Verania's Point of View
"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya.
"Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.
Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang.
"Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.
Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares.
"Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.
Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards.
"Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni Verania," wika naman ni Tita Charlotte bago sumunod kay Tito Stan.
"Gusto mo bang mag-swim suit?" tanong niya na nakataas ang kilay.
Baka makapag-swimming nga ako na binabantayan siya, hindi na! Ayos na akong tabihan si Ares kahit magdamag pa. Charot, mahirap takasan ang tukso ng dagat when it comes to swimming.
"I don't know. Bibili na lang ako roon kapag maisipan kong mag-swimming," saad ko at umirap sa akin si Olivia.
Ang init talaga ng dugo sa akin nito... Mabuti pa si Ares bumabait minsan, hindi tulad ni Olivia na napakasungit kapag ako ang nasa harapan. Hindi ko naman siya inaano.
"Fine. Tara na," saad ni Ares at sumakay na nga kami sa sasakyan niya. Iyon ang dadalhin namin at kaming tatlo lang ang sasakay doon, ako, si Ares at si Olivia.
Safe naman ngayong araw kaya kahit na hindi na kami samahan ng mga bodyguards sa loob. Wala namang babaril sa ganito kasikat na araw. Isa pa malaking tao ang binabangga nila at gagawin nila ang masasamang gawain tulad ng pagpatay kapag walang nakakakita.
"Alam mo naman na siguro ang resort hindi ba?" mataray na tanong ni Olivia na nakaupo sa back seat.
Bahagya ko siyang sinilip at napatango agad para mag-response sa tinanong niya. Kinapitan agad ako ng tuwa nang matanaw ko na nagsuot si Olivia ng headphones. Mabuti naman at naisip niyang gawin iyon.
"Magsu-swimming ka rin ba—" itatanong ko sana iyon kay Ares pero agad kong pinutol ang mga sinasabi ko nang maalala ko ang mga bagay bagay na nangyari sa kanya. Napalingon din agad siya sa akin na nakataas ang kilay nang marinig ang balak ko sanang sabihin sa kanya.
"Mabuti at hindi mo pinasama sina Clara?" panimula ko ng panibagong topic habang ang mga mata ko ay diretso sa daan.
"May trabaho siya ngayon, resident doctor pa lang siya at mas gusto niyang umiwas muna sa paga-absent," pahayag niya sa isang kaswal na tono.
"Anyway, magsu-swimming ka ba?" tanong niya nang saktong tumigil ako dahil red light sa traffic light.
"Ewan, baka bantayan nalang kita," sagot ko at nang sumulyap ako ng kaunti sa kanya ay nakataas ang kilay niya.
"Baka hindi mo ma-enjoy..." wika niya kaya bumahid ang ngisi sa aking labi at unti-unti itong lumipat sa pagtawa ng bahagya.
"Seryoso ka ba? Ngayon mo lang sinabi 'yan? Magda-dalawang linggo na ako sa bahay niyo tapos ngayon mo sasabihin na baka ma-bored ako? Ewan ko nalang sa 'yo, Ares," saad ko na medyo natatawa pa rin sa sinabi niya.
Sa halos dalawang linggo na pagbabantay at pagbuntot ko sa kanya, nasanay na ako! Kahit nga tumunganga na lamang ako sa kanya maghapon, hindi na ako tatamarin. Nasanay na akong inuutusan minsan at nakatunganga madalas tapos ngayon niya lang sasabihin na baka ma-bored ako? Ha! Ang bilis ko kaya makapag-adjust sa paligid ko! Syempre, ako pa ba?
Bago ko paandarin muli ang sasakyan ay napasulyap akong bahagya kay Ares na sinilip sa likuran ang kapatid niya na nakadungaw lamang sa bintana at ramdam ko na malakas ang tunog ng music na pinapakinggan niya.
"I didn't know na hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo magkasundo," saad ni Ares kaya bahagya akong napangiti.
"Mahirap makipagkasundo sa kanya. Ramdam kong ayaw niya sa akin," medyo napahalakhak ako nang sabihin ko iyon kaya narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Ares.
"Anyway, I forbid you to wear swimsuits kung magustuhan mong mag-swimming," bigla niyang pasok muli sa topic na 'yon.
"Para ka namang asawa, huwag kang excited na maikasal sa akin, hehe. Baka magsisi ka," natatawang wika ko nang maalala na kasama nga pala sa gagampanan kong trabaho ay ang pagiging fake fiancée at kung sakaling matagalan aabot bilang fake wife.
Oh 'di ba, parang teleserye lang! Pa-fake fake pa silang nalalaman. Maitanong ko nga minsan kay Captain kung sino ang nakaisip nitong set up na 'to kapag natapos na ang misyon na ito.
"Tsk, mas magsisisi ka kapag sa akin ka nakasal."
"Well, tama ka diyan may girlfriend ka hindi magandang may karelasyon kang iba habang may asawa ka," natatawang wika ko at lumipas na ang ilang minuto matapos ng sinabi ko na iyon ay hindi na siya nag-respond.
Mukhang seryosong-seryoso siya sa topic na MARRIAGE well, hindi naman nakakapagtaka iyon. Alam niya kasi makatotohanan ang mangyayari kaya hindi talaga maiaalis sa kanya na magseryoso.
"Verania, ano bang tipo mo sa lalaki?" biglaang tanong niya kaya nasamid ako agad at muntik nang mapa-preno sa pagkagulat dahil sa tinanong niya.
"B-Bakit? Balak mo akong ligawan? Ha! Hindi ako papayag!" agad na konklusyon ko sa tanong niya pero natawa lamang siya.
"Tss, anong liligawan? Baliw ka ba? Assuming 'to... may iba akong gusto kaya bakit kita liligawan?" natatawang pahayag niya.
Napairap ako nang wikain niya 'yon sa akin.
"Eh kung gano'n bakit ka nagtanong ng ganyan?" saad ko na medyo naaasar ar diretso na muli ang tingin sa daan.
"Wala lang curious lang ako, simula kasi nang maging magkaibigan tayo wala ka pang naging boyfriend. Naisip ko lang na baka hindi ka talaga tao at bagay ka talaga," tumigil siya sabay nagseryoso ang mukha.
"Bagay sa akin," dugtong niya at tila nagrambulan ang kalamnan ko sa tiyan.
Hindi ko inaasahan ang idudugtong niya kaya halos magwala ang katauhan ko sa narinig, hindi dahil sa kilig kung hindi sa pagkabigla. Grabe, mabuti wala akong heart failure kung hindi baka, mamatay ako rito dahil sa gulat.
"Hay naku, Ares bumabalik ka na sa pagiging madaldal huh," wika at agad na narinig ko ang tawa niya.
"Hay, hindi gumana ang joke ko akala ko kikiligin ka na sa banat ko," natatawang wika niya.
"Sus wala namang kwenta ang mga banat mo. Ano 'yan? Bata? Hays, kung gusto mo ng banat magpaturo ka sa pro! Tulad ko, kapag ako ang bumanat sa 'yo bali ang buto mo," wika ko sabay sulyap sa kanya at kumunot ang noo niya na nagpatigil sa tawa niya kanina.
Ako naman ngayon ang natatawa.
"Ibang banat na ang sinasabi mo, Verania," wika niya kaya nagkibit balikat ako.
"Anyway balik na tayo sa tinanong mo kanina. Ang sabi mo anong tipo ko sa mga lalaki? Well, syempre unang una hindi lampa! Ayoko kasi ng ganon, baka maging mas malakas pa ako sa kanya, hindi pwede 'yon. Syempre, gusto ko rin ng mahaba ang patience. Ayoko ng mapagmadali dahil naiirita ako sa mga gano'n. Masyadong speed, hindi naman sila si The Flash, hmp! Syempre gusto ko rin may good manners at syempre yung loyal at may tiwala sa akin. Last pa pala, gusto ko rin 'yung hindi ma-controversy 'yung buhay," medyo napahabang wika ko na nagpaangat sa kilay niya.
"Uh, seems like ang hirap maghanap ng ganyan."
"Well, hindi naman ganyan ang hinahanap ko tipo ko lang 'yan. Actually, hindi rin ako naghahanap, naghihintay lang ako. Alam kong kusa namang darating 'yung taong para sa akin so, what's the point of looking for him?" saad ko at pinatay ang makina ng sasakyan nang makaparada na ako.
Nakarating na kami sa resort ng mga Montero and I found out that we were staying in the hotel for today. I don't know kung ilang araw kami rito kung 2 days and 2 nights ba. Hindi ko sure. Pero baka umuwi rin kami dahil wala kaming dalang damit."Just wait here," paalala ko kay Ares nang bumaba ako sasakyan para umikot sa sasakyan papunta sa pwesto niya at maalalayan siyang bumaba.
Bitbit ko na wheel chair niya nang mapatalon ako dahil sa biglaang pagbalibag ng pinto sa likuran ng sasakyan. Bumaba pala si Olivia at ngayon ko lang napansin na may dala siyang back pack.
Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan sa may passenger's seat ay tinulungan ko si Ares at nang makaupo na nga siya wheel chair ay agad siyang nagsalita.
"Take my bag on the back seat," pahayag niya kaya hindi na muna ako nagtanong at sumunod sa utos niya.
Nang makuha ko iyon ay sinuot ko agad at tinulak ang wheel chair niya.
"Does this mean, hindi tayo uuwi mamaya?" tanong ko nang ma-realize na mukhang ako lang pala ang walang gamit na dala.
"Yeah, hindi ba sinabi sa 'yo ni Dad?" tanong niya kaya agad kong iniling ang ulo ko.
"Ang sabi niya lang birthday ni Archer sa resort and that is why, I didn't bring anything dahil wala namang sinabi..." napapakamot ulo na pahayag ko.
"Sila Dad at Mom uuwi bukas ng umaga. While the both of us will stay until the day after tomorrow. Dalawang araw na party kasi ang sinabi ni Archer sa amin," saad niya.
"So, your sister will be with us too?" tanong ko at agad na tumango siya kaya tila nanlumo ako.
--snspVerania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p
Verania's Point of View"Ayos ka lang?" tanong ni Ares halos mapatalon ako nang hawakan niya ang palad ko para mapunta ang paningin ko sa kanya."Huh? Oo ayos lang!" sagot ko at napalunok nang muling magtama ang paningin namin.Inilagay ko na ang mga pinamili ko sa hotel room namin at ngayon nasa mismong venue na nga kami ng party sa resort. Kasalukuyang nagkakainan ng mga handa kaya ganoon na rin ang ginawa namin ni Ares.Noong una sarili naming dalawa ang table hanggang sa naupo ang pinsan ni Ares. If I am not mistaken his name is Apollo. Masungit din ito at damang dama ko ang pagkaseryoso. Uh he's like, girl version ni Olivia pagdating sa kasungitan."Finally got yourself a girlfriend dude?" sarkastikong tanong ni Apollo kay Ares kaya umikot ang mga mata ni Ares sabay subo ng chocolate cake na kinuha ko para sa kanya. Iyon daw ang gusto niyang dessert kasama ng ibang pagkain na ipinakuha niya."Hey you, you're familiar. A
Verania's Point of View"Okay sir, to our destination!" saad ko na tila ako ay isang computer program na nagsasalita."Tsk, what is that for?" tanong niya bago ko itulak ang wheel chair niya nang mas mabilis kaysa kanina."Wala lang gusto ko lang naman na ganoon magsalita," pahayag ko at natahimik na kami.Nakarating na kami sa hotel room namin na nasa fourth floor pa at doon na muli nakapagusap."I'll go to the bathroom," paalam niya na agad ko namang pinayagan kaya naupo ako sa sofa. Mayroon din kasing parang living room dito sa hotel room. Nasa tabi iyon ng kama at sa maliit na living room ay may television din. Nais ko sanang buksan pero naisip ko huwag na lamang.Habang nakatulala ako sa television na hindi nakabukas ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa sabay dakot sa phone ko para masilip kung ano man ang dahilan ng pang-aabala sa aking pagkatulala.Napata
Verania's Point of ViewDahil sa naging reaksyon ni Mama sa amin, kahit na handa na sa pagtulog si Ares ay bumalik siya sa kanyang wheel chair at nagpunta sa mini-living room upang makipag-usap kay Mama, syempre kasama rin ako. Kailangan din kasi ang kaalaman ko sa usapang ito.Anyway habang nagnanakaw ako patago ng sulyap kay Ares, pansin ko na medyo tensed niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis mula sa noo niya kahit na malakas ang aircon sa lugar na ito.Bahagya akong napatawa sa aking nakita pero agad din na natikom ang bibig ko nang maglakbay sa direksyon ko ang titig ni Mama."So, sino ang magpapaliwanag nito?" panimula ni Mama nang hindi ako binibitawan ng kanyang titig."Verania? Will you please elaborate the situation?" dagdag pa ni Mama kaya agad na pumorma ang labi ko ng isang pilit na pilit na ngiti."Confidential Ma, para sa trabaho," saad ko at tila mas lalo siyang naghinala dahil pinaliitan niya lamang ako n
Verania’s Point of ViewAgad na naglakad ang mga paa ko pabalik sa bathroom para maligo. Nang matapos ang pagligo ko ay namili ako ng kasuotan ko.Konting damit na lamang ang natitira rito. Isang dress at tatlong pares na kasuotan which is shorts at t-shirt. Dahil hindi ko naman nais mag-dress lalo na kung puro gala ang inaatupag ko kaya, no choice ako kung hindi piliin ang shorts at t-shirt na kulay cream at shorts na maong. Hindi kaiklian pero hindi rin naman kahabaan, sakto lang talaga. Pero medyo matangkad nga ako umikli tingnan sa akin ang shorts na suot ko kaya napairap ako. Ngayon lang ulit ako magsusuot ng ganito sa labas.Nang tuluyan na talaga akong natapos sa pag-aayos ay agad na lumabas na nga kami ni Ares at dumiretso sa restaurant para mag-breakfast. Pancakes lang na medyo pinaarte ang kinain namin bago muling dumiretso sa cottage na malapit sa arkilahan ng mga bangka. Doon kasi ang meeting place kaya iyon ang pinuntahan
Verania's Point of ViewMasaya ang naging araw namin kahapon sa resort marami kaming nilibot at syempre nakakapagod, hapon nang maisipan na namin ni Ares na umuwi na rito sa mansyon nila dahil sinabi niya may check up siya.Maaga akong napabalikwas sa aking higaan dahil nga ngayon ang appointment namin sa ospital na magche-check sa mga binti ni Ares.As usual naka-t-shirt at track pants lamang ako. Pinartneran ko lamang ito ng rubber shoes nang maiayos ko ang sarili ko, gumora agad ako sa kwarto ni Ares para sunduin siya roon.Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Ares na pilit itinatayo ang sarili. Napangiti ako nang masilayan na medyo malaki ang improvement niya. Nakakatayo na siya kahit papaano ang kaso kailangan niya pa rin ng guide."Morning, Ares. Tara na," pagyaya ko at walang alinlangan siyang sumalampak pabalik sa kanyang wheel chair at sumunod sa akin.Bago ang lahat nag-agahan muna kami at nang matapos ay dumampot p
Verania's Point of View"Tapos na ba ang mga tanong mo?" tanong ni Alder sa isang malumanay na tinig.Pinatama ko ang mga mata ko pabalik sa kanya at halos malusaw ako nang magtama ang mga paningin namin. His eyes were on fire. Hindi ko alam kung naiinis, nagagalit o ewan. Basta, hindi ko maintindihan. I was lost for a moment then I heard the door swung open.Ako ang naunang umiwas ng tingin para silipin kung si Ares ba ang lumabas. Tama nga ako ng hinala dahil nang ilipat ko sa kanya ang paningin ko ay agad na nagsalpukan ang mga titig namin. His eyes were innocent but after seeing who am I with it turned cold. Hindi ko maintindihan pero simula pa noong magkita sila ni Alder noong unang araw na magpunta kami rito ng magkasama, ramdam ko na ang ibang tensyon sa kanila.I don't know what it is pero dahil makulit ako I want to know what it is."Verania, let's leave. Oras na ng check up ko," kaswal na pahayag ni Ares kaya
JOB 9Olivia's Point of ViewAgad na napaikot ang mga mata ko nang maupo sa tabi ko si Verania. Sa harap niya ay si Kuya Ares na dala na lamang ang kanyang saklay.Kasalukuyan kaming nasa dining room lahat. Yes, narito rin si Mom and Dad. Tahimik lamang akong kumakain at sumusubo ng akin pagkain sa aking upuan at alam kong ganoon rin sila."Ehem," si Dad kaya agad na naglakad sa kanya ang atensyon ng mga mata ko.Why did he call for our attention?"Since we finally got the time to eat together, naisip ko na simulan na ang topic na 'to. Ang bagay tungkol sa kasal nina Ares at Verania," malumanay na pahayag ni Dad sa amin nang makuha na nga niya ang atensyon niya.Nagkusa naman ang leeg ko na lumingon sa direksyon ni Kuya Ares matapos kong makapakinig ng sinabi ni Dad. Kitang kita ko sa reaksyon ng nga mata niya, gulat siya sa sinabi ni Dad.Kahit naman ako magugulat kapag nalaman kong ikakasal n
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para
Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay
Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a
Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."