Share

Kabanata 210 Wala Ka Bang Dapat Sabihin Sa Akin

Sinundan ni Chloe ang boses at nasaksihan si Xavia na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Joseph, tumutulo ang luha nito dahil sa saya.

‘Pumayag ba talaga si Joseph sa hiling noya?’ Napaisip si Chloe, kumikirot sa sakit ang puso niya. Mahigpit na kumuyom ang mga kamao niya, sinusubukan niyang pigilan ang kaniyang emosyon, pero bigo siya. Parang mga tinik sa puso niya ang magkahawak na kamay ng dalawa. Nanlabo ang paningin niya, at bago pa makatakas ang mga luha, tumalikod na siya at tumakas, magulo at malungkot ang kaniyang itsura.

Si Nathan na naramdaman ang tensyon sa kwarto ay napagtanto na hindi pa ito ang tamang oras na pumasok, kaya ngumiti na lang siya. “Iiwanan ko muna kayong dalawa. Ituloy niyo lang.”

Kanina, hinawakan ni Xavia ang kamay ni Joseph bago pa bumukas ang pinto. Wala sa sarili sa sandaling yun si Joseph. Ilang segundo pa bago niya napagtanto ang nangyari bago mabilis na bawiin ang kamay niya, malayo ang kaniyang tono. “Magpahinga ka nang mabuti. May kailangan akon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status