Share

Kabanata 4

Friends

Napayakap ako sa sariling katawan at patakbong nagtungo sa kusina ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang hablutin niya ang kamay ko. 

“Ang choosy mo naman, Miss…” 

Tumalim ang tingin ko sa lalaki at pilit binabawi ang kamay sa kaniya ngunit mabilis niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sofa.

“K-Kuya, m-magkano po ba ang kailangan n’yo?” halos takasan na ako ng sariling boses dahil kabang lumulukso sa kalooban ko.

Ngumisi ito lalo. “Ikaw ang kailangan ko, Miss…” 

Umiling-iling ako sa kaniya at mabilis na tumayo akmang tatakbo ako pero muli niya akong itulak sa sofa kaya naupo ulit ako. 

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata. “Huwag po please…”

Napayakap ako sa sariling katawan nang inumpisahan niyang tanggalin ang pang-itaas na damit at sunod ang kaniyang sinturon sa pantalon.

Hindi ko na alam ang gagawin kaya napasigaw na ako. “Tulong! Tulong!” 

Matalim na tumitig sa akin ang estranghero at mabilis na tinakpan ang bibig ko gamit ang kaniyang magaspang na kamay. Kinagat ko iyon kaya nawala ang kamay niya sa bibig ko.

Umasim ang mukha ko. Pwe! Ang alat! 

Napaatras ako palayo sa kaniya at muli akong sumigaw. “Tulong!”

“Putangina ka, Miss!” 

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na kaniyang sinampal. Tumingin ako sa kaniya at tanging pang-ibabang saplot na lang ang suot niya.

Napaatras ako lalo sa sofa at parang namamanhid ang pisngi ko. Muling lumapit sa akin ang lalaki at agad na hinawakan ang panga ko. 

“Hmm…” napadaing ako dahil sa sakit ng pagkaka hawak niya.

“Pasalamat ka nga binalik ko ang wallet mo. Hayaan mo dadagdagan ko pa iyan kapag nasarapan ako sa’yo,” anito na para bang normal lang ang ginagawa niya.

Sunod-sunod na namalabis ang luha ko nang padarag niyang binitawan ang panga ko. Sinubukan kong lumayo ngunit mabilis niyang hinablot ang buhok ko. 

“Aray… Kuya please huwag…” pakiusap ko.

Punong-puno na ng luha ang mga mata ko, nanlalabo habang nakatitig sa kaniya na pinagmamasdan akong maigi. 

Please help me…

Napaigtad ako sa pandidiri nang humaplos ang kamay niya sa ulo ko. Tinabig ko iyon at mabilis na lumayo sa kaniya ngunit agad niya na namang nahablot ang buhok ko.

Napahiyaw ako sa sakit.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Masasarapan ka rin naman sa gagawin natin!” sigaw niya.

“Gago ka!” bulyaw ko.

Muli akong nakatanggap nang malakas na sampal mula sa estranghero kaya hindi ko na napigilan ang humikbi dahil sa sakit.

“Kyline? Kyline? Are you there?” 

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses na iyon. “Nandito ako! Tulungan mo ako-”

Mabilis na tinakpan ng lalaki ang bibig ko kaya hindi ko na natuloy ang sinasabi ko.

“Tumahimik ka babae!” anito sa maliit ngunit mariin na tinig.

“Kyline?” 

Kinagat ko ang kamay niya at muling sumigaw. “Kaleb! Kaleb! Tulong!” 

Muling hinablot ng estranghero ang buhok ko. Inaasahan ko na ang paglapat ng palad sa mukha ko ngunit malakas na kumalampag ang pintuan ng apartment.

Nagawa ko pang lingunin iyon at naka-lock. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin!

“Tangina!”

Malakas na napapamura ang estranghero at malakas niya akong tinulak pahiga sa sofa. 

Napatihaya ako kaya mabilis na tumakip ang kamay ko sa mukha nang akmang hahawakan niya ako. 

“No-”

Narinig kong malakas na bumukas ang pintuan kaya naudlot sa ere ang kamay ng lalaki.

“Fuck you asshole!” 

Mabilis na umatras ang estranghero kaya napatakbo ako sa isang sulok ng apartment at saktong may pumasok na bulto ng tao.

Niyakap ko ang sarili habang pinagmamasdan ang taong dumating. Napahikbi ako nang nakita ang gigil sa kaniyang mukha habang pinapaulanan nang suntok ang estranghero.

Nanlaban pa ito pero sa huli naging bugbog sarado hanggang sa unti-unting bumagsak sa sahig ang kaniyang katawan. 

Patuloy pa rin ang pagsipa sa kaniya ni Kaleb kahit na nakahandusay na ito. Tumayo ako kahit nanginginig ang buong katawan at naglakad palapit sa kanya.

“T-Tama na…” pigil ko kay Kaleb at tumitig sa kaniyang mukha.

Madilim na madilim iyon at purong galit ang makikita sa mga kayumangging mata. Lumapit ako ng husto sa kaniya at halos mapayakap sa kaniyang d****b.

“T-Tama na, Kaleb…” 

Dahan-dahan siyang huminto at lumingon sa akin. Unti-unting lumalambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

“Are you okay?” He then checked every angle of my face.

Tumango lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita, masakita ang panga ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong kabigin at niyakap.

Yakap na mahigpit. At sa pagkakataong ito, pakiramadam ko… ligtas na ako sa kaniyang mga bisig.

“Uminom ka muna ng tubig,” anito kaya nag-angat ako ng mukha sa kaniya. 

Inabot ko iyon ng walang imik at dahan-dahang ininom. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot sa d****b.

Marahan siyang upupo at tumabi sa akin.

“Are you really okay now?” mula pa kanina niyang paulit-ulit na tanong. 

Napaigtad ako nang bigla niyang inayos ang magulo kong buhok. Ngunit wala akong pagprotestang nagawa..

“B-Babalik na ako sa room ko-”

“No!” malamig niyang sinabi at tumayo.

Naglakad siya patungo sa kusina niya nakasunod lamang ang tingin sa kaniya hanggang sa bumalik siya na may dalang ice pack.

Tumingin ako sa kaniya na seryoso lang ang mukha. 

“K-Kaleb babalik na ko… kailangan ko pang pumasok sa trabaho,” mahinahon kong sinabi. 

Hindi ko magawang magtaas ng boses sa kaniya dahil sa nagawa niya. Para bang kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

“Dinampot na ang lalaki at dinala sa presinto. Ako na bahala roon. Nakausap ko na rin ang landlady sa pagkasira ng pintuan at-”

“At gusto niyang bayaran ko?” agap ko at tumitig sa kaniya.

Nanatiling seryoso ang mukha niya ngunit hindi nawawala ang pag-aalala sa mga mata.

Lumabi siya at tumabi ulit sa akin. Inayos niya ang buhok ko. Inipit niya ang mga natitirang hibla sa likod ng tainga at marahas siyang napabuga ng hangin.

“Aw…” hindi ko napigilan ang mapadaing nang ilapat niya ang ice pack sa pisngi ko na ilang beses nakatanggap ng mabigat na sampal.

“Sorry, masakit ba? Namumula at baka mamaga pa iyan. Dadalhin na kita sa hospital-”

“Huh, anong hospital! Wala lang ‘to…” agap ko.

Napatingin ako sa kaniya at para bang may malalim na iniisip.

He sighed lightly. “Fine. let me compress it so it won’t swell…” offer niya pa at dinampi-dampi ang ice pack.

“Ako na Kal-”

“Nah, ako na,” pagpupumilit niya. 

Hindi na ako nagprotesta dahil sa pamamanhid ng buong pisikal.

Napasandal ako sa upuan. Napatingala at dahan-dahang pumikit. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha nang naalala muli ang nangyari.

“Akala ko talaga kanina…”

“You’re safe now, Kyline…” Kaleb’s voice makes me feel something warm inside.

Dahan-dahan kong naramdaman ang kamay niyang pinupunasan ang luha ko kaya unti-unti akong nagmulat.

Napalunok ako habang nakamasid sa kamay niyang nasa harapan ko at dahan-dahang lumingon sa kaniya.

He was smiling now while gently pressing the ice pack on my cheek. 

“Siguro naman pwede na tayong maging magkaibigan?” nagulat ako sa tanong niya kaya napaupo ako nang maayos. 

Tinitigan ko siya ng taimtim mula ulo hanggang paa at sunod na tinaasan ng kilay. 

“Mahirap ka lang din ba?” tanong ko.

Biglang nahulog ang hawak niyang cold compress kaya tumingin siya roon. Dinampot niya iyon at muli niyang nilapat sa pisngi ko at tipid na ngumiti.

Napanguso ako.

“Mahirap ka lang din ‘di ba?” tanong ko.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Hindi naman siguro siya papayag maging delivery boy lang kung kaya sila sa buhay.

Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti. “Oo,” tipid niyang tugon.

Tumango-tango ako at bumalik sa pagkaka sandal. “That’s good. Ayoko kasi sa mayaman eh.”

Napapikit ako dahil para akong narerelax sa pagdampi-dampi ng ice pack sa pisngi ko. 

“Bakit ayaw mo?” tanong niya.

Napangisi ako. “Mga manloloko…”

Mahina siyang tumawa ngunit parang may bahid iyon ng pangamba. “Hindi naman siguro lahat manloloko,” opinyon niya.

Nagkibit balikat na lamang ako.

“Basta ayoko sa mayaman. ‘Di bale ng magkanda kuba-kuba ako sa trabaho. Basta hindi ako papatol sa mayaman kahit mabenta ang ganda ko sa kanila,” sabi ko at mahinang natawa.

“Oh, self-confidence-”

“Syempre ‘no! Ang dami ko kayang mayayaman na manliligaw,” pagmamalaki ko sa kaniya.

Natahimik siya kaya nabalot kami ng katahimikan. Hindi na rin ako nagsalita. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong tumutunog na cellphone kaya napaayos ako ng upo. 

Luminga-linga ako bago lumingon kay Kaleb na nakatitig sa akin. “Hoy! Sa’yo yata iyon,” pukaw ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo at napangisi. “Oo nga…”

Tumayo siya at dinampot niyang cellphone na nasa tabi niya pala.

“Excuse lang,” paalam niya at naglakad palayo.

Naiwan akong nakatulala dahil iyong cellphone niya hindi pang estadong mahirap… Apple Iphone 13 Pro Max. U-Updated version ng iphone brand. 

Napakurap-kurap ako habang nakasunod ang tingin sa papalayo niyang bulto.

“N-Nagsisinungaling ba siya?” tanging nasambit ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status