Walang ganang pinagmasdan ni Chloe si Ava. “Hindi na yun kailangan. Hindi ka ba natatakot na bumaho ang pink coat mo sa ganitong kainit na panahon!?”“Bobo! Hindi nakadepende sa panahon ang fashion. Wala kang alam.” Nagsalita ang gwapong lalaki na nasa tabi ni Ava, kitang-kita ang inis sa mukha nito.Dahil malapit sila kay Chloe, napansin niya na naka-makeup ang gwapong lalaki. May foundation at lipstick ito. Sa unang tingin, gwapo siyang tingnan pero kung titingnan nang mabuti, kakaiba at androgynous ang itsura niya.Ayaw niyang kausapin sila. “Sabihin mo na. Bakit ka nandito, Ava? Kung nandito ka para magyabang, pasensya na pero hindi ako interesado.”Naghagis si Ava ng business card na para bang namimigay siya ng atm. “Ako na ngayon ang director ng Summertainment. Kapag naging celebrity ka ng kumpanya ko, pwede kitang ipakilala sa mayayamang tao para makuha mo ang tagumpay at maging mayaman ka buong buhay mo.”Sa nagdaang buwan, nalaman ni Ava kung paano tumatakbo ang entertain
Habang nakaharap sa malamig na tingin ni Joseph, tumakbo agad si Ava dahil sa takot. Hindi rin siya tumigil para tulungan ang lalaking nasa sahig.Tinago ng lalaki ang galit nang makitang iwanan siya ni Ava. Mas lumakas ang sigaw niya.Takot na takot si Chloe. Kumunot ang noo niya at bumulong, “Tatawag ba tayo ng 911 para sa kaniya? Huwag mo siya saktan masiyado.”“Ang duwag mo.” Malamig ang boses ni Joseph. Saka niya hinaplos ang ulo ni Chloe na parang hinihimas niya ang isang aso.“Nag-aalala ako sa iyo. Iligal na manakit ng tao. Baka i-blackmail ka niya.”Tiningnan niya nang mariin si Chloe, hindi malinaw ang emosyon sa mga mata niya. “Hindi mo kailangan mag-alala para sa akin. Ingatan mo lang ang sarili mo.”‘Huwag ka maging sobrang tanga at maapi ng iba.’Naalala ni Chloe kung paano tinuruan ng leksyon ni Joseph si Ava kanina. Binigyan siya nito ng sense of security na para bang wala siyang dapat ikatakot kapag nandito ito….Sa sandaling yun, ninamnam niya ang isang bagong
Halos hindi makahinga si Chloe dahil sa halik, hilong-hilo na siya ngayon. Sa sandaling yun, hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Joseph.Tinitigan siya ni Joseph saka mala-demonyong ngumiti. Saka siya yumuko at saka nilagyan ng kulay ubeng hickey ang maputing leeg ni Chloe.Wala masyadong naramdaman si Chloe at akala niya ay hinalikan lang siya nito sa leeg. Nang bumalik siya sa opisina, sikreto siyang tinanong ng colleague niya, “Nagka-boyfriend ka na ba?”“Hindi.”Ngumisi lang ang colleague niya at wala ng sinabi.*“Ninong, may umaway sa akin. Huhu..”Hinanap ni Ava si Calvin para magreklamo at magpaawa.Isinantabi ni Calvin ang trabaho at sinuyo si Ava, “Sinong umaway sa iyo? Sabihin mo sa akin.”Iniwasan ni Ava ang malalaking isyu, minanipula niya ang katotohanan. Bilang resulta, pininta niya si Joseph bilang isang wala sa katwiran at bayolenteng lalaki.Kumunot ang noo ni Calvin, pinag-iisipan nang mabuti ang sitwasyon. “Hindi ko pa nakikita sa personal si Joseph, p
Dumilim bigla ang mukha ni Joseph.Nakatalikod si Chloe mula sa bakuran. Nang marinig niya ang tunog, tumalikod din siya at tumingin. Si Xavia na dalawang linggo na niyang hindi nakikita ay biglang dumating.Habang nakatulala si Chloe, tumayo si Joseph at lumabas.“Joe, nangulit bigla si Oreo at tumakbo palabas. Nasagasaan siya ng sasakyan at nasa vet ngayon. Kailangan daw ni Oreo ng blood donation. Pwede ko bang mahingi ang tulong ni Toto?” Dahil sa pagkataranta at pangangamba, hinawakan ni Xavia ang kamay ni Joseph.Binawi ni Joseph ang kamay niya at tumango. “Dadalhin ko si Toto at sasamahan kita.” Pumunta siya sa back garden para hanapin si Toto.Naiwan si Xavia sa kinatatayuan niya. Nang mapansin si Chloe, nahihiya siyang nagpaliwanag. “Pasensya na. Alam kong hindi ko dapat kayo istorbohin pero hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong bukod kay Joe.”“Ayos lang.” Tahimik na kumain si Chloe bago nakangiting nagtanong, “Aso mo ba si Oreo?”“Hmm, galing si Oreo at Toto sa
Walang tao sa lounge, walang senyales na may iba pang tap doon.Palihim na dinayal ni Chloe ang number ni Joseph at pinindot ang record button. Nagpanggap siyang naguguluhan, nagtanong siya, “Hindi ba dapat ay may internal interview dito? Bakit tayo nandito?”Sinara ni Maurice ang pinto sa likuran niya, hindi niya na napigilan ang sarili at sinunggaban na si Chloe. “Isa itong interview—-isang internal interview, one-on-one,” Sagot niya.Si Chloe na handa na ay humakbang sa gilid para iwasan siya, nanatali siyang kalmado. “Gaano kalaking pera ang binayad sa iyo ni Ellie para kumbinsihin kang gawin ‘to?” Tanong niya.Nagulat si Maurice, nagulat siya na mabilis agad itong nalaman ni Chloe. Ngumisi siya at sinabing, “Dahil alam mo na, hindi na ako magpapanggap. Hindi naman kalakihan, ilang libo lang. Pero hindi pera ang mahalaga dito. Ang mahalaga ay ang pinangakuan ko siyang ako na ang bahala sa iyo.”Humalukipkip si Chloe at sinenyasan niya si Maurice na lumapit gamit ang daliri niy
Natigilan si Maurice nang mapagtanto niya ang katotohanan. Nakalimutan niya ang sakit niya, napalitan ng pagkamangha ang ekspresyon niya nang tingnan niya si Joseph at saka hindi makapaniwalang lumingon kay Chloe.Hindi lang basta superior-subordinate ang relasyon ng dalawa. Walang kamalay-malay siyang dinamay ng tangang Ellie na yun sa gulong ito. Malinaw na kung bakit hindi naging problema ang pagnanakaw ng data sa Fairlight datI. Personal na nangialam si Joseph ngayon dahil may koneksyon ito kay Chloe.Nanlumo si Maurice dahil bumagsak sa kadiliman ang buhay niya. Dahil sa pangingialam ni Joseph, ang mga masasamang gawain ng Baxon ay lumabas sa financial world, kumalat ito na parang wildfire. Mabilis na tinapos ng maraming kumpanya ang kontrata nila sa Baxon, dahilan para bumagsak ang stock nila sa market value, hanggang sa nasa bingit na sila ng bankruptcy.Si Ellie na alam marahil ang mga nangyari ay ilang araw na hindi pumasok sa trabaho. Sa gitna ng lahat ng ito, nakatanggap
Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Xavia, pero mabilis siyang kumalma salamat sa kaniyang likas na magandang asal. Bumalik sa normal ang tingin niya, mayroon itong dalang sense ng superiority na natural na sa kaniya. “Sensitibo ang tiyan ni Joe. Ang preference niya sa mga pagkaing hinahanda mo ay patunay sa culinary skill mo. Aasahan kong aalagaan mo siya simula ngayon.”Magalang siyang nagsasalita, pero kung pakikinggan nang mabuti, para bang sinasabi niyang isang privilege ang alagaan si Joseph at dapat pahalagahan yun.Hindi maintindihan ni Chloe ang intensyon sa likod ng mabubuting salita ni Xavia, pero tumango pa rin siya bilang pagsang-ayon. “Oo naman,” Sagot niya. Kailangan niya lang alagaan ang isang masakit sa ulong g*go nang tatlong taon. Hindi niya kailangan sabihin kay Xavia na kailangan niyang gampanan ang parte niya sa kontrata. Naiintindihan yun ni Chloe.Ngumiti si Xavia bilang sagot at natahimik. Bilang artist, kitang-kita ang temparament niya—-mahinhin at elegante
Bahagyang nagdilim ang mukha ni Joseph habang nagtatanong, “Ayos na ba ang kaibigan?”“Mas maganda sana kung kapamilya niya.”“Wala siyang kamag-anak sa Aesper.”“Oh sige, sumunod ka sa akin.”“Kasama ka ba nila? Sumunod kayo sa akin at i-settle ang payment.” Nag-abot ng forms ang nurse kay Chloe na tinanggap naman yun.“Okay.”“Nasa first floor ang payment counter.”*Nilapag ng doktor ang test results sa harapan ni Joseph at seryosong sinabi, “Ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na diagnosed ng leukemia ang pasyente, at sa kasamaang palad, lumagpas na ang optimal treatment period.”“Ano?” Nanliit bigla ang pupils ng mga mata ni Joseph.“Nagpunta sa ospital nitong nakaraan ang pasyente para sa checkups. Hindi niya ba sinabi sa iyo?”“Hindi…”“Base sa kasalukuyang kondisyon ng pasyente, highly susceptible siya sa infections sa buo niyang katawan. Importante na alagaan mo ang emosyon niya at iwasan na magkaroon siya ng matinding emosyon. Importante ang positive mood para sa m
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti