HINDI UMUWI SI Liberty nang gabing puntahan ito ni King sa kanilang bahay. Labis niyang pinag-aalala na hindi na ito muling babalik sa kanilang bahay dahil sa ginawa niyang pagkulong sa asawa. Nagsisisi rin siya sa naging desisyon nang ikulong ito sa sariling kwarto nang hindi inaalam ang buong kwento nang makasama nito si King nang gabing nasa ibang bansa siya.Saka niya lamang napagtanto na lumipas ang kaarawan ng asawa nang wala siyang kahit na anong pagbati at regalo na ibinigay rito. Nagawa niya pang pasakitan ito habang ang kasama naman pala nito nang hatinggabi ay si Rufa at ang nobyo nito na amo ni Liberty. Ngunit paninindigan niyang wala siyang kasalanan. Nahuli sa pagbibigay ng impormasyon ang kanyang tauhan at nakalimutan pa ang pinakamahalagang kailangan niyang malaman.“Send it to Liberty,” sabi niya sa kanyang secretary habang kausap ito sa cellphone. “Add a birthday greeting message to her even if it’s late.”“S-sure po kayo?” gulat na tanong ng secretary niya. “Hindi po
HINDI NAKATANGGI SI Liberty nang ang mismong ang ina ni King ang nag-imbeta sa kanya na pumunta sa bahay ng mga Salvantez dahil sa gaganaping pagtitipon doon. Ang selebrasyon na iyon ay para sa agarang paggaling nito sa sakit na naging matagal na problema ni King.Kahit na ayaw niyang makita ang asawa dahil sa naging pag-aaway nila ay wala siyang magagawa. Kinuha niya na ang lahat ng gamit nang magdesisyong umalis sa bahay nito. Sa pagkakataong iyon, kung papayagan ng tadhana, wala na siyang balak na bumalik pa.Kasama niya ngayon si Ruffa at ang kaibigan ang nag-aayos sa kanya upang maging presentable siya sa gagawing selebrasyon.“Totoo na ba iyang pag-alis mo sa bahay ng asawa mo?” nagdududang tanong nito sa kanya.Bahagya ang naging pagngiti niya rito. “Sana totoo na—aray, Bakla!”Masama ang naging pagtitig niya sa kaibigan matapos siya nitong batukan.Tinaasan naman siya ng kilay ni Ruffa. Makikita sa paraan ng pagtitig ng kaibigan niya na hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bib
GANOON NA LAMANG ang pag-iling ni Benjamin nang makita ang kapatid na si King at si Liberty na matapang na nagagawang mag-usap sa harap ng maraming tao sa kabila ng mga agam-agam na kumakalat sa kanilang paligid.Wala siyang balak na makialam sa away ng kanyang pamangkin at kapatid. Isa lamang siyang tagamasid mula sa malayo. Hahayaan niyang maging ganoon ang senaryo hanggang sa makita niya ang mananalo. Kung sinuman iyon ay siya niyang gagawing kakampi sa huli at itutulak sa mas malaking plano niya hanggang siya na lamang ang matira na magiging tagapagmana ng mga Salvantez. Ngunit, ang pangingialam ni Liberty sa kanyang kwarto at paghihinala nito sa kanya ang dahilan para makisali na siya sa mga nangyayari na malayo sa una niyang binabalak. Kailangan niya na ngayong lumabas sa matagal na pagtatago sa kanyang lungga upang ipakilala ang sarili…Ang pinakaayaw niya sa lahat ay may nangingialam sa kagamitan niya. Parati na ring naglilihim sa kanya si Duncan na dati naman nitong hindi gi
NAGTATAKA SI KING nang hindi niya na matanaw si Liberty mula sa dati nitong pwesto kanina. Kilala niya ang babae, nanatili lamang ito sa isang direksyon lalo na kung hindi ito palagay sa mga taong nakakasalamuha. Akmang hahanapin niya na ito nang bigla na lamang magpakita si Benjamin at kaswal siyang inabutan ng alak. Hindi niya iyon kaagad na tinanggap. Salubong pa ang kilay niya habang nakatingin dito. Hindi siya malapit sa kahit na sinong kapatid o kahit na sinong miyembro ng mga Salvantez. Kahit nga ama niya ay pinakikitunguhan niya lang ayon sa kagustuhan ng ina.Hindi naman siya masisisi ng mga ito lalo pa’t hindi siya lumaki sa poder ng mga Salvantez. Mas sanay siya na nag-iisa at ginagawa ang mga bagay na gusto niya kaya nga pinili niya ring magsulo ng kompanya.Sa kabila ng kanyang pagdududa, tinanggap niya pa rin ang alak na ibinigay ng kapatid noong huli. Hindi siya gagawa ng eskandalo sa mismong araw ng selebrasyon ng nanay niya. Ngayon lamang nito naranasan ang engrande
HALOS MABALIW-BALIW NA sa paghahanap si Duncan kay Liberty ngunit hindi niya pa rin makita ang asawa. Gusto niya pa naman itong makausap tungkol sa ginawang nitong pagbato sa iniregalo niya at makiusap dito na bumalik na sa kanilang bahay ngunit mukhang hindi iyon magiging madali lalo pa’t mukhang desidido na itong hiwalayan siya.“Hindi iyon mangyayari!” malakas niyang sambit sa sarili habang pabalik-balik sa paglalakad sa labas ng pavillion. Ganoon kalayo ang nalakad niya mahanap lang ang asawa. Ngunit dahil bigo siya, wala siyang magawa kung hindi ang bumalik na lamang sa selebrasyon.Itinatak niya sa isipan na hindi pwedeng may makapansin ng pagkakalabuan nila ng asawa lalong-lalo na na ang lolo niya. “Hindi ko rin nakita ang uncle!” malakas ang naging pagmumura ni Duncan nang maalala na bigla na lamang ding nawala ang tiyuhin niya sa selebrasyon kanina.Sa isiping maaaring magkasama ang dalawa ay ganoon na lamang ang pandidilim ng paningin niya. “Walang relasyong namamagitan sa
PILIT NA PINIPIGIL ni King ang galit niya nang magising sa banyo ni Duncan. Dahil sa matinding epekto ng dróga at tama niyon sa katawan niya ay hindi niya nakayanan ang mga nararamdaman at nakatulog nang hindi niya namamalayan. Hindi niya makakalimutan ang naramdaman kagabi na para bang hindi niya na alam kung ano ang totoo sa hindi habang nasa loob ng banyo. Pakiramdam niya rin ay ilang ulit siyang nagkakasala kahit ang totoo’y wala naman siyang ginagawa sa loob ng banyo dahil sa tama niyon sa kanyang utak.Para makaramdam ng ganoon ay tila ba bangungot sa kanya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagkababa ng sarili dahil sa paglalaro ng kapatid niya sa kanya.Hindi kaagad siya lumabas ng kwarto ni Duncan, si James ang ipinatawag niya kasama ng family doktor nilang mga Salvantez. Mukhang hindi rin alam ng mga tao sa bahay na narito siya sa kwarto ni Duncan dahil nagulat pa ito nang mabungaran siya doon.“S-sir?” gulat na tanong nito sa kanya nang makita siyang nakahiga sa kama.“Wher
HINDI NA NAG-AKSAYA pa ng panahon si Liberty. Kaagad na siyang nakipag-usap sa lawyer na ibinigay ng kanyang mga kaibigan katulad na rin ng naging payo sa kanya ni King. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkakaroon na siya ng lakas ng loob na magkipagkita isang araw sa abugado para hiwalayan ang asawa.Sinabi niya rin sa kanyang asawa ang mga property na kailangan nilang paghatian kung sakaling matuloy ang hiwalayan. Hindi lang naman kase ito ang nagmamay-ari niyon. Ang iba roon ay nararapat niyang makuha dahil sa tagal niyang nagtrabaho sa kompanya nang tanging silang mag-asawa lamang ang nakakaalam.“We also had an agreement that I can get my money whenever I needed it,” sabi niya sa attorney. “Pero kilala ko si Duncan, hindi siya papayag na maibigay ang para sa akin. Iipitin niya ako hanggang sa ako na mismo ang sumuko at bumalik sa kanya.”“We will do our best, Miss Liberty.”“Kung hindi ko makukuha ang mga iyon, wala na akong pakialam, Attorney. Ang gusto ko l
“KANINA KA PA ba riyan, Liberty?” gulat na tanong ng Ate Leslie niya.“Sapat lang para marinig ko ang mga sasabihin niyo,” sabi niya sa dalawa habang pilit na kinakalma ang sarili. “Sapat lang para mabuksan ang isipan ko na wala na palang pag-asa ang pamilyang inilalaban ko.”“L-liberty… ano kase—”“Leslie!” suway ng Nanay Milagros niya.Saglit niya itong tinitigan. Makikita sa paraan ng pagtitig niya ang hindi makapaniwala at may kasamang panghuhusga.“Mayaman? Mahuthutan ng pera?” hindi niya makapaniwalang sambit sa dalawa habang nagsisimulang tumulo ang kanyang luha. “Ano bang akala niyo sa akin, bangko ninyo na kapag kailangan niyong mag-withdraw ay kukuha lang? ‘Yong perang kinikita ko, pinaghihirapan ko iyon, Nay! Hindi ko lang pinupulot sa kung saan.”“Napakabalat-sibuyas mo naman—”“Kase tao ako!” may diin niyang sambit sa ate niya. “Normal lang na ganito ang maramdaman ko kase iyong pinagkatiwalaan kong pamilya, handang ilaglag ako para sa pera.”“Hindi mabubuhay ang tao nang
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa