mahuli na nakatitig sa akin. Hanggang sa naisipan niyang Line na lang ang itawag sa akin.

Hinayaan ko na lang din siya dahil nagiging komportable naman na ako kahit paano. Mukha naman siyang mabait.

Bumalik ako sa screen ng computer at sunod-sunod na naman ang online order. Umangat ang tingin ko sa buong resto na dinagsa na naman ng mga customer. Iba talaga ang Ishi’s Restaurant. 

Filipino food pa rin naman pero may mga offer din na ibang dish like japanese food. Well organize din ang lahat dahil magkaiba ang computer na ginagamit sa online order kaya tahimik sa pwesto ko. 

Inasikaso ko na muli ang order. Makalipas ang halos trenta minutos ng makabalik si Kaleb. 

Hindi ko alam pero nakangiti ako habang dinadala sa kaniya ang nakahandang order pero napahinto ako nang napansin ang kausap niyang babae.

Maganda, maputi, balingkinitan ang katawan. Mahaba rin ang unat na buhok at may kulay.

Umalis din ang babae pero h*****k muna ito sa pisngi niya. Lumabi ako.

“Uh, may girlfriend pala siya…” saad ko sa sarili.

The whole day went well. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at ngalay na ngalay ang mga daliri. Halos walang tigil ang online order.

Ganoon pala talaga kadami ang umoorder.

Kinuha ko ang bag sa loob ng locker room ng mga staffs at nagpaalam ng uuwi. Wala na si Kendra nakauwi na kanina. Morning shift kasi siya kaya nauuna siya palagi sa akin.

“Mauna na ako, Leslie…” paalam ko sa pumalit sa akin sa nag mo-monitor sa online orders.

“Ingat, Ky…” nakangiting sambit niya at bumalik na ang atensyon sa screen.

Napabuntong hininga ako at muling umusbong ang kaba sa d****b ko. I double checked my things, my wallet inside my bag. Baka kasi may nakalimutan na naman ako. Ayoko ng mapahamak.

Nasa tapat ako ng resto at naisipan ko munang umupo sa upuan na nasa labas tutal wala pa namang customer. 

Napatingin ako sa kawalan at iniisip kung kailan ulit ako sasahod ulit. Balak kong lumipat ng apartment. Hindi naman ako manhid para hindi maisip na hindi na rin talaga safe sa inuupahan ko.

Tumayo na ako upang mag-abang ng masasakyan nang lumitaw si Kaleb sa haraapan ko.

“Uuwi ka na?” tanong niya.

Tumango ako at niyuko ang ulo.

“Sumabay ka na sa’kin. Pauwi na rin ako,” aniya kaya umangat ang ulo ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ko. “Maaga pa. Marami pa kayong idi-deliver…” sabi ko.

Ngumisi lang siya at umiling-iling.

“Out ko na rin. Nagpaalam na ako kay Vincent.”

Tumaas ang kilay ko, bahagyang nagtaka pero kalaunan ay tumango na lang din.

“Isasabay mo ako?” hindi ko mapigilang kapalan ang mukha.

Why not? Magkatabi naman kami ng apartment, eh.

He chuckled. “Sure, let’s go?”

Napakagat labi ako at tumango. Tumalikod na siya, nangingiti ang labi kaya sumunod na rin ako sa kaniya. 

Habang tumatagal mas lalo pa akong nagiging komportable sa kaniya. May mga bagay din kaming pagkakapareho na aksidente kong natutuklasan.

But I should've still distanced myself. He already had a girlfriend.

“Line?”

Napatingin ako sa pintuan ng apartment ko nang marinig ang malakas na boses at katok. 

Sumubo ako ng popcorn at binalik ang tingin sa maliit na TV. Nanonood ako ng K-drama kaya ayaw kong tumayo.

“Kyline? Nandiyan ka ba?”

I sighed. “Bukas iyan!” sigaw ko at lumingon ulit pa balik sa TV.

Mabilis na lumipad ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito at iniluwal niyon si Kaleb na may dalang pizza. 

Napaayos ako nang pagkakaupo dahil sa gulat. 

“Hala gagi, niloloko lang kita…” sambit ko na may hilaw na ngiti.

“It’s fine. I insist,” he said as he gently laughed. 

Umusog ako sa pinakadulo banda upang bigyan siya ng espasyo sa kabilang dulo. Umupo siya doon at nilapag ang hawak na pizza sa gitnang lamesa.

Binuksan niya iyon at agad akong naglaway dahil sa masarap na amoy.

“Taray, yayamanin!” I exclaimed. “Pizza Hut pa talaga,” hagikgik ko. 

Lumingon ako sa kaniya na busy pala sa kanyang cell phone. Bumaba ang tingin ko roon at parang may binabasa siya. Baka text ng girlfriend niya. 

Bumalik ang tingin ko sa pizza at umunat ang kamay at pumiksi ng isang slice na pizza. Napadila pa ako dahil sa nanunuot na cheese.

“Hm… yummy,” hindi ko mapigilang magkomento. 

“Mas yummy ako diyan, Line…” tumatawa niyang sabat.

Umismid lang ako at hindi na siya pinansin. Bunmalik ang atensyon ko sa pinapanood at hindi napigilan ang mapatili.

“Jusko inday! Ang rupok mo, Nabi!”

Pinatay ko ang TV dahil naiinis sa palabas na K-drama. Ang rupok.

“Kahit palabas sa TV inaaway mo,” ani Kaleb kaya napabaling ako sa kanya at matalim siyang tiningnan.

Nagtaas lang siya ng kilay at nakangisi. “Tss. wala ka kasing alam,” saad ko at tumayo.

“Where are you going?” 

I sighed. “Kukuha lang ng tubig, Sir…” 

“I want juice.”

Wow, demanding.

“Wala ako niyan. Kung gusto mo bumili ka sa labas,” pagtataray ko.

He chuckled. “Ang damot…”

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na ako patungo sa kusina. Kumuha lang ako ng isang pitsel na tubig at dalawang baso. 

Wala talaga akong juice. Hanggang tubig lang ako. Nakakahiya tuloy baka isipan niya talaga ang damot ko nga.

Nakanguso akong bumalik sa sala. Nandoon pa rin siya at prenting nakaupo habang nagtitipa sa kanyang cell phone.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko nang makaupo.

Lumingon siya sa akin at nandoon ang ngisi niya. Hindi ba nangangalay ang panga niya kakangisi? Ako nga ngumiti lang tamad na tamad na eh.

His brows furrowed. “Nandito ka eh.”

“Malamang day-off ko,” tinaasan ko siya ng kilay at saktong nag-vibrate ang phone niya. 

Tumingin ako roon pero bigla siyang tumayo. Pinanood ko lang siya na mukhang lalabas na. Akala ko magtatagal siya. Bumukas ang pinto kaya napasimangot ako.

Kinuha ko ang popcorn at kumain na lang doon ng marinig ang mahina niyang tawa kaya lumipad pabalik ang tingin ko sa kaniya.

My eyes widened a bit when I saw him holding a paper bag. Nakikita ko ang kabiyak na mukha niya at may ngiti sa labi niya.

May dinukot siya sa kanyang suot na simpleng six pocket short at inabot iyon sa kausap.

“Thank you,” I heard him uttering as he closed the door. 

My eyesight slowly dropped to the paperbag he was holding. Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin doon.

“Ano iyan?” 

He grinned. “Just a drinks…” aniya at naglakad palapit sa akin.

Binuksan niya iyon at isa-isang nilabas ang laman. Mga can juice ang laman at…

“Iinom ka?” nataranta kong tanong.

Tumingin siya sa akin at tumango. “Just two cans of beer,” sabi niya at inabot sa akin ang dalawang soft drinks can.

“Kaleb-”

“It’s okay, Line…”

Hindi ko maiwasang titigan siya habang tinutupi ang paper bag na wala ng laman. Binuksan niya ang can beer bago umupo pabalik sa tabi ko.

“Dalawa lang, hindi naman ako malalasing niyan. Gusto ko lang makatulog…” mahinahon niyang paliwanag bago tinungga ang beer.

Napalunok ako nang masaksihan ang paggalaw ng adam’s apple niya habang nilalagok ang beer. 

Dumako ang mata niya sa akin kaya napaiwas ako ng ulo at aligagang inabot ang softdrinks. 

“Uh, bakit hindi ka nakatulog?” tanong ko upang maibsan ang pagkataranta.

He sighed. “Hindi masyado…” 

Lumingon ako sa kaniya na sumandal sa sandalan ng sofa. Hinilot niya ang kanyang sentido. Napaka swabe ng galaw niya pero makalaglag panga.

Hindi rin nakawala sa paningin ko ang maugat niyang braso at kamay. Nadepina rin ang malaki niyang braso dahil sa simpleng paggalaw niya.

He suddenly smirked. “Staring is rude, Line…” napapaos niyang sinabi kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

“H-Hindi naman ako nakatitig…” depensa ko.

Bumukas ang mata niya at dahan-dahang lumingon sa akin. “You’re blushing.”

Napatayo ako at patakbong nagtungo sa kwarto. Narinig ko ang malakas niyang halakhak kay pagbagsak kong sinara ang pinto.

Para tuloy akong bata na nahuling gumagawa ng kasalanan. Naglakad ako at umupo sa kama at napasabunot sa sariling buhok.

“Ano ba nangyayari sa’yo, self! Nababaliw ka na yata!” sermon ko sa sarili.

Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

Ilang linggo na ang lumipas at sa mga araw na iyon ang daming nagbago. Mas naging close kami at naging malapit sa isa’t-isa.

Almost every day ang naging routine ko ay sumasabay ako kay Kaleb papasok sa trabaho at pauwi. Nakatipid ako at unti-unti nang nawawala ang takot dahil sa nangyari.

Pero madalas nandito siya at walang palya sa pagdala ng pagkain. Hindi ko nga alam kung may natitira pa sa sahod niya.

Speaking of sahod! Sahod ko na sa makalawa at maghahanap na agad ako ng lilipatan.

Makalipas ang halos isang oras na pagkukulong sa kuwarto ay lumabas na ako nagbabakasakaling wala na si Kaleb.

Napangiti ako dahil wala na siya sa sofa ngunit natigilan ako nang mapansin ang paa niyang lagpas sa sofa. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya.

Napailing-iling ako. “Hindi raw malalasing ah…”

Umupo ako paharap sa kaniya at tumapat sa mukha niya. Malalim na ang paghinga niya at pinaghalong mint at beer ang amoy nito. Nakapatong sa noo niya ang kaliwang braso.

Napalabi ako at marahang tinapik ang pisngi niya.

“Kaleb, gising…” marahan kong tinatapik iyon ngunit hindi siya maging-gising hindi ko tuloy mapigilan ang sariling pagmasdan ang mukha niya.

Aminado akong gwapo siya. Ang kaniyang mga mata na natural na tsokolate ang kulay.

Ang makakapal niyang kilay at mahahabang pilikmata. Matangos na ilong at natural na hugis ng labi na mamula-mula. Bumagay din sa kanya ang saktong pagka-kayumanggi ng kaniyang balat. At hindi rin maitatanggi na malinis siya sa katawan. 

Halos walang kapintasan sa pisikal niya at… miskin sa ugali. Kung tutuusin papasa siyang modelo o artista dahil hindi rin naman siya papahuli kung katangkaran lang ang usapan.

“Ang unfair, bakit parang halos lahat ay na sa’yo na?” hindi ko namalayang naisaboses ko pala.

Gumalaw siya ng kaonti kaya nataranta akong napaatras pero hindi naman nagising. Bumuga ako ng hangin bago naisipang umalis. 

“Bahala ka nga d’yan- Ay!”

Napatili ako nang biglang may humaklit sa kamay ko at hindi inaasahang bumagsak ako sa kaniyang ibabaw.

Namimilog ang mata ko sa sobrang gulat na tumitig sa kaniyang nakapikit pa rin pero bakas na ang ngiti sa labi.

“... gising ka na pala,” napalunok ako. 

Dahan-dahan siyang nagmulat at pumungay ang kanyang mga mata. Napatitig ako roon at agad nag-iwas dahil para akong nahihipnotismo.

Humawak ang kamay niya sa ulo ko kaya napasinghap ako. 

“Wala pa sa akin lahat, Line, wala ka pa sa akin…” paos niyang sinabi.

I could feel something uneasy inside of me. My heart was insanely beating as my stomach seemed in chao. 

Akmang tatayo na ulit ako pero mabilis niyang kinabig ang ulo ko at aksidenteng nagkalapat ang labi namin.

My eyes rapidly widened in shock while staring intently at his mesmerizing brown eyes while his lips slowly moving…

‘Teka… ‘yong first kiss ko!’ sigaw ng isip ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status