Share

Kabanata 200 Ang Lakas ng Loob Niyang Pormahan Ang Babae Ni Joseph

“Kilala mo ba siya?” Tanong ni Ellie.

“Nagtatrabaho si Chloe dati sa Baxon, at matagal na akong may interes sa kaniya,” Sabi ni Maurice.

Nasurpresa si Ellie dito. HIndi niya inakala na nagtrabaho si Chloe dati sa Baxon, at mukhang matindi ang interes sa kaniya ni Maurice. “Humanap ka ng paraan para makipagkita agad sa kaniya. Wala akong pakialam kung anong gagawin mo, pero kailangan ko ng litrato bilang ebidensya,” Sabi niya.

Sumagot si Maurice, “Hindi madali na makipagkita kay Chloe. Maingat siya pagdating sa akin.”

“Gusto mong tulungan kita?” Tanong ni Ellie.

“Huwag na natin ituring na tulong yun o hindi. Kapag tinulungan mo ako, makukuha mo rin ang gusto mo.”

Nag-isip muna sandali si Ellie, napuno ng imahinasyon ang isip niya kung saan tuluyan ng nasira ang reputasyon ni Chloe, hanggang sa hindi na siya maging isa pang kakomptensya. Natuwa nang sobra si Ellie.

“Sige, pero mas malaki ang ibabayad mo,” Sumang-ayon si Ellie

*

Simula nang dumating si Xavia sa Fairlight, pitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status