Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Xavia, pero mabilis siyang kumalma salamat sa kaniyang likas na magandang asal. Bumalik sa normal ang tingin niya, mayroon itong dalang sense ng superiority na natural na sa kaniya. “Sensitibo ang tiyan ni Joe. Ang preference niya sa mga pagkaing hinahanda mo ay patunay sa culinary skill mo. Aasahan kong aalagaan mo siya simula ngayon.”Magalang siyang nagsasalita, pero kung pakikinggan nang mabuti, para bang sinasabi niyang isang privilege ang alagaan si Joseph at dapat pahalagahan yun.Hindi maintindihan ni Chloe ang intensyon sa likod ng mabubuting salita ni Xavia, pero tumango pa rin siya bilang pagsang-ayon. “Oo naman,” Sagot niya. Kailangan niya lang alagaan ang isang masakit sa ulong g*go nang tatlong taon. Hindi niya kailangan sabihin kay Xavia na kailangan niyang gampanan ang parte niya sa kontrata. Naiintindihan yun ni Chloe.Ngumiti si Xavia bilang sagot at natahimik. Bilang artist, kitang-kita ang temparament niya—-mahinhin at elegante
Bahagyang nagdilim ang mukha ni Joseph habang nagtatanong, “Ayos na ba ang kaibigan?”“Mas maganda sana kung kapamilya niya.”“Wala siyang kamag-anak sa Aesper.”“Oh sige, sumunod ka sa akin.”“Kasama ka ba nila? Sumunod kayo sa akin at i-settle ang payment.” Nag-abot ng forms ang nurse kay Chloe na tinanggap naman yun.“Okay.”“Nasa first floor ang payment counter.”*Nilapag ng doktor ang test results sa harapan ni Joseph at seryosong sinabi, “Ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na diagnosed ng leukemia ang pasyente, at sa kasamaang palad, lumagpas na ang optimal treatment period.”“Ano?” Nanliit bigla ang pupils ng mga mata ni Joseph.“Nagpunta sa ospital nitong nakaraan ang pasyente para sa checkups. Hindi niya ba sinabi sa iyo?”“Hindi…”“Base sa kasalukuyang kondisyon ng pasyente, highly susceptible siya sa infections sa buo niyang katawan. Importante na alagaan mo ang emosyon niya at iwasan na magkaroon siya ng matinding emosyon. Importante ang positive mood para sa m
Sinundan ni Chloe ang boses at nasaksihan si Xavia na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Joseph, tumutulo ang luha nito dahil sa saya.‘Pumayag ba talaga si Joseph sa hiling noya?’ Napaisip si Chloe, kumikirot sa sakit ang puso niya. Mahigpit na kumuyom ang mga kamao niya, sinusubukan niyang pigilan ang kaniyang emosyon, pero bigo siya. Parang mga tinik sa puso niya ang magkahawak na kamay ng dalawa. Nanlabo ang paningin niya, at bago pa makatakas ang mga luha, tumalikod na siya at tumakas, magulo at malungkot ang kaniyang itsura.Si Nathan na naramdaman ang tensyon sa kwarto ay napagtanto na hindi pa ito ang tamang oras na pumasok, kaya ngumiti na lang siya. “Iiwanan ko muna kayong dalawa. Ituloy niyo lang.”Kanina, hinawakan ni Xavia ang kamay ni Joseph bago pa bumukas ang pinto. Wala sa sarili sa sandaling yun si Joseph. Ilang segundo pa bago niya napagtanto ang nangyari bago mabilis na bawiin ang kamay niya, malayo ang kaniyang tono. “Magpahinga ka nang mabuti. May kailangan akon
“Gusto ni Xavia na mas makasama ka habang nasa chemotherapy siya,” Kalmadong sabi ni Chloe, binanggit niya ang mga salitang buong maghapon na nasa isip niya. “Didistansya na ako sa iyo simula ngayon. Pero huwag kang mag-alala, magpapanggap pa rin akong misis mo sa harap ng lolo mo at kung kailangan, pwede rin akong umalis sa bahay mo. Pero kung nagmamadali ka, baka kailanganin ko ng tulong mo para makahanap ng malilipatan.”Naintindihan agad ni Joseph ang mensahe ni Chloe, magkasalubong ang mga kilay niya. “So, basta kailangan ni Xavia, handa kang tumabi at iwanan ako nang hindi lumalaban?”“Hindi ba’t mahal na mahal mo ako?’Bumuntong-hininga si Chloe at sinabi ang totoo, “Gusto kong magkaroon pa rin ng dignidad.”Ayaw na niyang kumapit sa isang taong hindi naman sinusuklian ang nararamdaman niya. Minsan na siyang nalunod sa matindi niyang pagnanais na makaganti kay Jake, pero ngayon, hindi na niya yun kailangan.Natahimik ang buong kotse, nabalot ng lamig ang buo nilang ka
Habang mas dumidilim ang gabi, hindi nagpakita ng senyales nang pagtigil ang ulan. Dalawang oras na nakatayo sa gitna ng malamig na hangin si Chloe, namumutla na ang mukha niya sa lamig. Alam niyang wala na talaga siyang masasakyan kaya nagsimula na siyang maglakad, dahan-dahan niyang nilabanan ang ulan at hangin.“Sir, mukhang balak maglakad pauwi ni Ms. Chloe,” Report ni Lucas.Nagdilim ang mukha ni Joseph. ‘Mas gusto niya pang maglakad pauwi kaysa bumalik sa akin?’“Sundan mo siya,” Utos niya.Bumuntong-hininga si Lucas. Malinaw na may nararamdaman sa isa’t-isa sina Joseph at Chloe, pero wala sa kanila ang gustong isantabi ang kanilang mga pride.Habang lumalawak ang highway papunta sa Docwood, sunod-sunod na ang pagdaan ng mga sasakyan na dahilan para tumalsik ang tubig sa kalsada. Sa gitna ng kaguluhang ito, isang puting sedan ang dahan-dahang bumagal sa kalsada, magalang nitong nilapitan si Chloe.Hindi naramdaman ni Chloe ang presensya ng kotse. Hindi niya makontrol
Mahapdi ang nanunuyong lalamunan ni Chloe. Matagal na siyang hindi nakaka-inom ng tubig, dahilan para maging malat at mahina ang boses niya.“Tubig,” Sambit niya.Agad naman binitawan ni Joseph ang kamay niya at nagsalin ng tubig sa isang baso para sa kaniya. Tinungga naman yun ni Chloe, napawi ang uhaw sa kaniyang mahapding lalamunan. Pagkatapos nito, natahimik siya ulit.Pinisil ni Joseph ang baba ni Chloe, pinilit niya itong humarap sa kaniya. Nakaka-intimidate ang kaniyang presensya. “Anong iniisip mo?” Tanong niya.“Iniisip ko kung anong iniisip mo,” Sagot ni Chloe.“Alam mo na ba?” “May mga hula ako,” Sagot niya. “Kasal ka na pero nakikipagkita ka sa ibang babae. Habang gusto mo si Xavia, gusto mo rin ako.”Nakatitig si Chloe sa mga mata ni Joseph, tinatago niya ang matinding sama ng loob. Si Joseph ang nagpababa sa kaniya sa kotse, pero ngayon ay nagpapanggap itong nag-aalala sa kaniya. Napakasama talaga nitong lalaki.Ngumisi si Joseph. “Nagseselos ka ba?”Pagkatapos
Tinitigan ni Emily ang impormasyon tungkol kay Xavia sa Wikipedia, natulala siya. “Maganda siya, pero parang maldita ang dating niya. Mukhang hindi siya madaling makasundo, hindi tulad mo.”Ngiti na lang ang isinagot ni Chloe, sa tingin niya ay pinapagaan lang ni Emily ang loob niya. “Well, kilala siyang violinist. Natural lang na iba ang dating niya sa atin.”“Hah, mapagpanggap lang siya.”Sa sandaling yun, tumunog ang phone ni Chloe, at narinig niya ang boses ni Joseph, sinabi nito na dumating na siya.Nakaparada ang kotse ni Joseph sa hospital entrance. Habang lumalapit sina Chloe at Emily, masaya silang nag-uusap at tumatawa pa, hindi maiwasan ni Joseph na hindi mapansin ang magandang kulay at masiglang enerhiya ni Chloe. Makinang ang aura nito na para bang tuluyan na nga itong gumaling.Napangiti siya. Sa tingin niya ay magaling na nga ito at hindi nito maaapektuhan ang kakayahan nitong magbuntis balang-araw.“Ihahatid na kita pauwi, Emily,” Alok niya.Binuksan ni Chloe ang
Hinaplos ni Joseph ang buhok ni Chloe na para bang hinihimas niya si Toto. “Kasal na tayo. Ano pang klaseng relasyon ang mayroon tayo?”“Pumirma tayo ng kontrata, three-year term. Pagkatapos nun, magdi-divorce na tayo.”“Hindi natin kailangan mag-divorce.”“Hindi yun ang ibig kong sabihin.”“Gusto mong makipag-divorce?” Tanong ni Joseph, bakas sa boses niya ang galit.Umiling si Chloe at mariin na nagsalita, “Pwede tayong maghiwalay. Ang pag-ibig ay pag-ibig, at ang kontrata ay isang kontrata. Sa oras na pareho na natin naramdaman na handa ng umusad ang relasyon natin, hindi na natin kailangan pa ng kontrata.”Gayunpaman, kailangan niya pa rin bayaran ang perang utang niya kay Joseph.“Hindi ka naniniwala na magtatagal ang relasyon natin?”Gustong tumango ni Chloe dahil malaki ang pagkakaiba nila sa family background at social status, at natatakot siya na baka gusto lang ni Joseph ang relasyon dahil sa novelty nito.Gayunpaman, hindi niya yun masabi nang diretso. Umiling na la