Home / All / Just a Job / Chapter 1.2

Share

Chapter 1.2

Author: sonorouspen
last update Last Updated: 2021-08-20 08:36:11

Vera’s Point of View

"Mayor, este Tito, alam po ba ni Madam Charlotte ito?" tanong ko na pinatutungkulan ay ang asawa niya. 

"Tita na lamang din ang itawag mo kay Charlotte. Anyway, wala rin siyang alam dito. Ako at ang mga kasamahan mo lamang sa trabaho at syempre, kasama ka na ang nakakaalam lamang nito," pahayag ni Tito Stan. 

"Ah, okay po. Paano niyo po nasabi kay Tita Charlotte ang tungkol dito sa kasal kuno?" pang-uusisa ko pa. 

"Noong una, ayaw niya pero, pumayag na rin dahil, tumatanda na rin daw si Ares kailangan na niyang makakilala ng taong pwede niyang pakasalan. Kaya sinabi ko, ang araw na ito ang pagdating ng babaeng napili ko. Wala akong sinabing pangalan dahil, akala ko iba ang darating. Nabalitaan ko lang kanina na ikaw pala iyon, hija," saad ni Tito Stan na nagpatango sa akin. 

Unang lumabas si Tita Charlotte na nakasuot lamang ng isang kaswal na kasuotang pambahay. Nang matanaw niya agad ako ay agad na kumunot ang noo niya at alam kong nagtataka siya kung bakit, ako ang nakita niya. 

Well, kilala niya rin kasi ako dahil, kaibigan nga nila ang parents ko at kaibigan ko rin naman ang anak niyang si Ares. 

"Verania? Ikaw ang napili ni Stan?" nanlalaking mata na bulalas ni Tita Charlotte. 

Napangiti ako ng pilit at napatango agad. 

"Yes po, Tita Charlotte," saad ko at agad na napabaling siya sa kanyang asawa. 

"Stanley, si Verania talaga huh?" rinig kong saad ni Tita Charlotte. 

"Bakit? May masama ba?" sagot ni Tito sa kanya at kumunot ang noo ni Tita Charlotte sa kanya at mas lumapit kay Tito. 

"Meron Stan, sundalo si Verania! Delikado ang buhay niya! Paano na lamang kapag pumayag nga si Ares na pakasalan siya? Akala ko ba, inilalayo mo ang anak natin sa gulo?" bulong ni Tita na hindi ko na maintindihan dahil, mahina na lamang 'yon. 

Habang naghihintay kami ay lumipat na kami sa gawi kung saan naroon ang mga sofa. Doon kami umupo para maghintay sa dalawa pa nilang anak. Ito ay si Olivia na siyang bunso at syempre, ang panganay na aking babantayan at aalagaan dahil sa kundisyon niya sa ngayon, si Ares. 

Habang naghihintay, biglaan na lamang pumasok sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Ares bago siya maaksidente. May pinopormahan siyang doktora! Wala bang alam ang parents niya tungkol doon? 

Hindi ko naisip ang bagay tungkol doon! Paano na lamang kung sila na pala ng doktora na binabanggit niya? Ano na lang ang sasabihin ng babaeng iyon kay Ares? Baka isipin pa niya, mang-aagaw ako!

Napailing na lamang ako sa iniisip ko. Basta, ang mahalaga peke lang naman ang lahat ng ito, walang maagaw at walang mang-aagaw. 

Nang saktong pagbuntong hininga ko, ay ang paglabas ng dalawa sa kanilang mga lungga. Si Olivia ay tulak-tulak ang wheelchair ni Ares. Kaya siguro sila nagtagal kasi hinintay pa ni Olivia si Ares.

Kilala ko na si Olivia noon pa man dahil matagal ko na rin namang naging kaibigan si Ares. Pero hindi kami naging magkaibigan ni Olivia, ewan ko ba, magkaiba yata kami ng taste. Mas gusto ni Olivia ang mga elegante at may dating na babae. Ako kasi tamang yabang lang ang mayroon ako. Biro lang, normal lang na babae ako mayabang pa. Biro lang talaga, normal lang at hindi elegante o ano man. 

Ang mga kaibigan ko, madalas ay lalaki. May babae man madalas kasama ko rin sa trabaho. 

Meron man akong ka-close na babaeng ganoon ang datingan kagaya ng style ni Olivia, ang ate ko pa na si Ate Mavis. She likes fashion and actually isa siya sa mga pinakakilalang designer under Armendarez Apparel Company, isang kumpanya na sikat sa buong bansa ganoon na rin internationally, kaya naman madalang lamang umuwi sa Ate Mavis sa bahay. 

Anyway kahit ganoon ang buhay niya, magka-close pa rin naman kami, syempre hindi naman maiiwasan iyon dahil magkapatid kami. 

"Verania?" gulat na wika ni Olivia sabay lingon kay Ares at sa kanyang ama na si Tito Stanley. 

"Anong ginagawa niya rito?" malamig ang pananalita ni Ares kaya naman ilang beses akong kumurap. 

"Ikaw na ang magpaliwanag," nakangiting saad ni Tita Charlotte sa asawa niya. 

"Dahil nga sa nangyari sa 'yo, I thought of something that could really help you deal with that kind of thing," panimulang pahayag ni Tito Stan na nagpa-arko sa kilay ni Olivia. 

"I think, you will need someone who can help you or guide you anywhere. Si Verania ang magiging pansamantalang driver mo at bodyguard," saad pa ni Tito Stan. 

"Is that all?" mataray na saad ni Olivia habang nakatingin sa kanyang ama at agad inilipat ang mata sa akin, sabay taas ng kilay. 

"Olivia, manners," babala ng kanyang ina na nagpa-singhap sa kanya. 

"Verania will also be your house nurse," saad ni Tito Stan sabay sulyap sa paa ni Ares. 

"Nurse? I don't need her, I know someone. Actually, doktor pa siya. You can hire her," hayagang pagtanggi ni Ares sa nais ng ama. 

"Makuntento ka sa nasa harap mo Ares. Halos lahat ng kailangan mo sa ngayon ay na kay Verania and one of the best things she have, is my trust," kalmado na saad ni Tito Stan, kaya kumunot ang noo ni Ares sabay tingin ng masama sa akin. 

What the heck did I do? Ramdam ko na ang pagsusungit niya sa akin. As far as I remember, hindi naman kami nag-away dalawa last time na nag-usap kami, which was way before he got an accident and it is actually—a week ago. 

"Iyon lang ba Dad? I have loads of things to be busy with," malumanay na wika ni Ares, kaya napasinghap ang kanyang ama. 

"There's another thing you need to know," dagdag pa ni Tito Stan sabay lingon muli sa kinaroroonan ni Ares. 

"Gusto kong magkakilala pa kayo ng lubusan ni Verania because I am arranging a marriage for the two of you," saad ni Tito Stan na naging sanhi ng katahimikan sa paligid. 

Si Ares naman ay tinungo ang kinalulugaran ko gamit ang kanyang mga mata. Kunot ang kanyang noo na siguradong dahil sa pagkagulat, pero ramdam ko rin naman ang galit niya. Sino ba naman ang hindi magagalit, alam ko na may pino-pormahan na siya tapos, naaksidente lang siya, balak na akong ipakasal sa kanya. 

"Marriage? Oh, funny. I think, hindi na ako kailangan dito," saad ni Olivia at napansin ko pa ang pagtaray niya sa akin bago siya tuluyang umalis. 

Tatawagin pa sana siya pabalik ni Tita Charlotte nang pigilan siya ni Tito Stan at sinabing hayaan muna raw ang anak.

"Dad, marriage? Kailan ka pa naging payag sa arranged marriage? Akala ko ba, ayaw mo ng ganito? Bakit mo naman ginagawa sa akin?" inis na saad ni Ares. 

"Ares, this is for your own sake," kalmadong sagot ni Tita Charlotte at mariing napapikit si Ares dahil siguro sa sinabi ng ina. 

Nang magmulat siya ay agad na dumiretso ang mga mata niya sa akin. 

"Pumayag ka rito? Akala ko ba, ayaw mo ng kasal?" matapang na tanong niya na nagpayuko na lamang sa akin. 

Wala naman kasi akong masasabi kaya, yumuko na lamang ako. Wala naman akong magagawa, ganito ang plano isa pa, pansamantala lamang ito. 

"Ares? Is that how you behave to your friend which was soon to be your wife?" kalmado na tanong ni Tita Charlotte. 

"Why are you mad at her?" tanong pa ni Tita Charlotte na mukhang hindi pinansin ni Ares. 

"Hindi mo ko dinalaw ni-minsan sa ospital tapos darating ka ngayon sasabihin mo magpapakasal tayo?" inis na saad niya kaya napaangat ang ulo ko. 

"Wait Ares, nagagalit ka ba dahil, hindi kita dinalaw sa ospital?" tanong ko pero, nanatili sa pwesto ang halos magdikit niyang kilay. 

"Tsk, bahala ka d’yan!" angil niya at ginalaw mag-isa ang wheelchair niya hanggang sa, may dumalo sa kanyang isang kasambahay para tumulong which is hinayaan niya na lamang. 

"Vera, you think you can make my son like this arrangement?" nag-aalalang tanong ni Tito Stan. Lumipat ang mga mata ko kay Tita Charlotte na seryoso lamang ang titig sa akin. 

"I will try my best po," saad ko at ngumiti sila sa akin sabay turo kay Ares. Naintindihan ko naman ang pinararating nila kaya, agad akong sumunod kay Ares. 

Ares…Ares, I will do everything to make you like this kind of arrangement made between the two of us, even if this is just a job. 

Napangiti ako nang naisip ko iyon, let the game begin.

 --

snsp

Related chapters

  • Just a Job   Chapter 2

    Vera's Point of View"Breakfast ready!" sigaw ko, nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto ni Ares. Oo, breakfast in bed ang mokong, tamad daw siyang umalis sa kama, iyon ang narinig ko sa mga kasambahay kaya sa kwarto siya mag-aagahan.Kahapon nalaman ko na magkatapat lang kami ng kwarto at pareho kaming nasa ground floor lang din dahil mahirap bumaba sa hagdan ng naka-wheelchair."Put it here tapos, pwede ka nang umalis." masungit na wika niya kaya umikot ang aking mga mata. Umagang-umaga, ang sama ng timpla!Hanggang ngayon ba naman, masungit ang nilalang na 'to? Ano ba ang ikinakagalit niya? Ang mismong ideya ng pekeng kasal na hindi niya alam na peke o iba pang mga dahilan na tanging siya lang ang nakakaalam dahil, ayaw niyang magsabi? Hay ewan, napaka-unpredictable talaga minsan ng utak ni Ares eh, minsan gusto ko nalang siyang sapakin. Joke, baka matang

    Last Updated : 2021-08-20
  • Just a Job   Chapter 2.2

    Vera’s Point of ViewGaya nga ng sinabi ko, lumabas ako at lumingon-lingon muli sa paligid. Ligtas kami rito dahil walang suspicious sa paligid.Habang kasalukuyan akong nakatingin sa entrance at exit ng hospital, halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko.Noong una akala ko si Ares, pero nang lumapit ito sa akin ay agad na nagbutil ang pawis ko.Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaba, sa nerbiyos at hindi mapaliwanag na bagay-bagay. Si Alder ang nasa harap ko. Kaibigan kong doktor din at ngayon ko lang naalala na rito rin pala ang ospital kung saan siya naroon."Alder!" agad na bati ko at pilit na kinalma ang sarili."Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong niya kaya, agad akong napalingon sa sasakyan. Tinted ang salamin na meron iyon pero mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating

    Last Updated : 2021-08-20
  • Just a Job   Chapter 3.1

    Vera’s Point of ViewAraw ngayon ng sabado. Hinihingal na napahiga ako sa sahig ng aking kwarto matapos ang 8 minutes na pagtalon sa jumping rope at 3 minutes na push ups, 5 minutes na squat thrusts at 5 minutes na hip dips. Hinihingal na tumayo ako mula sa exercising mat ko. Nanghihinang iniabot ko ang tubig at ininom ito ng diretso. Agad akong dumiretso sa bathroom ng kwarto at naligo ako agad. 6:00 na nang umaga at 7:00 ang oras ng pagbisita ni Clara na siyang girlfriend na ngayon ni Ares. Sinabi niya kasi sa akin ang bagay na iyon kaya alam ko. Sinabi niya rin hindi raw dapat akong ma-late sa pag-aayos dahil may balak siyang ipagawa sa akin. Nang matapos ang ilang minuto tapos na akong maligo at nagbihis na agad. Sinuot ko ang asul na fitted t-shirt ko at track pants na kulay gray. Sinuot ko rin ang kulay puti kong cap at ang tsinelas na pambahay. Saktong six-thirty nang lumabas ako ng aking kwarto at dinerets

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 3.2

    Vera’s Point of ViewPagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin."Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares."That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko.Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas."Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa.Tini-trip niya ba ako?!"Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya.Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, h

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 4.1

    Verania's Point of ViewDahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants."Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig."Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin."Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya..."Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya."Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako."Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika k

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 4.2

    Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 5.1

    Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V

    Last Updated : 2021-10-20
  • Just a Job   Chapter 5.2

    Verania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p

    Last Updated : 2021-10-20

Latest chapter

  • Just a Job   Wakas

    Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh

  • Just a Job   Chapter 40

    Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.

  • Just a Job   Chapter 39.2

    Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.

  • Just a Job   Chapter 39.1

    Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad

  • Just a Job   Chapter 38.2

    Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih

  • Just a Job   Chapter 38.1

    Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para

  • Just a Job   Chapter 37.2

    Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay

  • Just a Job   Chapter 37.1

    Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a

  • Just a Job   Chapter 36.2

    Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status