Share

Kabanata 195 Big Shot sa Entertainment Industry

Nanigas ang mukha ni Chloe, nakaramdam siya ng matinding pait at lungkot na bumalot sa puso niya. Totoo nga, nasa isang contractual relationship lang sila. Kahit na mayroong ilang sandali ng sweetness sa umaga, hindi pa rin balanse ang relasyon nila.

“Sige, mali ko na. Hindi na ako magsasalita,” Mahina niyang pag-amin.

Gayunpaman, hindi natuwa si Joseph sa simpleng paghingi niya ng tawad. Bagkus ay nakadagdag lang ito sa inis niya.

Hindi naglakas-loob si Lucas na mangialam at nagpatuloy na lang sa pagmamanaeho hanggang makarating sila sa villa.

Si Chloe ang unang lumabas ng kotse at pumasok sa bakuran. Kinuha niya si Toto para maglakad. Noong una, tuwang-tuwa si Toto na makita silang bumalik, pero ngayong naramdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa, bumagsak ang mga tainga nito at halatang hindi mapakali.

Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph at sinabing, “Huwag mo ilabas ang inis mo sa aso.”

Habang nakangiti nang peke, sumagot si Chloe. “Ayos na ba ang ngiting ‘to para sa mah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status