Share

Kissing The Scars
Kissing The Scars
Author: exjhayy

Simula

Simula

"Hi, Kyline..." 

Mabilis akong napaismid sa kawalan nang narinig ang boses na iyon. Imbis na harapin siya ay naglakad ako papasok sa loob ng kitchen.

"Teka-"

Napahinto ako at nakabusangot na lumingon sa kaniya.

"Pwede ba Darryl! Tigilan mo ako!" inis kong sinabi pagkuwa'y tumalikod na ulit.

I then heard him sighed. "Gusto ko lang naman kumustahin ka kung okay ka lang-" 

"Okay lang ako. Okay na okay. Kaya pwede ba? Huwag mo na akong lapitan?" umismid ako dahil sa inis. 

"I can't, Kyline. You know, I like you..." he confessed again.

"Ah! Bahala ka!" iritado akong napasabunot sa sariling buhok bago nagmartsa palayo sa kanya. 

Bahala siya sa buhay niya! Porket pinagsabihan niya ang mga nambabastos na customer kanina sa akin, feeling close na siya? Neknek niya 'no!

"Oh, bakit gan’yan na naman 'yang mukha mo?" salubong na tanong ni Kendra.

Napabuga ako nang marahas na hangin habang inaayos ang tray ng pagkain. "As usual," saad ko. 

I suddenly frowned when I heard her giggle.

"Si Darryl na naman 'no?" she'd guests.

I sighed. "Sino pa nga ba?" 

"Bakit ba ayaw mo kay Darryl, Kyline? Gwapo naman siya, mayaman, mabait at... malaki pa ang..."

"A-Ang?" nanlalaki ang mga mata kong sabat.

Tinitigan niya ako gamit ang mapanuksong mata kaya umasim ang mukha ko.

"Ikaw ha! Syempre malaki ang pasensya," she then laughed. "Bakit nga ba ayaw mo sa kaniya? Haler! Perfect package na kaya 'yon! Idagdag mo pang mayaman. Jackpot ka na, gaga!" 

Napailing ako.

Binuhat ko ang tray ng pagkain bago tumingin sa kanya. "Ayoko sa mayaman, Kendra. Hindi ako nangangarap ng mayaman," paliwanag ko. 

Ayoko ng maulit ang nangyari kay mama na pagkatapos anakan ng isang mayaman ay iniwan na lang hanggang sa nagkasakit at namatay.

Napailing na lang ako nang mapansing bigla siyang natulala habang nakatingin sa likuran ko. Huminga akong malalim bago naisipang i-serve ang mga nakahanda ng order. 

Subalit bigla akong napalabi nang nakitang nasa hamba pala ng pintuan si Darryl at nakasandal, nakapangkrus ang dalawang braso sa d****b.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ang seyoso niyang mukha habang nakatingin sa akin.

He then sighed. "Ang babaw ng dahilan mo, Kyline," anito.

Mariin kong pinikit ang mga mata sa umuusbong na inis bago muling nagmulat.

"I don’t care! Alis nga d’yan, dadaan ako! At wala kang pakialam kung anong dahilan ko!" pagtataray ko bago maglakad ngunit agad din akong napahinto dahil hindi kami magkasya sa daan lalo na at may dala akong tray. 

"Sabi ng alis-"

"Hindi na ba mababago ang isip mo? Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo," marahan niyang bulong. 

Mas lalong bumusangot ang mukha ko at napairap sa kawalan.

"Kyline..." 

Bumuntong hininga ako. "Salamat okay. Thank you for always saving me. Lalo na kapag may mga nagbabalak ng masama sa akin. Pero Darryl, ayoko. Ayokong makipagkaibigan sa'yo," mahinang sabi ko. 

Napansin ko agad ang bumalatay na kakaibang emosyon sa mga mata niya ngunit bigla rin itong naglaho at naging malamig. 

"Why?" 

I laughed mockingly. "I don't want to be friends with you, Darryl. Dahil mayaman ka at mahirap ako. Ayoko mapag-usapan ng karamihan. Mahirap bang intindihin ‘yon?" 

Halos maubos na ang pasensya ko dahil sa kakulitan niya. Ilang buwan na rin siyang nagungulit at paulit-ulit kong tinataboy. Gusto ko lang naman magtrabaho ng matiwasay.

"I’m not rich, Kyline. It was my parents who’s wealthy.”

Malakas akong natawa dahil sa sinabi niya. "Stop joking, Darryl. Pera man ng magulang mo iyon, ikaw pa rin ang magmamana. Kaya tumigil kana.”

Napaiwas siya ng mata sa akin at napalabi. Dumiretso siya nang pagkakatayo bago muling tumingin sa akin. “Kyline—”

"Stop pursuing me, Darryl. Dahil sa katulad kong mahirap lang ako makikipagkaibigan!" inis na sambit ko.

Mabilis akong humakbang sa gilid niya dala-dala ang tray. Dahil sa kakulitan niya naapektuhan na ang trabaho ko.

Paglabas sa kusina ay nagpakawala agad ako ng malapad na ngiti sa labi bago sinerve ang mga order. 

Ilang minuto ang lumipas. Napabaling ang ulo ko sa puwestong kinaroroonan ni Darryl. Nandoon pa rin siya at matamang nakatitig sa akin.

Napakagat labi ako.

I felt guilty for saying those harsh words and I regret it. I shouldn't have said those words to him. Pero anong magagawa ko, ayoko talaga sa mayaman. Kaya ko naman umangat ng hindi lumalapit sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako at naiiling sa kawalan bago nagtungo sa mga bagong pasok na customer upang kunin ang kanilang order. 

_

Ilang araw ang lumipas hindi ko na nakita pa si Darryl. Pero nandito pa rin siya at patuloy na umo-order sabi ni Kendra. 

Hindi ko alam pero parang hinahanap-hanap ko ang presensya niyang nangungulit sa akin araw-araw sa hindi malamang dahilan. Pero wala talaga, nasanay lang ako pero buo ang pasya ko.

Pabalik na sana ako sa kusina dahil kaka-serve ko lang ng order nang may biglang nag-abot sa akin ng bottle of soft drinks.

Dahan-dahan kong nilingon ang may-ari ng kamay na ‘yon at ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita ang hindi pamilyar na mukha.

"Inumin mo muna iyan habang malamig, break time naman eh..." aniya. 

Alinlangan ko iyong tinanggap at tipid na ngumiti. "Salamat." 

I was about to turn my back on him when he suddenly grabbed my wrist, I quickly looked back at him as I frowned.

Nagkakamot siya ng ulo habang nakatingin sa akin.

Hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang pisikal. Nakapangsuot siya ng uniform katulad sa amin pero pang delivery boy ang ayos niya. 

“Bago ka?” tanong ko.

Tipid siyang ngumiti at tumango. Para akong natulala dahil sa maputi at pantay-pantay niyang ngipin na parang alagang-alaga.

“Delivery boy?”

Parang hindi halata sa kaniya lalo na kung pagmamasdan ang kaniyang mukha ay… p-parang may ibubuga sa buhay.

“Yes, I’m Kaleb. How about you?” tanong niya at naglahad ng kamay sa harap ko.

Tumaas ang kilay ko dahil sa boses niya. Tiningnan ko lang ang kamay niya at imbis na sagutin siya ay tumalikod ako. Parang mayaman eh.

Natapos ang buong maghapon na hindi ko talaga nakita si Darryl sa restaurant ni anino niya. Siguro nadala na siya. Abay dapat lang, dahil kahit anong gawin niya hindi ako papatol sa mayaman.

Ang isang araw ay nasundan nang nasundan hanggang sa humantong ng isang linggo.

Naging tahimik ang buhay ko sa trabaho dahil walang nangungulit pero parang may hinahanap ang mga mata ko sa tuwing mapapadako ang paningin sa mga delivery boy.

Dahil wala roon si Kaleb na kauna-unahang nakakuha ng atensyon ko sa lahat ng nakikipag-usap sa akin.

Kinagabihan. I was walking in the dark road to go home but fear suddenly enveloped my whole system when another group of boys blocked my way. 

Nangatog ako sa kaba at mabilis na namasa ang mga mata ko sa takot dahil sa mga napapanood kong mga nangyayari sa TV. 

And at this moment I immediately think about Darryl. Na madalas nakasunod sa akin kapag naglalakad.

I hope he's here again. But who am I kidding? I pushed him away.

Napaatras ako bigla nang napansin ang mga matang tutok na tutok sa puwesto ko. Nagkatitigan pa silang lahat bago sabay sabay na naglakad palapit sa akin.

"Huwag kayong lalapit!" sigaw ko sa kanila, my voice trembled.

Patuloy akong umaatras at halos patakbo na ang ginawa ko nang biglang tumakbo ang isa at nagtungo sa likuran ko. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa.

Tuluyan nang namalabis ang luha ko sa aking mga mata ng akmang hahawakan nila ako. But then a baritone voice suddenly shouted. 

"Don't touch her!"

Mabilis akong napalingon sa pamilyar na boses na 'yon, as I saw a man standing near to us. Kalmado lamang siyang nakatayo ng diretso at nakapamulsa ang dalawang kamay. 

I couldn't clearly see his face dahil madilim sa kinaroroonan niya. Hanggang sa magsalita siyang muli.

"Run or die?"

I was frozen where I was standing right now when his voice suddenly turned into an icy tone that made my spine shiver.

We heard him humming something as soon as those guys quickly ran away. 'What just happened?' I asked myself.

  

Naiwan akong nakatulala at hindi maalis ang mata sa lalaking dumating. Nang bigla itong tumalikod sa akin at naglakad paalis.

Pero parang pamilyar talaga siya. Pati na ang kanyang boses, ang kaibahan lamang ay mas malamig ang kaniya.

"Sandali!" I stopped him. 

I smiled a bit when he stopped but he didn't turn his back at me. "Sino ka? Can I know you?" I asked. 

I heard him sighed heavily.

"I'm just nothing, Miss. So don't bother," he said. “Next time just commute instead of walking in the middle of a dark road,” he ordered as he continued walking away. 

Napatitig na lamang ako sa pamilyar na papalayo niyang bulto na nababalot ng itim na kasuotan kasabay nang muling pangingilid ng panibagong luha sa mga mata.

"If only I didn't push Darryl away. Maybe... maybe he is still here saving me from those assholes. But then I still owe that mysterious man for arriving ang threatening those guys," I muttered to myself. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status