Home / All / Just a Job / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: sonorouspen
last update Last Updated: 2021-08-20 08:35:33

Vera’s Point of View

"Kasalukuyang naghahanap ng taong magiging bodyguard ang anak ni Mayor," wika ni Captain sa amin, dahil kagagaling niya sa ospital para makausap ang Mayor. 

Agad akong tumaas mula sa aking pagkakaupo nang sabihin niya iyon, kaya agad na dumapo ang paningin niya sa aking kinalulugaran. 

"First Lieutenant?" patanong na saad niya, dahil mukhang nagtaka siya sa ikinilos ko. 

"I volunteer for this mission," saad ko na nagpataas ng kilay niya. Sabi na eh, nagtaka nga talaga siya.

"Sigurado ka ba? Balak ko sanang magbigay ng mas magandang misyon sa 'yo," wika niya, pero umiling ako agad sa nais niyang i-offer. 

"I need to do this, Captain," wika ko at napasinghap sabay na napatango na lamang siya at napasinghap muli bago sumagot.

"Well if you insist," bulalas niya, sabay abot sa akin ng mga papeles na kailangan kong aralin. 

"Dismissed na ang meeting, maiwan ka muna Verania. I need to talk to you," saad ni Captain, kaya nagsilabasan na ang mga kasamahan ko at naiwan na nga ako. 

"Verania, this work isn't the work that you think it is," panimula ni Captain nang maupo siya sa upuan niya na hindi kalayuan sa akin. 

"Yes, Captain. I already know this mission will be hard," sagot ko, pero napa-halakhak siya na nagpakurba pataas sa kilay ko. 

"No, alam ko na alam mong delikado ang pinapasukan mo. Wala naman tayong misyon na hindi naging delikado. Ang sinasabi ko lang ay hindi lamang pagba-bodyguard ang gagawin mo." 

Agad na lumukot ang noo ko sa narinig.

"I will be a nurse for him, I bet?" panghuhula ko dahil, ang kasalukuyan na kalagayan niya ngayon ay hindi pa maayos kaya naman, sigurado akong kailangan niya ako bilang nurse, dahil isa rin naman akong nurse.

"Yeah that's right, First Lieutenant. But you will also become his personal driver. Dahil nga hindi pa niya pwedeng maigalaw ang mga paa niya, he will need a driver. Dapat ikaw 'yon, dahil mas siguradong ligtas siya isa pa, malalaman mo lahat ng patutunguhan niya dahil, ikaw ang kasama niya." 

"Iyon na ba lahat, Captain? Walang problema kung ganoon, everything will be just fine—" magsasalita pa sana ako, nang itaas ni Captain ang kamay niya na kusang nag-patigil sa mga winiwika ko. 

"May isa pang bagay, Verania. Alam kong ito ang parte na kung saan ay maaari kang mahirapan..." seryoso si Kapitan na siya mismong nagpasara sa bibig ko. 

I want to hear clearly what he will tell me, para naman maging ready.

"You will also become his fake fiancée." Tuluyan na ngang lumabas sa bibig ni Captain ang mga salitang iyon at iyon din mismo ang nagpamulagat sa mga mata ko. 

Ang mga salitang iyon ay ilang beses nag-echo at umulit sa aking tenga, bago tuluyang na-realize ang sinabi ni Captain. 

"Huh, Kapitan? Seryoso ka?" gulantang na usisa ko at dahan-dahan siyang napatango. 

Imposible, sino naman ang nakaisip ng planong ito? Pang-telebabad naman!

"I am serious, Verania. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi na, mahihirapan ka sa trabahong ito. Kailangan natin ng plano na babago sa target ng kalaban natin. Dahil ang target nila sa kasalukuyan ay si Ares, kailangan mong sumali sa picture." 

"Para maging pain ako 'di ba? Gagawin niyo akong pain, dahil kung makikita ng kalaban na mahal ako ni Ares bilang fiancée niya, ako ang ta-target-in nila. At kung mangyari nga iyon, pwede natin silang ma-trace nang dahil sa akin. Tama ba iyon, Captain?" Napasinghap ako habang ang kamay ko ay nasa aking baba.

"Exactly." 

"But what if malaman nilang nagtatrabaho ako rito? Hindi gagana ang ganoong plano kung sakali," pahayag ko at muling ngumiti kay Captain. 

"They will never know anything about you, trust me we have everything under control. No one will get caught."

"Okay, sabi mo eh Kap!" saad ko na nagpasaya sa aking damdamin, mukhang wala naman na pala akong alalahanin.

"Unless..." dagdag ni Kapitan na nagbura ng kasiglahan sa akin.

"Unless?" 

"Unless, ipaalam mo na kasapi ka namin, masisira talaga ang plano." 

"Walang problema riyan!" masiglang sagot ko at napatango si Captain, mukha namang nagtitiwala siya sa akin.

"Does anyone know about the fake fiancée thing?" tanong ko naman. 

"Yeah, the Mayor and some of our workmates knows that part kaya naman, pagdating mo sa kanila, ipapaalam niya agad na kayo ni Ares ay ikakasal." 

"Woah…that's fast." Dahan-dahan akong umiling habang nakatitig kay Captain. 

"Yeah it is fast, pero kailangan na talaga natin maging mabilis dahil, magalaw na ang kalaban." 

"So I will be a bodyguard, nurse, driver and a fake fiancée so that meansz I will have to lie right?" Tumango lamang si Kapitan sa akin.

"Yeah, even to Ares. I know he is your friend, but we should be professionals here," saad ni Captain sabay dalo ng kanyang paa sa sahig at naglakad papalapit sa akin para tapikin ako sa balikat at i-abot ang envelope na sigurado akong tungkol sa trabahong gagawin ko.

It is just a job, I should be calm even though something about the one who shot Ares' car seems so familiar to me.

Wala akong sinayang na oras kaya naman agad akong umuwi para mag-impake at para magpaalam sa aking pamilya sa panibago kong misyon. 

Dahil nga kailangan bantay sarado ako kay Ares, kailangan kong manatili sa bahay nila, pansamantagal lang naman, hehe.

Hindi ko na nagawang magpaalam kay Mama at Papa dahil, wala sila sa bahay at nasa trabaho kaya, itinext ko na lamang sila. Panigurado, kapag nabasa nila ang message ko, sermon na naman ang aabutin ko, kahit na over the phone pa, hindi nila patatawarin.

Kusang nagbukas ang gate nina Ares nang makarating ako roon sakay ng aking kotse. Ito ang dinala ko dahil medyo marami ang nadala kong gamit. Hindi naman kasi nagkasya sa aking motor ang mga dala ko dahil, mabigat at malalaki sila. 

"Miss Verania, hinihintay ka na po nila sa loob," salubong sa akin ng isang kasambahay, kaya napatango ako agad at dumiretso sa compartment ng sasakyan para, kuhanin ang mga dala kong gamit pero, binawalan ako ng mga kasambahay na ang sabi, sila na raw ang bahala roon na magdala sa aking magiging kwarto. Wala na akong nagawa sa kakulitan nilang bitbitin ang gamit ko. Pinipilit ko man na kuhanin mula sa kanila para ako na lamang ang magdala, ay hindi ko magawa. 

Pointless naman kasi ang pagpilit sa taong ayaw o sa taong ilang beses ng umayaw. Tsaka simpleng bagay nalang naman 'yon.

"Verania, I mean First Lieutenant!" salubong na bati sa akin ni Mayor Stanley kaya, nagmano ako sa kanya, well ka-close kasi siya ng parents ko at ganoon ang nakasanayan kong gawin, every time na makikita ko siya. 

"Verania nalang po, Mayor," saad ko na may nakapintang ngiti sa aking labi. 

"Ikaw rin, Tito na lang," saad niya at bahagyang lumapit para bumulong. 

"Isa pa parang magiging pekeng biyenan mo rin naman ako n'yan kaya Tito nalang talaga," saad niya kaya sabay kaming napatawa ni Tito.

"Okay po!" masiglang sagot ko. 

"Aling Lita, pakitawag na sina Charlotte pati ang dalawa kong anak. Kailangan kong ipakilala ang bagong-bago nating guest," may ngiti sa labi na binalingan ni Tito ang kasambahay.

Fake fiancée, bakit ba kasi kailangan pa ng gano'n! Pakiramdam ko tuloy parang makakasal na ako, which is wala pa sa utak ko. Ayoko pang makasal, pero dahil sa gagawin ko ngayon, mukhang kailangan kong gawin kahit na peke lang. Anyway, kailangan ko talagang tapusin agad ang bagay na 'to, lalo na at may tao na akong pinaghihinalaan. Kung 'siya' nga iyon, next time ko na lamang problemahin ang gagawin ko, ang mahalaga, malaman ko kung sino pa ang nasa likod ng mga pangyayaring ito. 

--

snsp

Related chapters

  • Just a Job   Chapter 1.2

    Vera’s Point of View"Mayor, este Tito, alam po ba ni Madam Charlotte ito?" tanong ko na pinatutungkulan ay ang asawa niya."Tita na lamang din ang itawag mo kay Charlotte. Anyway, wala rin siyang alam dito. Ako at ang mga kasamahan mo lamang sa trabaho at syempre, kasama ka na ang nakakaalam lamang nito," pahayag ni Tito Stan."Ah, okay po. Paano niyo po nasabi kay Tita Charlotte ang tungkol dito sa kasal kuno?" pang-uusisa ko pa."Noong una, ayaw niya pero, pumayag na rin dahil, tumatanda na rin daw si Ares kailangan na niyang makakilala ng taong pwede niyang pakasalan. Kaya sinabi ko, ang araw na ito ang pagdating ng babaeng napili ko. Wala akong sinabing pangalan dahil, akala ko iba ang darating. Nabalitaan ko lang kanina na ikaw pala iyon, hija," saad ni Tito Stan na nagpatango sa akin.Unang lumabas si Tita Charlotte na nakasuot lamang ng is

    Last Updated : 2021-08-20
  • Just a Job   Chapter 2

    Vera's Point of View"Breakfast ready!" sigaw ko, nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto ni Ares. Oo, breakfast in bed ang mokong, tamad daw siyang umalis sa kama, iyon ang narinig ko sa mga kasambahay kaya sa kwarto siya mag-aagahan.Kahapon nalaman ko na magkatapat lang kami ng kwarto at pareho kaming nasa ground floor lang din dahil mahirap bumaba sa hagdan ng naka-wheelchair."Put it here tapos, pwede ka nang umalis." masungit na wika niya kaya umikot ang aking mga mata. Umagang-umaga, ang sama ng timpla!Hanggang ngayon ba naman, masungit ang nilalang na 'to? Ano ba ang ikinakagalit niya? Ang mismong ideya ng pekeng kasal na hindi niya alam na peke o iba pang mga dahilan na tanging siya lang ang nakakaalam dahil, ayaw niyang magsabi? Hay ewan, napaka-unpredictable talaga minsan ng utak ni Ares eh, minsan gusto ko nalang siyang sapakin. Joke, baka matang

    Last Updated : 2021-08-20
  • Just a Job   Chapter 2.2

    Vera’s Point of ViewGaya nga ng sinabi ko, lumabas ako at lumingon-lingon muli sa paligid. Ligtas kami rito dahil walang suspicious sa paligid.Habang kasalukuyan akong nakatingin sa entrance at exit ng hospital, halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko.Noong una akala ko si Ares, pero nang lumapit ito sa akin ay agad na nagbutil ang pawis ko.Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaba, sa nerbiyos at hindi mapaliwanag na bagay-bagay. Si Alder ang nasa harap ko. Kaibigan kong doktor din at ngayon ko lang naalala na rito rin pala ang ospital kung saan siya naroon."Alder!" agad na bati ko at pilit na kinalma ang sarili."Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong niya kaya, agad akong napalingon sa sasakyan. Tinted ang salamin na meron iyon pero mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating

    Last Updated : 2021-08-20
  • Just a Job   Chapter 3.1

    Vera’s Point of ViewAraw ngayon ng sabado. Hinihingal na napahiga ako sa sahig ng aking kwarto matapos ang 8 minutes na pagtalon sa jumping rope at 3 minutes na push ups, 5 minutes na squat thrusts at 5 minutes na hip dips. Hinihingal na tumayo ako mula sa exercising mat ko. Nanghihinang iniabot ko ang tubig at ininom ito ng diretso. Agad akong dumiretso sa bathroom ng kwarto at naligo ako agad. 6:00 na nang umaga at 7:00 ang oras ng pagbisita ni Clara na siyang girlfriend na ngayon ni Ares. Sinabi niya kasi sa akin ang bagay na iyon kaya alam ko. Sinabi niya rin hindi raw dapat akong ma-late sa pag-aayos dahil may balak siyang ipagawa sa akin. Nang matapos ang ilang minuto tapos na akong maligo at nagbihis na agad. Sinuot ko ang asul na fitted t-shirt ko at track pants na kulay gray. Sinuot ko rin ang kulay puti kong cap at ang tsinelas na pambahay. Saktong six-thirty nang lumabas ako ng aking kwarto at dinerets

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 3.2

    Vera’s Point of ViewPagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin."Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares."That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko.Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas."Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa.Tini-trip niya ba ako?!"Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya.Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, h

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 4.1

    Verania's Point of ViewDahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants."Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig."Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin."Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya..."Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya."Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako."Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika k

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 4.2

    Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 5.1

    Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V

    Last Updated : 2021-10-20

Latest chapter

  • Just a Job   Wakas

    Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh

  • Just a Job   Chapter 40

    Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.

  • Just a Job   Chapter 39.2

    Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.

  • Just a Job   Chapter 39.1

    Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad

  • Just a Job   Chapter 38.2

    Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih

  • Just a Job   Chapter 38.1

    Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para

  • Just a Job   Chapter 37.2

    Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay

  • Just a Job   Chapter 37.1

    Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a

  • Just a Job   Chapter 36.2

    Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status