Share

Kabanata 194 Tumulong Akong Magbayad ng 28 Million na Legal Fees

“Pag-usapan natin ‘to bukas. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga sa bahay,” Sabi ni Chloe.

“Sure,” Sagot niya.

“Pero akala ko umalis ka na. Bakit ka bumalik?” Tanong niya habang naghihintay sila ng elevator.

Habang nakataas ang isang kilay, sumagot si Joseph. “Sino nagsabi sa iyong umalis ako?”

“So, hindi ka umalis? Nasa opisina ka lang simula kanina?”

“Busy ako kanina at nang matapos ako, halos alas diyes na,”Paliwanag niya.

Sa madaling salita, hinihintay niya na kanina pa si Chloe.

Pilyang ngumiti si Chloe, nagniningning ang mga mata niya, “Ganoon ba…”

‘Ayaw niyang aminin na hinihintay niya ako!’

Sa loob ng elevator, sumandal si Joseph sa pader, manipis ang baywang niya at malapad ang balikat. Malamig niyang tiningnan si Chloe at suminghal.

Nabihag siya sa charm nito, ilang segundo siyang tinitigan ni Chloe. Ang totoo, naghinala na siya na hindi si Joseph ang tito ni Jake noong una niya itong nakilala sa bar. Lalo na, masiyado itong gwapo para maging tito ni Jake. Kahi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status