Vera’s Point of View
Araw ngayon ng sabado. Hinihingal na napahiga ako sa sahig ng aking kwarto matapos ang 8 minutes na pagtalon sa jumping rope at 3 minutes na push ups, 5 minutes na squat thrusts at 5 minutes na hip dips.Hinihingal na tumayo ako mula sa exercising mat ko. Nanghihinang iniabot ko ang tubig at ininom ito ng diretso. Agad akong dumiretso sa bathroom ng kwarto at naligo ako agad. 6:00 na nang umaga at 7:00 ang oras ng pagbisita ni Clara na siyang girlfriend na ngayon ni Ares. Sinabi niya kasi sa akin ang bagay na iyon kaya alam ko. Sinabi niya rin hindi raw dapat akong ma-late sa pag-aayos dahil may balak siyang ipagawa sa akin.Nang matapos ang ilang minuto tapos na akong maligo at nagbihis na agad. Sinuot ko ang asul na fitted t-shirt ko at track pants na kulay gray. Sinuot ko rin ang kulay puti kong cap at ang tsinelas na pambahay.Saktong six-thirty nang lumabas ako ng aking kwarto at dineretso ko ang kwarto ni Ares na hindi kalayuan sa kwarto ko dahil katapat ko lamang ito."Ares," tawag ko habang kumakatok sa pinto nito. Kinapa ko ang door knob at nagulat akong hindi ito naka-lock. Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Ares Montero na malayang nakahilata sa kanyang kama. Ako pa talaga ang hindi dapat ma-late huh? Siya nga nakahilata pa, naku naman talaga...Inalog ko ang kanyang balikat at unti-unting nagmulat ang kanyang mata."If you're scolding me, sorry agad. I didn't really meant to interrupt your beautiful dream, pero hindi kasi ako tulad ng ibang tao na laging filipino time. For me, time is gold," sabi ko at naka-peace sa kanya."Maligo ka na, Ares.""Who are you to dictate to me? Are you my mother?" iritadong wika nito at tumayo mula sa pagkakahiga."Get out. Mag-aayos na ako," sabi niya kaya nakangising lumabas ako.Mabait din pala siya kapag kagigising, sumusunod agad at hindi masungit sa akin. Dumiretso ako sa kusina at tumulong sa pag-aayos sa ibang mga kasambahay na naroon. Syempre may kakilala na rin ako si 'Nay Mila amg pinakamabait sa lahat ng kasambahay, ayon sa akin dahil tinuturuan niya akong magluto kahit na madalas ay palpak ako."Hi 'Nay Mila! Magandang umaga!" bati ko at ngumiti sa kanya sabay kuha ko ng mga plato na hawak niya para mailagay na iyon sa mesa.Wala muli ngayon sina Tito Stanley at syempre kasama niya si Tita Charlotte. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero alam ko naman na safe sila dahil sa dami ng kasama nilang bodyguard.Nagulat ako nang may lumapit sa akin para kunin ang mga plato, si Clara. Bakit nandito na 'to agad."Hi Vera," bati niya kaya napakurap ako."Hello, kanina ka pa?" tanong ko habang sumusunod ako sa kanya. Papunta siya sa dining room para ayusin ang mga plato.Binilang ko iyon, lima. Sino pa ba ang makakasama namin sa agahan?"Kasama ko ang kapatid ko na si Sandra. Wala kasing kasama sa bahay wala naman siyang pasok kaya sinama ko na. Isa pa naka-leave naman ako for two days kaya wala namang problema sa akin," pagkasabi niya niyon ay may narinig akong sirena ng isang tinig na alam kong nagmumula sa bata."Ateeeeeeeeee!" malakas na sigaw nito kaya napangiwi ako, ang ingay..."Sandra, mahina lang baka mapaalis tayong dalawa rito..." natatawang saad ni Clara kaya napangiti si Sandra ang kapatid niya."Hihi Ate, gusto ko mag-swimming sa pool dito," humahagikgik na saad ni Sandra."Later na okay? Kakain muna tayong breakfast," wika ni Clara."Tsaka hindi pa natin kabisado ang bahay nina Kuya Ares mo huwag kang malikot," wika pa ni Clara kaya iniwan ko na muna sila para tumulong muna ulit sa paghahanda."Verania, ang naririnig ko girlfriend daw siya ni Ares," saad ni 'Nay Mila kaya napatango ako.
"Hindi ba at ipapakasal ka kay Ares?" pabulong na dagdag pa ni 'Nay Mila kaya nasamid na naman ako nang marinig ang bagay na iyon."Opo, pero secret lang po sana natin ito pakisabi na rin po sana sa iba na wlaang magsusumbong kay Tito Stanley o kaya kay Tita Charlotte," paalala ko at tumango na lamang si 'Nay Mila kahit na nagtataka siya sa sinabi ko."Kilala niyo na po ba si Clara?" tanong ko habang pinapanood ang pini-prito niyang nuggets."Oo, kapag may party kasi sina Ares na ginaganap sa bahay nakikita ko si Clara. Kaibigan siya ni Ares pero hindi ko alam na girlfriend na ngayon. Ikaw hija, rinig ko kaibigan ka rin ni Ares pero hindi pa yata kita nasilayan sa bahay nito noon ni-minsan," wika ni 'Nay Mila."Ay, madalang lang po ako sumama sa mga party-party dahil busy sa trabaho. Naging kaibigan ko lang po si Ares noong medyo bata-bata kami tsaka noong high school kasi schoolmate ko po siya. Kung minsan nakakasama naman po ako sa mga party-party nila ang kaso sa resort po ng Montero madalas ginagawa.""Ah, gano'n ba hija? Pero alam mo, bagay din kayo ni Ares," saad niya at nasamid na naman ako."T-talaga po?" tanong ko kahit nais ko ng matawa sa sinabi ni 'Nay Mila.Alam ko ang mga taong hanggang friends lang ang kaya 'kong ibigay at kabilang si Ares doon. Hanggang kaibigan lang siya, nakakatawa talagang marinig sa iba na bagay 'daw' kami."Oo naman," saad ni 'Nay Mila at hinango na niya ang mga nalutong nuggets.Tumunog ang phone ko at nakitang si Ares na ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot."Sa kwarto ko, bilis!" utos niya nang masagot ko ang tawag. Hindi ko na nagawa pang makapagsalita sa bilis ng pangyayari. Pagkasabi kasi niya ng bagay na iyon sa akin agad na niyang binaba ang tawag. Ay, kay bastos naman, charot."Sige po, puntahan ko muna si Ares," pagpapaalam ko kay 'Nay Mila sabay takbo paalis.Mabilis akong nakarating sa kwarto ni Ares at nang mabukas ko ang pinto ay halos mapatalon ako sa nakita."Ay kabayo! Ano 'yan!" gulat na gulat na saad ko dahil naka-tapis lamang siya ng tuwalya sa pang-ibaba at syempre topless. Kakaligo lang niya. Nakakabilib nga at kahit ilang linggo pa lamang siyang naka-wheel chair natuto na siyang gawin ang ibang mga bagay-bagay ng mag-isa."Hindi ako makapili ng damit na susuotin. Tulungan mo 'ko," tamad na saad niya kaya napangiwi ako."Tulungan na pumili?" kabadong tanong ko dahil baka magdagdag pa siya ng utos na hindi ko magustuhan."Oo bakit, gusto mo ba akong bihisan?" tanong niya habang nakatitig sa akin kaya nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi.Sinabi niya talaga 'yon ng diretso sa mukha ko! Bumabalik na ba siya sa old self niya? Pero kung ganoon nga ang nangyayari, mukhang sumsobra naman 'yata ang pagiging playful ng mga salita niya. Hindi siya ganito dati..."H-Hindi ah! Kadiri 'to," nauutal na pagdepensa ko na nagpakunot sa kanyang noo."Kadiri? Nagpapabihis lang naman ako anong kadiri roon?" saad niya at kumabog ang dibdib ko nang paandarin niya ang wheel chair niya palapit sa akin."Unless, green minded ka at iba ang iniisip mo?" mayabang na dugtong niya kaya napatawa ako para mawala ang kaba.
"Ha Ha Ha, hindi ah! Hindi ako green minded, nakakagulat ka lang. Tabi nga diyan. Nasaan ba ang closet mo? Kakalkalin ko para makapili ka ng damit," paglayo ko sa sinisimulan niyang topic."Uh-huh?" nang-aasar ang tono niya kaya binalingan ko siya at sinamaan ng tingin."Bahala ka, lumabas kang naka-bold!" naasar na wika ko at aalis na sana pero tumawa siya kaya bumalik ako dahil nakaramdam ako ng konsiyensya. Baka kasalanan ko pa kapag nagkataon na lumabas nga siyang walang damit."Tingnan mo 'to babalik din pala," nakangiting saad niya habang nakapangalumbaba pa at diretsong diretso ang tingin sa akin."Iyon nga pala ang closet," saad niya sabay turo sa isang pintuan na kulay sky blue.Naka-walk in closet pala siya. Akin kasi aparador lang may ipis pa, charot! Malinis ako sa kwarto ko, marami kasi akong lalagyanan na pwedeng pagtabihan ng gamit ko.--
snsp
Vera’s Point of ViewPagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin."Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares."That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko.Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas."Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa.Tini-trip niya ba ako?!"Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya.Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, h
Verania's Point of ViewDahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants."Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig."Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin."Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya..."Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya."Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako."Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika k
Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na
Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V
Verania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p
Verania's Point of View"Ayos ka lang?" tanong ni Ares halos mapatalon ako nang hawakan niya ang palad ko para mapunta ang paningin ko sa kanya."Huh? Oo ayos lang!" sagot ko at napalunok nang muling magtama ang paningin namin.Inilagay ko na ang mga pinamili ko sa hotel room namin at ngayon nasa mismong venue na nga kami ng party sa resort. Kasalukuyang nagkakainan ng mga handa kaya ganoon na rin ang ginawa namin ni Ares.Noong una sarili naming dalawa ang table hanggang sa naupo ang pinsan ni Ares. If I am not mistaken his name is Apollo. Masungit din ito at damang dama ko ang pagkaseryoso. Uh he's like, girl version ni Olivia pagdating sa kasungitan."Finally got yourself a girlfriend dude?" sarkastikong tanong ni Apollo kay Ares kaya umikot ang mga mata ni Ares sabay subo ng chocolate cake na kinuha ko para sa kanya. Iyon daw ang gusto niyang dessert kasama ng ibang pagkain na ipinakuha niya."Hey you, you're familiar. A
Verania's Point of View"Okay sir, to our destination!" saad ko na tila ako ay isang computer program na nagsasalita."Tsk, what is that for?" tanong niya bago ko itulak ang wheel chair niya nang mas mabilis kaysa kanina."Wala lang gusto ko lang naman na ganoon magsalita," pahayag ko at natahimik na kami.Nakarating na kami sa hotel room namin na nasa fourth floor pa at doon na muli nakapagusap."I'll go to the bathroom," paalam niya na agad ko namang pinayagan kaya naupo ako sa sofa. Mayroon din kasing parang living room dito sa hotel room. Nasa tabi iyon ng kama at sa maliit na living room ay may television din. Nais ko sanang buksan pero naisip ko huwag na lamang.Habang nakatulala ako sa television na hindi nakabukas ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa sabay dakot sa phone ko para masilip kung ano man ang dahilan ng pang-aabala sa aking pagkatulala.Napata
Verania's Point of ViewDahil sa naging reaksyon ni Mama sa amin, kahit na handa na sa pagtulog si Ares ay bumalik siya sa kanyang wheel chair at nagpunta sa mini-living room upang makipag-usap kay Mama, syempre kasama rin ako. Kailangan din kasi ang kaalaman ko sa usapang ito.Anyway habang nagnanakaw ako patago ng sulyap kay Ares, pansin ko na medyo tensed niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis mula sa noo niya kahit na malakas ang aircon sa lugar na ito.Bahagya akong napatawa sa aking nakita pero agad din na natikom ang bibig ko nang maglakbay sa direksyon ko ang titig ni Mama."So, sino ang magpapaliwanag nito?" panimula ni Mama nang hindi ako binibitawan ng kanyang titig."Verania? Will you please elaborate the situation?" dagdag pa ni Mama kaya agad na pumorma ang labi ko ng isang pilit na pilit na ngiti."Confidential Ma, para sa trabaho," saad ko at tila mas lalo siyang naghinala dahil pinaliitan niya lamang ako n
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para
Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay
Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a
Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."