“Pag-usapan natin ‘to bukas. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga sa bahay,” Sabi ni Chloe.“Sure,” Sagot niya.“Pero akala ko umalis ka na. Bakit ka bumalik?” Tanong niya habang naghihintay sila ng elevator.Habang nakataas ang isang kilay, sumagot si Joseph. “Sino nagsabi sa iyong umalis ako?”“So, hindi ka umalis? Nasa opisina ka lang simula kanina?”“Busy ako kanina at nang matapos ako, halos alas diyes na,”Paliwanag niya.Sa madaling salita, hinihintay niya na kanina pa si Chloe.Pilyang ngumiti si Chloe, nagniningning ang mga mata niya, “Ganoon ba…”‘Ayaw niyang aminin na hinihintay niya ako!’Sa loob ng elevator, sumandal si Joseph sa pader, manipis ang baywang niya at malapad ang balikat. Malamig niyang tiningnan si Chloe at suminghal.Nabihag siya sa charm nito, ilang segundo siyang tinitigan ni Chloe. Ang totoo, naghinala na siya na hindi si Joseph ang tito ni Jake noong una niya itong nakilala sa bar. Lalo na, masiyado itong gwapo para maging tito ni Jake. Kahi
Nanigas ang mukha ni Chloe, nakaramdam siya ng matinding pait at lungkot na bumalot sa puso niya. Totoo nga, nasa isang contractual relationship lang sila. Kahit na mayroong ilang sandali ng sweetness sa umaga, hindi pa rin balanse ang relasyon nila.“Sige, mali ko na. Hindi na ako magsasalita,” Mahina niyang pag-amin.Gayunpaman, hindi natuwa si Joseph sa simpleng paghingi niya ng tawad. Bagkus ay nakadagdag lang ito sa inis niya.Hindi naglakas-loob si Lucas na mangialam at nagpatuloy na lang sa pagmamanaeho hanggang makarating sila sa villa.Si Chloe ang unang lumabas ng kotse at pumasok sa bakuran. Kinuha niya si Toto para maglakad. Noong una, tuwang-tuwa si Toto na makita silang bumalik, pero ngayong naramdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa, bumagsak ang mga tainga nito at halatang hindi mapakali.Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph at sinabing, “Huwag mo ilabas ang inis mo sa aso.”Habang nakangiti nang peke, sumagot si Chloe. “Ayos na ba ang ngiting ‘to para sa mah
Isang lalaking nasa kaniyang forties ang lumabas ng kotse, kagalang-galang ang kaniyang hugis parisukat na mukha. Simple lang ang suot niya, pero mayroong napakamahal na Blue Tiger’s Eye necklace sa leeg niya.Nakilala ni Ava ang lalaki na nasa ahrapan niya, bumugso ang pananabik sa puso niya. Siya ang tycoon na kumokontrol sa entertainment industry, marami na itong natayong film at television companies. Marami sa mga sikat na artista ngayon ang galing sa kumpanya niya.Gayunpaman, bihira siyang magpakita sa publiko. Bakit bibisita ang isang prominanteng tao sa isang tagong lugar?Nang unang makita ni Calvin si Ava, makikita ang pagkadismaya sa mukha niya, kinumpara niya ito sa kaniyang anak, nalulungkot na hindi nito namana ang genes ni Luciana. Kahit nadismaya siya noong una, lumambot ang ekspresyon ni Calvin nang maisip na ang babaeng ito ay kadugo ni Luciana.“Anong pangalan mo?” Marahan niyang tanong, may pananabik sa kaniyang mga mata.“Mr. Calvin, pasensya na sa nangyari. B
Mas gugustuhin niya pang tiisin ang galit ni Joseph kaysa hayaan si Ellie na samantalahin ang paghihirap.Determinadong naglakad si Chloe papunta sa elevator nang hindi na lumilingon. Mabilis siyang sinundan ni Ellie, para bang susubukan niyang pigilan si Chloe. Gayunpaman, huminto siya sa tapat ng elevator, pinanood na huminto ito sa pinakamataas na floor. Nang makita yun, bumalik siya sa marketing department nang nakangiti.Ilang colleague ang lumapit sa kaniya at nag-aalalang nagtanong, “Ellie, pumunta ba talaga si Chloe kay Mr. Joseph?”Bumuntong-hininga siya at sumagit, “Well, oo, sinubukan ko siyang pigilan. Sinabi ko pa sa kaniya na pwede namin hatiin ang bonus, pero wala siyang pakialam. Pinilit niyang makuha ang buong 3 thousand.”“Wow….ang sakim naman niya…”*Habang nakatayo sa labas ng opisina ni Joseph, malakas ang loob na kumatok si Chloe sa pinto. Hindi na niya hinintay ang sagot, binuksan niya na ito at pumasok sa loob.Ilang department executives ang sunod-sunod
Naiilang na tiningnan ni Chloe si Lucas. “Ayos lang. Tatayo na lang ako.”Nasa opisina sila ngayon at importante ang tamang decorum, lalo na pag may ibang tao.Matalim ang tingin ni Joseph kay Lucas at agad naman naintindihan yun ni Lucas. “Aalis na ako,” Sabi niya.Natahimik si Chloe. ‘Oh well, mukhang uupo na lang ako. Hindi naman ito ang unang pagkakataon. Iisipin ko na lang na libreng cushion ‘to.’Nang maupo siya sa lap ni Joseph at ayusin ang kaniyang posisyon, may sumagi sa isipan niya. Lumingon siya kay Joseph at sinabing, “Siguraduhin mong hindi ako matutusok ng belt mo ngayon.”Medyo namula ang gwapong mukha ni Joseph habang mahinang sumasagot, “Manahimik ka.”Tinikom ni Chloe ang mga labi. Napansin niyang sa tuwing walang maisagot si Joseph, pinapatahimik na lang siya nito.Pinindot ni Joseph ang mouse, at lumabas ang surveillance footage sa labas ng marketing department kagabi.Mga bandang alad dies, dahan-dahang nagpunta si Ellie malapit sa department. Nagdala siya
“Hmm? Ano yun?”“Huwag niyong hayaan na pagitnaan kayong dalawa ni Xavia. Tapos na ang kabanata nila, at ikaw na lang ang mahalaga sa kaniya ngayon. Nang mag-away kayo kahapon, buong umagang masama ang mood niya. Saka lang siya sumaya nang kaunti nang dumating kayo.”Kabadong nagtatrabaho si Lucas buong umaga sa takot na magalit niya si Joseph.Tiningnan ni Chloe si Lucas, pinagmasdan niya ang itsura nito. Malambot ang facial structure nito at bahagyang kayumanggi ang balat, mukha siyang masiglang tao. Dahil alam niyang maganda ang intensyon ni Lucas, umiling lang siya. “Alam mo naman na peke ang kasal namin, hindi ba? Matatapos ang kontrata. Wala na kaming relasyon pagkatapos nun.”“Ayaw niyo bang ipaglaban?” Tanong ni Lucas.“Anong dapat kong ipaglaban?” Sagot ni Chloe.“Nagpakita ng interes sa inyo si Mr. Joseph. May pag-asa kayo,” Paghimok ni Lucas,Umismid si Chloe. “Hindi naman niya direktang sinabi na mayroon siyang romantic feelings para sa akin. Sinubukan ko, pero hindi
“Kilala mo ba siya?” Tanong ni Ellie.“Nagtatrabaho si Chloe dati sa Baxon, at matagal na akong may interes sa kaniya,” Sabi ni Maurice.Nasurpresa si Ellie dito. HIndi niya inakala na nagtrabaho si Chloe dati sa Baxon, at mukhang matindi ang interes sa kaniya ni Maurice. “Humanap ka ng paraan para makipagkita agad sa kaniya. Wala akong pakialam kung anong gagawin mo, pero kailangan ko ng litrato bilang ebidensya,” Sabi niya.Sumagot si Maurice, “Hindi madali na makipagkita kay Chloe. Maingat siya pagdating sa akin.”“Gusto mong tulungan kita?” Tanong ni Ellie.“Huwag na natin ituring na tulong yun o hindi. Kapag tinulungan mo ako, makukuha mo rin ang gusto mo.”Nag-isip muna sandali si Ellie, napuno ng imahinasyon ang isip niya kung saan tuluyan ng nasira ang reputasyon ni Chloe, hanggang sa hindi na siya maging isa pang kakomptensya. Natuwa nang sobra si Ellie.“Sige, pero mas malaki ang ibabayad mo,” Sumang-ayon si Ellie*Simula nang dumating si Xavia sa Fairlight, pitong
Lumapit si Lucas, at sa harapan ni Chloe, sinabi niya sa lalaking sine-save ang number niya, “Pwede kang pumunta sa Finance para kunin ang sweldo mo ngayong buwan bago ka umalis.”Hindi yun naintindihan ng lalaki. “Pero hindi payday ngayon.”May napagtanto naman agad si Chloe. Natatakot niyang sinabi, “Sesante na ba siya…”Hindi yun sinagot nang diretso ni Lucas. “Malapit na.” Tiningnan niya ang bagong number na nakalagay sa phone screen ni Chloe bilang tahimik na payo.Agad naliwanagan si Chloe. Mabilis siyang naglakad sa direksyon kung saan umalis si Joseph.*“Nagpalitan lang kami ng number at wala kaming gnawa. Hindi malaking bagay na magpalitan ang mga colleague ng contacts.” Hinila ni Chloe ang manggas ni Joseph at snabi, “Pwede bang huwag mo siyang sesantihin…”‘Kung hindi, makokonsensya ako nang sobra. Parang kaedad ko lang ang colleague na yun. Siguradong marami siyang pinagdaanang hirap para makapasa sa interview sa recruitment process.’Gayunpaman, tumawa lang dahil
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti