Home / All / Just a Job / Chapter 4.1

Share

Chapter 4.1

Author: sonorouspen
last update Last Updated: 2021-10-19 17:23:32

Verania's Point of View

Dahil nga naitulak na ako sa pool ng kapatid ni Clara, wala na akong choice kung hindi samahan nang magtampisaw sa tubig ang batang 'yon. Mabuti na lamang at may doble akong cycling shorts kung hindi magtatampisaw ako rito ng naka-track pants.

"Mabuti at marunong kang lumangoy," puri ko kay Sandra na ang galing magpalutang ng sarili sa tubig.

"Ate Vera dito ka raw nakatira?" mataray na tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" umarko ang kilay ko nang ibato ko sa kanya ang patanong na sagot kong iyon. Bakit kasi ang taray taray niya...

"Hindi ka naman mang-aagaw ng jowa 'di ba?" tanong niya pa na nagpalaglag ng panga ko.

Aba't kay bata-bata alam na ang mga ganoong bagay!

"Hindi 'no!" agad na depensa ko kaya napasinghap siya.

"Sure? Boyfriend siya ni Ate..." wika niya kaya napailing ako.

"Oo naman, aanhin ko si Ares? Nagtatrabaho lang naman ako dito ano, nurse, driver, bodyguard..." wika ko at nanlaki ang mga mata niya.

"Nurse? Meron ka ng mga injection? Yung may karayom na kasing laki nito?" saad niya sabay pakita ng index finger niya sa akin kaya napatawa ako.

"Oo, gusto mo iturok ko sa 'yo dahil sa pagtulak mo sa akin kanina?" tanong ko habang naka-arko ang kilay.

"No! Ayoko," takot na saad niya at medyo napalakas yata iyon dahil umepal si Ares.

"Are you frightening her?" saad ni Ares mula sa malayo kaya inilipat ko ang matalim na paningin ko sa kanya sabay kunot ng noo.

"Pwede ba, Ares?" inis na saad ko at inirapan siya nang marinig ko ang mahinang paghagikgik ni Sandra.

"Laging ganyan si Kuya Ares kapag may nang-aaway sa akin."

"Hindi naman kita inaaway ah?"

"Hayaan mo na siya, Ate. Dahil cool ka, bati na tayo," saad niya kaya napasinghap ako.

Hindi naman kami nagaway, bakit kami magbabati?

"Bodyguard ka rin sabi mo? Edi nakahawak ka na ng shotgun 'te?" tanong niya kaya napatawa ako kaya umarko ang kilay niya.

"Shotgun? Hindi pa, pero yung ibang baril, oo nakahawak na ako," saad ko at napanguso siya.

"Ate, may tanong pa pala ako." saad niya kaya tiningnan ko siya habang lumalangoy.

Nang makarating siya sa may hagdanan ay naupo siya roon.

"Ano 'yon?" tanong ko gamit ang kaswal na tono.

"Ah, Ate type mo ba si Kuya Ares? Kasi sa mga napapanood ko sa TV namin laging magkaaway sa una yung nagkakagustuhan eh," saad niya kaya nasamid ako.

Seriously? Ano ba ang pinapanood nito at ganito na ang mga tanungan niya?

"Hindi nga, kulit nito! Imposibleng mangyari, okay? At pwede yung mga napagusapan natin ay tayong dalawa lang ang makaalam kasi kapag hindi tuturukan kita ng karayom..." pananakot ko pero natawa lamang siya at tumango.

"Hehe, ate okay!" masiglang sagot niya at umahon na kami mula sa pool.

"Magpapalit na ba tayong damit?" tanong niya sabay takbo niya papunta sa table na hindi kalayuan sa pool.

"Bakit? Wala ka na bang balak mag-swimming pa?" saad ko sabay angat ng isa kong kilay.

"Hmm..." wika niya at kumunot pa ang noo na tila nag-iisip.

"Eenie meenie, miney mo... pwet ng kabayo kamukha mo... babalik, babalik sa dati mong pwes...to!" pagkanta niya habang palipat-lipat ang hintuturo sa pool at sa bag niyang nasa table.

Tumigil ang daliri niya sa bag at ngumisi.

"Magbanlaw na tayo, Ate!" saad niya kaya napataas ang kilay ko.

"E, papaano si Kuya Ares mo? Binabantayan ko siya..." saad ko kaya napanguso siya.

"Okay, mamaya ka na lang magbanlaw. Pero maglaro na muna tayo!" masiglang saad niya at napakurap ako sa mabilis na pagpayag niya.

"Magpalit ka muna ng damit mo pang-itaas baka sipunin ka pa ipahid mo pa sipon mo sa 'kin," saad ko at napahagikgik siya sabay lingon sa damit ko.

"Hehe Ate Vera, sexy ka pala!" nakangiting saad niya sabay hablot sa bag para kumuha ng damit pamalit.

Napakamot batok ako saka napailing at hindi sinasadyang napalingon sa pwesto nina Ares. Nakalingon siya rito at nakaangat ang isang kilay pero nang magtama ang mga mata namin ay agad na umiwas siya. Problema no'n?

Nang makakuha na nga si Sandra ng damit ay agad niya itong iniabot sa akin. Alam ko na ang nais niyang iparating nang kuhanin ko iyon.

Itinaas niya kasi ang dalawa niyang kamay at isa lang ang ibig sabihin nito, nagpapabihis siya sa akin. Nang mabihisan ko siya agad siyang umupo sa upuan na nasa tabi ng table kaya ako rin naman ay naupo sa harap niya sa kung saan tanaw na tanaw ko sina Ares. Hindi porket may alaga pa akong isa ay hahayaan ko na ang isa.

"Ano nga pala ang lalaruin natin?" tanong ko nang mapansin na nagkakalkal na naman siya sa bag niya na akala mo ay bulsa ni Doraemon dahil hirap na hirap yata siyang kunin ang bagay na kinukuha niya dahil sa dami ng laman.

"Ate wait lang," wika niya kaya umarko na naman ang kilay ko sabay pinag-ekis ang braso ko sa harap habang naghihintay sa kanya.

Nagulat na lamang ako nang sumigaw si Ares hindi kalayuan sa amin.

"Vera!" malakas na tawag niya kaya hindi pa nakakalipas nag ilang segundo ay nakapag-martsa na ako patungo sa harapan niya.

"Ano iyon? Kamahalan?" inis na wika ko dahil may kausap na nga siyang iba nang-iistorbo pa.

Nagulat ako nang may iabot siya sa akin na tuwalya...tila nakonsensya ako sa pagsusungit ko kani-kanina lang.

"Baka lamigin ka," kaswal na saad ni Ares at napalingon ako kay Clara.

Nakangiti lang siya kaya napapakamot batok ako nang kunin ko ang tuwalya na inaabot ni Ares.

"Salamat," maikling wika ko sabay balik sa kinauupuan ko.

Saktong pag-upo ko naman ay nahanap na ni Sandra ang kinakalkal niya sa bag na dala niya.

"Yehey! Nahanap ko na!" masayang saad niya at nagmulagat ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyon. Baraha! Oo baraha! Anong trip nitong batang ito at sa lahat ng laruan na pwedeng dalhin ay baraha pa!

"Iyan ba ang lalaruin natin?" gulat na tanong ko at napatango siya agad.

"Oo naman!" masiglang sagot niya kaya napakurap ako ng ilang beses. Iba talaga nag batang 'to.

"Masaya 'to, alam mo 'yung tongits 'te?" tanong niya nang hindi na naman ako nakapagsalita.

"Oo naman, bakit iyon ba ang lalaruin natin?"

"Oo Ate! Ano, tara?"

"Hindi ka ba papagalitan ni Clara? Baka magalit siya sa atin," kaswal na tanong ko at umiling siya.

"Hindi siya magagalit, nakalaro ko na siya!" saad niya kaya napailing ako.

"Saan ka natuto nito?"

"Sa ads ng youtube 'yung sa games ng tongits sabi magkakapera ako e wala naman hmp! Bibili sana akong glue gamit 'yon e, panggawa ng slime," saad niya kaya napatawa ako.

"Hala, ang yaman yaman mo tapos bibili ka lang ng glue sa tongits pa, eh kung sinabi mo 'yan sa magulang mo... e 'di tapos!" saad ko at napakamot siya sa batok niya sabay nguso pa.

"Ayaw ni Mommy, dinidikit ko raw yung slime sa buhok ko," saad niya kaya halos masamid ako sa pagtawa.

"Baka daw masira lang buhok ko kakagamit ng iba't ibang tricks pang-tanggal ng dikit," saad niya at pinamigay na niya ang baraha.

"Huwag mo na uulitin 'yon ha?" saad ko at napataas siya ng kilay sabay sulyap sa akin.

"Ang alin 'te? 'Yung idikit ang slime sa buhok ko?" tanong niya at napasinghap ako.

"Oo 'yan, tsaka 'yong naglalaro ka online para magkapera. Minsan scam pa 'yon, ano pa mangyari sa 'yo. Tsaka huwag na huwag kang hahanap ng pera sa laro. Sugal 'yon baka maadik ka," medyo napahabang paliwanag ko at napatango siya habang nakanguso.

"Okay, Ate Vera," saad niya nang matapos siyang mamigay ng cards.

Habang kasalukuyan kaming naglalaro, napansin ko ang kinalulugaran nina Ares at Clara na masayang-masaya na nag-uusap.

"Matagal na bang nililigawan ni Ares yung ate mo?" tanong ko habang diretso pa rin ang tingin kay Ares na alam kong hindi alam na tinititigan ko siya.

"Matagal na 'te. Lagi nga dumadalaw si Kuya Ares sa bahay kapag sabado ng gabi nagbibigay ng luto niya. Tapos naririnig ko rin kapag lunch na hinahatidan ni Kuya Ares si Ate Clara ng pagkain sa ospital," mahabang kwento niya kaya kumunot ang noo ko sabay sulyap kay Ares.

"Madalas niyang ginagawa 'yon?" tanong ko at tumango si Sandra kaya suminghap akong muli.

--

snsp

Related chapters

  • Just a Job   Chapter 4.2

    Verania's Point of ViewTwo months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya."Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot."Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong."Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon."Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra."Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya."Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon."Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na

    Last Updated : 2021-10-19
  • Just a Job   Chapter 5.1

    Verania's Point of View"Birthday ni Archer ngayon pinsan namin, may party sa resort nila. Pupunta kaming lahat, sasama ka?" dire-diretsong bira ni Olivia sa akin gamit ang mataray na tono niya."Of course, Vera would join us. Magiging parte na siya ng pamilyang ito soon, dapat masanay na siyang kasama tayo..." saad ni Tito Stanley na tinapik ako sa balikat.Nasamid naman ako agad sa aking narinig at bahagyang ngumiti na lamang."Tsk, swimming birthday party 'yon, baka gusto mo magdala ng swimsuit," maarte ang tono ni Olivia nang banggitin niya 'yon.Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Ares."Hindi siya magsu-swim suit. Maraming tao roon, hindi niya magugustuhan," saad ni Ares kaya umangat ang kilay ko at nagpigil ng tawa lalo na nang magkatinginan kami ni Tito Stanley.Napailing siya at naunang sumakay sa sasakyan niya na maraming bodyguards."Ares, huwag namang ganyan. Tanungin mo rin ang gusto ni V

    Last Updated : 2021-10-20
  • Just a Job   Chapter 5.2

    Verania's Point of View She's crazy! Kapag malapit siya sa akin pinapakita niya talaga sa akin kung gaano niya ako kaayaw! Malamang mas lalo niya akong naging hate nang malaman niya na magpapakasal kami ni Ares (which is not true dahil palabas lang ang lahat.) "So papaano 'yung damit ko nito? Hanggang sa isang araw nakaganito ako? Hindi naman kaya ako mag-amoy lupa?" saad ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Ares. "Hindi naman siguro... saka wala ka bang balak umuwi para kumuha ng damit mo?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Sa tingin mo maiiwan kita? Sa tingin mo matatanggal ko pa ang mata ko sa 'yo gayong naka-wheel chair ka na? Gusto mo ba akong matanggalan ng trabaho?" sunod-sunod na litanya ko, kaya narinig ko lang siyang magbuntong-hininga. "There's a night market later, you can buy there some clothes," saad niya matapos na bahagyang mag-isip. "Oh yeah, might check it later," saad ko naman p

    Last Updated : 2021-10-20
  • Just a Job   Chapter 6.1

    Verania's Point of View"Ayos ka lang?" tanong ni Ares halos mapatalon ako nang hawakan niya ang palad ko para mapunta ang paningin ko sa kanya."Huh? Oo ayos lang!" sagot ko at napalunok nang muling magtama ang paningin namin.Inilagay ko na ang mga pinamili ko sa hotel room namin at ngayon nasa mismong venue na nga kami ng party sa resort. Kasalukuyang nagkakainan ng mga handa kaya ganoon na rin ang ginawa namin ni Ares.Noong una sarili naming dalawa ang table hanggang sa naupo ang pinsan ni Ares. If I am not mistaken his name is Apollo. Masungit din ito at damang dama ko ang pagkaseryoso. Uh he's like, girl version ni Olivia pagdating sa kasungitan."Finally got yourself a girlfriend dude?" sarkastikong tanong ni Apollo kay Ares kaya umikot ang mga mata ni Ares sabay subo ng chocolate cake na kinuha ko para sa kanya. Iyon daw ang gusto niyang dessert kasama ng ibang pagkain na ipinakuha niya."Hey you, you're familiar. A

    Last Updated : 2021-10-21
  • Just a Job   Chapter 6.2

    Verania's Point of View"Okay sir, to our destination!" saad ko na tila ako ay isang computer program na nagsasalita."Tsk, what is that for?" tanong niya bago ko itulak ang wheel chair niya nang mas mabilis kaysa kanina."Wala lang gusto ko lang naman na ganoon magsalita," pahayag ko at natahimik na kami.Nakarating na kami sa hotel room namin na nasa fourth floor pa at doon na muli nakapagusap."I'll go to the bathroom," paalam niya na agad ko namang pinayagan kaya naupo ako sa sofa. Mayroon din kasing parang living room dito sa hotel room. Nasa tabi iyon ng kama at sa maliit na living room ay may television din. Nais ko sanang buksan pero naisip ko huwag na lamang.Habang nakatulala ako sa television na hindi nakabukas ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa sabay dakot sa phone ko para masilip kung ano man ang dahilan ng pang-aabala sa aking pagkatulala.Napata

    Last Updated : 2021-10-21
  • Just a Job   Chapter 7.1

    Verania's Point of ViewDahil sa naging reaksyon ni Mama sa amin, kahit na handa na sa pagtulog si Ares ay bumalik siya sa kanyang wheel chair at nagpunta sa mini-living room upang makipag-usap kay Mama, syempre kasama rin ako. Kailangan din kasi ang kaalaman ko sa usapang ito.Anyway habang nagnanakaw ako patago ng sulyap kay Ares, pansin ko na medyo tensed niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis mula sa noo niya kahit na malakas ang aircon sa lugar na ito.Bahagya akong napatawa sa aking nakita pero agad din na natikom ang bibig ko nang maglakbay sa direksyon ko ang titig ni Mama."So, sino ang magpapaliwanag nito?" panimula ni Mama nang hindi ako binibitawan ng kanyang titig."Verania? Will you please elaborate the situation?" dagdag pa ni Mama kaya agad na pumorma ang labi ko ng isang pilit na pilit na ngiti."Confidential Ma, para sa trabaho," saad ko at tila mas lalo siyang naghinala dahil pinaliitan niya lamang ako n

    Last Updated : 2021-10-22
  • Just a Job   Chapter 7.2

    Verania’s Point of ViewAgad na naglakad ang mga paa ko pabalik sa bathroom para maligo. Nang matapos ang pagligo ko ay namili ako ng kasuotan ko.Konting damit na lamang ang natitira rito. Isang dress at tatlong pares na kasuotan which is shorts at t-shirt. Dahil hindi ko naman nais mag-dress lalo na kung puro gala ang inaatupag ko kaya, no choice ako kung hindi piliin ang shorts at t-shirt na kulay cream at shorts na maong. Hindi kaiklian pero hindi rin naman kahabaan, sakto lang talaga. Pero medyo matangkad nga ako umikli tingnan sa akin ang shorts na suot ko kaya napairap ako. Ngayon lang ulit ako magsusuot ng ganito sa labas.Nang tuluyan na talaga akong natapos sa pag-aayos ay agad na lumabas na nga kami ni Ares at dumiretso sa restaurant para mag-breakfast. Pancakes lang na medyo pinaarte ang kinain namin bago muling dumiretso sa cottage na malapit sa arkilahan ng mga bangka. Doon kasi ang meeting place kaya iyon ang pinuntahan

    Last Updated : 2021-10-22
  • Just a Job   Chapter 8.1

    Verania's Point of ViewMasaya ang naging araw namin kahapon sa resort marami kaming nilibot at syempre nakakapagod, hapon nang maisipan na namin ni Ares na umuwi na rito sa mansyon nila dahil sinabi niya may check up siya.Maaga akong napabalikwas sa aking higaan dahil nga ngayon ang appointment namin sa ospital na magche-check sa mga binti ni Ares.As usual naka-t-shirt at track pants lamang ako. Pinartneran ko lamang ito ng rubber shoes nang maiayos ko ang sarili ko, gumora agad ako sa kwarto ni Ares para sunduin siya roon.Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Ares na pilit itinatayo ang sarili. Napangiti ako nang masilayan na medyo malaki ang improvement niya. Nakakatayo na siya kahit papaano ang kaso kailangan niya pa rin ng guide."Morning, Ares. Tara na," pagyaya ko at walang alinlangan siyang sumalampak pabalik sa kanyang wheel chair at sumunod sa akin.Bago ang lahat nag-agahan muna kami at nang matapos ay dumampot p

    Last Updated : 2021-10-23

Latest chapter

  • Just a Job   Wakas

    Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh

  • Just a Job   Chapter 40

    Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.

  • Just a Job   Chapter 39.2

    Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.

  • Just a Job   Chapter 39.1

    Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad

  • Just a Job   Chapter 38.2

    Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih

  • Just a Job   Chapter 38.1

    Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para

  • Just a Job   Chapter 37.2

    Third Person’s Point of View Tumango ito sa kanya sinabi na nagpakampante sa puso ni Ares kaya marahan siyang lumapit sa kanila at sinubukang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan, sapagkat sa mata ng batang si Ares, mukhang may kakaiba roon at gaya ng bagay na tuwang-tuwa siyang gawin, inilabas niya ang maliit na notebook mula sa bulsa at isang recording pen."Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ni Tirso subalit, sa halip na sagutin ay binigyan niya lamang ang kaibigan ng napakasamang titig.Pinatalas ang tenga at siya na nga ay seryosong nakinig sa usapan. Hindi niya man maintindihan sa kaloob-looban niya, hindi niya maikakaila na ang ganitong usapan ang gustong gusto niya sapagkat maraming bagay ang lumalabas.Isa pa pangarap ng bata niyang damdamin ay

  • Just a Job   Chapter 37.1

    Third Person's Point of View"Bakit niyo ba ito ginagawa?" ramdam sa tinig ni Vera ang kaba nang itanong niya 'yon sa nakangising si Gustavo.Isa-isa namang nagsipasok ang iba pang tauhan ng mga kalaban sa loob ng kwarto na mas lalong nagpalakas sa kalabog sa dibdib ni Vera.Hindi na niya alam kung anong bagay ang maaaring gawin sa kanila."Bakit?" nanghihinang katanungan pa ni Vera."Kanina ko pa talaga nais i-kwento sa 'yo ang lahat ng kadahilanan, hinintay ko lang dumating ang mga sorpresa ko sa 'yo," pahayag ni Gustavo at nanatiling kabado si Verania."Dahil mukhang interesadong-interesado ka, inaasahan ko ang masigasig mong pakikinig sa bawat detalye ng a

  • Just a Job   Chapter 36.2

    Verania’s Point of ViewPansin ko rin ang mga mata ni Cristoforo na kanina pa ako pinagmamasdan, para niyang kinakaawaan ang kalagayan ko ngayon. Binalewala ko na lamang ang bagay na 'yon at hinintay sumagot si Gustavo na kanyang ama."Ah, huwag kang mag-alala, hindi siya kasama rito," may ngising sagot niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkalma sa aking kaloob-looban."And I want to tell you something..." napatigil si Gustavo sa pagsasalita para balingan si Cristoforo na nasa akin pa rin ang pares ng mga mata."Ano? Ano ang sasabihin mo?" usisa ko na hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kay Cristoforo."Cristoforo is the gunner of Ares' car. Cris told me you saw his eyes that night."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status