Verania's Point of View
Two months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya.
"Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot.
"Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong.
"Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon.
"Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra.
"Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya.
"Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon.
"Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na ikinaliit ng mga mata niya na akala mo ay naghihinala.
"Okay Ate," hindi kumbinsidong sinabi niya kaya napakibit balikat na lamang ako.
"Nakapunta ka na ba sa bahay nila?" tanong ko habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng baraha ko.
"Oo Ate! Lagi nga e, kasi kalaro ko yung pinakabata niyang kapatid na si Natasha! Tapos Ate, alam mo ba laging maagang umalis si Kuya Alder para pumasok sa trabaho," pagkukwento niya kaya umarko ang kilay ko.
"Mga anong oras?" tanong ko pa.
"Minsan seven ako nagpupunta sa kanila wala na siya. Ang aga niya lagi pumasok para raw marami siyang matrabaho. Tapos Ate, alam mo ba tuwing nasa bahay naman siya laptop lagi ang kaharap at mga libro. Tinanong ko siya noon kung ano ang ginagawa niya ang sabi niya may inaaral lang siya na sakit, ewan 'di ko naman gusto magdoktor kaya di ko na pinakinggan sinabi niya, hindi ko rin naman gets," saad ni Sandra kaya napatahimik ako.
Kung ganoon lagi ang ginagawa niya sa bahay nila, mukhang imposible na kasapi siya ng mga suspect na balak patumbahin si Tito Stanley na siyang mayor ngayon...
Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero hindi pa rin ako dapat makampante kahit na ganoon ang nalaman ko.
Nang magtapon ako ng isang baraha kay Sandra, nagulat ako nang mapatayo siya at nagtatalon.
"Yehey, tongits na ako! Talo ka Ate Verania!" malakas na saad niya kaya napalingon ako sa malayo para iiwas ang tingin kay Sandra na masyadong nagdidiwang sa pagkapanalo niya.
Patalon talon pa habang sinusubo ang chocolate na kakukuha niya sa bag niya.
Patayo na sana ako para yayain si Sandra na maligo muli sa pool nang marinig ko ang pagsigaw ni Ares.
Walang anu-ano ay tila si The Flash akong nagtatakbo patungo sa pwesto niya, ni Ares.
"Anong nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko at binabalewala ang taong nasa paligid.
Nakasandal ang likod niya sa wheel chair at ang mata niya ay mariin na nakapikit.
Itinuro niya ang binti niya na napuruhan sa aksidente.
"Diyan, masakit..." mahinang bulong niya habang napapasigaw sa hapdi agad na nilingon ko ang binti niya na kasalukuyang hinahawakan ni Clara.
"Ako na, Clara!" saad ko nang makita na nasasaktan pa rin si Ares.
Baka naman mas sumasakit pa 'yon dahil sa ginagawa niya?!
"Clara," tawag ko pero hindi natinag si Clara at tila kabado na rin pero pinagpatuloy ang ginagawa na hindi man lamang ako tinapunan ng pansin.
"Ako na diyan, Clara!" malakas ang pagkakasabi ko niyon kaya napaangat siya ng ulo at saktong tumama ang mga mata niya sa akin.
"Ano bang problema mo, Verania?" inis at pasigaw na wika ni Clara sa akin sabay lunok at pikit na tila nagsisisi sa ginawa niyang pagsigaw sa akin.
"Ako na, baka kung anu-ano pa ang magawa mo," malamig na saad ko at narinig ko ang sarkastikong tawa niya.
"Excuse me? Nakakalimutan mo na ba? I'm a doctor, mas malalim ang kaalaman ko sa 'yo, pagdating sa ganitong bagay!" medyo asar na sinabi ni Clara na hindi ko pinansin.
So what, ano bang paki ko?!
"So? Ano ngayon? Nurse naman ako!" mayabang na laban ko pero unti-unti akong nilamon ng hiya nang maramdaman ko kung gaano ako katanga sa part na 'yon.
Why did I forget something so important? Doktor nga pala siya! Ano ba ang nilalaban ko? Nurse lang ako at mas marami talaga siyang alam!
Bahagya akong napaatras para bigyan ng way si Clara sa ginagawa niya.
"Sorry, sige i-check mo na siya," mahinang wika ko subalit sapat na para marinig ni Clara.
Napansin ko rin na napatahimik si Ares at nakatingin siya sa akin gamit ang inosenteng mga mata niya.
Wala na akong ginawa kung hindi ang umiwas. Nakakahiya ang ginawa ko mabuti na lamang kami-kami lamang ang narito.
Makalipas ang ilang minuto ay medyo umayos na ulit ang lagay ni Ares. Kaya naman bahagya akong lumayo sa kanila dahil, ayokong tumayo sa tabi nila para magmukhang third wheel.
Pansin ko rin na nawala si Sandra dahil nagpabanlaw na sa mga kasambahay kaya hinayaan ko na. Mas safe siya kung kasambahay ang maglilinis ng katawan niya.
Napapalingon ako sa kinalulugaran nina Ares everytime naririnig ko ang utos niya. Balak ko na sanang sumunod doon pero si Clara na mismo ang gumagawa. Minsan tatawag pa si Ares ng iba para mautusan.
Tamang sulyap lang ako sa paligid minsan ay lumilipat sa kanila. Hindi na nga rin ako nakapag-palit at natuyo na ang kasuotan na ibinabad ko sa pool kanina.
Dumating na nga ang oras na uuwi na sila Sandra yumakap pa si Sandra sa akin bago sila umuwi sabay sabi niya ng 'See you next time.'
Ako na sana ang maghahatid dahil marami namang guard sa bahay at mababantayan si Ares, ang kaso nag-utos na pala siya ng driver para ihatid pauwi sina Clara.
Nang maiwan kami ay agad na pinagulong ni Ares ang wheel chair papunta sa akin.
"Ah, ayos na ako," saad niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam ko," maikling wika ko at napalunok siya.
"Nagulat ako sa pag-arte mo kanina," saad ni Ares kaya kumunot na ang noo ko.
"Pag-arte? Sa tingin mo yung pag-aalala ko para sa 'yo arte 'yon? E kung tuktukan kaya kita?" inis na saad ko at napairap.
"N-Nagseselos ka ba?" tila nag-regret agad ang mukha niya nang wikain niya 'yon.
Napakurap ako at dinigest mabuti ang sinabi niya sa akin. Napahalakhak ako agad nang ma-realize na tama nga ang narinig ko.
"Hindi ako nagseselos ano! Duh!" natatawang wika ko.
"Kung hindi ka nagseselos, may gusto ka ba sa akin?" tanong pa niya kaya kumunot agad ang noo ko.
"Seryoso ka ba?" natatawang tanong ko at napakunot ang noo niya.
Tingnan mo 'to, siya ang nagtatanong ng ganoong bagay tapos nagagalit sa akin sa mga response ko.
"Kung sa lahat ng iyon, hindi ang sagot mo then why did you agreed when my father asked you to marry me then?" seryosong tanong ni Ares kaya nanahimik ako at piniling hindi na siya sagutin.
"Ares, pumasok na tayo nang makapagpahinga ka," wika ko na malayong-malayo sa tanong.
"Anyway, kung kailangan mo ng medical needs sa akin ka lumapit at hindi sa doktorang 'yon dahil unang una ako naman ang nandito. And remember, ako pa rin ang naka-assign talaga sa 'yong mag-alaga so don't you dare disobey that," wika ko.
"As if, I care," inis na pahayag ni Ares at kumunot ang noo ko sa kanya nang pagulungin na niya ang wheel chair niya.
"Ares!" malakas na tawag ko at humarap siya agad.
"Verania, if you were making her your rival for my medical needs wala akong paki. I will ask for the help of Clara even if you don't want to," saad niya kaya napaigting ang bagang ko.
"Subukan mo, Ares. Sinasabi ko sa 'yo... hinding hindi ka na makakawala sa akin kapag ginawa mo 'yon," saad ko na nagpakunot sa noo niya.
"What do you mean?" nakakunot noo na tanong niya at tila nainis sa sinabi ko.
"Well, what do I mean?" nang-aasar na saad ko at tinapik siya ss balikat.
"There are lots of things I mean with that," dagdag ko pa na pabulong kaya nanatili ang mga mata niya sa akin lalo na nang lumapit ako sa kanya para ibulong ko ang mga sinabi ko.
--
snsp
Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V
Verania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p
Verania's Point of View"Ayos ka lang?" tanong ni Ares halos mapatalon ako nang hawakan niya ang palad ko para mapunta ang paningin ko sa kanya."Huh? Oo ayos lang!" sagot ko at napalunok nang muling magtama ang paningin namin.Inilagay ko na ang mga pinamili ko sa hotel room namin at ngayon nasa mismong venue na nga kami ng party sa resort. Kasalukuyang nagkakainan ng mga handa kaya ganoon na rin ang ginawa namin ni Ares.Noong una sarili naming dalawa ang table hanggang sa naupo ang pinsan ni Ares. If I am not mistaken his name is Apollo. Masungit din ito at damang dama ko ang pagkaseryoso. Uh he's like, girl version ni Olivia pagdating sa kasungitan."Finally got yourself a girlfriend dude?" sarkastikong tanong ni Apollo kay Ares kaya umikot ang mga mata ni Ares sabay subo ng chocolate cake na kinuha ko para sa kanya. Iyon daw ang gusto niyang dessert kasama ng ibang pagkain na ipinakuha niya."Hey you, you're familiar. A
Verania's Point of View"Okay sir, to our destination!" saad ko na tila ako ay isang computer program na nagsasalita."Tsk, what is that for?" tanong niya bago ko itulak ang wheel chair niya nang mas mabilis kaysa kanina."Wala lang gusto ko lang naman na ganoon magsalita," pahayag ko at natahimik na kami.Nakarating na kami sa hotel room namin na nasa fourth floor pa at doon na muli nakapagusap."I'll go to the bathroom," paalam niya na agad ko namang pinayagan kaya naupo ako sa sofa. Mayroon din kasing parang living room dito sa hotel room. Nasa tabi iyon ng kama at sa maliit na living room ay may television din. Nais ko sanang buksan pero naisip ko huwag na lamang.Habang nakatulala ako sa television na hindi nakabukas ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa sabay dakot sa phone ko para masilip kung ano man ang dahilan ng pang-aabala sa aking pagkatulala.Napata
Verania's Point of ViewDahil sa naging reaksyon ni Mama sa amin, kahit na handa na sa pagtulog si Ares ay bumalik siya sa kanyang wheel chair at nagpunta sa mini-living room upang makipag-usap kay Mama, syempre kasama rin ako. Kailangan din kasi ang kaalaman ko sa usapang ito.Anyway habang nagnanakaw ako patago ng sulyap kay Ares, pansin ko na medyo tensed niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis mula sa noo niya kahit na malakas ang aircon sa lugar na ito.Bahagya akong napatawa sa aking nakita pero agad din na natikom ang bibig ko nang maglakbay sa direksyon ko ang titig ni Mama."So, sino ang magpapaliwanag nito?" panimula ni Mama nang hindi ako binibitawan ng kanyang titig."Verania? Will you please elaborate the situation?" dagdag pa ni Mama kaya agad na pumorma ang labi ko ng isang pilit na pilit na ngiti."Confidential Ma, para sa trabaho," saad ko at tila mas lalo siyang naghinala dahil pinaliitan niya lamang ako n
Verania’s Point of ViewAgad na naglakad ang mga paa ko pabalik sa bathroom para maligo. Nang matapos ang pagligo ko ay namili ako ng kasuotan ko.Konting damit na lamang ang natitira rito. Isang dress at tatlong pares na kasuotan which is shorts at t-shirt. Dahil hindi ko naman nais mag-dress lalo na kung puro gala ang inaatupag ko kaya, no choice ako kung hindi piliin ang shorts at t-shirt na kulay cream at shorts na maong. Hindi kaiklian pero hindi rin naman kahabaan, sakto lang talaga. Pero medyo matangkad nga ako umikli tingnan sa akin ang shorts na suot ko kaya napairap ako. Ngayon lang ulit ako magsusuot ng ganito sa labas.Nang tuluyan na talaga akong natapos sa pag-aayos ay agad na lumabas na nga kami ni Ares at dumiretso sa restaurant para mag-breakfast. Pancakes lang na medyo pinaarte ang kinain namin bago muling dumiretso sa cottage na malapit sa arkilahan ng mga bangka. Doon kasi ang meeting place kaya iyon ang pinuntahan
Verania's Point of ViewMasaya ang naging araw namin kahapon sa resort marami kaming nilibot at syempre nakakapagod, hapon nang maisipan na namin ni Ares na umuwi na rito sa mansyon nila dahil sinabi niya may check up siya.Maaga akong napabalikwas sa aking higaan dahil nga ngayon ang appointment namin sa ospital na magche-check sa mga binti ni Ares.As usual naka-t-shirt at track pants lamang ako. Pinartneran ko lamang ito ng rubber shoes nang maiayos ko ang sarili ko, gumora agad ako sa kwarto ni Ares para sunduin siya roon.Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Ares na pilit itinatayo ang sarili. Napangiti ako nang masilayan na medyo malaki ang improvement niya. Nakakatayo na siya kahit papaano ang kaso kailangan niya pa rin ng guide."Morning, Ares. Tara na," pagyaya ko at walang alinlangan siyang sumalampak pabalik sa kanyang wheel chair at sumunod sa akin.Bago ang lahat nag-agahan muna kami at nang matapos ay dumampot p
Verania's Point of View"Tapos na ba ang mga tanong mo?" tanong ni Alder sa isang malumanay na tinig.Pinatama ko ang mga mata ko pabalik sa kanya at halos malusaw ako nang magtama ang mga paningin namin. His eyes were on fire. Hindi ko alam kung naiinis, nagagalit o ewan. Basta, hindi ko maintindihan. I was lost for a moment then I heard the door swung open.Ako ang naunang umiwas ng tingin para silipin kung si Ares ba ang lumabas. Tama nga ako ng hinala dahil nang ilipat ko sa kanya ang paningin ko ay agad na nagsalpukan ang mga titig namin. His eyes were innocent but after seeing who am I with it turned cold. Hindi ko maintindihan pero simula pa noong magkita sila ni Alder noong unang araw na magpunta kami rito ng magkasama, ramdam ko na ang ibang tensyon sa kanila.I don't know what it is pero dahil makulit ako I want to know what it is."Verania, let's leave. Oras na ng check up ko," kaswal na pahayag ni Ares kaya
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para
Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay
Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a
Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."