Vera’s Point of View
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin.
"Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares.
"That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko.
Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas.
"Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa.
Tini-trip niya ba ako?!
"Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya.
Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, hindi na niya kailangan magsuot pa ng magagarang damit.
"Oo naman, hindi naman kita tatawagin dito ng hubu't hubad ako," tugon niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang khaki shorts na isusuot niya. Wala na siyang ginawang kumento at tinanggap iyon ng maluwag sa kalooban.
"Hintayin na lang kita sa labas," paalam ko at inangat niya ang tingin sa akin. Sandaling nagtama ang mga mata namin at saka pa lamang siya tumango nang matapos na mangyari iyon.
Mabuti naman at medyo umaayos na ang kalagayan sa pagitan namin. Mabuti at hindi na siya masungit sa akin hindi katulad noong unang araw ko rito sa pamamahay nila.
Nang makaapak ako sa sahig ng mismong kwarto niya ay isinara ko ang pinto ng walk in closet niya sabay hakbang patungo sa kanyang kama na medyo magulo. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi pa naman siya ganoon kagaling mula sa pagkakaaksidente.
Dahil mabait ako, inayos ko ang kama niya. Inayos ko na rin ang unan niya na wala sa pwesto.
Nang maiayos ko iyon ay saktong natapos siya mag-bihis. Suot niya ang kinuha ko para sa kanya. Naka-tsinelas lang siya sa pang-ibaba which is tama naman dahil pipilayin ko siya lalo kung babalakin niya pang magsapatos.
"Well... how do I look?" tanong niya sa isang curious na tono kaya napatango ako.
"You look fine," maikling saad ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Pinagulong niya ang wheel chair niya papalapit sa akin. Sinalubong ko naman siya para hindi na siya mahirapan pa. Nang saktong mahawakan ko ang handle ng wheel chair niya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa nito si Olivia. Tumaas ang kilay niya bago siya tuluyang pumasok.
I can really feel that she doesn't like me. Well, I have no problem with that. Hindi ko naman kailangan na gustuhin niya ako dahil hindi ko naman siya makakasama habang buhay.
"Pinapunta ako rito ni 'Nay Mila para tawagin kayo dahil medyo nagtatagal kayo para sa agahan. And Ares, nandiyan na si Clara..." pagkawika niya ng bagay na iyon ay tila bulang naglaho siya sa paningin ko.
"She is?" paninigurado ni Ares habang nakakurba pa ang isang kilay.
"Oo bakit?"
"Why didn't you told me earlier? E 'di sana nagmadali ako!" Mukhang nagbabalik na siya sa pagiging masungit.
"Hindi mo naman tinanong duh. Malay ko ba kung gusto mong ma-spoil na narito na nga sila," pahayag ko at inikutan niya ako ng mata kaya nahulog ang panga ko.
Ang taray! Pinagulong niya pa ang wheel chair niya ng mag-isa at iniwan na ako. Aba tingnan mo 'to!
"Hoy, hintayin mo 'ko!" tawag ko at nilakihan ko ang mga hakbang ko para mas mapabilis ang pagsunod ko sa kanya.
Nang mahawakan ko ang handle ay nagparaya na siya at hinayaan na akong itulak ang wheel chair niya. Aba, itataas niya pa ang pride niya gayong lagi na lang ako ang hinahanap niya kapag may ipapatulong siya.
"Kilala rin ni Olivia si Clara?" tanong ko habang tinutulak ko ang wheel chair niya.
"Yeah, and she also knows about me and Clara," sagot niya gamit ang isang kaswal na tono kaya umarko ang kilay ko at dumiretso ang mga mata ko sa kanya.
"Bakit hindi niya sinabi sa parents niyo nang ipaalam nila sa inyo na balak tayong ipakasal?" tanong ko sa isang takang-taka na tono.
"As simple as she knows her limit well. Madaldal si Olivia pero alam niya kung papaano magtago ng sikreto na dapat ay walang makaaalam," wika niya sa isang kalmadong tono.
"You two must be really close," wika ko nang marinig ko ang sagot niya. Hindi na siya nag-respond pa at hinayaan na lamang akong dalhin siya sa dining room.
Pagdating namin sa dining room ay kinuha na siya sa akin ni Clara si Sandra naman ay sumunod lang sa kanyang ate.
Nagsimula ang pagkain na magkakatabi silang apat. Si Sandra, si Clara, si Ares at si Olivia.
Ako lang ang nasa kabilang side ng table at katapat ko pa ay si Sandra. Sa dating ng batang ito mukhang madaldal ito at malikot. Ang hirap sigurong alagaan nito.
Natapos ang agahan ng maayos at syempre si Ares at Clara ay nagkaroon na ng moment sa garden at sa tabi ng pool. Nakabantay lang ako sa hindi kalayuan. Nakaupo ako sa upuan na gawa sa bato at may table rin ako na gawa rin sa bato. Nakapatong sa table na iyon ang juice na iniinom ko kasama ang chips na kanina ko pa pinapapak pero hindi ko maubos-ubos.
Habang nakatulala ako sa pool at nag-iisip ng kung anu-ano ay narinig ko ang boses ni Ares, tinatawag niya ang pangalan ko. Labag man sa kalooban ko na itigil ang pagtulala na ginagawa ko ay itinigil ko pa rin para lapitan si Ares.
"Verania, pwede bang ikaw muna ang magbantay kay Sandra?" tanong ni Ares kaya namulagat ang mga mata ko sabay baling kay Sandra na takbo ng takbo sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.
"Ares, I told you okay lang sa akin na ako ang magbantay sa kapatid ko—" pagkontra ni Clara pero pinatigil siya ni Ares sabay baling sa akin.
"Oo na, tuloy niyo lang loving loving niyo d'yan," labag sa kalooban na sagot ko pero hindi ko pinahalata.
"Ayos lang ba talaga sa 'yo Vera? Malikot ang kapatid ko. Tsaka baka may ginagawa ka," saad ni Clara kaya napatango ako habang may malaking pekeng ngiti pa sa labi.
"Walang ginagawa 'yan," pagsingit pa ni Ares kaya napairap ako sa kawalan nang tanggalin ni Clara ang titig niya sa akin. Binaling niya kasi kay Sandra kaya naging malaya sa pagtataray ang mga mata ko.
"Sandra, come here!" tawag ni Clara sa kapatid.
Nakailang tawag pa muna si Clara bago sumunod ang kapatid niya sa kanya. Kaya lalo akong napangiwi. Patay ka sa akin mamaya, Ares, sa lahat ng trabaho sa mga bata ako nahihirapan.
"Sandra, this is Ate Vera. Siya muna ang nagbabantay sa 'yo okay?" pagpapaalam ni Clara sa kapatid.
Tumango lamang ito sabay takbo na ulit. Nagtama ang mga mata namin ni Ares. Binigyan niya lang ako ng nakakaasar na tingin habang ako ay sinamaan ko siya ng titig.
Sumunod ako kay Sandra na dumiretso sa gilid ng pool.
"Uy, Sandra huwag ka diyan!" pagbabala ko pero nang humarap siya sa akin ay gumuhit ang malaking ngiti niya sa labi at itinulak ako sa pool.
"Ate Vera, let's swim hihihi!" paghagikgik niya nang tumalsik ng malakas ang tubig sa pagkahulog ko.
Napahilamos ako ng mukha nang umangat ang mukha ko at agad na binalingan ng masamang titig ang gulat na mukha ni Ares.
"Bwisit kang Montero ka, lagot ka talaga mamaya sa akin!" saad ko na sapat lang para sa aking pandinig at kasabay nito ang pagtalon din ni Sandra sa pool.
Ugh! Bwisit bakit ba ako pumayag na mag-alaga ng kapatid ng may kapatid? Kasalanan ito ni Ares eh!
--
snsp
Verania's Point of ViewDahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants."Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig."Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin."Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya..."Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya."Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako."Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika k
Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na
Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V
Verania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p
Verania's Point of View"Ayos ka lang?" tanong ni Ares halos mapatalon ako nang hawakan niya ang palad ko para mapunta ang paningin ko sa kanya."Huh? Oo ayos lang!" sagot ko at napalunok nang muling magtama ang paningin namin.Inilagay ko na ang mga pinamili ko sa hotel room namin at ngayon nasa mismong venue na nga kami ng party sa resort. Kasalukuyang nagkakainan ng mga handa kaya ganoon na rin ang ginawa namin ni Ares.Noong una sarili naming dalawa ang table hanggang sa naupo ang pinsan ni Ares. If I am not mistaken his name is Apollo. Masungit din ito at damang dama ko ang pagkaseryoso. Uh he's like, girl version ni Olivia pagdating sa kasungitan."Finally got yourself a girlfriend dude?" sarkastikong tanong ni Apollo kay Ares kaya umikot ang mga mata ni Ares sabay subo ng chocolate cake na kinuha ko para sa kanya. Iyon daw ang gusto niyang dessert kasama ng ibang pagkain na ipinakuha niya."Hey you, you're familiar. A
Verania's Point of View"Okay sir, to our destination!" saad ko na tila ako ay isang computer program na nagsasalita."Tsk, what is that for?" tanong niya bago ko itulak ang wheel chair niya nang mas mabilis kaysa kanina."Wala lang gusto ko lang naman na ganoon magsalita," pahayag ko at natahimik na kami.Nakarating na kami sa hotel room namin na nasa fourth floor pa at doon na muli nakapagusap."I'll go to the bathroom," paalam niya na agad ko namang pinayagan kaya naupo ako sa sofa. Mayroon din kasing parang living room dito sa hotel room. Nasa tabi iyon ng kama at sa maliit na living room ay may television din. Nais ko sanang buksan pero naisip ko huwag na lamang.Habang nakatulala ako sa television na hindi nakabukas ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa sabay dakot sa phone ko para masilip kung ano man ang dahilan ng pang-aabala sa aking pagkatulala.Napata
Verania's Point of ViewDahil sa naging reaksyon ni Mama sa amin, kahit na handa na sa pagtulog si Ares ay bumalik siya sa kanyang wheel chair at nagpunta sa mini-living room upang makipag-usap kay Mama, syempre kasama rin ako. Kailangan din kasi ang kaalaman ko sa usapang ito.Anyway habang nagnanakaw ako patago ng sulyap kay Ares, pansin ko na medyo tensed niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis mula sa noo niya kahit na malakas ang aircon sa lugar na ito.Bahagya akong napatawa sa aking nakita pero agad din na natikom ang bibig ko nang maglakbay sa direksyon ko ang titig ni Mama."So, sino ang magpapaliwanag nito?" panimula ni Mama nang hindi ako binibitawan ng kanyang titig."Verania? Will you please elaborate the situation?" dagdag pa ni Mama kaya agad na pumorma ang labi ko ng isang pilit na pilit na ngiti."Confidential Ma, para sa trabaho," saad ko at tila mas lalo siyang naghinala dahil pinaliitan niya lamang ako n
Verania’s Point of ViewAgad na naglakad ang mga paa ko pabalik sa bathroom para maligo. Nang matapos ang pagligo ko ay namili ako ng kasuotan ko.Konting damit na lamang ang natitira rito. Isang dress at tatlong pares na kasuotan which is shorts at t-shirt. Dahil hindi ko naman nais mag-dress lalo na kung puro gala ang inaatupag ko kaya, no choice ako kung hindi piliin ang shorts at t-shirt na kulay cream at shorts na maong. Hindi kaiklian pero hindi rin naman kahabaan, sakto lang talaga. Pero medyo matangkad nga ako umikli tingnan sa akin ang shorts na suot ko kaya napairap ako. Ngayon lang ulit ako magsusuot ng ganito sa labas.Nang tuluyan na talaga akong natapos sa pag-aayos ay agad na lumabas na nga kami ni Ares at dumiretso sa restaurant para mag-breakfast. Pancakes lang na medyo pinaarte ang kinain namin bago muling dumiretso sa cottage na malapit sa arkilahan ng mga bangka. Doon kasi ang meeting place kaya iyon ang pinuntahan
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para
Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay
Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a
Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."